M
E
N
U

Oplan Nest Crawler 2

Posted in
Story: True Story, Tagalog · Categories: Reluctance, Sci-Fi and Fantasy · Tags: , , , , ,
Date: March 14, 2021 (30 days ago)


Nanginginig, namumutla, pawis na pawis at hindi makaimik si Tinyente Claire sa kanyang nakikita. Kung hindi siya nagkakamali si Boris nga ang kanyang nakikita sa scope ng kaniyang sniper rifle. Napansin din ito ng spotter na kasama nya at tinanong kung ok lang ba siya.

"O... okay lang ako!" Sagot ni Tinyente Claire sa kanyang spotter.

"Paano ko ba ito sasabihin sa kapatid ko? Malapit na siya ikasal kay Boris..."

Nababahala ang Tinyente subalit wala siyang magawa kungdi sundin ang misyon na bigay sa kaniya ng Kapitan.

Sa kabilang banda, malapit na ang tauhan ng ika 14 na Platoon sa plantasyon ng marijuana ng mga REDs. Hinintay lang ng Kapitan ang hudyat ng ibang pangkat ng Platoon upang magsimula na sila. Hindi pa nakita ng kalaban ang mga sundalo na nakatago sa makapal na kagubatan ng Samal.

"Sir, 200 meters na po ang advancing party. Signal na ba natin ang ibang pangkat upang magsimula na?"

Nagtanong ang isang Sarhento sa Kapitan.

"Sabihan mo na sila pati na rin ang Tinyente!"

Utos ng Kapitan sa Sarhento na inerelay ang order.

"All squads, execute order! I repeat, execute order!"

Narinig ni Tinyente Claire ang utos ng Kapitan nila at umasinta sa isa sa mga kalaban na nasa may tabing ilog. Pumili din ng target ang ibang marksmen na kasama niya at inasinta ang kanilang riple gamit ng mga scope nila.

"Safety off!"

Utos ng Tinyente sa kaniyang mga tauhan. Ang maulap na kalangitan ay biglang umaraw at sumilaw patungo sa posisyon kung naroon ang Tinyente at ang kaniyang mga tauhan. Sumilaw ang scope nila na napansin ni Boris sa kanyang kinatatayuan.

"Iba ata tong kislap na nakita... teka lang!?"

Biglang tumalon si Boris at bumagsak ibabaw sa kanilang VIP. Kanyang ginamit ang katawan niya upang ma protektahan ito. Natamaan ang kanyang kanang balikat at napamura sa sakit ng kanyang naramdaman.

"Sniper!"

Sigaw ng ibang mga banyaga na nandoon sa hanay ng mga rebeldeng REDs. Tumakbo una ang mga taga Qina palayo sa lugar. Ang mga Slav naman ay pinaulanan ng bala ang posisyon ni Tinyente Claire na natulala ng isang segundo.

"Take cover!"

Sigaw ng spotter sa tauhan ng Tinyente at umibabaw kay Tinyente na tulala pa rin.

"Ano ba ang nangyari sa iyo!?"

Sigaw ng spotter kay Tinyente na ngayon pa natauhan.

"Boris..."

Ang salitang biglang na sambit ng Tinyente sa kanyang spotter.

"Sir, tulala po ang Tinyente! Permission to take over!"

Sabi ng spotter sa kanilang Kapitan sa radyo.

"Roger!"

Sagot ng Kapitan sa kaniya.

Dinirekta ng spotter si Corporal James Hewitt ang tauhan ng Tinyente upang mag return fire sa kalaban. Kinuha niya ang kanyang assault rifle na mayroon scope na effective until 450 meters at tinira sa kalaban. Mainit ang bakbakan na nangyari sa may talampas at sa may tabing ilog kung saan narron ang tauhan ng Tinyente at ang mga banyaganag may kaugnayan sa mga REDs.

Narinig ng ibang mga rebelde ang putukan at inutusan ng iba na pumuta...

About the Author :

N

Joined: September 27, 2016 (4 years old)
Writings: 23
Male  ·  Offline
Description:
Amateur writer... I can write stories in English and Tagalog. I also wrote stories in Webnovel and have a wordpress blog containing my poems. Please refer to these links to see more!

My recent work in the website is "The Verlusian Conspiracy" a trial novel. It is not fully edited and proofread. I hope you guys will read it for some feedbacks.

I will also write a spinoff story in this website. Thank you all for reading my works!
Websites: Signature Text:
Do not count an income that you do not own. Count your blessings instead!
8  ·  1  ·  4  ·  2,460
 · 

Comments
Balderic
March 15, 2021 (29 days ago)

This is cool
Action packed and thrills

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments