M
E
N
U

Sex Note 12

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Mind Control, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy · Tags: , ,
Date: June 10, 2021 (14 days ago)


Sex Note Guide #11

You can write identical names in the notebook as long as they are of different persons. That's why thinking the face of the person is required when writing a name.

======

Almost an hour ago...

"PUTANGINAAAAAA!!!" Nayanig ang buong impiyerno sa sigaw ng demonyong si Asmodeus.

Naramdaman iyon ng lahat ng naroon at alam agad nilang may di magandang nangyari. Kaya sa isang kisap-mata ay nagsulputan sa lungga ni Asmodeus ang iba pang mga demonyong kumakatawan sa 7 deadly sins. Maliban lang sa batugan na si Belphegor.

"Kingina! Anong nangyari sayo?" Tanong ni Satan.

Nanggagalaiti pa rin sa galit si Asmodeus kaya di agad ito makasagot.

"Kalma ka lang. Ano bang nangyari?" Si Lucifer.

"Hinga ka muna ng malalim. Sundin mo ko. Inhaaaaaale..." Si Leviathan.

Sumunod naman si Asmodeus. Huminga ito ng malalim gaya ng sinabi ni Leviathan.

"Inhaaaaale..." Si Leviathan pa rin.

Sunod naman ulit sa pag-inhale si Asmodeus.

"Inhaaaaaale..." Patuloy ni Leviathan.

Kulay talong na ang mukha ni Asmodeus pero pinilit pa rin nitong mag-inhale. Halos sumabog na ang baga nito sa dami ng nahihigop na hangin.

"Inhaaaa..."

WAPAK!

Di natapos ni Leviathan ang sasabihin dahil isang malakas na dagok ang ibinigay ni Satan dito.

"Aray! Tangina bakit mo ko binatukan?" Reklamo ni Leviathan.

"Eh kikinangina mo, puro ka inhale eh!" Si Satan.

"Gyahahahah! Ano ba kasi yung kabaliktaran ng inhale? Nakalimutan ko na eh." Tanong ni Leviathan.

"EXILE! Bugok!." Si Satan.

"Anong exile? Bobo! Inhale yung pagpasok di ba? So yung paglabas,eh di walang iba kundi EX-CON!" Si Beelzebub.

"Tanginang yan! Nakatuntong ba kayo ng grade 2? Anong EXILE? Anong EX-CON? Di naman hangin ang pinag-uusapan dito. Hangin! Hindi kriminal! Pag ang hangin papasok, INHALE. Kapag papalabas naman, EXHAUST! Mga tanga!" Si Mammon.

At habang nagtatalo-talo ang mga gagong demonyo ay nangingitim na ang mukha ni Asmodeus.

"Wag nga kayong maingay! Alam ko yun eh. Nasa dulo na ng dila ko..." Si Lucifer na seryosong nag-iisip.

Nakarinig na lang sila ng isang malakas na lagabog at paglingon nilang lahat ay nakahandusay na sa sahig si Asmo at walang malay.

"Alam ko na! EXHALE!" Si Lucifer ulit.

=

Nang magkamalay si Asmodeus ay ikinuwento niya sa mga ito ang nangyari.

"At yung pukenanginang lalaking yun! Di ko alam kung pano nya kami nahanap." Si Asmo.

"Ibig mong sabihin na may buhay pa sa lahi ni Solomon? Yung taong umalipin sa ating mga demonyo?" Si Beelzebub.

"At matagal mo nang alam pero wala ka man lang sinabi samin?" Si Satan.

"Ano namang gagawin nyo kung sakaling sinabi ko? Papatayin nyo sya? Alam nyo na di tayo puwedeng makialam sa kamatayan ng isang tao." Si Asmodeus.

"Pero nakagawa sana tayo ng paraan para di na umabot sa ganito. Tingnan mo, muntik ka pang mapahamak. Kung alam nya kung paano ka lalabanan, di malayong alam nya din yung kahinaan namin." Si Mammon.

"Posible nga yang sinabi mo. Malaking problema satin to." Si Lucifer.

"Ang totoo ay nalilibang ako sa kanya nung umpisa. Pero nung kalaunan ay ginamit nya na lang yung Sex Note para magpayaman at gawing makapangyarihan ang sarili nya. Naging boring na sya. Kaya itinakas ko yung Sex Note." Kwento ni Asmodeus.

"Pero nahanap nya kung sinong may-ari ngayon ng Sex Note at balak nya ulit itong kunin." Si Leviathan.

"Oo. At nasa panganib si Gerald ngayon." Si Asmo.

"Ako nang bahala. Di ako papayag na magkaroon ulit ng isang taong aalipin sa ating mga demonyo." Sabi ni Lucifer bago naglahong parang bula.

===

Kasalukuyan...

Di makapaniwala sina Gerald at Ralph sa nilalang na nasa harapan nila ngayon.
Si Lucifer! Ang prinsipe ng mga demonyo!

"Mula ka pala sa dugo ng pangahas na si Solomon! Ang taong umalipin sa aming mga demonyo! Ngayon ay pagsisisihan mo ang kasalanang ginawa samin ng ninuno mo!" Singhal ni Lucifer.

Dahan dahang umatras si Gerald papalayo kay Ralph habang tulala pa rin ito sa biglaang pagdating ng isa pang demonyo.

Mula sa anyong isang bata ay unti-unting tumangkad si Lucifer. Naging isa itong makisig na lalaking may ginintuang buhok at ang mukha ay kumikinang. Nagkaroon din ito ng pakpak na tulad ng sa anghel pero kulay itim na terno sa suot nitong itim din na Amerikana.

Itinaas ni Lucifer ang kanyang kamay at mula sa kanyang palad ay may sumulpot na isang bolang apoy.

"Wala na akong pakialam kahit pa makipag-giyera sa amin ang langit. Tuluyan ko nang buburahin ang lahi nyo sa mundong ito!"

Ibinato ni Lucifer ang bolang apoy sa direksyon ni Ralph.
Isang napakatinding liwanag ang biglang sumabog sa buong silid. Ilang segundo ring nanatili ang matinding liwanag na iyon bago ito unti-unting naglaho.

At habang papawala ang liwanag ay may tatlong pigura ang lumilitaw sa kinatatayuan ni Ralph.

Kumunot ang noo ni Gerald.

Maging si Lucifer ay natigilan din.

Kilala nila ang pigurang nasa gitna. Si Ralph iyon. Pero sa magkabilang tagiliran nito ay may dalawa pang pigurang higit na mas matangkad dito.
At mula sa tagiliran ng dalawang pigurang ito ay may biglang sumulpot. Mga pakpak na biglang bumuka!

Dito na tuluyang nawala ang liwanag at nabunyag ang anyo ng dalawang misteryosong pigura.

"Kamusta ka na, kapatid kong rebelde?" Wika ng isa sa mga pigura.

"Matagal din tayong di nagkita mula nang itapon ka dito sa lupa." Wika ng isa pa.

Kahit pa kumikinang ang mukha ni Lucifer ay bakas dito ang labis na pagkabigla. Tila may takot din na mababanaag mula rito.

Nilingon ng demonyo si Gerald.

"Gerald! Halika na! Umalis na tayo!" Sigaw ni Lucifer.

Di agad nakakilos si Gerald sa labis na pagkataranta. Di nya din naiintindihan kung anong nangyayari.
Alam nya na isang demonyo si Lucifer pero nililigtas sya nito ngayon.
Basta sinunod nya na lang ang kutob nya at tumakbo papunta kay Lucifer.

Pero bago pa man sya tuluyang makalapit sa demonyo ay nahablot ni Ralph ang Sex Note mula sa kamay nya. At huli na ang lahat para mabawi itong muli ng binata dahil nahawakan na sya ni Lucifer at sila ay biglang naglaho na parang bula.

"Hahahahahah! Hawak ko na ulit ang Sex Note! Ako na ang maghahari sa buong mundo!"

Tiningnan sya ng dalawang nilalang na nasa tabi nya.

"Ahm, ang ibig kong sabihin ay maitutuloy ko na rin sa wakas ang pangarap ni Solomon na gawing mapayapa ang buong mundo. Hehe..."

Binuklat ni Ralph ang notebook at natigilan sya nang makita ang pinakaunang pahina na kasunod ng guides nito.
Nagsalubong ang kilay nya at napatiim ang kanyang bagang.

"Fuck!" Sigaw ng lalaki.

===

Sa isang abandonadong warehouse sumulpot sina Gerald at Lucifer.

"Putangina!" Sigaw ni Lucifer sabay sipa sa isang luma at kalawanging lata.

"A-anong nangyari dun sa apartment ko? Sino yung dalawang biglang dumating?" Tanong ni Gerald.

Tiningnan sya ni Lucifer pero di nito sinagot ang tanong nya. Bagkus ay...

"Kailangan malaman ng lahat kung gaano kaseryoso itong problemang ito." Sabi ng demonyo.

Naglakad sya patungo sa isang pader ng warehouse.

Walang nagawa si Gerald kundi sundan lang ito ng tingin.

Idinikit ni Lucifer ang hintuturo sa sa pader at nagsimulang gumuhit. Sa bawat madikitan ng daliri nito ay may naiiwang marka na nagliliyab.
Isang malaking bilog ang una nitong iginuhit.

"Alam ko to..." Bulong ni Gerald sa sarili.
"Gagawa sya ng pentagram at magbibigkas ng orasyon..."

Pero imbes na pabaliktad na star ang iguhit ay isang burat ang iginuhit ni Lucifer. Yung klase ng pagkakadrowing ng burat na parang gawa ng grade 1. May tig tatlong bulbol pa sa magkabilang itlog.

Halos mabilaukan si Gerald sa pagpipigil sa sariling matawa pagkakita sa drowing ni Lucifer.

Maya-maya ay pumikit ang demonyo at nag-concentrate. Huminga ng malalim at nagsimulang bumigkas ng orasyon...

"Ang Na, Ang Na!" Simula nito.
"Su La Ki Hin!"
"So Mas Ki Dot!"
"Mo Ko, Mo Ko!" Pagtatapos nya.

Nagsimulang tumindi ang apoy na nasa pader. Hanggang sa ang ginta ng bilog ay magsimulang bumuka at maibunyag ang nasa kabilang bahagi nito.

"Ano yan?" Tanong ni Gerald.

"Yan ang impiyerno. Ang kaharian naming mga demonyo." Sagot ni Lucifer.
"Nasan na ba yung mokong na yun?"

Ikinumpas ni Lucifer ang kamay at umusog ang view na ipinapakita ng mahiwagang bilog sa pader.

Iginala nya ito hanggang sa makarinig sila ng...

REQUEST BACK UP!

At nakita nila si Asmodeus na nakaupo at may hawak na smartphone.

"Huy!" Tawag ni Lucifer dito.

Pero di sya pinansin ni Asmo.

"Huy!" Tawag ulit ni Lucifer.

"Oh, bakit?" Sagot ni Asmo nang di inaalis ang paningin mula sa nilalaro.

"May problema tayo." Si Lucifer

INITIATE RETREAT!

"Ano yun?" Si Asmo na tutok pa rin sa smartphone nya.

"Tangnang yan! Itigil mo nga muna yan!" Inis na singhal ni Lucifer.

"Di pwede. Rank game to." Sagot ni Asmo.

"Putangina mo! May problema nga tayo! Asan ba yung iba?"

"Ayan oh!" Si Asmo.

Muling ikinumpas ni Lucifer ang kamay at nakita nila ang iba pang demonyo na abala din sa paglalaro sa kani-kanilang devices.

"Puta! Patay ako! Back! Uwi! Umuwi muna kayo!" Sigaw ni Lucifer.

ENEMY DOUBLE KILL!

"Puta! Uwi sabi! Magsiuwi kayo!" Sigaw pa rin ni Asmo.

ENEMY TRIPLE KILL!

"Putangina! Uwiiii! Takbo sa baaaase! Tangina nyooo!" Gigil na si Asmodeus.

ENEMY MANIAC!

ENEMY SAVAGE!

"Putaaaaaa!"

DEFEAT!

"Puta talagaaaaaa! Mga bobooooooo!"

At sabay-sabay nagsigawan ang kakampi nyang mga demonyo.

"PUTANGINA NYO! NAPAKABOBO NYO! KINGINA NYO! MGA KANSER!"

Nagsimula na silang mag-away at magsisihan.

Di naman na nakapagtimpi si Lucifer kaya sinigawan nya ang mga ito.

"PUTANGINA NYO MAKINIG KAYO SAKIN!"

Natahimik ang limang demonyo sa impiyerno at sabay sabay na napalingon kay Lucifer.

"Oh, andyan ka pala! Kamusta lakad mo?" Si Leviathan.

"Pumunta kayo dito ngayon. May problema tayo." Sagot ni Lucifer.

"Bakit di na lang ikaw ang pumunta dito?" Si Beelzebub.

"Kasama ko si Gerald. Alam nyong di pwedeng pumunta jan ang buhay na tao."

"Ganun ba? Tara na guys!" Si Asmo.

At magkakasunod na nagsulputan ang limang demonyo sa warehouse maliban pa rin syempre sa tamad na si Belphegor.

"Anong nangyari sa lakad mo?" Tanong ni Asmo.

Ikinuwento ni Lucifer ang nangyari...

"At biglang dumating sina Raphael at Michael para iligtas yung taong yun." Pagtatapos nya sa kwento.

"Raphael at Michael?" Si Mammon.

"Oo. Yung dalawang yun." Si Lucifer.

"Putangina! Kalaban na natin yung Ninja Turtles?" Si Mammon ulit.

WAPAK!

Isang malakas na dagok mula kay Satan ang tumama dito.

"Putangina mo! Anong Ninja Turtles? Mga Archangel yung mga yun! Mga mortal nating kalaban!"...

About the Author :

Author info not found!
34  ·  19  ·  40  ·  1,893
 · 

Comments
honeypie
June 10, 2021 (14 days ago)

comment muna ako bago mag basa, idol

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
C
Cathfesh
June 10, 2021 (14 days ago)

Hahaha Grabe tawa ko dito mga 5 ata. Ang galing mo talaga sir AL.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jiru018
June 10, 2021 (14 days ago)

Haha lupet ng orasyon, sir!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
MarkLee21
June 10, 2021 (14 days ago)

ang ganda boss, salamat

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Raymon
June 10, 2021 (14 days ago)

Bangas po sobra

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jempoy
June 10, 2021 (14 days ago)

lupit parang nagbabasa ako ng mga kwento ni bob ong galing talaga

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
rxxx1005
June 10, 2021 (14 days ago)

ganda sir kahit na walang sex scene maganda at nakakatuwa ang eksena

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Addy_Lanzon
June 10, 2021 (14 days ago)

Naknamputs, napakaraming segway at product placement, aliw basahin hahahaha, hay naku Sir AL. Pero kailangan ko talagang balikan ito simula sa umpisa, marami akong namiss eh.

"ain't gonna give a crap to dummies"

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kuatog
June 10, 2021 (14 days ago)

hahahha ansakit ng tyan ko s kakatawa !!!!saklolo nman patigilin nyu c boss adobonglamok tym perst muna ..hinga lang ako konti inhale !! inhale!! ano nga sunod ? πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ€£πŸ€£πŸ€£ !!! πŸ‘πŸ‘πŸ‘ŒπŸ‘ŒπŸ‘ŒπŸ‘Œquality talaga e may pa wallet n maswerte pa e tibayΒ Β ng seiko ...

basta masarap go !!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Tazman_ic
June 10, 2021 (14 days ago)

Napakanta pa ko
β€œseiko seiko wallet
Ang wallet na maswerte
Balat nito ay genuwine
International pa ang mga design
Ang wallet na maswerte
Seiko seiko wallet”
Haha salamat otor tawang tawa ko sa mga hayup na demonyong yun

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Teemothy1990
June 10, 2021 (14 days ago)

Taena ang dami kong tawa 🀣🀣🀣🀣. Salamat sa update author

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Cumming69
June 10, 2021 (14 days ago)

Salamat sa update author

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Sex_machine_gun1978
June 10, 2021 (14 days ago)

Hayuufff lodz hahaha dami ko tawa sa inhale inhale.Β Β Β Β Hahaha.. ..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
malupet25
June 10, 2021 (14 days ago)

Salamat sa Update Boss...malungkot ako kanina pero tamang tama ang pagbasa ko sa kwento mo napatawa ako ng mag1 anh lakas pa ehπŸ˜…πŸ˜‚πŸ˜…πŸ˜‚....Salamat po ulet idol.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
digitalgwaping
June 10, 2021 (14 days ago)

Napakalupit ng pagkakagawa hehehe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jackstone
June 10, 2021 (14 days ago)

Ang saya ng update na to. Ang dami kong tawa. 7.

Ok lang, sir AL, na may twist ang kwento at kahit walang kangkangan.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
prince050284
June 11, 2021 (14 days ago)

Ang husay talaga!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
cjeromet
June 11, 2021 (13 days ago)

nice update author,
star para iyong gawa author

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
June 12, 2021 (12 days ago)

Test

Fffzzzzzzzzzzz.. ffzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!

Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments