M
E
N
U

One Lust Night

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags: , ,
Date: February 2, 2021 (24 days ago)


Chapter VII: Flowers and Chocolates (2)

"Tara, sa dating pinagkakainan natin."pag-aya ko.

"Sure at ipapakita ko sa iyo na hindi na ako nandidiri kumain nyan."

"weh…sige nga"

At naglakad kami patungo sa dating pinagkakainan ng naming ng fishball at iba pa.

Ann POV

Naalala ko nung nasa senior high school pa ako na magkasama kami ni Gino kumakain ng fishball. Hindi mawala ang ngiti ko kapag naalala ko yung magkasama kami ni Gino habang kumakain kami ng fishball. Ang unang pagkain namin ay nasundan pa ng maraming beses hanggang sa umalis na si Gino ay araw araw ako pumunta dito upang kumain tapos uupo sa isang bench at panonoorin lumubog ang araw. Malungkot dahil nandito ang mga masasayang memories namin ni Gino at umaasa na babalik siya dahil pasabi na kalian siya babalik. Dinadalangin ko na sana dumating ang araw na kasama naming pinapanood ang paglubog ng araw, uuwi kami sa aming bahay na puno ng saya at halakhak. At eto nga ang pinakahihntay kong oras at panahon magkasama kami ni Gino at tatahakin namin ang suki namin si Mang Ambo. Si Mang Ambo ay naging suki namin ni Gino at kilala na namin nyan upang kumain ng fishball habang wala pang customer. Simpleng pedicab na may kalan de gas, ilang plastic na fishball at iba pang paninda niya magisa. Sa edad na 70 years old ay masasabi mo na mas bata sapagkat ito, palangiti at dedicated sa kanyang trabaho at mas lalo namin nagustuhan ay masarap na timpla ng kanyang sauce na binabalik-balikan ng mga customer ang kanyang paninda.

Nang nakita na namin ang fishballan ni Mang Ambo ay maraming customer gaya ng; mga estudyante, mga nagtratrabaho at mga ordinaryong tao. Si Mang Ambo ay di pa rin nagbabago masayahin pa din at dedicated sa kanyang trabaho, kahit na lumaki pa rin ang kanyang puwesto ay hindi pa rin mawawala ang pagiging mabait niya.

"Kamusta ka na Mang Ambo?" pambati pambungad ni Gino.

Napatingin ito kung sino ang nagtatanong sa kanya. "Sir Gino...ikaw pala," sabi ni Mang Ambo.

"Buti Mang Ambo naalala mo pa kami," tanong ko kay Mang Ambo.

"Imposible ko ba kayo di maalala sir at maam kayo ang nagiisang suki ko nung nagsisimula ako nagtitinda dito sa Bay Walk." At abot ni Mang Ambo ang isang baso na puno ng fishballs at matamis at maanghang kaunti na sauce sa akin at inabot rin ni Mang Ambo ang isang baso puno ng fishball na may sauce na suka at matamis at kumain na kami. Nagkuwentuhan pa kami nila Mang Ambo at doon ko nalaman na may iniindang sakit ang kanyang asawa kaya todo kayod si Mang Ambo para may pang-maintenance sa kanyang asawa na may sakit na Dementia at Diabetes. Umalis na kami sa pwesto ni Mang Ambo at tinulungan na naming siya sa pamamagitan ng kaunting halaga na binigay namin sa kanya. Sapat na para mabili na ang kinakailangang pang maintenance ng kanyang asawa.

Naglakad-lakad kami ni Gino habang kumakain kami ng kwek-kwek at toknene. Nang makakita kami ng isang bench at doon kami umupo.

"Masakit na ba ang paa mo?" tanong ni Gino sa akin

"Di naman okay lang ako" pero sa loob-loob ko ay masakit na ang paa ko at need ko na hubarin sa heels ko.

"Sandali lang Ann antayin mo ako ha may bibilhin lang ako" paalam niya kay Ann

"Okay, sige bilisan mo ha"

Gino POV

Binilisan ko ang paghahanap ng isang flat shoes dahil nagiisa lang si Ann at baka ano pa ang mangyari doon at laking pasasalamat ko ng makakita ako ng isang boutique at pumasok na ako sa loob ng tindahan at sakto nakahanap ako ng isang flat shoes, binili ko ito at umalis na rin ako tindahan. Sakto naman na may nakita akong isang tindero naglalako ng mga plastic na rose kaya binili ko na rin ito at bumalik na ko saan nakaupo si Ann. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko siya na nakatingala at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. At doon ako napangiti sa nakikita ko, kung dati ay umuupo kami dito upang pagmasdan ang paglubog ng araw at paglitaw ng buwan tapos mag aasaran at magtatawanan. Pero ngayon iba na ang takbo ng mundo hindi na halakhak ang asaran ang kundi pangarap at matatamis na salita na pinapangako naming sa isa't isa. Lumapit na ako sa kanya at napatingin naman siya sa akin.

Nilabas ko ang isang pares ng flat shoes at sa tingin ko sakto sa paa niya at isinukat ko sa kanya, at tama nga ako dahil sukat na sukat nga. Pagkatapos ay nilabas ko ang isang plastic na rosas at ibinigay sa kanya.

"kanina sa office fresh tulips and daisy ang binigay mo sa akin tapos eto plastic na rose at isa pa."

"Aba! choosy ka pa. ikaw na nga binibigyan ng bulaklak na maarte ka pa yung ibang babae nga sa akin puri nila ang binibigay sa akin para maging jowa lang ako." Pangaasar ni Gino sa akin

"Ulol! peperahan ka lang, kaya gusto ka nila maging jowa." Ganting sagot ni Ann kay Gino at napuno ng halakhakan ang pwesto nila.

"Salamat sa isang bulaklak," seryosong sabi ni Ann kay Gino.

"Alam mo bakit plastic ang binigay ko sa iyo?"

"Bakit nga ba?" takang tanong ni Ann kay Gino

"Kasi ang plastic di nalalanta gaya ng pag-ibig ko sa iyo di nalalanta, di katulad ng totoong bulaklak ay nalalanta at nawawalan ng kulay, namamatay." At sa di sadyang pagkakataon ay nakakita sila ng isang wishing star.

"Anong wish mo, mahal?" tanong ko kay Ann.

"Wala akong wish, mahal dahil natupad na ang matagal kong dalangin…" sabi ni Ann

"Eh ano ba ang matagal mo ng dalangin." Tanong ko ulit sa kanya.

"Ang makasama ang lalaking mahal ko" sabi ni Ann

Napangiti ako ng malapad ng sabihin niya ang mga katagang yun tila parang isang tape na paulit-ulit na pinaparinig sa akin…

"Ang makasama ang lalaking mahal ko"

"Ang makasama ang lalaking mahal ko"

"Ang makasama ang lalaking mahal ko …"

…na reulta na pagbilis ng tibok ng puso ko, ang kilabot na pakiramdam, at libong-libong boltaheng naramdaman ko pumasok sa aking katawan. Aminin ko man o hindi ay kinikilig ako sa katagang binitawan niya.

"Eh ikaw ano ang wish mo?" balik na tanong ni Ann kay Gino....

About the Author :

Joined: August 24, 2020 (6 months old)
Writings: 11
Male  ·  Offline
Description:
I am just trying to write and to inspire my story. I hope you liked it. Don't worry I am newbie and try to learning and discover things
Websites:
5  ·  8  ·  5  ·  1,623
 · 

Comments
A
Abet_29
February 2, 2021 (24 days ago)

Tuloy lang po sir

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
MisterND
February 2, 2021 (24 days ago)

Salamat sa pagbasa

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Daddys_bitch
February 2, 2021 (24 days ago)

Congrats bunso sa new story.

Don't tell me to moan.. fucking make me!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
MisterND
February 2, 2021 (24 days ago)

No worries ate congrats din sa story mo. I hope makatrabaho kita

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Terex
February 2, 2021 (24 days ago)

Gara ng love story nila

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
MisterND
February 2, 2021 (24 days ago)

Salamat po

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
checkmate1234
February 4, 2021 (22 days ago)

Tol done ang story...... Nakaka teenager story mo. Hehehehe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
MisterND
February 4, 2021 (22 days ago)

Salamat tol. Masarap balikan ang mga nangyari sa ating noong kabataan pa tayo. Yung tipong lahat sa iyo ay una.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments