M
E
N
U

The Verlusian Crisis: Farewell

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Erotic Couplings, Romance, Sci-Fi and Fantasy · Tags: , , ,
Date: May 9, 2021 (1 month ago)


A/N: Farewell tribute to Enrique's closest friend and... you'll find out more sa chapter na ito.

Update: LOLZ! Di ko napansin nagkamali ako sa petsa hahahah! Changed po petsa pagkamatay ni Leila, October 2019 C.T. nagsimula ang estorya at namatay siya sa Sept 2019 C.T., so iniba ko ang petsa dito. Sorry talaga!

Matalik na magkaibigan sina Leila at Enrique. Kasama sila sa isang kilalang Spying Unit ng Organisasyon. Silang dalawa ay mga pioneer sa kanilang batch ng selection tanyag sa espionage, assassination atsaka infiltration. Nagtapos silang dalawa na si Enrique ay may edad na 25 si Leila naman ay 20 noong 2014 C.T. Ngayon ay mole sila sa Military Intelligence ng Verlusia sa edad na 30 si Enrique at 25 naman si Leila sa kasulukuyan, 2019 C.T.

Silang dalawa ay namuno sa pag espiya ng bansang Verlusia para sa Organisasyon. Noong dumating sina Cobra at Boris sa buhay ni Enrique. Nag-iba ang turing ni Leila sa kanyang kaibigan. Napansin nya na hindi na naging matapat si Enrique sa kanyang tuntunin sa Organisasyon kaya naghiwalay sila ng landas. Nagpasya si Leila na mamuno sa assassination at infiltration, habang si Enrique ay nagfocus as Mole at double agent ng Military Intelligence ng Verlusia.

Natandaan ni Enrique ang kanyang nasawing kaibigan sa pagbobomba ng isang Motel malapit sa headquarters ng Military Intelligence. Silang dalawa ng Heneral ay nasawi sa pag bobomba. Hindi matukoy ang kanilang mga bangkay sa pagsabog at ang mga labi ay inilagay sa selyadong kabaong.

Namatay with honors ang dalawa bilang kasapi ng militar ng Republika ng Verlusia. Tinignan ni Enrique ang kabaong ng kanyang namayapang kaibigan at hindi matigilan ang pagluha neto. Nakalagay ang bandila ng bansang Verlusia sa kabaong at nandoon sa tabi neto ang larawan ng kanyang kaibigan.

Tubong Qina si Leila at para siyang taga roon. Oriental ang kanyang kagandahan at makikita talaga sa kutis nya at magandang mukha. Ibang iba ang ganda nya sa mga taga Verlusia. Kinaiinggitan siya sa kanyang talino at diskarte sa misyon at sa buhay. Ito ang mga bagay na hindi malilimutan ni Enrique sa kanya.

Dumating si Cobra na naka suit at tie, promal ang kanyang pananamit sa okasyon at nakikiramay sa kaibigan ni Enrique. Tahimik lamang si Enrique sa mga oras na iyon at umupo sa mga silyang hinanda para sa dadalo sa burol. Huling dumating si Boris na humingi ng patawad sa matagal nyang pag dating. Mayroon siyang inasikaso sa mga utos ni Enrique sa kanya at matagal nya itong natapos.

Umupo ang tatlo sa burol at misa ng Heneral at ni Leila. Emosyonal si Enrique sa misa at hindi nya mapigilan ang sarili sa pag luha. Naka upo lamang siya, tulala at malungkot sa sinapit ng kaibigan. Kung tinulangan nya lamang si Leila sa misyon na ay hindi sana nangyari na nag contingency plan ang organisasyon sa pagtapos ng Heneral.

Pagkatapos ng misa at ng seremonya ay umalis si Enrique kasama sina Cobra at Boris. Nauna siyang naglakad na parang nagmamadali. Kinumkom nya ang kanyang naramdaman at ayaw nyang makipag-usap ni kahit na sino. Si Cobra, kabisado ang pakgatao ng kanyang boss ay nanahimik. Si Boris naman, nabahala sa kanyang boss ay nagdesisyong magsalita.

"Kung ipagpapahintulot nyo po, boss..." Sabi ni Boris kay Enrique.

Tumigil si Enrique sa paglakad at tinignan nya sa Boris sa likoran nya. Hindi nakatakas sa galit ng kanyang amo si Boris. Subalit nagpatuloy siya sa pagsalita.

"Gusto kong makiramay para sa iyong kaibigan... subalit, kung maari ay, gusto sana naming tumulong sa inyo sa kanyang pagkawala."

Lumapit si Enrique sa kanya, sinubukang kontroling ang sarili, "Boy, alam mo ba kung saan ka nakalugar ngayon?"

Si Cobra, nababahala sa anong gawin ng kanyang bossing ay nagsalita, "Boss, ipagpaumanhin nyo po... Hindi ko masyadong kilala si Leila, nakikiramay din po ako. Gusto lang naming ipahiwatig na nandito kami para sa iyo..."

Dahil dito, medyo naibsan ang galit ni Enrique at tumigil sa paglapit kay Boris, "Pasensya na, gusto ko lang na mapag-isa..."

Hinayaan nina Boris at ni Cobra na umalis ang kanilang amo na mag-isa. Mabilis ang lakad ni Enrique palayo sa kanila at nagdesisyong pumunta sa lugar na tahimik. Sa isang park nya nag desisyong pumunta. Maliit lamang ang tao doon sa hapon na iyon.

"Nauna ka ata, kaibigan ko..." Malungkot na bigkas ni Enrique sa sarili.

"Sana man lang, kung alam ko na kung anong panganib ang misyon mo. Sana, tinulungan na kita."

Tumingin si Enrique sa langit at nakita ang dalawang military transports. Naaalala nya ang panahon sa una nilang pagdating ni Leila sa bansang Verlusia galing sa bansang kinagisnan ni Leila, ang bansang Qina. Pagdating nila sa Don Sotemayor Pangilinan Airport sa Tondo, nagdesisyon ang dalawa na pumunta sa Kawit at mag stay sa isang pension house doon. Hindi pa ganoon ka developed ang lugar sa pagdating nila noong 2014 C.T.

Pagpasok nina Enrique at Leila sa kwarto ay tinapunan ni Leila si Enrique ng tuwalya.

"Manoy, wag kang manilip!" Sabi nya at tumalikod kay Enrique at magbihis.

"Ano ka ba, hindi naman kita gagalawin o ano! Wala akong paki sa mga taong para ko nang kapatid..."

Bago makapagtapos si Enrique sa kanyang sinasabi at pagtangal ng tuwalya sa kanyang mukha...

About the Author :

Author info not found!
6  ·  2  ·  5  ·  1,046
 · 

Comments
kuatog
May 9, 2021 (1 month ago)

👍👍..

basta masarap go !!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
cjeromet
May 10, 2021 (1 month ago)

nice author

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments