M
E
N
U

Ang Probinsyano 2: Ang Balak

Posted in
Story: True Story, Tagalog · Categories: Taboo, Mature · Tags: , ,
Date: February 14, 2021 (15 days ago)


Chapter 2
Ang storyang ito ay bunga lamang ng malikot na imahinasyon. Kung mayroon man pagkakatulad sa tunay na tao, pangyayari o lugar ay di sinasadya.

Ito ay orihinal na akda at kung nagustuhan mo ay maari kang mag iwan ng like at heart. I comment na lamang nyo ang reaksyon at mga suhesyon.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

"Maiwan muna kita Kardo at magbibihis lamang ako" ang sabi ni Maam Amalia sa akin.

"Wala pong problema mam", ang sagot ko sa kausap.

Umakyat na muli si Mam Amalia sa itaas para mag ayos ng sarili, pa-semple ko syang hinabol ng tingin. Grabe super sexy nya, ewan ko ba pero 'Attracted ako sa mga may edad ng mga babae.

"Tara na Kardo", ang utos nito sa akin.habang bumababa sa hagdanan ng malaking bahay.

Parang tumigil ng konti ang pag hinga ko, naka spaghetti lang sya, hanggang tuhod ang palda nya.

Sinundan ko naman ito at dinala nya ako sa kusina kung saan ay may mga katulong sya.

"Asan si Manang linda ?" ang tanung ni Mam sa isang katulong na naghihiwa ng gulay na lulutuin nya.

"Andito ako Maam Amalia" ang sabi ng isang medyo may edad na din na babae na nanggaling sa likod bahay.

"Naayos mo na ba manang?" ang napaka hinahon na tanung ni Mam amalia.

"Yes po , tara po Mam" ang sabi ni Manang linda.

Sumunod na kaagad si Mam Amalia kay manang at ganun din ako.

"Kardo , eto ang magiging quarters mo" ang sabi sa akin ni Mam Amalia habang tinuturo ang isang kwarto na tantya ko ay nasa 4m by 4m ang sukat.

"Maraming salamat Mam" ang sagot ko naman dito na may halong ngiti.

"Ito nga pala si Manang Linda, siya ang mayordoma dito" sabay turo sa may edad ng katulong nya.

Inabot ko naman ang kamay ko kay manang linda at ganun din ang kanyang ginawa.

"Kardo Maiwan muna namin ikaw at para makapahinga ka" ang sabi ni Mam Amalia habang binuksan ni Manang ang pinto ng aking quarters.

Tuluyan na ako pumasok sa aking quarters at iniwan na ako ng dalawa. Ginila ko ang aking mga mata sa loob ng quarters ko.

May Maliit na higaan sa dulong bahagi ng quarters. May maliit na lamesa at upuan na parang study table sa kaliwang bahagi. May orocan naman sa kanang bahagi. Mayroon maliit na Cr sa malapit sa dulo.

Umupo ako sa gilid ng kama at sinumulan ko ng ilagay ang iilang piraso kong gamit sa loob ng orocan. Nilagay ko naman sa pinaka ilalim ang envelope na naglalaman ng aking maliit na ipon.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod. Ginising na lamang ako ni Manang Linda dahil sa dinalhan ako nito ng pagkain. Sinabi naman nya na puntahan ko daw si Mam Amalia katapos ko kumain.

Mabilis ako kumain at kaagad ako pumunta sa Garden para kausapin si Mam Amalia.malawak ang garden ni maam para itong isang plaza maganda ang mga pananim.nakita ko si maam sa table malapit sa pool.

"Kardo, halika dito at samahan mo ako" ang sabi ni Mam Amalia.

Umupo naman ako at kinamusta ako ni Mam Amalia. Sinabi niya ang maging responsibilidad ko bilang bodyguard nya.

Nagulat na lamang ako ng dumating si Manang Linda at may dala dala isang maliit na attache case. Sinenyasan naman nya ito para ilapag ang dala nito.

"Kardo , para sau ito" sabi turo sa attache case na dala ni Manang Linda kanina.

Kaagad ko naman binuksan ang attache case at bumangad sa akin ang dalawang Sig Sauer M17 pistol . Mayroon din na anim na magazine.

"Salamat po Mam" ang halos abot tenga kong ngiti.

"Manang bigay mo na din yan " ang utos ni Mam kay Manang linda. Di ko napansin na may dala dala pa itong isang paper bag kanina pa.

Nilapag naman ni Manang ang paper bag at kaagad ko naman tinignan ang laman ng mga ito. Isang magazine belt holder na parang sa mga police at militar. Mayroon din na Shoulder holster.

"Nadala na ako sa nangyari kahapon Kardo, kaya nag siguro na ako" ang sabi nito sa akin.

"Alam ko po un Mam, mag tiwala po kayo sa akin" ang matipid ko naman na sagot dito.

Nagbilin muna si Mam Amalia at pinabalik na nya ako sa aking quarters para maipahinga ko ang aking sugat. Sa makalawa pa naman daw ang susunod na lakad nito kaya magpahinga lamang daw ako.

Kapasok ko sa aking quarters ay para akong bata na binigyan ng regalo at kaagad ko na kinalikot ang ang baril na binigay sa akin ni Mam.

Nakatulog na ako ng pasado alas onse ng gabi dahil sa sobrang saya ko. Ngayon lamang ulit ako na nakahawak ng baril.

Kinabukasan mga 8am ay nagising na ako. Kahit medyo masakit pa ang aking sugat at pinilit ko na tumulong sa mga gawain bahay.

Nakita ko si Mam Amalia na busy sa pag aalaga sa kanyang mga halaman sa garden. Kaya kumuha ako ng walis para makasama ko ito.

Nakita naman ako ni Mam Amalia at binati ako. Sinabi nya na wag muna daw ako magkikilos pero mapilit ako at sinabi na di sanay ang katawan ko na walang ginagawa.

Nagdilig na din ako ng mga halaman habang si Mam...

About the Author :

17  ·  4  ·  18  ·  5,493
 · 

Comments
E
eilchar123
February 14, 2021 (15 days ago)

sundan agad, bitin naman habaan mo next time autor.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
androidchan.03
February 14, 2021 (15 days ago)

Next na agad

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Jhulieramos
February 14, 2021 (15 days ago)

Next please

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
GrannyIsLife
February 15, 2021 (15 days ago)

May gusto pala sa may edad na ha..sana pati si Manang Linda matira nya rin..kaabang abang to..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments