M
E
N
U

Extra Jump! Ang Mga Hari Ng Basketball (Ep. 4 - 5)

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, First Time, Romance · Tags: , , , , ,
Date: April 15, 2021 (23 days ago)


Extra Jump! Ang mga Hari ng Basketball (ep. 4)

author: cloud9791

Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.

SPG content: This story posted in this page/website may include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community please exit the page or stop reading now....

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

======================================

Kay Rudy… Rudy Macario....

Tangina! Ang SAKIT!! Tangina mo!! Gago ka!! Ikaw kasi kasalanan mo yan!!

BAGG!!!! Ang malakas na tunog suntukin ko ng malakas ang sementong dingding ng kwarto ko!

Nakita ko kung paanong namula at nagdugo ng kaunti ang kanang kamao. Unti-unti kong naramdaman ang sakit ng pagkakasuntok ko nun sa dingding. Pero wala pa rin talagang mas sasakit sa ginawang pag-iwan sakin ni Denise ang girlfriend ko.

Mula sa pagiging baliw, bigla naman akong naging kawawa. Tumulo ng tumulo ang luha ko na kayrami. Hindi ko na alam kung saan pa nanggagaling sa dami.

Time can erase the love we shared… But it gives me time to realize… Just how much we had…

Ang kanta ng Toto na tumutunog sa background ng aking silid na tumutugtog sa aking Makalumang CD player. Pagpahid ko ng mata. Nanlilisik ang mga mata ko sa naiwan kong inumin sa maliit na lamesa di kalayuan sa kama ko.

Itinaas ko ang bote ng MP sabay tungga!! Glug! Glug! Glug!!! TANGINA MO!! HUHUHU!! TANGINA MO!!! Mainit-masakit sa lalamunan!! May chaser ako tubig pero kasi wala na akong pambili ng pulutan at juice man lang, pero hindi ko ininom!! Gusto kong lunurin ang sakit ng puso ko!!

"AHUHU! DENISE!!" Tangina ang iyak ko sa maliit kong paupahan na kwarto.

DUG!DUG!DUG!! Ang malakas na katok sa labas!

"HOY ANG INGAY MO!!" Ang malakas na sigaw kasunod nun.

Dun lalong umakyat ang dugo sa ulo ko. Hawak ko pa rin ang bote ng alak. Sabay tayo bukas ng pinto… Nakita ko ang isang lalaki na mataba. Nagdilim na ang paningin ko sabay sipa ko ng malakas sa tiyan na! BOG!!! Talsik sa malayo si Gago!!

TANGINA KA HA!! Naglakad ako sa labas. Tangina humarang na haharang!! Sige subukan nyo!!

-----------------------------------------------------

Kay Glenn…

Pinagalitan ako ni Nanay! Nahuli nya ko nakapatong kay Bea na naka-brief lang!! Isang malakas na kaltok tuloy ang inabot ko kay Inay!! ARAY!!! Ang malakas kong hiyaw! Teka galing ako sa bugbog ah!??

Hiyang-hiya naman ako kay Bea Dela Ven. Ang assistant manager ng basketball team pinatungan ko!!?? Feeling ko ako si Pen Medina ang rapist ng mga dalaga sa pelikula!!

"Sorry na! Sorry na!!" Ang paulit-ulit ko na hingi ng paumanhin kay Bea.

"Hmmp!!"Si Bea na nanlilisik ang mga mata sakin.

Parehas sila ni Nanay ganun ang tingin sakin! Nagkalat pa ang koleksyon ko ng porn sa sahig.

"Ikaw talagang bata ka! Di ba sinabi ko na sayong itapon mo na yan!! Susunugin ko yan eh!"

Nakita ko pa si Tatay naka-silip sa may labas ng kwarto ko. Ang kulit ng mukha ni Tatay habang pa simpleng pakindat-kindat at makulit na mukha! Yung mukha niya na walang makakaalam ng sikreto natin ha! Marami kasi dito sa mga dvd collection ko galing sa kanya! Ano ako lang kawawa!?

"Lumabas ka na nga diyang lintek ka… At MAGBIHIS KA NA NGA!!" Ang malakas na hiyaw ni Inay.

NAkita ko si Bea parang bata na dumila sakin ng isang simpleng pang-aasar!

Aba'y Lekat!!

Kaya andito ako ngayon ilang araw matapos pumunta si Bea sa bahay. Papunta naman ako sa bahay ni Macario. Si Rudy Macario, ang matangkad na magiging ka-teammate ko sa basketball team. Yun eh kung makakuha ako. Teammate di ka pa nga nakapasa.

Inutusan ako ni Bea na sabihan si Macario na pumunta bukas sa Gym! Kako bakit hindi nalang nya itext o imessage sa messenger? Wala daw celfone si MAcario. Ano daw!?? Meron pa bang tao ngayon ang hindi gumagamit ng celphone!??

Teka dito na ba yun? Binagalan ko ng konti ang bike ko. Pagliko ko sa pakaliwa sa kalsada. May nag-rurumble!! Mga apat… Hindi!! Mga pitong kalalakihan pala ang nakikipag-suntukan sa kabilang grupo!! Ang kabilang grupo… Binilang ko ang sa kabilang grupo iisa lang pala!! ISA!?? Si MAcario!!!

PAG!! TAG!! PAGG TAGG!! Ang malakas na tunog dahil sa suntukan!

SHET!! Napanganga nalang ako sa paghanga. Si Rudy mag-isa lang kasuntukan yung kayraming lalaki at mga teenager!! Kada isang suntok sa kanya, gumaganti rin sya ng isang sipa at suntok sa mga kaaway nya!! Grabe parang hindi siya tinatablan! Ang lakas nya! Bawat tamaan pati ng suntok nya tumatalsik! TAK! BAG!! TAG!! Ang lakas nya!!

Nang may makita ako mga anim o pito pang lalaki ang paparating!! Sigurado ako mga myembro ng iisang samahan lang tong mga to! Mukhang pagtutulungan nila si Rudy!!

TAK!! DAG!! DAG!! DAGG!! TAK!! Ang malakas na suntukan ng marami sa kabilang grupo at ni Rudy MAcario!!

Dun ko na napapansing mejo nagiging duguan na si Rudy! MAsyado ng marami ang mga kalaban nya!! Anong gagawin mo Glenn? Anong gagawin mo!!?? Biglang tumagidig ang puso ko!! Ano ba itong naiisip kong gawin!!? Naramdaman ko nalang ang katawan ko lumundag mula sa sinasakyan kong bike!

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

-----------------------------------------------------

Kay Ace…

Tsk! Ayaw ko man aminin pero mahilig talaga ako sa matatamis. Isang mainit-init na chocolate milk in sa mug. Apat na malalaking donut na iba't-ibang flavor ang nasa harapan ko ngayon. Pagka-ubos ng isa, dinampot ko na agad ang pangalawang donut ko. Isang kagat ko palang halos nangalahati na agad! Ansarap!! Malambot at sakto lang sa tamis ang flavor! Kaya naman binabalik-balikan ko ang maliit na coffee shop na ito, na medyo malapit sa school namin.

Ilang minuto lang ubos na agad sakin ang mga nabili ko. Nice!! Di na ko maghahanda ng hapunan. Nakakatamad kaya mag-luto. Nang malapit-lapit na ko sa tinutuluyan ko. Nakita ko may nagkaka-gulong isang grupo ng kalalakihan! Mukhang may nagra-rumble! Mga UNGGOY! Ang sigaw ko sa isip ko. Nag-aaksaya lang kayo ng oras! Nakita ko papatalsik sakin ang isa.. PUTAH!!

TAG!! SINIPA KO SA LIKOD!!

Talsik si unggoy malayo sa kalsada!! Sabay kalabit sa isa pa nyang kasamahan.

"PRE!! SINIPA AKO NG TARANTADONG YUN OH!!"

"Saan!!??"

"Ayun OH!!"

Takbo silang dalawa papalapit sakin! Naka-amba na pasuntok yung pinagsumbungan.

Inunahan ko na!! PAK!! Nang tumama sa bunganga nya ang kanan ko!! Sabog ang nguso ni Fucking SHIT!! Inamong Unggoy ka ha!!

Sisingit pa sana ng isa yung sinipa ko kanina. Sinapak ko na agad gamit ang kaliwa ko naman!! PAK!!! Sapol sa kaliwang pisngi si Gago!!

TOG!!! Nang maramdaman ko may sumuntok sa kanang pisngi ko. Natapon yung dala kong tirang

donut sa paper bag. Fucking shit!! Sinong unggoy yun!? Nakita ko isang binata uli na kasing-edad ko

rin siguro. May hawak na kahoy!

INA KA HA!!! NAgdilim ang paningin ko!! Lahat ng makita ko malapit sakin Sinipa ko!!

--------------------------------------

Kay Bea…

"Haahaahaa...Haaa!!" Ang pagkanta ko sa sarili ko.

Di ko alam bakit masaya ko. Naglalakad ako pauwi ngayon galing sa convenience store malapit sa bahay namin. Alam ko na, excited pa rin ako sa mangyayari sa paparating na basketball season!! Ang National Championships!!

Mukhang magiging malakas ngayong taon ang basketball team namin!! Dalawang matangkad na rookie ang sasali samin! Si Macario at si Mendoza! Ngayon lang uli magkakaroon ng height ang team ng San Gabriel Kings!! Mukhang pwedeng maging Super Rookie si Ace Mendoza! Gwapo pa!! AAYYY!! PArang feeling ko namula ang mga pisngi ko mag-isa.

Eto naman si Rudy Macario mukhang iba rin ang athletic ability nya! Nung nag-try sya mag-dunk minsan halos ka-level ata ng face nya ang ring! WOW!! Kaya lang mukhang bano sa ibang bagay! Kelangan pa ng maraming training!

Sino pa nga ba yung mga bago namin. Si… Si… Allan Tristo ba yun? Yung mukhang veteran na kaya lang nakakatakot tumitig. Tahimik na tahimik hindi mo alam ang iniisip. Isa daw kilalang player sa isang hindi kilalang school. Iche-check ko pa sya!!

Lastly si Torio. Si Glenn Tukmol!! Ewan ko ba pag dumadaan sa isip ko si Torio kinikilabutan ako!!

MANIAC!! REYPIST! MANIAC!!

Patungan ba naman ako ng naka-brief lang!! Ako na tumulong! Ako pa mamanyakin!! NAKU KA

TORIO KA!! Naalala ko palang yung something hard na dumikit sa akin!! HAAAAA!!! Ang hindi ko mapigilang tili sa kalsada!!

"ATE! Ok ka lang?" Ang sabi sakin ng isang bata.

Dalawa sila kumakain ng ice cream nakatingin sakin na parang nakakita sila ng isang takas galing sa mental.

"O-OO NAMAN! HEHEHEHE!" Ang ngiti ko ng pagka-sweet sa dalawa.

Pero sa isip ko sige pa. Sige pa! MAg-salita pa kayo pag-untugin ko kayong dalawa dyan!! Makauwi na nga! Dun sa daraanan ko parang may nagkakagulo! MAY NAG-AAWAY!!

Tumigil muna ako sa paglakad. CHEF NAMAN OH! Mga Lalaki talaga!! Tigilan nyo na nga yan!!

"Dyaskeng mga bata yan!"

"Mga basketball team naman ata ang pinagdiskitahan ng grupong yan!"

Napatingin ako dalawang mamang mejo matanda na ang nag-uusap. Tama ba ang dinig ko Basketball team!? Pinagmasdan ko maigi ang mga nag-aaway. Sa mga bente halos na binata. May tatlo dun na pamilyar sa kin. Si Mendoza, Macario at TORIO!!! Ang tatlong GAGO!! MGA GAGO KAYO BAKA MAINJURY KAYO!!! NOOO!!

Laking gulat ko nang nagtakbuhan na ang mas maraming kabilang grupo. Yung iba dun ika-ika na maglakad at duguan! Natira nalang na nakatayo. Ang mga future recruits ko!! Napatakbo ako sa tatlo na parang isang ina nila. Ina nila!? INA NYO!!! MGA PASAWAY!!

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

-----------------------------------------------------

Kay Torio…

EEEEHHHHHH!!!!

Ang pinakamalakas na tili na narinig ko sa buong buhay ko!! Di ko alam kong ano ang mas masakit yung mga pasa at sugat ko? O ang sakit sa tenga dahil sa malakas na hiyaw ni Bea Dela Ven? Parehas kami natigilan at natulala ni Macario. Sino ba namang hindi. PArang kaming tinamaan ng kame ng Haki ni Luffy sa lakas ng hiyaw ni Bea. Pagtingin ko sa kabilang gilid ko… Si Ace Mendoza!! Si ACE!!?? Teka bakit andito rin sya? Nakita ko may mga pasa din sya sa katawan. Nakipagsuntukan din sya!?

Kaya pala nagtakbuhan ang halos bente kabinataan na myembro ng isang malaking grupo dito sa lugar namin! Si Macario at Si Ace!! Parehas napakalakas ng dalawang to!! Kala ko pa naman isa ako sa mga dahilan napatakbo namin ang mga kaaway. Ang natatandaan ko lang pagdating ko. Pagsuntok ko dun sa isa. Parang nagpa-bugbog nalang ata ako.

Ngayon nararamdaman ko na ang bugbog at sakit sa katawan ko. Kanina parang hindi ako nasasaktan. Ngayon biglang nanguluntoy ang katawan. HYAAAAYYY!

Bago ako matumba may humawak sa may kanang braso ko. Si Macaario! Pero hindi sya nakatingin sakin. Sabay itinayo nya uli ako.

"IKAW!! IKAW!! IKAW!! WAG KAYO AALIS SUMAMA KAYO SAKIN!!!" Ang sigaw uli ni Bea

Dela Ven.

Si Ace kahit mukhang astig ang natigilan sa hiyaw ni Bea. Anong meron sa babaeng to!? Cute at mukhang maamo yung mukha nya. Pero parang tigre kung maggalit!!

=========================================

Sa bahay…

"Talagang ginagalit mo kong bata ka ha!! Nakipag-ayaw ka na naman!! Bakit ha!? Sisiga-siga ka na

dyan sa daan ha!!?" Si Nanay habang dinuro-duro nya ang dibdib ko.

"Tu-tumulong lang po ako Inay…"

"Aba't! Sumasagot ka na ha bata ka!? SUMASAGOT KA NA!?"

"Inay naman hindi po…"

Sabay kurot ni Nanay sa kanang tenga ko.

Nahuli ko si Bea tatawa-tawa ng tahimik sa isang tabi. Nakita ko kasama rin ni Bea sina Rudy Macario at Ace Mendoza. Nanliit ang veranda ng bahay namin sa tangkad ng dalawa!

"Inay naman nakakahiya naman." Ang pakiusap ko kay Inay.

Kahit maliit si Inay at 6 footer din naman ako. Di ko alam paano nya nagagawang maabot pa rin ang tenga para lang kurutin!

"CHE! KAsalanan mo yan! Halika pasok kayo lahat dito!"Ang malakas na boses ni Inay sa mga

kasama ko.

Sa nakita nila na ginawa sa akin ni Inay. PArang sunud-sunuran ang tatlo na pumasok sa bahay namin. Nasindak siguro sa nakita nila. Pumasok si Inay sa kwarto nila ni Tatay. PAglabas dala na nya ang kanyang medical kit o first box. Dating nurse si nanay bago nasungkit ni Tatay ang kanyang matamis na oo. Matulis din talaga si Itay binuntis agad si nanay ko.

Unang pumunta si Nanay kay Ace. Ang gwapo at tahimik na si Ace na may pagka-supladong lalake. PArang maamong tupa ngayon sa harapan ni Nanay. Yung habang pinapahiran ni Inay yung mga sugat nya ng alcohol, pinipigilan lang makitang nasasaktan hehehe!

Sunod pinuntahan ni Inay si Macario. Nanliliit tuloy ang nanay ko sa dalawang to. Pati ang sala namin na sakto lang naman ang laki ay parang feeling ko sumikip kina Macario at Ace!

"Ma-magandang gabi po… Hehe" Bati ni Rudy Macario kay Inay.

"La-lasing ka ba iho?"

"Ha!? Hi-hinde po!! Hinde po!"Ang tigas tanggi ni Macario kay Inay.

Eh halata naman sa itsura nya haha! PAgdampi ng cotton buds ni Inay sa sugat ni Macario sa mukha…

"WAAAAAHHHHH!!!" Ang hiyaw niya!

Parang nahulasan ang kalasingan niya! Nakakatawa pala to si Rudy! Ang laki-laki at lakas sa suntukan. Takot sa alchohol at kay Inay ko!?

Nang matapos si nanay sa kanila. Maraming band-aid parehas si Macario at Ace sa mga mukha at braso nila!! Nakakatawa tingnan! Muntik na ako mapa-hagikgik sa pagtawa!

"Tatawa-tawa ka dyan?"

Nyay!? Ako na pala susunod!? Tatayo at tatalikod na sana ako nang…

"Glenn Torio!! WAg na wag ka aalis dyan sa upuan mo! Tatamaan ka sakin lintik kang bata ka!!"

Napaupo uli ako. Naku! Nakakahiya! Nakita ko si Bea dun sa isang tabi tahimik na tatawa-tawa!

Napuno ng hiyaw at sigaw ang bahay namin nang isinunod na ako ni Nanay!! Kitang-kita ko ng ako naman ang tampulan ng tawanan nila Rudy at Bea! Si Ace na masungit kitang-kita ko na napapatawa rin sa nangyayari sakin!

"Lintek ka! Kakalaba ko lang nitong suot mo. Sa sunod na makipag-away ka pa uli..." Si Inay.

"Ah… Ate… Aling…?", Si Macario.

"Rosa… Bakit Iho?"

"Tinulungan lang po talaga ako ni Glenn. Wala po syang kasalanan."

Parang pagharap uli ni Nanay sa akin. Nag-iba na ang itsura nya.

"Anak…" Si Nanay sabay yakap sa ulo ko.

=============================

Kay Jenny…

It's the holidays. I could see Ate Inyang and Cora. Our maids are very busy preparing food. I know I should be excited but…

I tried to think of something to do. In my sleeping attire I went out of my room. No sound, I felt like I'm a Cat Thief! Looking down I saw mama. I saw she's drinking again. There she was with that wretched man again. But what surprised me was another man. He's much younger than Jaime Breekman, my mom's lover.

"Wait I'll introduce you to my daughter."

The man was good-looking. In fact too handsome, but I could feel something's not right about him. Both of them were clearly flirting with my mom. I looked at mama's face and I knew that she's about to get drunk again. My heart started to tremble. I'm afraid of Jaime Breekman and this guy.

That's when I decided...

I sat down before my mom could look up. Crawled back to my room. I grabbed as many things as I could. Put everything in my bag, and like a stranger I went back to the back stairs going to the backdoor.

"Where are you going?"

I looked around and I saw Jaime Breekman standing just inches away from me.

Glenn!!

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

-----------------------------------------------------

Kay Bea…

Napatingin ako kay Glenn Tu… Ay hindi pala. Kay Torio. Di ko akalain magagawa nya yun. Nung yakapin siya ng nanay nya. Napapahid ako sa mga mata ko. Tumulo ba luha ko? Na-miss ko tuloy bigla ang sarili kong inay at itay dun sa probinsya.

"Oh mukhang marami ata tayong bisita ngayon ah!", Ang isang bagong dating na boses.

Pagtingin ko ang tatay ni Torio. Si Mang Reynaldo.

Biglang tumayo si Ace…

"Uuwi na po…"

"Ay hindi… Dito na kayo mag bisperas iho. Sabi dito ni Bea nangungupahan lang daw kayo ni Rudy?

Di ba Bea?", Si Aling Rosa ang nanay ni Torio.

Tiningnan ako ng matalim ni Ace. Napayuko at natatawa nalang ako sa loob ko. Gwapo sana pero nakakatakot din talaga tong si future star player namin! Napaka-suplado!! Nakita ko nagkatinginan din sila ni Rudy. Mukhang gusto pa atang mag-away ng dalawang to! Kagagaling lang sa away, away na naman!? Nagkatinginan din ang tatlong lalake.

"Pa-pati po ba ako?" Si Rudy na halatang nagtataka rin.

"Oo umupo ko lang dyan" Sagot ng nanay ni Torio.

"Talaga Nay? Ba-baka ayaw nila?" Si Torio.

"Heh! Tumahimik ka dyan!"

"Ahem!" Ang ubo ng tatay ni Torio.

"Oo nga pala may kanina pa nag-aantay dyan sa labas. Schoolmate nyo ata sya. Nahihiya ata kumatok"

Pagtabi ni Mang Reynaldo. NAkita ko ang isang pamilyar na dalaga. Ang anak ng may-ari ng school namin. Si Jenny Eun-jee!!

"Jenny!!?", Ang napatayo na si Torio.

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

---------------------------------------------------

Extra Jump! Ang mga Hari ng Basketball (ep. 5)


author: cloud9791

Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.

SPG content: This story posted in this page/website may include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community please exit the page or stop reading now....

© 2021 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

-----------------------------------------------------

Kay Jenny…

Di ko na masyado maalala pero natagpuan ko nalang ang sarili ko sa harap ng bahay ni Glenn. Halos isang oras din akong nagtanung-tanong kung saan ang bahay nya. Hanggan sa makarating ako sa isang bahay na simple lang at sakto lang ang laki. Kakatok nalang ako sa gate…

"I… I can't", Ang biglang hiya ko.

I took pity at myself for being in this situation. I was about to cry when…

"May hinahanap ka ba iha?"

Halos mapatalon ako sa takot! Who's this man? I feigned ignorance…

"Wa-wala po…"

"Ang anak ko ba iha… Si Glen ba?"

"Ah ah eh… No po… Yes…"

"Pasok ka iha malamig dito sa labas."

"O-opo" I finally answered.

A small gate. A small veranda and a door just enough for two.

"Pasok na iha…"

I entered and the first thing that I saw was Glenn's face.

"Glenn…", I whispered softly.

Then I almost jumped again when I saw three other people inside Glen's house!!

"The… The BASKETBALL TEAM!!?" Why are you here!??"

Katulad ko nagulat din sila. Nakatingin silang tatlo ngayon sakin. Ang masungit, laging nakakunot ang noo at gwapong si Ace!! Ang sinasabing pinaka-malupit na player sa tryout at isang basketball star!

Next isa pang matangkad na lalaki! Sa mukha palang mukha ng basagulero! Eto ba yung nakaaway ni Ace sa classroom?? Yung mainitin ang ulo? Si Rudy!! Nakaupo silang dalawa lalong nanliliit tuloy ang sala dahil sa kanilang dalawa.

"Jenny!? Anong ginagawa mo dito?" Ang boses ng isang cute na dalagang sing-tangkad ko rin

Is this our Team manager? Bea Dela Ven!? What is she doing here!??

"Yes! Yes! Ahm!" Di ko rin malaman ang isasagot ko.

"Jenny?" A familiar voice. The guy I was looking for.

Si Glenn Torio!

"Ahhmmm… Sorry to barge in… Ahm kase…"

"Jenny halika… Hiyaan mo silang mga lalake dyan" As Bea grabbed me by the hand and took me into

another part of the house.

Glenn was still looking at me looking surprised than ever. Hila-hila pa rin ako ni Bea. Saan ba kami pupunta nito? Just past the dining room was another door. Some sort of kitchen-like. There was a woman cooking something. There was a table with all sorts of food or cooking ingredients for something.

Napansin ko si Bea natulong sa pag-prepare ng mga ingredients? And me just sitting here like a princess.

"Ha-hi po…"

"Ha! Iha!" The woman stopped what she's doing and went around the table.

I was surprised when she kissed me cheek to cheek and hugged me! I felt warmth and care from her. Something I miss from my own parents.

"Ang gandang bata mo naman iha! Anong meron at kagaganda ng mga bisita ko ngayon!"

"Hindi naman po masyado Aling Rosa!" I saw Bea as she blushed from the comment.

She looked so cute and pretty.

"Ako ang nanay ng pasaway na Glenn na yan! "

"Ah ah eh. Hehehe!" I laughed at how she described Glenn.

Tumalikod na sya. I looked at Bea and I saw she was busy cutting some vegetables. I decided to…

"Bea right? How… Ano pwede ko gawin?" I asked.

"Ah hindi ako nalang!"

"Gu-gusto ko sana makatulong. Ayaw ko nakaupo lang ako dito and doing nothing."

Finally she gave in.

"Sure ka Jenny?"

"Oo naman"

I respectfully took the knife from her and… Minutes and minutes went by. I was seemingly taking time making balat the sibuyas. I saw Glenn's nanay Aling Rosa looking on. With a surprised look at her face. Even Bea was watching me making a fool of myself. The look on her face it's like she was trying to keep herself from laughing!

"Jenny teka…"

I was so embarrassed that I gave her the knife. There was a lot balat but the onion is still in one piece! Haaayy!! Jenny!! Useless in the kitchen! Ni isang beses man lang sana nagpaturo ka kay Aling Helen pano magluto! Si Aling Helen ang maid-cook naming sa house.

The sibuyas which took me a long time to slice was done in a few seconds by Bea!

"See? That's how you do it… Ahem! Este! Ganun gumamit ng kutsilyo at paano magbalat. Try mo uli

Jenny", Said Bea.

I was stunned. How can something so basic be so hard for me! Then I saw Glenn was looking at what we were doing. I felt embarrassed at how I was doing 'great' with chopping onions. Wala talaga akong silbi!!

"NAK! Kumuha ka na nga dyan ng shot glass at baso!" It was Glenn's Dad shouting from the sala.

"Opo Itay!" Glenn shouted back.

"Yan talagang tatay mo… Manginginom!!" Glenn's nanay.

"Ano Rosa? Mahal naman may mga bisita tayo!" Mang Reynaldo shouted back.

"Hehe… Dyan muna kayo." Glenn smiled shyly as he was passing through with a pitchel; a large baso

and a little shot glass!

"Oh-okay…" I answered back.

The boy's laughter outside and the warmth of joy inside the kitchen made me feel something I haven't felt before. Something missing from our house… FAMILY.

====================================================

Kay Glenn…

Inilapag lahat ni Itay sa center table namin ang lahat ng kanyang 'kagamitan' sa pag-inom! Ang shot-glass nyang may design. Ang basong pang-chaser. Ang pitsel nyang timplahan ng kung anu-ano ang may timplang juice na pomelo. Syempre ang pinaka-importante… Ang Alak!!

"HAAAH!! Nung panahon namin ito ang inumin ng mga tunay na lalake!! NGayon gabing ito magi

ging tunay na kayong lalake!! BWAHAHAHA!!

Ang tatay ko hindi pa nga nakakainom para ng lasing!!

Si tatay din ang tanggero. NAkapaligid kami sa kanya ni Ace, Rudy at ako. Tatlong binate mapapaharap sa pag-inom kasama ang isang tito level na lalake!

"AAHHHHHHHHHHH!! Sarap talaga!!" Si itay ng maka-shot ng puno ng Gin at Pomelo.

GIN-POMELO! Pag sinasamahan ko si Tatay sa pag-inom at lasing na. Eto ang isa sa mga paulit-ulit nyang kinukwento! Napatingin ako kay Rudy. Yung naka-ngiti na parang napipilitan! Ang asteeg nya sa suntukan, pero nang pina-shot na sya ng Tatay ko…

"O-opo…" Sabay nanginginig na kuha ng baso at shot glass.

"HMMMP! AHHHHH!!" Si Rudy nang ma-shot ang isang puno ng Ginebra.

LAbas ang dila ni Rudy at nakakatawa ang itsura nya!! Muntik na kong mapa-bulalas ng tawa sa ekspresyon ng mukha nya!

"Yung chaser bhoi. Yung chaser!" Ang paalala ni Tatay.

Dun lang uminom ng Pomelo si Rudy MAcario. Tsaka lang Nawala ang asim sa kanyang mukha. Ang mukhang akin din naggawa ng una akong pa-shotin ni Tatay! ANO!? Ngayon pa lang naka-inom si Rudy!!? Ang siga-siga sa kanto na to!?

"Pulutan iho…" Ang turo ni Tatay sa mga nakahain na mga pagkain sa table!

Eto naman ang gusto ko kay Tatay pag-nag-iinom. Kumpleto ang alak na marami at ang mga pulutan na masasarap! Tiyak masosolve ka!! Una ang sizzling Sisig!! Sumunod ang inihaw na tilpiya!! Ang panghuli ay assorted chichirya at mani. Para may 'sapin' daw! Ang laging pangaral ni Tatay sa akin.

Galit si Nanay pag-nag-iinom si Tatay. Pero tuwing iinom si Itay. Lagi nyang pinaghahanda ng masasarap na pulutan si Tatay!! Iba-iba para hindi daw magsawa!

Tumulpok nga ng Sisig si Rudy at…" Ummm Ansarap po! Ansarap!"

Medyo Nawala na sa mukha nya ang shock ng unang inom!! Kasunod naman na tatagayan ni ITay ay ang isa pa rin astig! Ang pogi at sumpladong si Ace! Pero pagtingin ko sa kanya ngayon parang may kaunting takot na nakikita ako sa mukha nya. Yung bang parang gusto nya ng maka-alis hehe. Pero ayaw naman nya magpatalo kay Rudy na kinaya ang uminom.

"Hi-hindi po talaga ako umiinom pero… Sige po ser."

Ser talaga!? Ang parang natatawa ako sa sarili ko. Yung titser nga namin binabastos ni Ace. Pero kay Itay iba ang pag-galang nilang dalawa. Pag-abot ni Ace ng baso na may laman na Pomelo juice at shot na glass na puno ng Ginebra. Kitang-kita ang pagdadalawang isip nya sa itsura nya!! Etong lalakeng to na hindi takot kahit lagpas bente yung kasuntukan… Takot sa alak ang hutang-ina Hahaha!!!

Uminom muna sya ng pagka-raming juice bago yung Gin at…

"UKH!!!" Si Ace nang malunok lahat nung Ginebra puta!

Mas nakakatawa pa ang itsura nya kay Rudy!! HAHAHAHA!! Hawak ko sa tiyan ko habang tumatawa mag-isa sa isip ko!! Yung...

About the Author :

Joined: September 5, 2016 (4 years old)
Writings: 85
Male  ·  Offline
Description:
Long Time Reader.. New Writer
search: cloud9791
9791cloud@gmail
Websites: Signature Text:
cloud9791
16  ·  30  ·  20  ·  4,490
 · 

Comments
B
Barcon
April 15, 2021 (23 days ago)

Tagal ko hinintay to, thanks sa update boss! 👍🏻

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 16, 2021 (22 days ago)

Thank you din po Barcon!

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
mhia123
April 15, 2021 (23 days ago)

thanks sa ud sir

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 16, 2021 (22 days ago)

Welcome and thank you din po sa pagcomment!

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kiteksmagic36
April 15, 2021 (22 days ago)

Kaya pala matagal mawala..gumagawa ng magandang obra.. 5+++stars lodi

properties dont matter, but performanced is really much better

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 16, 2021 (22 days ago)

NAku maraming salamat po sa 5stars rating sir Kiteksmagic!

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Red_devil
April 15, 2021 (22 days ago)

Un oh!! my u,d c lods...
Tnx ng marami

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 16, 2021 (22 days ago)

MAraming salamat po sir Red devil! Ahahaha minsan nag uupdate din naman po ako haha

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
angryburns
April 15, 2021 (22 days ago)

Pang-akit sa manila po! Huhu

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jeyyi1
April 15, 2021 (22 days ago)

Sa page nya sa fb lods, doon ko nakikita nag uupdate si master cloud

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 16, 2021 (22 days ago)

Sige po try ko rin iupdate po rito

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
G
gg7152
April 15, 2021 (22 days ago)

Salamat sa update sa isang napakagandang story sir cloud!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 16, 2021 (22 days ago)

Maraming salamat din po gg7152 sa napagandang comment!

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
SisigAdobo
April 15, 2021 (22 days ago)

nabuhay ang masterpiece na si cloud tuloy mo na mga stories mo idol pansin ko isang besea kada taon ka lang magparamdam hehe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 16, 2021 (22 days ago)

Ahahah sorry naman mga dear readers ko. MAraming salamat po sisigadobo sa patuloy na suporta

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
lebron019
April 15, 2021 (22 days ago)

Sulit ang paghihintay sir cloud galing sana may update agad thanks sir cloud

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 16, 2021 (22 days ago)

Thank you very much din po Lebron019

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
Waters
April 16, 2021 (22 days ago)

Salamat SA update sir Cloud:) Sana Perfect Girlfriend S kasunod na update....

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 16, 2021 (22 days ago)

opo noted po thank you waters!

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
malupet25
April 16, 2021 (22 days ago)

Thank You sa Update Boss.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 16, 2021 (22 days ago)

Thank you din po sainyong lahat!

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kuatog
April 16, 2021 (22 days ago)

haha bumawi aa...may bts pa bukod sa basketball team..hehe

basta masarap go !!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 16, 2021 (22 days ago)

Ahahaha may Bts pa pala Thank you! SA uulitin po!

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kuatog
April 16, 2021 (22 days ago)

BTS =beta tres sigma 😅😅

basta masarap go !!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
MisterND
April 17, 2021 (21 days ago)

Worth it ang pag-aantay ko sa story mo. Thanks sa update sir

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 18, 2021 (20 days ago)

MAraming salamat po MisterND!!

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Ddraig123
April 17, 2021 (21 days ago)

Ito ang inaantay ko sa obra mo idol. 5 stars uliy

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 18, 2021 (20 days ago)

Thank yu sa pag-iintay at maraming salamat po sa 5stars!

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
mangosandwich
April 17, 2021 (21 days ago)

Nice author galing sana maupdate ito. May aabangan na naman ako 👍🙏

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
9791cloud
April 18, 2021 (20 days ago)

Thank you mangosandwich! Salamat sa pgsubaybay po!

cloud9791

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments