M
E
N
U

One Lust Night

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags: , , ,
Date: March 12, 2021 (8 months ago)


Chapter X: Faith, Hope and Love

"Kuya, di magandang biro iyan...huwag kang magbibiro ng ganyan"

"Ann ako nga din ay hindi makapaniwala...bakit di mo tignan kung totoo yun?" sabi ni Kuya Andoy

Di ko muna pinatay ang tawag at nagmamadali kong binuksan ang pc ko upang tignan kung totoo.

"DAAA PRESIDENT AND CEO PRIVATE PLANE CRASH IN HIMALAYAS "

"Inaalam pa kung ilan ang nasawi sa sinasakyang eroplano o at ilan nasawi at nawawala, kung kasama ba si Mr. Gino D'Antonio sa mga nasawi."

At doon ako nalumo at naubusan ng lakas sa narinig ko.

"Ann andyan ka pa?"

"Oo, kuya" walang buhay na sabi niya

"Ann, babalitaan ka na lang namin na kung anong balita kila Gino" malungkot na pagkakasabi ni Kuya Andoy

At binababa ko na ang tawag. Ayaw ko paniwalaan ang balita na nagcrush ang eroplanong sinasakyan ni Gino, sinampal ko ng paulit-ulit ang mukha ko baka nanaginip lang lang ako pero totoo ito...totoong-totoo. Gusto ko na lang isipin na baka pina-prank lang ako ni Gino, na ginamit niya lang si kuya at ang pangyayari ay naaksidente ang sinasakyang eroplano ni Gino, pero totoo eh hindi ito biro.

Maraming pumapasok sa isipan ko na negative thought, o mga agam-agam na ayaw ko ientertain dagdag mo pa ang trabaho at stress. Nang tatayo na ako para kumuha ng tubig ay bigla ako nakaramdam ng hilo at unti-unti ay nagdilimna ang paningin ko.

"Ann, pinapatanong kung taposโ€” ANN what happen...ANN...ANN tulong si Ann nahimatay.

"Gino" at niyakap ni Ann si Gino. at ginawaran niya ito ng isang matamis na halik.

"Salamat Ann sa pagaantay mo sa akin. Salamat sa pagmamahal na binalik mo sa akin. Salamat sa lahat mahal."

"Ano ka ba mahal wala yun." Umupo sila sa isang duyan at nagusap sila.

"Di na ako magtatagal mahal, aalis ako at pupunta sa isang malayong lugar...tandaan mo mahal babalik ako at sa pagbalik mo sa akin ay ang bawat kalungkutan na nararanasan mo ay mapapalitan ng kasiyahan, ang bawat pagkasabik mo sa akin ay mawawala at mapupuna at bawat iyak na iniyak mo sa akin ay mapapalitan ng ngiti. Baunin mo ang bawat masasayang araw natin. Ang pagibig mo sa akin. Paalam mahal."

"Sandali...Gino....sanadali wag mo ako iwan mahal...mahal...MAHAL" napamulat ako ng mata at pinagmasdan ko ang paligid.

"Gising ka na pala, Ann" sabi ni Kuya Andoy na nasa tabi ko.

"Kuya, si Gino, kamusta siya may balita ka pa"

"Ann di pa nagbibigay ng information sa nangyari kay Gino, miski ang mama niya ay napgtanungan ko na rin pero wala pa rin balita."

"Kamusta naman si Tita?"

"Di pa rin niya matanggap ang nangyari sa eroplanong sinasakyan ni Gino. umaasa na buhay pa rin si Gino."

"Kuya, nanaginip ako tungkol kay Gino, nagpapaalam na aalis na siya. Kuya ayaw kong paniwalaan na wala na si Gino, na patay na talaga siya...Di ko makakaya." At tuluyang ng bumagsak ang mga luha ko.

"Ann ako din ayaw ko paniwalaan yun pero paano nga kung di siya nakaligtas. Ann tatagan mo ang loob mo, alang-alang sa bata na nagiisang pag-asa mo."

"Bata?" takang tanong ko kay Kuya.

"Oo, Ann buntis ka at dalawang linggo ka na nagdadalang tao"

Mas lalo bumuhos ang mga luha ko ng marinig ko na nagdadalang tao ako at hinipo ko ito at ngumiti. Tama si Kuya Andoy kailangan ko maging matatag, pagsubok lang ito sa amin ni Gino at mas lalo kong tatagan din na ang paniniwala ko na buhay pa si Gino.

Makalipas ng ilang araw ay bumalik na ako sa normal na buhay. Nagpakasubsob ako sa trabaho isa ito sa paraan upang maibsan ang kalungkutan ko, at may pagiingat pa rin dahil sabi ng doktor ko ay maselan ang pagbubuntis ko kaya todo ingat ako. Mabilis lumipas ang araw at naging buwan. Umaasa na buhay pa rin si Gino pero ang pag-asa na yun ay parang imposible na yata kasi dahil wala pa masyadong information kung nasan si Gino, kung patay na ba siya o hindi pa. Hanggang sa isang araw may tumawag sa akin at si Kuya Andoy yun. Isang araw ng tumawag si kuya Andoy sa akin

"Hello Ann may balita na mga bagay na nakuha ang mga authoridad sa eroplanong bumagsak sa Himalayas kahapon at isang bangkay."

"Okay, sige pupunta ako diyan." Dali-dali akong umalis at nagpaalam na may titignan lang. Mabilis ako suamakay ng kotse at pumunta sa PNP crime lab dahil nandun ang bangkay at kukumpirmahin kung si Gino nga yun.

"Magandang hapon Sir/Ma'am kayo po bang relative ng pamilya?" sabi ng Forensic Doctor ngayon

"Yes. Fiancee po." Sabi ko sa Forensic Doctor

"Dahil sunog ang katawan di namin makumpirma na si Gino D'Antonio ito may palataan po ba kayo na si Mr. Gino D'Antonio?"

"Yes po may pendant ako binigay sa na letter A"

"Sige ma'am tatawagin po namin kayo if ever na si Mr. Gino D'Antonio iyan" muli bumalik sa akin ang kaba at pagbaba ng pag-asa ko na hindi ko na makita si Gino na baka siya yun. Pasado alas sais ng gabi at bumalik ako sa ofice upang kunin ang gamit na naiwan ko at umalis ulit at dahil rush hour ay nagsisimula na magbuilt ang traffic kaya mabagal ang pagusad ng sasakyan. Kaya nagpark muna ako sa gilid at bumababa ako upang magunwind muna, kaya pinutahan ko ang fishballan ni Mang Ambo at nakita ako ni Mang Ambo na naglalakad papunta sa puwesto niya habang inaasikaso niya ang mga customer niya at naupo ako sa isang bakanteng lamesa at biglang lumapit sa akin si Mang Ambo.

"kamusta ka na?"

"Eto Mang Ambo kinakaya alang-alang sa baby namin...nawawalan ako ng pag-asa na patay na talaga si Gino, huhuhuhuh Mang Ambo ang sakit kasi biglaan ang pagkawala niya huhuhuhuh..."

"Apo. Sa pagibig hindi lahat ay puro saya, hindi lahat ay puro lungkot. May rason kung bakit nangyari sa inyo ito. Hindi natin masasabi kung patay na siya o buhay pa tadhana lang ang makakapagsabi niyan. Pero kapag wala na siya tanggapin natin ang kapalaran n...

About the Author :

Joined: August 24, 2020 (1 year old)
Writings: 13
Male  ·  Offline
Description:
I am just trying to write and to inspire my story. I hope you liked it. Don't worry I am newbie and try to learning and discover things
Websites:
12  ·  4  ·  12  ·  3,474
 · 

Comments
checkmate1234
Status: Suspended

March 12, 2021 (8 months ago)

Di mo pa kaya pahabain ang storya pre..... Sayang story kung next na final chapter..... JUST SAYING

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
MisterND
March 13, 2021 (8 months ago)

Susubukan pero tinatamad na ako pahabain pa

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Terex
March 13, 2021 (8 months ago)

sir ganda ng story,salamat sir

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
MisterND
March 13, 2021 (8 months ago)

Wala anuman sir

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks โ€˜n Conversations
Recent Comments