M
E
N
U

Masakit Na Katotohanan....

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: First Time, Romance · Tags: , , ,
Date: May 26, 2021 (27 days ago)


**** Subok lang ulit gumawa ng one-shot story.

Si Renato Zadi o Nat sa palayaw. Isang estudyante sa kolehiyo. Matalino. Matangkad. May arrive naman, nerd looking nga lang lagi ang porma. Bente anyos at nakakapag-aral sa kolehiyo dahil sa scholarship. Wala ng mga magulang at sariling sikap lamang upang ma-iraos ang pang-araw araw na buhay. Walang bisyo. Kung hindi nag-aaral ay nagta-trabaho naman.

Marami siyang raket. Trabaho sa fast food. Tutoring ng programming, Adobe applications, Math pati pag-gigitara. Lahat ng pwede at legal na trabaho ay gagawin upang madagdagan lamang ang perang ini-ipon para na rin sa kanyang kinabukasan.

Mabuti na lamang at nakakuha siya ng full scholarship kaya't malaking tulong ito para mabawasan ang kanyang gastusin sa pag-aaral.

Walang nobya ang binata. Hindi kasama sa budget niya ang pakikipag-romansa sa mga babae. Magastos magka-girlfriend, ito ang laging sinasabi ng kanyang matalik na kaibigang si Jess. Kaya't lalo lamang lumalayo si Nat sa mga babae.

Wala rin siyang kaibigang babae upang tuluyan talagang ma-ilayo ang sarili sa kahit anong tuksong pwede siyang mabuyo. Marami na ngang balita na isa siyang bakla dahil kahit kailan ay wala itong niligawan o naging kaibigan mang mga babae.

Walang kwenta sa kanya lahat ng tsismis dahil alam naman niya ang totoo. Hindi alam ng mga tao kung anong klaseng pag-hihirap ang kanyang dinaranas upang mabuhay lamang at makapag-aral. Hindi niya alintana ang mga tingin at mga salita ng mga tao sa paligid dahil hindi niya naman kailangang magpa-apekto. Ang importante'y ang kanyang kinabukasan. Ang makapag-tapos na may mata-taas na grado upang makahanap ng magandang trabaho.

Dalawang taon pa lamang siya ng iwan silang mag-tatay ng kanyang ina. Labing-anim na taon pa lamang ang kanyang nanay ng mabuntis ng kanyang tatay. Ang kanyang ama namay labing siyam na taong gulang. Mabuti na lamang at hindi idinemanda ng mga magulang ng kanyang ina ang kanyang ama.

Subalit hindi rin tumagal ang kanyang nanay sa klase ng buhay na kanyang tatay. Hindi naman mahirap ang pamilya ng kanyang tatay subalit sadyang malayo ang antas ng buhay ng kanyang ina sa kanyang ama. Kaya't bumalik ito sa kanyang mga magulang at iniwan silang mag-ama.

Ilang taon ding nag-damdam ang kanyang tatay sa pag-iwan sa kanila ng kanyang nanay. Wala pang maintindihan noon si Nat dahil nga sa sobrang bata pa ito. Hindi niya na nga matandaan ang mukha ng kanyang ina. Alam niya lamang ang pangalan nito ay "Weng".

Nakapag-tapos naman ng kolehiyo ang ama ng binata at nag-trabaho sa bandang norte ng Luzon. Silang dalawa lamang ang mag-kasama. Namatay na rin naman kasi ang kanyang lolo't lola dahil sa aksidente sa dagat.

Ilang taon pa'y may naka-sama na naman ang kanyang ama. Batang di hamak sa edad ng kanyang ama. Walong taon na siya ng ipa-kilala ng ama ang bago nitong kakasamahin. Desi-nueve anyos na dalaga. Walang alam gawin sa buhay kung hindi ang mag-paganda at magkalikot ng cellphone. Hindi marunong mag-luto, mamalengke at mag-linis ng bahay.

Sa kanya lahat inu-utos ang dapat na gawin ng babae. Kahit anong sumbong niya sa kanyang ama'y hindi naman nito magawang pagalitan ang babae. Minsan nga'y sinasaktan pa siya ng babae kapag hindi niya sinusunod ang mga utos nito.

Ilang taon pa ang lumipas. Labing-apat na taon na siya ng ma-aksidente ang kanyang ama sa planta. Sumabog ang isang makina at sinawing-palad ang kanyang tatay.

At dahil lahat ng emergency contact ay naka-pangalan sa kanyang madrasta'y ito lahat ang kumuha ng pera na ibinayad ng kumpanya sa pagkaka-aksidente ng kanyang ama.

Matapos ang ika-apatnapung araw ng kanyang namatay na ama'y bigla na lamang nawala ang kanyang madrasta. Nag-iwan lamang ito ng limang libong piso sa kanya. Kinulimbat ang malaki-laki ring pera na galing sa kumpanya ng kanyang namatay na ama.

Dito nag-simulang mag-karoon ng galit sa dibdib ang binata sa mga babae. Para sa kanya ay peste lamang ang mga babae. Mga linta lamang na sumisipsip ng dugo. Mga manghu-huthot tapos ay mang-iiwan. Dahil wala naman na siyang kamag-anak na kakilala'y inumpisahan niya ng buhayin ang kanyang sarili na mag-isa. Paminsan-minsa'y nakaka-hingi siya ng tulong sa mga mababait na kapit-bahay.

Pinilit niyang makapag-tapos ng highschool na may pinaka-mataas na karangalan upang maka-kuha ng scholarship sa isang unibersidad sa Maynila kung saan gusto niyang makapag-tapos. Dahil sadyang matalino ang binata kaya't madali niya namang nakuha ang scholarship at naipag-patuloy niya ang pag-aaral sa kolehiyo.

Dito na umikot ang kanyang mundo. Aral at pag-kita ng pera. Monotonous na kanyang buhay. Para nang naka-program ang kanyang galaw. Mga importanteng NPC lang ang kanyang kaulayaw. Ipinangako sa sarili na hinding-hindi muna iibig upang matuunan ng pansin ang pag-aaral.

Isang taon na lamang ang kanyang gugu-gulin sa pag-aaral at matatapos na rin siya.

Isang araw ay naimbitahan siya ni Jess sa birthday nito. Dahil ito lamang ang kaisa-isa niyang kaibigan ay pinag-bigyan niya naman ang pa-anyaya.

May kaya ang pamilya ng kaibigan. Malaki ang bahay at may dalawang kotse.

Ipina-kilala siya ni Jess sa kanyang pamilya. Mababait naman lahat at walang mga mata-pobre. Pati sa ibang kaibigan ng binata'y ipinakilala rin si Nat.

Ipinakilala ni Jess si Nat kay Olivia. Ang kina-kapatid ni Jess. Dito nasira ang pangako ng binata sa sarili. Para siyang naka-kita ng anghel nang makilala niya si Olivia. Napaka-ganda sa kanyang paningin ang dalaga. Ang pantay-pantay nitong mapuputing ngipin ang lalong umakit sa paningin ng binata.

Hindi siya sanay makipag-usap sa mga babae. Lagi siyang umi-iwas kapag babae na ang kumaka-usap sa kanya subalit iba ang dating ni Olivia. Lumabas ang kanyang pagiging speaker kapag ang dalaga ang kaharap. Pakitang-gilas siya sa mga nalalaman upang makuha ang atensyon ng dalaga.

Naging mag-kaibigan sila ng dalaga. Parang naging best-friend pa nga. Lahat ng hinaing sa buhay ng dalaga'y lagi niyang pina-pakinggan. Lahat ng hilingin ng dalaga'y kanyang ginagawa. Mula sa simpleng bagay hanggang sa isang hiling na halos mag-pasabog ng kanyang mundo. Life is such a bitch.

Hiniling ni Olivia na ipa-kilala siya nito sa isang estudyante na tinu-turuan ni Nat. Isang estudyante na kilalang playboy. Singer kasi ng isang local band kaya't maraming babaeng nahuhumaling dito. Si James.

Pilit ini-iwas ni Nat si Olivia sa lalaki dahil alam niyang pag-lalaruan lamang ito ng binata. Walang sina-santo si James. Oras na malaman niyang may gusto ang babae sa kanya'y siguradong ika-kama niya ito. Ilang babae na nga ba ang laging kasama ni James sa sariling apartment kapag nagtu-tutor si Nat ng math dito.

Sinabi ni Nat kay Olivia ang klase nang pagka-tao ni James. Subalit sa halip na mag-pasalamat sa kanya ang dalaga'y nagalit pa ito. Nagka-samaan sila ng loob kaya't umiwas ang dalaga sa kanya. Hindi na uling nagka-lapit ang dalawa.

Mina-sama ng dalaga ang sinabi ni Nat sa pag-uugali ni James. Nalungkot ng husto si Nat sa kina-sapitan ng pagka-kaibigan nila ni Olivia. Na-apektuan na tuloy ang kanyang pag-aaral. Mabuti na lamang at mababait ang kanyang mga guro kaya't pina-bawi siya upang hindi siya matanggal sa scholarship.

Naka-bawi naman ang binata at kinalimutan na lamang ang dalaga kahit nga ito ang unang babaeng nagpa-tibok ng kanyang puso. Mas importante sa kanya ang pag-aaral kaya dito siya nag-concentrate. Subalit alam niyang niloloko lamang niya ang kanyang sarili dahil araw-araw pa ring sumasagi sa kanyang isipan ang mukha ni Olivia.

Ilang buwan ang lumipas at nabalitaan niya na lamang mula kay Jess na girlfriend na ni James si Olivia. Lalong nalungkot ang binata. Hindi dahil may mahal na si Olivia kundi dahil sa alam niyang lolokohin lamang ni James ang dalaga. Sinubukan niyang lapitan ang dalaga at pa-alalahanan. Mag-ingat na huwag basta ibibigay ang sarili sa binata dahil pag-lalaruan lamang siya nito. Dito naka-tikim ng unang sampal si Nat mula sa babae.

Nagalit si Olivia dahil sinisiraan lamang daw ni Nat ang nobyo. Na hinding-hindi magagawa ni James na pag-laruan siya. Nasa puso't isipan niya na mahal na mahal siya ni James.

Nat: Please, Olivia. Mahal kita kaya't ayokong mapariwara ang buhay mo. Kahit mag-tanong ka pa sa ibang taong nakaka-kilala kay James ay ganoon pa rin ang sasabihin sa yo. Kahit kay Jess ka pa mag-tanong.

Olivia: Leave me alone. Kaya pala ayaw mong ipa-kilala sa akin si James kasi may gusto ka sa akin. Ano gusto mo? Sa iyo ako pumatol?

Nat: No. Kahit layuan mo pa ako. Pinag-iingat lang kita.

Olivia: Wala kang paki-alam sa akin, Nat. Umalis ka na at huwag mong siraan sa akin ang boyfriend ko.

Walang nagawa si Nat. Kahit anong paki-usap ay hindi pina-pakinggan ng dalaga. Humingi pa ito ng tulong kay Jess upang ito na ang mag-sabi sa dalaga na delikado si James.

Nat: Par, tulungan mo naman ako. Sabihin mo sa kina-kapatid mo na delikado si James.

Jess: Par, ilang beses ko nang sinabi sa kanya na ika-kama lang siya ni James pero matigas ang ulo. Nagpapaka-tanga sa lalaking yun kahit balita na sa campus na fuckboi lang yun.

Nat: Par, baka buntisin lang yun tapos iiwan rin siya. Ilang babae na ba ang binuntis ng gagong yun.

Jess: Bayaan mo na siya Nat. Matigas ang ulo niya. Ibaling mo na lang sa iba ang pagka-gusto mo sa kanya dahil wala kang mahihita sa tangang yun. Sinabi ko na rin kay ninang ang ugali ng bf ng anak niya pero wala rin silang magawa sa anak nila.

Nat: Pero kawawa naman si Olivia.

Jess: Nalulungkot ako para sa iyo, par. Ngayon ka na nga lang nagka-gusto sa babae pero binalewala ka pa. Find another girl. She doesn't deserve you.

Nat: I'm just so concern for her.

Jess: Par, once na nag-avoid na sa iyo ang tao, huwag mo na lang guluhin. Respetuhin mo ang sarili mo at layuan mo na lamang siya.

Nat: Par, sabihan mo ako sa nangyayari kay Olivia, ha? Mahal ko talaga siya.

Jess: I can see that. Swerte na sana sa iyo si Olivia kaso tanga eh.

Nag-patuloy lang ang buhay ng binata. Aral. Trabaho. Aral. Trabaho. Wala na siyang nabalitaan kay Olivia dahil wala namang kinu-kuwento sa kanya si Jess maliban sa maayos naman daw ang buhay nito. Tutok na lamang sa pag-aaral ang binata at nalalapit na ang kanyang pag-tatapos.

Graduation ni Nat. Nakuha niya ang pinaka-mataas na karangalan. Masayang-masaya dahil natapos niya na rin ang isang pahina ng kanyang buhay at uumpisahan na naman ang panibagong yugto.

Pauwi na siya ng maka-salubong niya si Olivia. Naka-ngiti ito sa kanya ngunit kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Lumapit ang dalaga kay Nat at niyakap ito't binati.

Olivia: Congrats, Nat.

Nat: Thank you. Naligaw ka yata?

Olivia: Ikaw talaga ang sadya ko.

Nat: Bakit? May problema ba?

Nag-umpisa nang tumulo ang luha ng dalaga. Hindi magkanda-ugaga ang binata kung papa-ano aaluin ang dalaga. Hindi niya alam kung yayakapin niya o aakayin.

Nat: Please, Olivia. Huwag dito. Pasok tayo sa bahay ko.

Pumasok ang dalawa sa maliit na bahay ng binata. Pina-upo niya ito sa isang monoblock chair at binigyan ng tubig.

Nat: Now, tell me. Anong problema?

Tumingin muna si Olivia kay Nat at bumuntung-hininga. Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha.

Olivia: Buntis ako. Si James ang ama at iniwan niya na ako.

Natulala si Nat sa narinig. Nag-panting ang tenga. Alam niya nang mangyayari ito subalit pilit iwina-waksi sa isipan na hindi ito magkaka-totoo. Dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Awang-awa sa sinisintang dalaga na binastos lang ng isang lalaki.

Gusto niya mang sisihin ang dalaga'y wala ring silbi ito. Ano pa nga ba ang magagawa nito kundi ang lalo lang pahirapan ang mina-mahal.

Nat: Anong plano mo?

Olivia: Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Siguradong ita-takwil ako ng mga parents ko kapag nalaman nila ito. Please, Nat. Tulungan mo ako. Di ba mahal mo ko? Mahal mo pa ba ako?

Nat: Oo. Ikaw lang ang babaeng minahal ko.

Olivia: Please, help me.

Nag-isip si Nat ng mga pwedeng gawin. Masakit sa kanyang damdamin ang ginawa ng isang lalaki sa kanyang sinisinta.

Nat: Papa-kasalan kita.

Nagulat si Olivia sa narinig. Ganito ba kasidhi ang pag-mamahal ni Nat sa kanya para akuin ang responsibilidad na dapat sana'y ibang lalaki ang dapat gumawa.

Olivia: No. Bata pa ako. Ayaw ko pang magpa-kasal.

Nasaktan si Nat sa sinabi ng dalaga. Akala niya'y tatanggapin ni Olivia ang kanyang ina-alok subalit mariin itong tinanggihan.

Olivia: Ipala-laglag ko ito. Tulungan mo akong i-abort ang bata. Three months pa lang naman ito. Madali pang alisin.

Nat: Baliw ka na ba? Tao ang papatayin mo. Anak mo pa. Walang kasalanan ang bata sa katangahan mo.

Olivia: Please Nat. Ayaw ko pang magka-baby.

Patuloy lang ang pag-iyak ni Olivia. Nasa-saktan ng husto si...

About the Author :

Joined: December 2, 2020 (6 months old)
Writings: 70
Male  ·  Offline
Description:
I live for two reasons:
1. I was born.
2. I haven't died yet.
Signature Text:
I think, therefore I am. I think?
55  ·  66  ·  63  ·  5,946
 · 

Comments
Z
zooeymama32
May 26, 2021 (27 days ago)

Grabe ang sakit nun ah.libog is real.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Thank you.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Byutifoolly
May 26, 2021 (27 days ago)

Masakit nga.

Read first, bahala na later

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Thank you, madam.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
M
mhia123
May 26, 2021 (27 days ago)

author ok itong one shot story mo madami ka pa sana mgwa❤️❤️❤️❤️

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Salamat po. I'll try. Daming time hahaha

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
Asty_0220
May 26, 2021 (27 days ago)

Hahaha Wala nabang kasunod? Pano na Ang takbo Ng buhay Ng ating Bida ?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Try ko. Open ending naman ang ginawa ko para mas madali dugtungan.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
olrayt
May 26, 2021 (27 days ago)

sana may kasunod pa
ano kaya nangyare kay mat ?
si olivia na blackmail kaya ni james kaya nag kaganun o mahal pa ni olivia si james
d ko mapigilan isipin yung kasunod na mangyayare

sundan mo na to author ☺

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Try ko po. Thank you.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
alexdj
May 26, 2021 (27 days ago)

wow! one shot story.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

My second. TY.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
Ohhhhhnin
May 26, 2021 (27 days ago)

sana may kasunod...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

subukan ko po. I have the comeuppance ideas.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Marlon1964
May 26, 2021 (27 days ago)

Salamat otor s story mo khit medyo malungkot ang ending, Sana my part 2, at gumanda nmn sana lovelife ng ating bida s ibang babae nmn,

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Thank you too. Try ko po.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Dragonheart2016
May 26, 2021 (27 days ago)

Ang Ganda ng kwento mo utor sana series na lang ito.dhil gusto ko panu magsisi si olivia sa kawalanghiy*an nya kay nat.keep it utor and keep safe always

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Meron na pong idea. Thank you.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Robert_
May 26, 2021 (27 days ago)

Ito ang gusto kong story,tapos agag

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

thank you

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
blitzace234
May 26, 2021 (27 days ago)

Wala ng kasunod sir ganda ng story

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

maybe in the near future. Thanks.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Mojodeux
May 26, 2021 (27 days ago)

Galing! Sana di one shot.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Thank you. try ko sundan.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Addy_Lanzon
May 26, 2021 (27 days ago)

My anxiety and trust issues just went way way up the ceiling... Hoooo ang hirap talaga magtiwala sa ngayon...

"ain't gonna give a crap to dummies"

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Sorry for throwing fuel into your fire hahaha.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
superfranky
May 26, 2021 (27 days ago)

Worst thing, eh yung abortion katulong sya nung nangyari yun.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

See what love can do to you.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
tulayri
May 26, 2021 (27 days ago)

ito yung uri ng oneshot na kakainisan mo kasi oneshot lang 😭😭 pero medyo ramdam ko ending ah 😅

(๑•́ ₃ •̀๑) ♡⃛◟( ˊ̱˂˃ˋ̱ )◞⸜₍ ˍ́˱˲ˍ̀ ₎⸝◟( ˊ̱˂˃ˋ̱ )◞(・´з`・)

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Hahaha sarry!

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
Puloboys
May 26, 2021 (27 days ago)

Ganda ng storya kahit masakit ang ending ng bida Sana may ka sunod Kung ano na naman ang nangyari kay Olivia at James

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Salamat po!

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
akaviper26
May 26, 2021 (27 days ago)

Nakaka lungkot author. Naalala ko tuloy yung sex is zero na movie. Parang ganto din. Tinulungan nya yung babaeng mahal nyang mag abort. In the end di rin sila nagka tuluyan

Great power comes from great responsibility -Uncle Ben

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

I searched for the movie. Di ko pa yun napanood kasi di ako mahilig sa korean movies unless it's anime-influenced animation. Anyway, thank you for sharing and your time.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
tobats
May 26, 2021 (27 days ago)

Life's a Bitch...Pinag palit pa din siya sa mas maliit ang titi...Nice story, Although napa nood ko na rin ang movie na ganyan long time ago. Nabuntis ng iba ang mahal niyang babae. Tinulungan niyang mag abort..Then at the end..nahuli niyang nagkakantutan. Tumulo luha niya kasabay ng kantang ..Lonely...I'm mister lonely..la la la. So sad.. thnaks otor.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Sir, anong movie po ito? Akala ko pa naman idea ko itong kwento na ito hindi pala hahaha. Disclaimer na lang, iwas asunto hahaha

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
tobats
May 27, 2021 (26 days ago)

Growing Up yata pamagat nun..70's movie..Sa Norway yata ang setting.Pero mga High School sila...At saka may iba pang movie na lumabas after that..tulad ng sabi ni barag012..The last American Virgin. Kaya hindi ka maasunto he he he..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
G
godnit2000
May 26, 2021 (26 days ago)

ang sakit brad.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

it's hurt hahaha

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
watchingoverme
May 26, 2021 (26 days ago)

Nag-init man ako rito rahil sa cheating part, naawa pa rin ako sa ating bida. Minsan hindi sapat na mahal mo ang isang tao para hindi siya magloko. Cheating is a choice. Isa sa mga masasakit na katotohanan sa buhay.

Mr. WOM

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Yes, it's a reality. Some are lucky some are not.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BlueSky
May 27, 2021 (26 days ago)

nice story sana mau karugtong pa

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

try ko po. Salamat po.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
shyguy2016
May 27, 2021 (26 days ago)

boss next episode na hehehehe maganda kasi heheheh

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Next month siguro kapag natapos ko na yung main story ko. Thanks.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
X
xianxanderxavier
May 27, 2021 (26 days ago)

ang sakit naman non..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

It was. Thank you.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
E
erotiko
May 27, 2021 (26 days ago)

good read. need agad sundan...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Salamat.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
cjeromet
May 27, 2021 (26 days ago)

kaya inilagay daw author yun utak sa taas at di puso para magamit kung kailangan,,,
star author sa ganda

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Ginamit na rin naman ni Nat. Si Olivia ang hindi. Salamat.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
barag012
May 27, 2021 (26 days ago)

Nice one. hawig ito sa The Last American Virgin na 80s movie. Parang naririnig ko pa nga ang tjeme song na Just Once habang binabasa ko ito.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Thank you. I searched the movie and read its review. Similar nga ang plot. I thought I had the idea, meron na pala hahaha

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
LouiseMaria
May 27, 2021 (26 days ago)

Pretty good for a one shot story. AT ANG SAKIT NGA 😭

Once in my dreams I rose and soared No matter how I'm knocked around Or beaten down I will stand up, restored.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cockadoodle
May 27, 2021 (26 days ago)

Wow! The legend! Thank you.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
5th.st
May 27, 2021 (26 days ago)

One shot sapul😢

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
F
FRACK123
May 27, 2021 (26 days ago)

sana magkasunod, mapanakit talaga ang mundong ibabaw kung di ka mahal ng mahal mo or ginagamit ka lang para sa kapakanan nya, kaya sundan muna anong mangyayari kay Nat

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
J
joseph2013
May 27, 2021 (26 days ago)

Sana masundan. Totoo naman sometimes or most often, life is a bitch, pero wag kay Nat. Paki bigyan naman ng matinong babae. At tipong muling makikita sila ni Olivia pero kasama nya e yung mas maganda at matakining babae.😅. Nakialam na. Salamat po sa kwento..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
F
Freak05
May 27, 2021 (26 days ago)

Sana po may kasunod, yung happy ending nman kay nat. Tapos kay olivia bigyan mo anak ky james sangkatutak😅😅😅. Joke lang.

Galit tlga ko sa mga cheater kya nga mas masarap pa maging single ngaun.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Wildwest
May 28, 2021 (25 days ago)

Life must go on kaya part two n haha, 👍👍

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
N
n.a.t.s.i.r.t
May 28, 2021 (25 days ago)

saklap :((

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
F
FRACK123
May 28, 2021 (25 days ago)

sana masundan i2

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
lebron019
May 28, 2021 (25 days ago)

Sana masundan pasayahin mo naman si nat sir cockadoodle haha thank you sa magandang storya 👌🏻

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
ravedeacon
May 29, 2021 (24 days ago)

gnitong akda ang mas lumalapat sa isipan..oo may ngking libog ng bawat isa ngunit dapat alam pa din natin dapat kung gang saan.. ika nga  "know when all is over and walk away"

its better to burn out than to fade away

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
O
Ohhhhhnin
May 31, 2021 (22 days ago)

sana po masundan  ito.. ganda ng story. at sana maging maligaya ung main character

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
achre
June 3, 2021 (19 days ago)

maganda, maganda ganitong klaseng story ang mga dapat inaabangan. sana may next chapter.

there_is_no_GOD~

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments