M
E
N
U

Brigada Agila: Oplan Nest Crawler 1

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Fetish, Sci-Fi and Fantasy · Tags: , , ,
Date: March 11, 2021 (1 month ago)


Ang bayan ng Samal ay matatagpuan sa rehiyon ng Kabiyasnan. Ito ay inuulat na pugad ng mga rebeldeng REDs o ang reformist movement. Sa mata ng international community sila ay binansagang terrorista subalit sa Republika ng Verlusia ay sila ay mga rebolusyonaryo. Sakit ng ulo ang tingin ng mamamayan sa kanila dahil sa kanilang mga illegal na gawain tulad ng extortion, extrajudicial killings at iba pa.

Naroon sa Sityo Kandunaw ang mga tauhan ng 14th Platoon ng Eagle Brigade. Inaatasan silang mag bantay sa mga Drug Enforcement Agents na nasa lugar. May higit 60 na infantrymen ang platoon na na assign sa misyon. Dahil sa kapal ng gubat at ang hirap ng lupain ng lugar, mahihirapan ang mga tangke at mga Mobile Armor na makapasok sa lugar.

Habang naglakad ang mga sundalo at ang mga agent, nag uusap ang dalawang mga opisyales ng dalawang ahensya. Sila ay si Kapitan Rodeo Almark, kalahating Verlusian at Atlantican. Siya ang namuno sa ika 14 na platoon ng Brigada Agila. Ang namuno naman sa mga DEA ay si Leon Torres, naninilbihan sa ahensya ng limang taon.

Nagyoyosi si Leon sa kanilang paglakad patungo sa site kung nasaan ang marijuana plantation ng mga REDs. Kumpyansa siya sa paglakad dahil sa dami ng mga sundalong kasama niya. Ito ay ikiniirita ng Kapitan na si Rodeo kasi baka matunton sila ng kalaban.

"Oo nga pala, naninilbihan ka di ba sa kasagsagan ng rebelyon sa rehiyon ng Morong, Kapitan?" Biglang tanong ni Leon habang inapakan ang ubos nyang sigarilyo.

Lumingon ang Kapitan na si Rodeo kang Leon, "Oo, nasa gubat kami na assign noong panahon na iyon. Lagi kami nandoon nga mga ilang buwan sa bukid hanggang na walang balik sa kampo."

"Ganoon ba? Sino ba kaya sa mga rebelde ang mas mapanganib sa digmaan?" Tanong ni Leon sa Kapitan.

"Ibat ibang paksyon, ibat ibang istilo at makidigma. Kung tutuusin nga, mas agresibo at mapanganib din atsaka malupit ang mga Moro. Ang mga REDs naman ay hindi mo matantya. Magaling sila sa gubat at sa pagbaril, asintado talaga kung tumira. Mas mapanganib ang mga REDs kung ikukumpara." Sabi ni Kapitan Rodeo kay Leon.

Tahimik si Leon habang patuloy sa paglakad sa makapal na gubat. Pinutol ng mga nauunang sundalo sa hanay ang mga makapal na halaman gamit ang kanilang mga bolo. Ilang minuto ay nagpasya na tumigil ang Kapitan sa paglakad upang makapag pahinga at handa para sa sunod nilang patutunguhan.

Habang nagpahinga ang kadalasan sa mga sundalo. Ang Tinyente naman ay nababato sa kanyang kinauupuan. Iniisip pa rin niya ang mainit na tagpo noong nakalipas na gabi. Kung hindi lang sana maraming sundalo sa paligid ay sana humanap na siya ng kapareha upang siya ay magpakantot. Subalit ito ang bagay na hindi nya magawa.

Nagpahinga hanggang sa ika 1400 na oras ang buong platoon. Pagkatapos kumain ng lahat ay naghanda na sila. Ang tinyente naman ay tumayo at inayos ang sarili. Nang lumakad siya ay nakita nya ang Sarhento na nakatalik nya noong isang araw. Ngumisi ang Sarhento at para lang wala ang Tinyente na lumakad na parang wala siyang nakita. Ngunit sa kalooban ng Tinyente ay galak na galak niyang nakita ang sundalo.

"Nasaan na ba ang Tinyente?" Inis na sabi ni Kapitan Rodeo.

Dumating ang Tinyente na mabilis ang lakad at nag saludo sa Kapitan.

"Ba't ngayon ka lang?" Tanong ng Kapitan sa kanya.

"Nakatulog po..." Rason ng Tinyente.

"Sige, mag umpisa na tayo mga ginoo na nandito ngayon!" Nagpulong naman ang Kapiptan sa kanyang mga tauha...

About the Author :

N

Joined: September 27, 2016 (4 years old)
Writings: 23
Male  ·  Offline
Description:
Amateur writer... I can write stories in English and Tagalog. I also wrote stories in Webnovel and have a wordpress blog containing my poems. Please refer to these links to see more!

My recent work in the website is "The Verlusian Conspiracy" a trial novel. It is not fully edited and proofread. I hope you guys will read it for some feedbacks.

I will also write a spinoff story in this website. Thank you all for reading my works!
Websites: Signature Text:
Do not count an income that you do not own. Count your blessings instead!
5  ·  0  ·  1  ·  3,203
 · 

Add New Comment
M E N U
Recent Comments