M
E
N
U

One Lust Night

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags: , ,
Date: February 10, 2021 (3 months ago)


Chapter VIII: Everything Has Changed (1)

"Open your eyes" sabi ni Gino sa akin at pagkakita ko ay isang necklace na rose gold at isang "G" na pendant na may diamond accent sa letters nito. Simple pero napakaganda gaya ng pagmamahal niya sa akin simple lang walang halong iba rason basta mahal niya ako.

"Napakaganda Gino salamat" sabi ko.

"Meron pa Ann di pa tapos," at kinuha naman niya ang isang maliit na envelop na may ribbon at binigay sa akin.

"Buksan mo"

At pagbukas ko ay isang plane ticket papunta sa Batanes ang isa pang regalo ni Gino sa akin at doon ako napaluha sa galak at niyakap ko siya ng mahigpit at binigyan ng smack na kiss sa labi.

"Thank you Gino…thank you mahal" at muli ay hinalikan ko siya ng puno ng pagmamahal.

Gino POV

Kinabukasan nagising ako upang maghanda sa limang araw namin sa Batanes. Pasado alas-sais ng umaga ay nandito na ako sa bahay upang sunduin siya at inaabangan ko siya sa may garden habang kinakausap ko ang kanyang mama tungkol sa pagpunta namin sa Batanes at napasulyap ako sa maliit na box na kulay pula saka ito itinago sa aking bag. Mga 30 minuto lang ang nakalipas ay nakita ko si Ann na naglalakad papuntang garden.

"Good morning mahal" bati niya sa akin.

"Good morning din sa iyo mahal," sabay ngiti sa kanya.

"So, tara na baka mahuli tayo sa flight natin." sabi ko.

"Sure, tara na" at sinakay ko na ang gamit ni Ann sa loob ng sasakyan.

Habang nagmamaneho hindi ko maiwasan mapangiti ng Makita ko si Ann. Parang lalo siyang gumanda makalipas ang pitong taon. Habang nakahinto ang sasakyan ay napapagawi ako sa kanya at tinitignan siya ng paulit-ulit. Hanggang sa mapansin niya ako…

"Is there something in my face or in me, kanina pa kasi napapansin na nakatingin sa akin."

"Wala lang mahal nagagandahan lang ako sa iyo…You look gorgeous today"

"Sus! nambola pa alam ko na iyan" confident na sabi ni Ann sa akin.

"Wow ang lakas… "At napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan. Binuksan ko ang radyo upang di maging boring ang biyahe.

Makalipas ng ilang minuto ay narating nanamin ang airport at nag antay pa kami ng ilan pang oras at narating din namin ang Basco Batanes.

Ann POV

Nakakaexcite dahil ito ang gustong-gusto kong puntahan pero wala akong oras magsaya dahil subsub ako sa trabaho. Ang dati kong pangarap puntahan ay natupad din at bonus pa kasi kasama ko ang lalaking mahal ko. Sumakay na kami sa nirentahan naming kotse at pumunta na staycation house upang magpahinga.

Kinabukasan, maaga pa'y nagsimula na kami mag tour sa Mt. Carmel Chapel. Napakaganda at halatang pinag iigihan para lang napreserve ang lugar.

"Ang ganda mahal, parang gusto ko dito ako magpakasal."

"Ano pala ang dalangin mo" tanong ko sa kanya

"Sana makuha ko ang Oo niya…I mean yung investor kasi ang hirap makuha ang Oo niya" sabi niya

"ikaw mahal ano ang dalangin mo with matching pagluha pa mukhang marubdub na panalangin iyan ha.

Sinuntok ko siya ng malakas sa kanyang braso paano ba naman ako luluha ay tears of joy lang ang daming nangyari sa buhay ko sana di na ito matapos.

"Nagpapasalamat lang ako dahil nakarating ako dito" palusot kong sabi.

"Okay ayoko na makipag away sa iyo baka maging ube na ang braso ko sa lakas ng suntok mo daig mo pa si Pacquiao" biro ko sa kaniya.

"Gusto mo pa ng isa"

"Sige kapag sinuntok mo pa ako hahalikan kita, gusto mo ba yun" sabay himas sa puwet ko dahil nakablouse at skirt lang ako.

"Halika na nga", banta ko sa paglilikot nya. "Kumain na tayo at gutom" at umalis na kami sa chapel na yun . Pagkatapos namin kumain at naglibot pa kami sa iba't ibang pasyalan at salamat dahil naging behave si Gino kahit na ramdam ko ang kanyang pagpipigil.

Gino POV

Sa loob ng ilang araw ay nasulit namin ang bawat bakasyon na magkasama kami ni Ann at doon ko pa siya mas nakilala; masayahin, magaling makisama at matalino. Mas lalo yata ako naiinlove sa kanya, at ngayon araw na ito ay niyaya ko siya sa aming date dito sa isang lugar dito sa Vayang Rolling Hills at sa mismo araw na ito ay magpropose na ako kay Ann. Inimbita ko si Tita Agnes at si Andoy ng palihim. Napapayag ko din umuwi si Mama dito sa Pilipinas at masayang-masaya siya at ng sabihin ko na magpropropose ako kay Ann dali-dali kumuha ng at pumunta dito sa Batanes.

"Tamang-tama ang view dito Ann?" tanong ko sa kanya na tanaw ko ang Luntian paligid at kapag humarap ka sa gilid ay matatanaw mo ang karagatan.

"Oo, Gino ang ganda ng view at ang sarap sa feeling kasi kasama kita at wala tayong problema."

"Oo, Ann sana panghabang-buhay tayong ganito," at hinawakan ko ang kamay niya.

"Mahal, salamat ha at dinala mo ako sa pangarap kong lugar" pambasag sa katahimikan namin dalawa.

"Wala yun Mahal, anything ay kaya kong ibigay, anything kaya kong gawin mapasaya ka lang" sabi ko sa kanya. Eto na ang tamang pagkakataon kaya kinuha ko na ang blindfold.

"Mahal pwede ko ba isuot sa iyo ang blindfold na ito at tumayo ka, may sopresa ako sa iyo." Sabi ko dahil nakita ko ng isa-isa ng dumarating ang mga surpresa ko buhat sa a...

About the Author :

Joined: August 24, 2020 (8 months old)
Writings: 13
Male  ·  Offline
Description:
I am just trying to write and to inspire my story. I hope you liked it. Don't worry I am newbie and try to learning and discover things
Websites:
8  ·  2  ·  9  ·  1,550
 · 

Comments
checkmate1234
Status: Suspended

February 10, 2021 (3 months ago)

Pahpatuloy mo lang

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
MisterND
February 10, 2021 (3 months ago)

salamat sir

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments