M
E
N
U

Verlusian Crisis: Leila

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Reluctance, Romance, Sci-Fi and Fantasy · Tags: , , , ,
Date: April 21, 2021 (22 days ago)


A/N: Leila's P.O.V. and some conspiracies and etc., enjoy! ;-)

--------------

Sa dungis ng binhi ng taong kanyang kinasusuklaman. Apoy ng galit ang nagpapairal at kinukunan ng lakas at dahilan upang ipagpatuloy ang nasimulan. Ang babaeng tinatawag nilang Leila, kalaban sa loob ng utak ng organisasyon. Siya ang isang "Mole" o insider ng mga kalaban sa loob ng utak ng Gobyernong Verlusia.

Kung saan man siyang panig ay hindi pa malalaman subalit ang poot at galit niya sa Heneral na kanyang pilit na sinusunod ay hindi matumbasan. Pinaplano niya ang pagbagsak at pagpapahamak sa taong gumagamit sa kanya. Nakakasusuklam at nakakadiri, bagay na kanyang tiniis upang makuha ang kanyang mga balak.

"Heneral, ito po ang mga ulat at mga report na gawa ng mga tauhan sa 3rd Intelligence."

Tunol ni Leila ng mga papeles sa Heneral, pasimpleng hinimas ng Heneral ang kamay niya. Nasanay na si Leila at sinuklian neto ng pasimpleng ngiti ang Henral sa ginawa na nagpangiti ng ligaya sa kanya. Pagkatapos ng tugon ng Heneral ay umalis ang babae at isinara ang pinto.

Sa labas ng opisina ay hindi niya pinansin ang paligid. Tinignan siya ng mga ibang katrabaho nya sa intelligence. Ang iba ay nainggit ang iba naman ay suklam at ang iba ay parang nasuka sa kanya. Usap-usapan ng mga katrabaho nya na isa lang siyang kasiyahan ng Heneral kaya siya ay pinagpaboran.

Patuloy lumalakad ang babae palabas ng headquarters hindi inintindi ang mga boses na nag usap, ang mga malagkit na tingin ng mga tao at ang panghuhusga sa kanya. Ang importante ay matapos ang misyong binigay sa kanya ng nakakataas sa kanya. Sa pagkasakim at pagkaluho ng Heneral ay kanyang ipinanganib ang bansa.

"Saan kaya dito ang files ng mga dayuhang iyon?"

Tanong ni Leila sa kanyang isipan ng hinanap ang kwarto nag contain ng dossier at mga taong hinahanap nya sa Military Intelligence ng bansa. Ang kanyang tinutukoy ay sina Enrique at Cobra, mga irregular at informal na tauhan ng Military Intelligence. Mayroon siyang ideya sa pagkakilanlan nina Cobra at Enrique, subalit ang ibang impormasyon sa kanil ay classified at top secret. Ang mga nakakataas lamang ang may access at clearance upang tignan ang mga ito.

Kahit na madali nyang madani ang Heneral sa kanyang gusto. Walang magawa ang Heneral kung siya lamang mag isa. Kailangan may kasama siyang isang mataas na ranggo na officer kapag papasok sila sa mga libraries na may mataas na security clearance.

"Kailangan ko ng mga kinauukulang access at permission sa nakatataas upang masaliksik ko ang mga taong eto. Ang matandang hayop na yon ay walang magawa at sa mga nakalilipas na araw ay naubusan na ako ng gamit sa kanya."

Inis na inis si Leila na nag iisip habang tinignan ang library na nasa harap nya. Hindi siya makalapasok dahil sa level of clearance na nasa kanya. Bawal ang mga katulad nya na hindi binigyan ng access saka sa ranggo nyang 2nd Lieutenant. Dapat mayroon din siyang partner na pumasok din sa lugar.

-----

"Mayroon kaming natanggap na ulat na mayroong isang Mole sa ating organisasyon. Sana ay mayroon kayong gawin sa bagay na ito."

Isang sekretong pagpupulong ng mga matataas na ranggo ng Bureau. Lahat ng mga mabababa na ranggo at wala sa top secret committee ay hindi pinasali sa pagpupulong. Nag background check sila sa mga tauhan ng Bureau atsaka ng mga kilalang tauhan ng Military Intelligence. Kasama na duon sa iniimbestigahan ay sina Cobra at Enrique.

"Ang mga taong ito ay dapat na imbestigahan sa madaling panahon!"

Suhestyon ng isang opisyal na may mataas na ranggo. Siya ay si Major Anthony Beckett, kalahating Leondrian at Verlusian. Mayroon siyang makapal na bangas at asul na mata at malaking tao.

"Heneral, sa tingin ko tama si Major Anthony. Mayroon talagang hindi magandang ginagawa ang mga dayuhan..."

Sabi ng isang intelligence officer sa ranggo na tinenyente subalit ay pinigilan siya ng Heneral.

"Silang dalawa ay ang ating pinakaimportanteng mga asset at agents dito sa Bureau. Kung mayroon man sa inyo ang nagduda sa kanilang katapatan at kakayanan ng dalawa, ay ako muna ang inyong iimbestigahan!"

Banta ng Heneral sa lahat na nasa pagpupulong.

"Heneral, wala ka na sa iyong lugar. Pwede ka naming mapatalsik kumbaga sa inyong ginagawa!"

Sagot ng Major sa kanya sa kanyang lamesa na hindi natutuwa sa narinig nya sa Heneral.

Nanahimik ang iba sa pagpupulong at nagtitinginan sa isa't isa. Walang imik ang iba na ayaw pumanig sa Major. Dahil dito ay kumpyansa ang Heneral sa sarili at nagpatuloy sa pag salita.

"Ikaw Major, mayroon kabang pinapanigang iba?"

Nagalit ang Major na hindi natinig sa ranggo ng nasa harapan nya at sumagot ito.

"Mahal ko ang ating bayan, ang bansang Verlusia! Kung sino man sa inyo ang may napansin na kaka...

About the Author :

N

Joined: September 27, 2016 (4 years old)
Writings: 34
Male  ·  Offline
Description:
Amateur writer... I can write stories in English and Tagalog. I also wrote stories in Webnovel and have a wordpress blog containing my poems. Please refer to these links to see more!

My recent work in the website is "The Verlusian Conspiracy" a trial novel. It is not fully edited and proofread. I hope you guys will read it for some feedbacks.

I will also write a spinoff story in this website. Thank you all for reading my works!
Websites: Signature Text:
Do not count an income that you do not own. Count your blessings instead!
1  ·  0  ·  1  ·  1,969
 · 

Add New Comment
M E N U
Recent Comments