M
E
N
U

Ang Probinsyano

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Taboo, Mature · Tags: ,
Date: February 13, 2021 (13 days ago)


Ang storyang ito ay bunga lamang ng malikot na imahinasyon. Kung mayroon man pagkakatulad sa tunay na tao, pangyayari o lugar ay di sinasadya.

Ito ay orihinal na akda at kung nagustuhan mo ay maari kang mag iwan ng like at heart. I comment na lamang nyo ang reaksyon at mga suhesyon.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Naniniwala ako na hindi lahat ng tao na kasalukuyan na nakapiit sa kulungan ay masama at nagkasala. Marami din ang nagdurusa bunga ng mga bagay na di maiiwasan. Marami ang nakalaya na at gusto mamuhay ng normal pero hirap sila dahil sa nakagawian ng paniniwala ng mga tao.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
"Oh Dalisay, ayaw na kita makita dito sa kulungan ah" ang paalam sa akin ng isa mga jail guard sa may front desk.

"Wag ka mag aalala tata, sa susunod na dalaw ko dito. Pagkain ang dala ko para sa inyo" ang paalam ko dito habang tinatago ang release papers na inabot sa akin nito.

Lumabas na ako sa kulungan ng bayan ng San Manuel.Dala dala ang isang maliit na duffel bag. Balak ko na iwan ang mapait na kahapon ko at magsimula ng bagong buhay.

Ako nga pala si Ricardo Dalisay, o mas kilala sa tawag na Kardo. Sa edad kung bente singko ay nakulong na ako ng mahigit dalawang taon pero nais ko na kalimutan kung ano man mapait na sinapit ko.

"Kailangan ko ka makahanap ng matitirahan at trabaho. Konti lang ang naipon ko sa loob" ang sabi ko sarili ko habang nakasilong ako sa isang puno dahil sa tirik na tirik ang sikat ng araw.

Pinasok ako ng warden namin sa isang programa sa loob ng kulungan kung saan ay gumagawa kami ng bangka sa loob ng mga bote o di kaya ay parol kapag panahon ng pasko. Binibenta naman iyon sa labas at mga pinagbentahan ng mga ito ay sya inipon ko.

Binaba ko ang duffel bag ko tsaka binuksan at kinuha ang envelope kung saan nakalagay ang perang naipon ko. Mahigit sampung libo din ang naipon ko, pero mauubos agad ang mga ito lalo na kung di ako agad makakahanap ng trabaho.

Sumakay ako ng tricycle sa may labasan at nagpahatid ako sa bayan. Tinanong ko ang tsuper kung anong oras na , at nag sinabi nito na mag tatanghali na ay naghanap muna ako ng karenderya para kumain bago ako maghanap ng trabaho.

May nakita akong malaking karenderya. Pumasok ako at pumili ng ulam. Tinanung ko kung magkano ang ulam at kanin nila doon dahil sa nagtitipid nga ako.

Umoorder na lamang ako ng gulay, isda, dalawang kanin at softdrinks. Pumwesto ako sa may sulok at kaagad na kumain. Natapos ako sa aking pagkain at kaagad na tinanung ang kahera kung naghahanap ba sila ng dishwasher o kaya waiter.

Sinabi naman nito na may bakante nga at tatawagin daw nito ang may ari. Sinabi ko sa may ari na magaling akong magluto at masipag ako.

Tatanggapin na sana nya ako ng hingan nya ako ng resume. Wala ako maipakita dahil sa sinabi ko na kalalaya ko lamang. Pinaalis na ako ng may ari at sinabing di sya tumatanggap ng mga dating kriminal.

Lahat na ata ng trabaho ay sinubukan ko pasukin mula sa gasoline boy, construction worker, janitor o kahit nga taga vulcanize ng mga gulong pero nabigo lamang ako. Bilib silang lahat sa sipag at kaalaman ko sa maraming bigay pero kapag nalalaman nila na dati akong nakulong ay parang karayom na tumutusok ito sa bula ng aking pangarap na magbago ang buhay.

Inabot na ako ng gabi sa daan sa kakahanap ng matutuluyan, dahil sa katulad ng mga pinagtanungan ko ng trabaho at ganun din ang trato sa akin ng mga boarding house, apartment at mga motel na pinag tanungan ko.

Para akong isang bangaw lamang sa kanilang paningin na di mamatay matay. Kung nakakamatay lang ang mga pagtingin at salita na inabot ko ay tiyak na patay na ako ngayon.

Pag sapit ko sa isang maliit na eskinita, napansin ko ang dalawang lalaki na sa pakiwari ko ay masama ang ginagawa.

Di ako nag kamali, yong isang lalaki hawak ang babae at may nakatuktuk na kutsilyo sa leeg nito habang ang isa naman ay nakasakay sa loob ng landcruiser na puti.

"Nalintikan na, mukhang kakalabas ko lang at trouble agad" ang sabi ng tumigil ako sa aking pag lalakad at komubli ng konti, para di nila ako mapansin.

Hinintay ko ang tamang tyempo para tulungan ang babae dahil kahit ayaw ko na masangkot pa sa gulo. Kinikidnap ata ang babae dahil pilit sya sinasakay ng lalaki sa loob ng landcruiser.

Nang bumababa ang isa lalaki sa loob ng landcruiser ay ito na ang pagkakataon na aking hinihintay.

napakabilis ng mga pang yayari. Bago pa makapasok ang...

About the Author :

23  ·  7  ·  21  ·  5,555
 · 

Comments
R
rogel
February 13, 2021 (13 days ago)

sundan na agad sir maganda.mukhang may aabangan na naman ako

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
F
Foreman1983
February 13, 2021 (12 days ago)

πŸ‘

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
E
erotiko
February 13, 2021 (12 days ago)

maganda ang tema. kaabang-abang ang mga susunod na yugto

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Terex
February 14, 2021 (12 days ago)

ayos sir maganda ang simula

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
leoarielcanete
February 14, 2021 (12 days ago)

magandang estorya ito sir...aabangan...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
burachi_2008
February 14, 2021 (12 days ago)

Sa edad ni amalia tiyak na makati ang pepe nun na wawarakin ni probinsyano

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
princ307
February 18, 2021 (8 days ago)

Naalala ko tuloy mga ganito story sa 90's hehehe maganda boss i miss 90's movie...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments