M
E
N
U

Verlusian Crisi: Return Of Founder

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Sci-Fi and Fantasy · Tags:
Date: April 9, 2021 (29 days ago)


AA/N: Trigger warning, this chapter contain scenes of rape, torture and violence.

Sa sitio Budboron mga 50 kilometro ang layo sa lugar na naroon sina Cobra at Enrique. Nagsagawa ng pursuit operations ang military kasama ang mga tauhan ng Special Action Unit upang hanapin ang mga terrorista na nag operate sa lugar. Mayroong nakalap na impormasyon ang mga kinauukulan sa lugar sa mga armadong tao na kahinahinala.

Mayroong dumating di kukulang sa 50 na armadong lalake malapit sa Sitio Budboron. Marami sa kanila ay armado ng R-55 na may calibre 5.65mm x 50mm, ang iba naman ay sari sari ang mga armas. Mayroong iilan na gumamit ng Tavor compact 9.5mm SMG at iilan na 8mm x 60mm SAW, mga grenade launchers at iba pa.

Natatakot ang mga residente ng Sitio Budboron sa mga armadong kalalakihan na dumating sa kanilang lugar. Tinago nila ang kanilang mga bata at tumayo sila sa harapan ng kanilang mga tahanan, walang imik at yumuko. Nang nakita ang mga tao sa labas ng kanilang mga tahanan, lumabas ang pinuno ng mga terorista armado siya ng R-55 mini, carbine version ng R-55 rifle.

Nakakatakot ang tingin at dating ng kumander habang tinignan nya ang paligid. Naka cigar siya at sinindihan ito. Hinanap nya ang cabeza ng sitio at kinausap ito. Humingi siya ng revolutionary taxes sa kahit anong anyo na kaya nga mga tao sa sitio. Tumutol ang Cabeza sa gusto ng mga terorista.

Dahil dito, nagalit ang pinuno ng mga terorista at inutusan ang kanyang mga tauhan na bugbugin ang Cabeza. Dinala ang Cabeza sa malayo at doon siya piangtutulungan ng mga armadong kalalakihan. Lumingon ang pinuno ng mga terorista sa asawa ng Cabeza at naengayo siya dito.

Umiwas siya sa mata ng terorista na nasa harap nya. Galit at kinamumuhian ang kilusan ng mga Reds simula sa kanyang pagkabata. Presko pa sa kanya nag sinapit ng kanyang mga magulang sa mga abusado at mapangahas na mga taong pumatay sa kaniyang mga magulang.

"May pangalan ka ba?"

Tanong ng lider ng mga terorista na naka tuon ang tingin sa babae.

Hindi sinagot ng babae ang tanong at lumingon siya palayo sa teroristang nasa harap nya. Nainis ang lider sa terorista sa babae at sinampal nya ito ng marahas. Pinigilan ang lider ng mga terorista ng kanyang mga tauhan at pinakalma eto. Ang babae naman ay umungol sa sakit sa pananakit ng lider sa kaniya.

"Isinusumpa ko ang kilusan nyo. Kayo na mga hayop, mamamatay tao at mga kawatan!"

Nang narinig ito ng pinuno ng mga terorista ay nagalit at inutusan na ipagababaril ang babae kasama ng Cabeza na binugbog nila. Tumango ang mga kasama ng lider at kinuha ang babae palayo sa kanyang tahanan. Walang nagawa ang mga mamamayan ng Sitio Budboron kung di ang manahimik.

Nakatuon sa kanila ang mga riple ng mga terorista upang hindi sila makialam sa ginagawa ng lider nila. Gusto sana nilang tulungan ang Cabeza at kanyang asawa subalit kung kikilos sila ay baka paputukan sila ng mga terorista. Wala silang imik at pilit na tiniis ang nangyari sa kanilang harapan ang kababuyan at kawalang hiya na ginagawa ng mga terorista sa kanila.

Sa himpapawid ay naka tuon ang camera ng drone ng militar sa sitwason sa Sitio Budburon. Klaro at kitang kita ang mga terorista sa hipapawid na hindi namalayan ang nakamatyag na drone sa kanila. Sa kita ng headquarters na nasa Camp Emilio Cruz, 65 na kilometro ang layo sa lugar, ang galaw ng mga myembro ng Special Action Unit at mga tauhan ng Special Forces ng Militar.

Napalibutan ng mga tauhan ng Special Forces at ng Special Actions Unit ang Sitio Budboron. Nakaposisyon din ang mga sniper sa may burol mga 400 meters ang layo. Hindi namalayan ng mga Reds na nagmamatyag na ang mga Special Forces ng Militar at Special Action Unit ng Kapulisan.

"Sir, green light na ba?"

Tanong ng isang operator na nagmatyag sa kilos ng mga Reds na terorista sa lugar.

"Negative! Hintayin muna natin ang oras, Kapitan."

"Sir, kung sana ay pwede natin iligtas ang mga sibilyan na planong patayin ng mga terorista. Over?"

Suhestyon ng Kapitan sa Commanding Officer na nasa Camp Emilio Cruz sa kanyang channel sa radyo.

"Tignan nyo muna ang sitwasyon, over. Importante na madakip nyo ang mga pinuno ng mga terorista na nasa lugar."

Utos ng Commanding Officer sa kampo.

"Roger!"

Sagot ng Kapitan sa utos ng Commanding Officer nila na nasa headquarters.

Tantya ng Kapitan na ang kalaban ay hindi hihigit sa 200 ay armad...

About the Author :

N

Joined: September 27, 2016 (4 years old)
Writings: 31
Male  ·  Offline
Description:
Amateur writer... I can write stories in English and Tagalog. I also wrote stories in Webnovel and have a wordpress blog containing my poems. Please refer to these links to see more!

My recent work in the website is "The Verlusian Conspiracy" a trial novel. It is not fully edited and proofread. I hope you guys will read it for some feedbacks.

I will also write a spinoff story in this website. Thank you all for reading my works!
Websites: Signature Text:
Do not count an income that you do not own. Count your blessings instead!
6  ·  1  ·  0  ·  1,828
 · 

Comments
kuatog
April 9, 2021 (29 days ago)

kala ko bakbakan na e bitin pa
pala hehe...tnx boss kampay muna 🍺🍺

basta masarap go !!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments