M
E
N
U

"Hindi mo hinahangad ang katotohanan kungdi ang bagay na gusto mo. Kung kunin ang lahat sayo? Paanong masasabi na masaya ka?"

Namulat ang mga mata ni Jon sa pagkadinig nya ng boses na iyon. Parang naiilang siya sa kanyang pakiramdam. Tumingin siya sa kanyang paligid at nakita nya ang kanyang iniibig sa kanyang tabi. Mahimbing ang tulog.

"Teresa?"

Biglang sambit ng lalake ang ngalan ng kanyang iniibig. Tila may iba sa kanyang naramdaman, parang hindi totoo ang lahat. Namalikmata kaya siya o isa lang itong panaginip. Pinisil nya ang kanyang pisngi at totoo naman ang kanyang naramdaman.

"Ano ba to ang naramdaman ngayon?"

Tanong ni Jon sa sarili.

"Jon... hmmmm..."

Bigkas ni Teresa sa kanyang iniibig ng nagising siya, "Magluluto ako ng almusal..."

Tumayo si Teresa at kinuha ang tapis. Biglang mayroong napasin si Jon sa kanyang kinakasama. Parang iba siya kumpara sa babaeng alam nya na naalala nya sa matagal na panahon.

"Maliligo na ako. Sama ka ba?" Tanong ni Teresa sa kanya.

"Ah, okay lang honey. Kaw lang ang mauna." Ngising sagot ni Jon sa kanyang kasintahan.

Nasa malalim ang isip ni Jon buong umaga habang patungo sa trabaho. Parang tulala siya buong araw at napansin din ito ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Wala sa sarili si Jon at parang mayroong hinahanap na di nya makikita.

Habang bumaba siya sa hagdanan ay bigla siyang natipalok at nawalan ng malay nang nauntog ang ulo sa semento. Mayroong kalakasan ang pagka untog ng kanyang ulo at nasugatan ang kanyang noo sa pangyayari. Nang nakita ito ng kanyang kasamahan ay agad silang tumawag ng ambulansya at isinugod si Jon sa ospital.

"Ikaw siguro ang tinawag nilang Jon? Ang taong bigo sa pag-ibig!" Isang boses na humalikhik ang nag sabi sa may malayo.

Napakalamig, madilim at malawak ng lugar kung saan si Jon naroon. Para siyang lumulutang sa ere at hindi niya maigalaw ang kanyang katawan.

"Sa tingin ko malapit na ang panahon mo. Siguro man, alam mo na kung bakit ka nandito?"

Biglang naalala ni Jon ang masaklap na pangyayari sa kanya. Ang sakit ng pag gulpi ng kinakasama nyang si Teresa at ang sakit sa dibdib nya sa pagtaksil neto. Pagkatapos nyang maalala natawa lang siya sa kanyang sarili.

"Baliw talaga ako... naniwala agad, walang kwenta at nakakaawa!"

Biglang tulo ng luha niya at nagsimulang umiyak.

"Hindi sa wala kang kwenta. Nalinlang ka lang, ang masaklap lang ay hinayaan mo ang mga bagay na sana ay makakapagpalaya sa iyo."

Sabi ng boses na nasa malayo.

Lumiwanag ang mata ni Jon at nakita nya ang isang pangyayari na hindi nya malimutan.

Isang araw, birthday nuon ng kanyang asawa. Masaya ang kanilang pagsasama at naghalakhakan pa...

About the Author :

N

Joined: September 27, 2016 (4 years old)
Writings: 23
Male  ·  Offline
Description:
Amateur writer... I can write stories in English and Tagalog. I also wrote stories in Webnovel and have a wordpress blog containing my poems. Please refer to these links to see more!

My recent work in the website is "The Verlusian Conspiracy" a trial novel. It is not fully edited and proofread. I hope you guys will read it for some feedbacks.

I will also write a spinoff story in this website. Thank you all for reading my works!
Websites: Signature Text:
Do not count an income that you do not own. Count your blessings instead!
2  ·  7  ·  2  ·  2,920
 · 

Comments
luciouschemz
March 9, 2021 (1 month ago)

Nice

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
N
nonajk123
March 9, 2021 (1 month ago)

Thanks... pasensya na if matagal ko na update...

Do not count an income that you do not own. Count your blessings instead!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
F
Fersyear
March 9, 2021 (1 month ago)

Story is good, tragic...but no justice...

if this was true, i'm going to rip that hood of Marvin, then ipapakain ko sa kaniya...i let him live...and for the woman, i'll make sure that she will be happy for a gang rape...

@ the moment your in heat...think how to use it...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mr.M
March 9, 2021 (1 month ago)

Sadya talagang may ipinanganak na ubod ng bait wala ni 1 masamang buto sa pagkatao.

Minsan na namatay pero muli nabuhay

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
F
Fersyear
March 9, 2021 (1 month ago)

Agree...pero kung ako ang kaibigan, ako naman ang taga putol, taga balat ng buhay at taga baon ng mga mang-aapi sa kaniya...

@ the moment your in heat...think how to use it...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mr.M
March 10, 2021 (1 month ago)

God help the motherfuckers that are abusing this person 😆

Minsan na namatay pero muli nabuhay

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
cutemark
March 10, 2021 (1 month ago)

ayaw kong maging masama pero ayaw ko rin masyadong mabait pero sa kwentong ito if situation go bad its best to walk away ang move on. di mo kailangan ang dahas dahil mas kailangan mo ang maging mahinahon.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments