M
E
N
U

Verlusian Crisis: Prologue - Kontrabando

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Sci-Fi and Fantasy · Tags: , , ,
Date: March 28, 2021 (1 month ago)


A/N: Iniba ko ang bersyon na sinulat ko sa Royalroad.com atsaka dito kasi dapat ako mag adjust para sa audience ko dito sa site. So, kung babasahin nyo ang bersyon na isusulat ko doon, mayroon talagang pagkakaiba kasi sa rules din ng site na iyon. Sa mga patuloy na sumasabaybay sa aking mga kwento, salamat po! Ikinagagalak ko talaga na nagugustuhan nyo ang storya ko.

--------------------

Ang petsa ay ika 20 ng Oktubre, 2019 C.T. Dalawang P-22 Air Raider patrol aircraft ang nakasa himpapawid sa kagubatan ng probinsya ng Samal sa rehiyon ng Kabiyasnan. Nakatanggap ng ulat galing sa Military Intelligence ang Militar sa rehiyon na mayroong kontrabando na inlipat ang mga terroristang Reds sa lugar.

Iplinano ang misyon na ito ng ilang buwan at nang natunton ng militar ang ruta ng mga rebelde sa pag lipat ng kanilang mga kontrabando, agad na inaksyonan ito ng mga kinauukulan sa militar.

Ang oras ay ika 2100 ng gabi, nagsimualng kumilos ang mga terrorista sa pag lipat nila ng kanilang kontrabando sa kanilang mga kampo. Mayroong convoy na nakita ang mga eroplanong nagpapatrolya sa kalangitan at tinunton ito ng tatlumpong tao na task force. Sila ay galing sa Rapid Reaction Unit ng Special Forces Command na naka destino sa probinsya ng Samal.

Pagkatunton ng mga sundalo sakinaroroonan ng mga rebelde ay agad silang naghanda. Ginamit nila ang dilim ng gabi upang mapagtagumpayan ang kanilang paghahanda sa kanilang pagtambang.

"Sir, patungo po sa northeast ang convoy ng kalaban!" Report ng isang sundalo sa Kapitan na namuno sa task force.

Agad inutos ng Kapitan ang kaniyang mga tauhan upang mag handa para sa pagtambang habang malapit na ang kalaban. Kinuha ng mga sundalo ang kanilang mga anti-vehicle at anti-tank weapons. Pumosisyon sila uli sa may banda sa mataas na lugar.

Inobserbaran ng mga sundalo gamit ng mga night vision devices at radar ang galaw ng mga terrorista habang sila ay mabagal na gumalaw sa daan sa dilim ng gabi. Walang masyadong makita ang kalaban na kadalasan ay walang mga gamit sa panggabi na pangdigma. Iilan nila ay mayroong night vision goggles at iba naman ay mayroong flashlight na hindi nia ginamit upang hindi sila matuntun.

Lumakas ang tunog ng diesel na engines ng mga trak na gamit ng kalaban. Malapit na ang mga ito at hinanda na ng mga sundalo ang kanilang mga night vision devices sa pag sagupa sa kalaban. Ang forward team ay iginiya ang isang P-22 na nagpatrolya sa kalangitan upang patamaan ang naunang trak ng missile neto.

"Three hundred meters! Rain down hell!" Utos ng Kapitan sa forward observer ng kaniyang squad.

"Roger, rain down hell!" Sabi ng sarhento na forward observer sa P-22 sa kalangitan gamit ang radyo.

"Target acquired, releasing payload!" Sagot ng operator ng P-22 at tinira ang isang missile patungo sa naunang trak sa convoy ng kalaban.

Malakas ang pagsabog ang nagpabulabog sa convoy ng kalaban. Natatranta ang iba ang pagsabog ng isang trak sa kanilang unahan. Agad pinalibutan ng mga terrorista ang perimeter ng convoy upang maptrotektahan laban sa pwersa ng pamahlaan na nanambang sa kanila.

Pagkatapos ng pangalawang pagsabog galing sa anti-vehicle na armas ng special forces ay agad nagpaputok ang tauhan ng Rapid Reaction Unit sa kalaban. Marami a...

About the Author :

N

Joined: September 27, 2016 (4 years old)
Writings: 31
Male  ·  Offline
Description:
Amateur writer... I can write stories in English and Tagalog. I also wrote stories in Webnovel and have a wordpress blog containing my poems. Please refer to these links to see more!

My recent work in the website is "The Verlusian Conspiracy" a trial novel. It is not fully edited and proofread. I hope you guys will read it for some feedbacks.

I will also write a spinoff story in this website. Thank you all for reading my works!
Websites: Signature Text:
Do not count an income that you do not own. Count your blessings instead!
5  ·  1  ·  5  ·  2,683
 · 

Comments
kuatog
March 28, 2021 (1 month ago)

haha nice ako ba una...tnx boss sundan na agad...

basta masarap go !!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments