M
E
N
U

Verlusian Crisis: Agenda

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Sci-Fi and Fantasy · Tags: , , , ,
Date: Tuesday, 4 May 2021 (4 days ago)


A/N: Plot muna tayo ngayon mga boss... Mga lapit na cguro ending yung action. Yung kalibugan later na din hehehe. Basta, promise ko ay mangyayari ang kinaasam nyo.

United Republics of Qina, ito ay isang bansang malaki, malawak at matao. Ang bansang ito ay pinamumunuan ng Politburo at Presidente na namuno nito. Ang mga bansang Qina, ang Slavic Federation at United Kingdom of Goryeo and Formosa ay ang tinatawag na Tripartie Opposition.

Sila ay ang representative sa League of Nations laban sa Atlantic Federation at sa Free world. May karapatan ang mga bansang ito na mag veto kung ano man ang desisyon ng League of Nations tungkol sa mga hidwaan at mga interventiong militar.


May hidwaan ang bansang Verlusia at Qina sa South Yalu Sea. Ito ay ang teritoryo na tinatawag na Watchtower Islands kung saan isang mayaman sa likas na yaman, strategic na location atsaka yaman ng langis at enerhiya na ang isang malaking rason sa hidwaan ng dalawang bansa.

Hindi nakapagtataka na sinuportahan ng Qina ang mga pag-aalsa at kilusan laban sa gobyerno ng Verlusia sa bansa. Ang Reds, Morong insurrection at mga Freedom fighters na nilalabanan ng gobyerno.

Dumating ang mga panauhin ng tatlong bansa, Qina, Slavic Federation at Goryeo sa may bundok Maasin sa rehiyon ng Kabiyasnan. Doon nagtago sina Satur Roman atsaka ang kanyang tauhan. Minamanmanan ng mga drones, surveilance aircraft ng Verlusian Air Force ang mga karatig lugar at bayan ng mga teroristang Reds.

"Oo nga pala, pinuno? Darating po ba si Filipe Villamor dito sa bansa?" Tanong ng isang kumander kay Satur Roman na naka upo sa lamesa kasama ng isang rebeldeng sundalo.

"Hindi ko pa masasabi sa ngayon, Arturo. Subalit kung mapag isa natin ang kilusan dito sa rehiyong ito ay maaring mangyari na babalik sa Villamor." Sagot ni Satur Roman kay Arturo isang may malaking posisyon sa kilusan.

"Balita ko, nalagas ang isang lider ng isang Front sa may Samal. Paano nangyari ang bagay na iyon?" Dagdag ni Satur Roman kay Arturo.

"Nag kolekta po ng revolutionary taxes at supplies ang panig ni Romeo Atilan. Subalit mayroong nag tip at nakita sila ng patrolya ng militar. Atsaka, minamanmanan ang kanilang kilos ng ilang semana at tinambangan sila ng pinagsanib na pwersa ng Special Forces at Special Action Unit ng Pulisya." Paliwanag ni Arturo kay Roman.

Nagalit si Satur Roman sa narinig at kinuha ang kalibre 40 na baril sa kanyang gun hostler at tinutok sa noo...

About the Author :

N

Joined: September 27, 2016 (4 years old)
Writings: 31
Male  ·  Offline
Description:
Amateur writer... I can write stories in English and Tagalog. I also wrote stories in Webnovel and have a wordpress blog containing my poems. Please refer to these links to see more!

My recent work in the website is "The Verlusian Conspiracy" a trial novel. It is not fully edited and proofread. I hope you guys will read it for some feedbacks.

I will also write a spinoff story in this website. Thank you all for reading my works!
Websites: Signature Text:
Do not count an income that you do not own. Count your blessings instead!
0  ·  0  ·  0  ·  1,102
 · 

Add New Comment
M E N U
Recent Comments