M
E
N
U

Sexual Hidden Desire 18

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, Taboo, Wife Lovers, Romance · Tags: , , , , ,
Date: January 27, 2021 (30 days ago)


"Mahal mo pa ba ako?"

Agad na tanong ko sa kanya. Kita ko ang gulat sa mukha nya pero agad iyong napalitan ng pagkaseryoso.

"Trish." Sabi nya at sa pagkakataong iyon ay ako naman ang nagulat. This is the first time na tinawag nya ako sa pangalan ko dahil simula ng maging kami ay hindi na nya ako tinatawag sa pangalan kundi Hon na.

Napailing ako. Alam ko na agad.Sabay kaming naupo na dalawa pero hindi magkatabi. Magkatapat kaming naupo at alam kong ramdam sa buong bahay ang kaseryosohan sa amin.

"Kelan pa?" Sunod na tanong ko. Hindi ko alam kung ang pagkakaroon nya ng babae ang tinutukoy ko o ang pagkawala ng pagmamahal nya sa akin.

"Hon, please let me explain." Hindi sya natataranta. Hindi sya yung tipong handang humingi ng tawad. Wala akong nakitang ibang reaksyon sa kanya kundi pagkaseryoso nya. Tumango ako sa kanya. Nakita ko ang pagbuntong hininga nya bago nagsalita.

"Last year." Sabi nya. Huh? Last year? Inisip kong mabuti. Last year ay andito lang sya sa Pinas. Hindi sya umaalis ng bansa, paanong last year pa?

"I met her during our conference sa office. She's one of the director ng company na magta-tie up sa amin. Nung una wala lang sa akin. Yes she's pretty, sexy, nice and rich pero para sa akin ikaw pa din ang pinaka sa lahat dahil asawa kita at mahal kita kaya hindi ko magawang suklian ang paglalandi nya. Hanggang sa one time kaming dalawa lang ang naiwan sa office. Remember the time when I went home late?" Tanong nya saka ko kinalkal sa isip ko iyon. And yes, there was this time na first time nya umuwi ng late dahil nag over time sya kasama ng boss nya.

"Yes. I remember but you told me that you were with your boss."

"Yes. I was pero umuwi din sya agad kaya naiwan kaming dalawa. That time medyo nagkainuman na kami ng mga boss dahil na din sa matagaumpay na pag invest nila. Dala ng alak may nangyari sa amin." Yumuko sya. Napahawak sya sa batok nya at nang tumingin sya sa akin ay kita ko ang guilt sa mata nya.

"That night was a mistake. At sinabi kong hindi mo na kailangang malaman dahil hindi na mauulit pero Hon.." tumigil sya saglit para huminga ng malalim "...naulit ulit. Hindi lang isa, dalawa kundi madaming beses pa. Hanggang sa hindi ko na kayang ihinto pa." Napalaki ang mata ko sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala sa pinagtatapat nya ngayon.

Nagagalit ako. So, last year pa pala sya nagloko sa akin. That time sobrang sweet nya sa akin yun pala may kinababaliwan na syang iba.

"Then Singapore happen. Kasama kaming dalawa doon. Pati sa apartment. Na inupahan ng company ay magkasama kami."

"So, namuhay kayong parang mag-asawa doon ganun ba?" Hindi nakaligtas ang pait sa tanong kong iyon. Tumulo ang luha ko sa pagtango nya.

"Mahal mo ba sya?" Ulit kong tanong dahil hindi naman nya ito sinagot kanina.

"Yes." That's it. Masakit pa din palang malaman na may mahal na syang iba. Kahit pa nga parehas na kaming dalawa ng sitwasyon ngayon.

"I learned to love her nung araw-araw na kaming magkasama sa Singapore. She's kind, caring at pakiramdam ko totoong asawa ko sya."

"Ganun din naman ako sayo hindi ba? Kapag magkasama tayo?" Agad kong sabi.

"Yes pero Trish, may kakaiba sa kanya. Pakiramdam ko sya ang asawa ko ng mga panahong iyon."

"Did she love you too?" Tanong ko. Isang tango ang ibinigay nya sa akin. So all this time, kapag umuuwi sya dito hindi pala ako ang naiisip nya. Kaya pala palagi syang nagmamadaling makabalik ng Singapre dahil may naghihintay sa kanya.

Ang sakit. Sobrang sakit. Tuloy-tuloy ang bagsak ng luha ko. Pinunasan ko agad iyon ng makita kong balak nyang abutin ang pisngi ko. Huminga ako ng malalim. Andito na din naman kami, umamin na sya kaya kailangan ko na din aminin sa kanya ang pakikipagrelasyon ko sa iba.

"I'm sorry. Alam kong hindi mo ako mapapatawad ngayon pero -"

"I also have an affair." Matapang kong sabi sa kanya. Tumingin lang sya sa akin ng seryoso at hindi ko sya nakitaan ng gulat. Akala ko magugulat sya o magagalit dahil sa inamin ko pero mas ako ang nagulat sa sinabi nya

"I know."

Laglag panga ako dahil sa sinabi nya. Paanong alam nya? Nahuli ba nya ako?

"Gusto nya na hiwalayan kita para magsama na kami pero hindi ako pumayag dahil kahit papaano umaasa ako na panandalian lang ang amin. Alam ko ikaw pa din sa huli. Kaya naman nagalit sya. Hindi ko alam na nagpunta sya sa dito para kausapin ka at sabihin sayo ang relasyon namin pero nahuli ka nya na may lalaking pinapasok dito at kahalikan. Kinunan nya iyon ng video at picture at ipinakita sa akin."

Gulat na gulat ako sa sinabi nya. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang maramdaman. Mataman kaming nakatingin sa isa't isa habang patuloy ang daloy ng luha ko.

"At first nagalit ako. Bakit mo nagawa iyon pero kalaunan ay inintindi ko nalang. Baka naghanap ka ng iba dahil wala na akong time sayo, which is true. Baka nalulungkot ka at kailangan mo ng makakasama. Naiintindihan ko ang ginawa mo dahil ako naman ang nauna. Kaya ngayon ako naman ang magtatanong sayo, mahal mo ba sya?"

Halos mag unahan sa pagtulo ang luha ko habang tumatango sa kanya.

"Im sorry. Napamahal sya sa akin habang sya ang kasama ko imbes na ikaw. I'm sorry...Sorry." Sunod- sunod kong sabi sa kanya.

Tumayo sya at lumapit sa akin. Niyakap nya ako. Niyakap nya ako ng sobrang higpit.

"Shhhh.. I'm sorry Hon. Ako ang unang nagloko. Ako ang unang nagkasala sa ating dalawa. Ako ang may pagkukulang. Naiintindihan ko kung nahanap mo sa kanya ang dapat ay ako ang gumagawa."

"No. Mahina ako Hon, nagpadala ako sa tukso. Nagpadala ako sa libog. Hindi ko intensyon na mahalin sya dahil mahal kita pero hindi ko napigilan. I'm sorry." Panay na ang hagulgol ko sa dibdib nya.

Niyakap nya ako ng mahigpit. Habang humihingi din ng sorry. Hinayaan nya akong umiyak ng umiyak. Matapos nun ay saka lang ako ulit naglakas loob na tignan sya....

About the Author :

6  ·  12  ·  7  ·  3,511
 · 

Comments
AIPATCHI
January 27, 2021 (30 days ago)

Good shit

AIPATCHI

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Gailoves
January 27, 2021 (30 days ago)

Walang forever talaga sakit Ng nangyarinsa mag asawa . Pero mas masarap Ang libog na pinagbabawal.. Sana makahanap ako ngnkatulad no Jake ahahaha charot. Galing mo otor excited ako sa susunod na mangyari ahahaha

TRY ME!😉

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
January 27, 2021 (30 days ago)

aruy akala ko may babae na din ung Jake kaya pinagsarhan ng pinto.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
quiescent_phantom1982
January 27, 2021 (29 days ago)

Same. Pero feeling ko may mga ganap pa kase parang si Jake yung natitipuhan ng friend ni Mommy eh

Asi es la vida...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
canedane
January 27, 2021 (30 days ago)

excited na ko sa sunod

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
Asty_0220
January 27, 2021 (30 days ago)

Hayyy sayang Ang relationship nila ba

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
Asty_0220
January 27, 2021 (30 days ago)

Ryan POV naman hehe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
brugzkie
January 27, 2021 (30 days ago)

Ang sad nman ng kwentong to

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jeez100
January 27, 2021 (29 days ago)

Gawan mo rin ng kwento si ryan,,,

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
L
lubeya13
January 27, 2021 (29 days ago)

Kahit story lang toh may mga lalaki talagang ganun. Masaya agad? Umalis agad? Deym.

Sana bumagsak eroplano ni Ryan! At ng kabit nia hahaha or nang babae rin.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
quiescent_phantom1982
January 27, 2021 (29 days ago)

Lol. Parehas naman po silang nagloko. Si Trish nga meet and boom agad with Jake. While sa case ni Ryan nahirapan pa si kabit na akitin sya. Yun nga lang sa huli bumigay din sa tukso. 😊

Asi es la vida...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Dangerousss
January 27, 2021 (29 days ago)

Good job Author. Hindi puro libog ang stories. Keep it up. Wag kang titigil kahit isa dalawa tatlo lang nag cocomment sa stories mo. Looking forward sa next chapter.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments