M
E
N
U

The Verlusian Crisis: Oplan Mt. Vesuvius

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Sci-Fi and Fantasy · Tags: , , , ,
Date: May 5, 2021 (1 month ago)


A/N: Action time guys, get ready and grab your gear!

Ilang taon ng minamanan ng Military Intelligence at ng Armed Forces ang kampo ng mga Reds sa bundok Maasin sa rehiyon ng Kabiyasnan. Sa ilang taong pangangalap ng impormasyon sa kampo ay napagdesisyunan ng Chief of Staff at saka ng Presidente na magsagawa ng opensiba sa kampo. Marami ng nakakaalam ng kampo Bagong Araw o kampo Filipe Villamor ng mga Reds sa malabundiking lugar ng Maasin.

Ang operation ay hango sa isang active na bulkan sa Europa na tinatawag na Mt. Vesuvius. Isa sa ika-limang libong taon itong sasabog at natabunan ang mga karatig bayan sa bansang Florencia mga dalawang libo na taon ang nakalipas. Naging inspirasyon ang bulkan dahil sa pinsalang nagawa neto at balak itong gawin ng gobyerno laban sa mga Reds sa kanilang pinakamalaking kampo sa bansa.

Nakahanda ang artillery at supporting units ng militar sa vanguard o advancing troops sa kampo. Nakatago sila sa cover ng gubat na nakapaligid sa bundok. Ang vanguard units ay pingangunahan ng elements ng 8th Infantry division, isang batalion ng 1st Scout Regiment at ng dalawang platoon ng Rapid Reaction Unit. Naka standby ang mga AFV at fire support vehicles ng militar upang di ito makita ng mga rebelde. Hindi kukulang sa 500 daan ang mga sundalo na kasali sa operasyon. Mga nasa 150 na sundalo ang nasa vanguard o ang nanguna sa iba.

Hinihintay muna ng field commander ang utos ng General Headquarters bago pa simulan ang bombardment sa kampo. Naka standby ang 150 mm howitzers ng militar mga 15 kilometro ang layo sa frontline. Nasa taas na 10,000 feet ang dalawang military drones sa himpapawid upang i monitor ang movement ng mga kalaban sa kampo na walang kamuwang-muwang sa pag-aatake ng militar.

Plano sana i delay pa ng Military Intelligence ang misyon dahil nadoon pa sa kampo ang importante nilang mga agents subalit naiinis na ang Chiefs of Staff atsaka ang Presidente sa delays. Nagsitinginan ang Heneral ng Intelligence at ang Koronel na plano pa sanang ilikas ang kanilang mga agents. Binibigyan ng Presidente ng dalawang oras na delay ang operasyon at sumang ayon naman ang taga Military Intelligence sa ultimatum ng Presidente at Chiefs of Staff.

Sa loob ng kampo dumating ang Arabian na si Agent C at si Agent E upang makipag pulong kay Satur Roman. Ang kanilang ibang kasama ay nanatili sa labas ng quarters ng lider ng kilusan. Pinaupo sila Agent C at E sa loob ng silid at nanahimik habang inobserbahan ang paligid. Maraming mga batang sundalo ang nakapaligid sa loob. Armado sila ng mga 9 mm SMGs at ilang mga matataas na kalibre na armas. Bantay sarado din ang kanilang mga galaw at nakatutok ang marami sa kanila sa panauhin ng lider ng kilusan.

"Boss, malapit na po..." Sabi ni Agent C kay E.

"Alam ko, maghintay lang tayo." Sabi ni Agent E kay C.

Pagkatapos mag-usap nina Agent C at E ay dumating ang lider ng kilusan na si Satur Roman. Pamilyar ang lider sa kanyang mga panauhin at pinapasok sila sa kanyang personal na silid. Sumama sina Agent C at E at sinara ang pinto ng lider pagkatapos pumasok ng dalawa.

Pagkaupo ng dalawa ay hindi na nag-maangmaangan si Satur Roman at tinanong si Agent E.

"Enrique ba ka mo? Bakit kayo nandito ngayon?"

"Mayroon lang sana kaming gusto i pulong at mensahe para sa inyo." Sagot ni Enrique kay Roman.

"Kung ang operasyon ang ibig mong sabihin ay alam ko. Nakaabang na ang mga fighters ng Dakilang Front para sa mga darating na kalaban."

"Hindi po yan ang aming layunin. Nandito kami sa ngalan ng organisasyon."

"Organisasyon?" Tanong ni Roman kay Enrique.

"Ang ahas na maraming ulo, sila na nasa anino ng mga bansa. Namamahala sa dilim at nagdesisyon kung sila ay magpapatuloy sa kanilang buhay o dapat nang patayin ang ilaw ng kanilang pag-asa."

Pagkarinig ni Roman nito ay humingi siya ng patawad kay Enrique.

"Matagal na kitang kilala, Enrique. Pero hindi ko alam na nakakaangat ka na pala sa organisasyon!" Nabigla si Roman sa kanyang natuklasan kay Enrique.

"Maraming paraan po, para makamit ang ninanais, Ka-Roman! Nandito ako hindi upang titigilan kita sa iyong mga balak subalit, mayroong plano ang organisasyon para sa iyo..." Sabi ni Enrique kay Roman.

"Nakikinig ako..." Tugon ni Roman kay Enrique.

Habang nag-uusap sina Roman at Enrique sa loob ng kampo. Nakita ng ilang scouts ng Reds ang mga tropa ng miltar. Hindi muna pinaputukan ng mga terorista ang mga tropa dahil baka mayroon pang iba na nasa paligid. Inireport nila ang kanilang nakita at inalerto ang kampo. Dahil dito nagsihanda na ang mga depensa ng kampo at nakita ito ng su...

About the Author :

Author info not found!
1  ·  0  ·  2  ·  1,545
 · 

Add New Comment
M E N U
Recent Comments