M
E
N
U

Claudette Part 1: Change Image

Posted in
Story: Fiction, English · Categories: Mature, Romance · Tags: , ,
Date: June 14, 2021 (1 month ago)


My name is Claudette, isang 26-year-old Civil Engineer.

Anim na buwan na ang nakalipas mula nang iwan ko ang dati kong nakagawian at niyakap ang aking bagong image. Parang artista lang ang peg. Hayaan nyong ikwento ko kung ano ang pinag-ugatan nito.

Galing ako sa isang Sagrado-Katolikong pamilya at ipinadala sa mga exclusive Catholic school for girls mula elementary hanggang high school. Ang turo ng mga madre ay huwag magsuot ng maiksi at nagpapakita ng laman, huwag makikipagtalik bago ikasal, manapalataya sa Diyos at magsimba linggu-linggo. Matapos ang high school ay napagpasyahan kong kumuha ng Engineering sa isang kilalang unibersidad. Dahil dito, ako ay tinaguriang one of the boys kahit na babaeng-babae ang aking puso. Nagkaroon na rin ako ng ilang nobyo ngunit tanging si Paul lamang ang naging pinakaseryoso. Nagkakilala kami ni Paul sa trabaho at mahigit dalawang taon ring nagsteady ang aming relasyon. Dahil civil engineer nga ako, madalas na ang get up ko ay polo shirt, jeans, boots or sneakers at hardhat. Nakapisan pa ako sa aking mga magulang dahil ako na lamang ang walang asawa at may kani-kaniyang pamilya na ang dalawang kuya ko. Uwian rin ako sa Rizal araw-araw dahil sa QC lang naman ang aking trabaho. Good girl pa rin ako. Bago mag-alas otso ng gabi ay lagi na akong nasa bahay kung kaya't tiwala sa akin ang aking mga magulang. Lagi rin akong bilad sa araw ng dahil sa aking propesyon kung kaya't hindi ako nagmemake-up. Hindi rin ako gaano nag-aayos dahil nga nagpapapractical lang. Hindi ko naman akalain na may ginagawa palang kababalaghan sa aking likod ang aking nobyo.

Matapos ang isang company celebration ay nalasing si Paul at sinabi ng aming mga kasama na ihatid ko na lang sa kanila. Wala namang kaso sa akin. Iniabot sa akin ng mga staff ang mga gamit ni Paul kasama ang kanyang cellphone at inihatid ko sa kanilang bahay sa Maynila. Hindi ko alam kung anong klaseng kutob ang meron ako nang gabing iyon kaya't binuksan ko ang kanyang messenger. Napansin kong may isa pang account. Nacurious ako at nilogin ang isa pang account. Hindi pa naman ako ma-Facebook na tao. 200 plus lang ata ang friends ko at halos wala akong naiupload sa timeline ko. Panay tag lang ng ibang tao. Hindi mo nga mahahalata na boyfriend ko si Paul kapag kinilatis mo ang aking timeline.

Laging gulat ko ng sumambulat sa akin ang isang conversation na punung-puno ng mga mahahalay na usapan at litrato ni Paul kasama ang isang pamilyar na muka. Anim lamang kaming babae sa opisina at hindi ako maaaring magkamali na ito ang aming HR Officer na si Precious. Puro sexting ang kanilang usapan sa chat. May mga litrato pa silang magkasama na halatang walang mga suot. Si Precious na HR, na dapat sumbungan ng mga work-related issues and concerns. Si Precious na kahit mahigit 100 ang lalaki sa construction firm at anim lamang kaming babae ay nagmamala-White Castle whiskey model sa aming mga company outing – bikining parang hindi na kasya, pula at parang luluwa ang kanyang mga suso. Walang kaso ito sa akin tuwing nakikita ko. Ika nga, to each his own. Kung feel niyang maging sexy eh di magpakita siya ng balat. Hindi ko pa naranasan magpakita sa mga tao sa opisina ng naka-bikini. Hindi rin ako nagpopost ng mga picture sa Facebook ng naka-bikini.

Hindi rin naman ako masyadong inosente. Katunayan, si Paul ang nakauna sa aking pagkabirhen. Sa dalawang taon naming magnobyo ay mga apat na pagkakataon na rin kaming nagtalik – dalawang anniversary namin at dalawang birthday niya. Hindi kami nagbbyahe ng magkasama out of town dahil ang katwiran ay baka kung ano ang masabi ng parents kong conservative. Hindi ko rin magawa ang ginagawa ng iba na nakakapag-Tback dahil kailangang palihim ko itong labhan sa aming tahanan dahil nga nakapisan ako sa aking mga magulang. In short, pati mga panty at bra ko ay ordinary lamang.

Agad kong isinara ang alternate account ni Paul sa fb messenger. Kailangan kong mag-isip mabuti at maging level headed sa aking susunod na gagawin. Tumutulo na ang aking luha pero pinigilan ko muna at hinayaan ko munang maibaba ko si Paul sa kanilang bahay.

"Tita, mauna na po ako. Hindi na po ako magtatagal. Uuwi pa po ako ng Rizal," paalam ko sa kanyang Mama. Inakay ng mga tambay sa kanilang lugar si Paul mula sa aking kotse papasok ng kanilang bahay. Lasing na lasing ito at mukang walang maaalala kinabukasan.

Ako naman at lambot na lambot at pinagpasya na dumaan muna sa simbahan kahit gabi na para makapag-isip ng maayos. Hindi ako confrontational na tao. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng iskandalo. At mas lalong hindi ko aawayin si Precious. Ayokong bumaba sa kanyang level. Napapaisip rin ako na baka ako lang ang hindi nakakaalam ng kanilang relasyon sa opisina. Hindi kaya't lahat ng mga nasa paligid ko at nananahimik na lamang? Para akong pinagsukluban ng langit at lupa. Akala ko ay forever na kami ni Paul. At akala ko kaya di niya ako gaanong ginagalaw ay dahil sa guilt na nararamdaman ko dahil sinusuway ko ang turo ng mga madre tungkol sa pakikipagtalik bago ang kasal. Tumutulo ang aking luha at ayoko naman tawagan ang bestfriend kong si Becca dahil bagong kasal ito at kasalukuyang naglilihi. Ayoko rin magkwento agad sa parents ko dahil gusto kong makapag-isip ng ako ang magdedesisyon para sa sarili ko. Naawa ako sa sarili ko. Ano ba ang kulang sa akin? Hindi ko ba maibigay ang sex sa kanya ng buong-buo? Anong meron kay Precious na wala sa akin bukod sa laging hapit na hapit ang suot nitong maiksing palda sa opisina? Wala rin syang bakat ng panty-lines kung kaya't pinagpipistahan ng mga lalaki kung nakathong ba raw ito. Siya ang tipo ng tao na hinuhubaran ng mga lalaki sa kanilang pantasya.

Paulit-ulit kong sinabi sa aking sarili na hindi ako pangit at walang kulang sa akin. Bakit ko ba naiisip na laging mahuhuli sa buhay ang mga good girls? May ipon ako sa bangko na kayang bumili ng sarili kong maliit na bahay at magsimula ng bagong buhay. Kailangan ko itatak sa isip ko na hindi ko ito kawalan.

Nakarating ako sa bahay at nagmano sa aking mga magulang. Nagkulong ako sa kwarto saka inihagulgol ang sakit na nararadaman. Kailangan walang makahalata na wasak na wasak ang puso ko. At gagalaw ako ng walang makakapansin. Wala akong pakialam sa anumang ipaliwanag sa akin, kung one night stand man yun or magfuckbuddies lamang sila. Ayoko na. I'm done. Nahimasmasan ako at nawala ang pagmamahal ko kay Paul.

Kinabukasan ay sinimulan ko na ang aking plano. Una, inupdate ko ang resume ko. Ano bang gagawin ko sa isang kumpanya na lahat ay nanahimik habang niloloko ako ng nobyo ko? Pangalawa, magchechange career ako. Ipinasa ko ang aking resume sa mahigit na 50 job postings sa Jobstreet. Kahit sa BPO. Wala na akong pakialam kung iwan ko ang construction. For a change, matry yung opisinang aircon, yung nakapalda rin ako sa opisina, yung makakapagmake-up ako sa trabaho. Yung nakaheels ako. Pangatlo, puputulin ko lahat ng communications namin, pati ng mga dating kaopisina, common friends once na may mahanap akong malilipatang trabaho. Pang-apat, magbabasa ako ng mga libro na makakatulong upang mas matuto kong mahalin ang sarili ko. Panglima, susubukan kong bumukod mula sa mga magulang ko, depende sa kalalabasan ng una kong plano.

Sumunod na linggo ay pumasok ako sa opisina na nagpapanggap na wala akong nakita o nabasa. Sabay pa rin kami kumain ni Paul ng tan...

About the Author :

C

Joined: May 23, 2021 (2 months old)
Writings: 4
Female  ·  Offline
Description:
You may comment on my stories but please don't private message me. I am a very private, happily married woman and mother of wonderful kids and dogs. I am just doing this as a hobby and past time. I have an 8 to 5 job with oncall duties.
37  ·  23  ·  28  ·  4,119
 · 

Comments
S
Salbahe_19
June 14, 2021 (1 month ago)

Next pls😊😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
alexdj
June 14, 2021 (1 month ago)

starting over again, is not easy. pero you are a strong woman.
ganyan sa buhay meron manloloko at niloloko. buti ng sa kay paul ganyan ginawa mo, professional way of handling problems, no fights, no nags, just your way of doing it peacefully and shutting them all away from your life for good. i like you and the way you handled your challenges. i hope may kasunod pa. thanks for sharing ur story

Reply  ·  Like (4)  ·  Report
T
Tagahanga
June 14, 2021 (1 month ago)

May kasunod ba author

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
C
CarmelArni
June 14, 2021 (1 month ago)

Marami po

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
tenten690
June 14, 2021 (1 month ago)

👍

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
J
Jade022
June 14, 2021 (1 month ago)

Strong independent woman. Wow I really admire Yung Gaya mu na matatag pagdating sa problem. Can I ask how do you find out this kind of site?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
CarmelArni
June 14, 2021 (1 month ago)

You'll find out in the next parts of the story :)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mhonbecca
June 14, 2021 (1 month ago)

Hihintayin ko ung next story mo idol.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
R
rxxx1005
June 14, 2021 (1 month ago)

wow
sana all nagawa yan  bago sumabak sa buhay pamilya ha ha ha
next update po

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jackstone
June 14, 2021 (1 month ago)

Very nice background story. The pacing is just right.

The buildup to the next chapter is breathtaking.

Eagerly awaiting what comes next 👍

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
C
c2kuno
June 14, 2021 (1 month ago)

Nice story..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Richdatu
June 14, 2021 (1 month ago)

👍😘

A simple guy with a simple lust

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
steelwing03
June 14, 2021 (1 month ago)

tama lng ang ginawa mo, eto kadalasan ang problema ng mga babae, once madevirginize hnd na nila kaya iwan ung lalaki. I salute you at sa mga bagay na ginawa mo, wag mong idown at iattach ang sarili mo sa isang lalaki

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
darkagezz14
June 14, 2021 (1 month ago)

Tama lng gnawa mo tinapos mo ang lht sa knya den mg umpisa k ulit..at tma lng ng move on k.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
superfranky
June 14, 2021 (1 month ago)

Interesting!  Ganda ng pagkasulat, tuloy lang, dadami readers mo.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
Bulba
June 14, 2021 (1 month ago)

Uyyyy ganda ng latag ng pagkakasulat ngayon na lang ulit ako nakabasa ng ganto dito. Sana mag tuloy tuloy. Wala gaanong scenes na totnak agad, sana more in teasing hahahaha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
M
MangPaeng
June 14, 2021 (1 month ago)

Ang Ganda ng pagkakasulat.  Mahusay ka miss CarmelaArni.  Ang buildup ng story ay gradual pero promising an exciting journey kasama ang readers. Hoping for a regular update po. Ngayon pa lang ay tagahanga mo na ako.  Keep it coming.  Thanks so much po.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
A
Abet_29
June 14, 2021 (1 month ago)

Strong women
Saludo ako sayo
Nxt pls
Abang abang lang

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
reicool
June 14, 2021 (1 month ago)

Bagong aabangan. Keep it up author. Cheers 🥂

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mattpain
June 14, 2021 (1 month ago)

Author pwede ba maging friends with you

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
N
noel2noel2
June 14, 2021 (1 month ago)

Is this a true story? P.S. Ganda ng pagkasulat.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kuatog
June 14, 2021 (1 month ago)

tipikal na hinubad lahat naligo at nagbihis ng panibago..walang bakas na iniwan o amoy ng nakaraan...👌👌..ang tapang mo mam

basta masarap go !!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Badongskie
June 15, 2021 (1 month ago)

Great start, author. I love the way you write. Very organized and with taste ang mga words na ginagamit mo. Hindi mahirap basahin dahil you have placed your punctuation marks in the right places. I can't wait to read the next chapters of this story.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments