M
E
N
U

Verlusian Crisis: Pananaw At Paghihikayat

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Sci-Fi and Fantasy · Tags:
Date: April 26, 2021 (17 days ago)


"Kung maiguhit lamang ang daloy ng kasaysayan. Isa ito sa mahirap na gagawin. Pabalik balik kahit anong gagawin. Paulit-ulit sa nagbabagong panahon."

Sabi ni Satur Roman sa isang malapit na kumander sa kanya.

"Ano po ang ibig sabihin niyo, pinuno?"

Tanong ng kumander.

"Para kang nasa isang bilangguan, na pilit mong gusto makalaya. Subalit, ang cycle ay paulit ulit lang din. Totoo na makakalaya ka sa iyong pagkabilanggo, sa labas naman ay isang malaking presohan. Malaya ka nga sa selda, subalit, limitado naman ang galaw mo. Dahil sa mganamamahala. Ayaw nila ng pagbabago, gusto lang nilang mapanatili ang kanilang katayuan. Ang tao na gustong makalaya sa sistema ay walang magawa kungdi sususndin ang kanilang gusto, ng mga mayayaman at nakataas sa lipunan. Isang bilangguang walang katapusan."

Tinapos ni Satur Roman ang kanyang salaysay.

Dahil sa lalim ng ibig ipahiwatig nalito ang kumander at tumango na lang. Pilit na inintindi ang sinasabi ng pinuno ng kilusan. Nag desisyon siyang kumuha ng tubig galing sa banga at binigyan nya ang pinuno na tumanggi at nagsalita muli.

"Sa aming pakikibaka ni Nestor, ngayon na namamayapa sa kanyang manlilikha. Hindi nagtagumpay ang pamahalaan ang ang mga kurakot nilang mga alipores at kasamahan. Sa kanilang mga gawain ay napapaugnay nila ang mga tao sa ating adhikain."

Tumingin ang kumader kay Satur at nabilib sa kanyang sinasabi.

"Totoo po iyon pinuno! Hindi lamang napag iisa ang kilusan at handa kaming mamatay upang mapagtanggumpayan ang inyong balak!"

-------------

Naging matagumpay ang misyon ng pinagsanib na pwersa ng mga army 1st Scout Regiment at Special Action Unit ng mga Pulis. Marami ang nalagas sa mga terorista at naligtas lahat ng mga sibilyan na naipit sa enkwentro. Sa dalawang daan na mga terorista ay limampu na lang ang natira sa kanila.

Nag ulat ang kapitan sa headquarters sa resulta ng enkwentro na naganap. Habang tinalian ng mga nahuli na mga terorista ay mayroong dinalang isang nadakip sa Kapitan. Isa siyang ma impluwensyang aktibista at partylist leader ng isang political movement sa bansa.

Kanyang inenteroga ang partylist leader na may kaugnayan sa mga Reds. Walang sinabi ang aktibista kaya nag suhestyon ang isang sundalo na i torture upang magsalita. Ito ay tinutulan ng Kapitan dahil alam nya na bawal ito at baka gamitin ito laban sa kanila. Inutusan ng Kapitan na isali sa ibang mga terorista ang aktibista upang dalhin sa kampo.

Nag usap ang Kapitan at ang Tinyente sa may malaking bato. Makulimlim na ang paligid at malapit na ang gabi. Nagsindi ng sigarilyo ang Kapitan at kumuha ng isa upang ibigay sa Tinyente na tinanggap ang yosi galing sa Kapitan.

"Hindi biro yung bakbakan natin kanina sir!"

Sabi ng Tinyente sa Kapitan habang nagsigarilyo.

"Oo nga, marami din sila kumpara sa atin. Ubos sana tayo kung hindi tayo naka isip ng plano."

Sagot ng Kapitan.

"Oo nga sir, parang mayroong malaking paghahanda ang mga Reds ngayon. Hindi ata to yung typo nilang ambush at hit and run. Parang desidido ata sila sa isang malaking kilusan."

Biglang sabi ng Tinyente sa Kapitan sa kaniyang obserbasyon sa mga pangyayari.

Ito ay naisip din ng Kapitan subalit marami siyang nakitang hindi pangkaraniwan katulad ng sinabi ng Tinyente. Binaba niya ang kanyang kamay at lumapit sa tinyente. Kanyang tinap ang kanang balikat ng Tinyente at sabi

"Hindi natin trabaho ang mag isip ng ganyan. Sa ngayon, mas mainam na mag masid at mag ingat tayo sa paligid. Baka mayroong kalaban pa dito sa paligid."

Sabi ng Kapitan sa kanya.

---------------

Pagkatapos ng ilang araw ng imbestigasyong ginagawa nina Cobra at Enrique sa Samal at karatig bayan. Nagpasya silang magpahinga sa Cordova. Nanatili sila sa isang pension house at nag desisyon kumain sa labas. Dahil sa hindi gusto ni Cobra ng pagkaing may halo na impluwensya galing sa mga bansang Europa at Atlantica ay nahihirapang maghanap ng restaurant si Enrique. Bakas sa mukha ni Enrique ang pagkagutom subalit wala siyang magawa dahil a...

About the Author :

N

Joined: September 27, 2016 (4 years old)
Writings: 34
Male  ·  Offline
Description:
Amateur writer... I can write stories in English and Tagalog. I also wrote stories in Webnovel and have a wordpress blog containing my poems. Please refer to these links to see more!

My recent work in the website is "The Verlusian Conspiracy" a trial novel. It is not fully edited and proofread. I hope you guys will read it for some feedbacks.

I will also write a spinoff story in this website. Thank you all for reading my works!
Websites: Signature Text:
Do not count an income that you do not own. Count your blessings instead!
1  ·  0  ·  0  ·  1,087
 · 

Add New Comment
M E N U
Recent Comments