M
E
N
U

Collared - 09

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Mature, Romance · Tags:
Date: February 9, 2021 (21 days ago)


Scene 1.

Naging abala ang mag-ate dahil kailangan nilang gumawa ng draft design para sa vacation house ni Mr. Jack Stripper. Kahit hindi bihasa sa pag-disenyo si Sheena ay natutulungan naman nito ang kanyang kapatid na arkitekto upang magawan ng cost estimation ang ipapagawa dito kasama na din ang labor cost ng ipapagawang bahay.

Biyernes ng tanghali ay nag-ayos si Sheena ng sarili upang makamusta ang nobyo nito at maipakilala sa ate nito, sa bayaw, sa unica hija ng ate nito, at sa 2 anak na babae ni Sheena.

Kahit kinakabahan kung maging boto ba ang pamilya nito sa nobyo ay isusugal na niya. Alam nito sa kaibuturan ng puso ay talagang tunay ang pag-ibig.

"Babe, can you come here sa Gateway at 1PM? Let's have lunch"

"Sige babe, magpapa-alam lang muna ako kina nanay at tatay." Ang batid ng lalaki.

Nang makapag-paalam ay agad itong nag-tungo sa CR upang maligo. Nag-gayak, sinuot nito ang biniling collared shirt na bili ng nobya, nag-suot ng pantalon, at sinuot ang sapatos na Addidas na kahit peke ay pinag-ipunan nito sa pagtitinda ng turon. Nagpabango din upang maging kaaya-aya sa mata at ilong ng nobyang kahit mayaman ay tinanggap siya ng buo.

Sumakay ng 2 jeep ang binata hanggang sa makarating sa nasabing mall na pagkikitaan nilang dalawa. Lingid sa kaalaman nito ay dito niya makikilala ang mga taong tatanggap sa kanya at mamahalin siya na parang tunay na pamilya din.

Nag-text si Mark sa nobya nito at tinanong nito kung saan sila magkikita.

3 minuto… 5 minuto… walang natanggap na mensahe mula sa nobya.

Habang nag-aabang ay bigla na lang itong binatukan. Nainis ito sa ginawa sa kanya pero kalmadong nilingon nito kung sino nambatok sa kanya.

"Huy ano ginagawa niyo dito?" ang tanong ni Mark sa lalaking nambatok sa kanya. Isa ito sa mga kaklase ni Mark, isa ito sa ka-close niya sa klase dahil magka-klase na sila simula 1st year pa lamang.

"Wala tol, gumagala lang ngayon kasi kakatapos lang ng finals. Kakain kami sa foodcourt. Libre ko na kasi KFC naman. Tara tol, sama ka na!" pag-aanyaya ni Nico.

Si Nico ay graduate mula sa isang eksklusibong paaralan para lamang sa lalaki. Mayaman si Nico at nakaka-angat sa buhay pero simple lang ang pamumuhay nito at hindi ipinagdadamot ang biyaya sa mga kaklase nitong salat sa yaman at nanlilibre ng pagkain. Natulungan na rin ni Nico si Mark nung 2nd year ito dahil kinapos sa pang-matrikula ng walang kapalit.

"Sa susunod na tol" sagot ni Mark.

"May date ka no?" paghuhula ni Nico.

Namula na lang si Mark dahil nahulaan ng kaklase ang gagawin ng lalaki. "Pa…ano mo nalaman?"

"Huli ka balbon! Hinuluan ko lang, nahulog ka naman. Ha ha ha!" sagot ni Nico.

"Hi Mark" batid ng mga babae nilang kaklase ni Nico.

"Hello" ang sagot ni Mark.

Habang nagkukulitan ang magka-klase ay may biglang humawak sa braso ni Mark. 'Sino na naman kaya itong nanti-trip sa akin?' ang tanging sambit sa sarili. Nilingon ng lalaki kung sino ang humawak sa kanyang braso. Iyon ay kanyang nobyang si Sheena.

"Hello guys" ang bati ni Sheena sa mga kaklase ni Mark habang naka-ngiti ito sa kanila.

"Hello Engineer Sheena" bati ng mga kaklase ni Mark sa alumna ng kanilang kolehiyo.

"Mark, kayo ba ni Engineer Sheena?" ang walang pasintabing pagtatanong ni Nico.

"Oo" ang tanging sambit ni Mark sa kaklase.

"Uy tol, alagaan mo yang si Engineer Sheena. Marami pa namang nagkaka-crush sa kanya nung nag-speech siya" anya ni Nico.

"Oo naman, inaalagaan akong mabuti ng kaklase niyo" ang ipinagyayabang na sagot ni Sheena. "Maiwan na namin kayo guys at may lunch date pa kami ni Mark"

"Sige tol, una na kami ng girl friend ko. Magpaka-busog kayo. Bawi ako sa susunod" ang medyo nahihiyang sagot ng binata sa mga kaklase.

Nag-lakad ang magkasintahan papasok sa loob ng mall, umakyat sa escalator ng 2 palapag. Di maiwasang tignan ng ibang kalalakihan si Sheena dahil sa alindog nitong kumakawala kahit hindi sinasadya. May mga babaeng kolehiyala ring napapatingin din kay Mark dahil sa postura nito at sa simpleng ka-gwapuhan at sa sex appeal nito.

Kung makakapa lang ng binata ang panty ng karamihan sa kolehiyalang nakakasalubong niya, paniguradong may pamamasang masasalat sa gitna ni pundyal.

Narating ng dalawa ang kakainan. Nandun naghihintay 5 katao. 2 matanda at 3 bata.

"Good morning and welcome to My Thai ma'am and sir, table for 2 po?" ang malugod na pagbati ng crew ng nasabing resto.

"Yes, may kasama din akong nauna na dito." Itinuro ni Sheena ang upuan sa tabi ng bintana at tinungo ng dalawa ang grupo.

"Hi ate and kuya Francis, this is Mark, my boyfriend" ang pagpapakilala ni Sheena sa ate nitong si Shantel at sa bayaw nitong si Francis.

'tugtug tugtug tugtug' kung walang sound system ang restaurant ay maririnig mo ang tibok ng puso ng binata dahil sa kaba.

Tumayo si Francis at iniabot ang kamay nito sa nobyo ng kanyang hipag. Kusa na lang iniabot ni Mark ang kamay ni Francis at bumati na lang ng magandang tanghali. Firm ang pakikipag-kamay ni Francis kay Mark at tinititigan ito sa mata at tinatantya nito ang pagkatao ng lalaki. Ayaw makita ni Francis na umiyak ang kapatid ng kanyang asawa sa maling lalaki.

Nakaramdam ng tensyon si Shantel sa tagpong iyon at tumayo ito upang pigilan ang tensyon, alam naman nito ang tinatakbo ng isip ng asawa.

"It's nice to finally meet you, Mark. Maraming nakwento sa akin itong younger sis ko about you" sa tagpong iyon ay inilapit ni Shantel ang kanyang ulo upang bigyan ng beso ang binata.

"Nice to meet you ma'am" ang pagbati ng binata sa ate ng kanyang sinisinta kahit sa loob nito ay gusto na lang magpalamon sa lupa dahil sa kaba.

"Hi ladies. This is tito Mark" ang bungad ni Sheena sa tatlong munting prinsesa.

"Who is he mummy?" ang tanong ng isa sa mga anak ni Sheena.

"Yeah tita, sino po siya?" ang tanong ng pamangkin at anak ng ate ni Sheena.

"Girls, this is Mark and he's my boyfriend" habang nakangiting pinapakilala ng dalagang ina ang nobyo sa pamangkin at mga anak nito. "Girls, please say hi to tito Mark"

"Hi tito Mark" ang pagbati ng 2 prinsesita ni Sheena. "Hi Mark" ang pagbati ng pamangkin nito sa lalaki.

"Babe, this is my eldest daughter Mariella and she's 10. And this is Sophia my bunso and she's 8 and turning 9 na next month. And that cutie there is Elyvelle or Ely and she's 11." Ang pagpapa-kilala ni Sheena ng 3 chikiting sa nobyo nito.

"Hello" ang tanging bati ng lalaki sa 3 prinsesa na magiging parte ng buhay niya sa hinaharap.

"Mark, have a seat and join us for a lunch" ang pag-utos ni Francis sa binata.

"Let's have a seat babe then order na rin tayo ng pagkain. Gutom na din ako. Eksakto mahilig din itong mga kids sa medyo spicy food"

Tinawag ni Francis ang crew ng restaurant upang maka-order na ng pagkain. Dahil walang alam si Mark sa Thai food, hinayaan na lang niya ang nobya nito ang pumili ng pagkain para sa kanya. Matapos maka-order ay tumayo si Francis upang magpunta sa restaurant lavatory upang makapag-hugas ng kamay at sinundan ito ng asawa.

"What do you think about my sister's boyfriend, hon?" ang tanong ni Shantel kay Francis.

"He seems nice and kind but we'll know the true him soon. I hope tama itong lalaking napili ng kapatid mo. Ayoko lang maging katulad nung dati niyang boyfriend na pabigat sa buhay. After buntisin at perahan sa pagsusugal, ayun naghanap ng iba at sumama pa sa pokpok. I will never forgive that bastard!" kalmado at nakakasindak ang pagkakasabi nito.

"I hope so, hon. Sana okay itong si Mark at hindi katulad nung gagong yun."

Matapos mag-hugas ng kamay ang mag-asawa ay sumunod na ang mga bata. Matapos nito ay bumalik na sa upuan at kumain at usisahin ang lalaki. Nalaman nila ang estado sa buhay at mga ginagawa nito. Sa murang edad nalaman nila na nagbabanat ito ng buto para masuportahan ang sarili at mga kapatid dahil kapos sila sa buhay.

Natapos ang tanghalian ng 7 tao sa Thai restaurant at nagpaalam si Sheena sa ate na ihatid na din ang 2 niyang anak sa bahay at ito ay tutugo ulit sa Batangas ng hapon.

Nagpalusot na lang si Sheena na ipapaalam ang nobyo sa magulang nito na dadalhin na sa Batangas para makapag-part time na trabaho sa kanilang construction firm at paniguradong kakayanin ng binata ang project ng isa nilang kliyente na magpapagawa ng vacation house.

Nauna nang nagpunta sa parking lot sina Francis, Shantel, Ely, Mariella, at Sophia.

Scene 2.

Nagpunta muna sa fruit shake vendor si Sheena upang umorder ng inumin at inroderan na rin nito ang nobyo upang mapatay ang amoy ng anghang sa bibig.

Matapos iyon ay nagtungo ang dalawa sa parking lot upang sumakay naman sa sasakyan ng nobya. Matapos magbayad sa parking booth ay nag-isip ang dalaga kung saan muna magpupunta...

About the Author :

Joined: July 5, 2020 (7 months old)
Writings: 10
Male  ·  Offline
Description:
I write depending on my mood.

11  ·  7  ·  10  ·  2,419
 · 

Comments
T
Terex
February 9, 2021 (21 days ago)

Sir ok kahit matagal nasundan sulit naman

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
thedementedprince
February 9, 2021 (21 days ago)

Salamat. Sasamantalahin ko mag-sulat habang resigned ako sa trabaho.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kuatog
February 9, 2021 (21 days ago)

sundan n agad boss samantalahin n habang wala kapa work hehe..tia😁😁

basta masarap go !!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
thedementedprince
February 9, 2021 (21 days ago)

will do. salamat sa pagsubaybay.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
leoarielcanete
February 9, 2021 (21 days ago)

tagal kong hinintay to boss...nice story kasi...salamat po...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
thedementedprince
February 9, 2021 (21 days ago)

maraming salamat po sa pagsubaybay.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kiterc
February 10, 2021 (21 days ago)

Nice story po. Sana masundan agad.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments