M
E
N
U

Sexual Hidden Desire 16

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, Taboo, Wife Lovers, Romance · Tags: , , , , ,
Date: January 24, 2021 (1 month ago)


Pangatlong araw na simula nang dumating ang asawa ko sa bahay. Sa totoo lang masaya ako na kasama ko na sya ulit ngayon. Sabi nya binigyan daw sya ng boss nya ng dalawang linggo para makapagbakasyon at makasama ako. Nagulat nga ako na tinanggap nya iyon eh dahil sa tagal nya sa kumpanyang iyon ay pinakamatagal na nyang leave ay two days.

Naghahanda ako ng tanghalian ng bumaba sya. Lumapit sya sa akin at agad akong hinalikan sa labi.

"Upo kana Hon. Maghahain lang ako." Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Ngumiti din sya sa akin at naupo na.

"Hon, saan mo gusto magpunta after nito?" Lambing nyang tanong sa akin. Inilagay ko muna lahat ng pagkain sa mesa bago ako naupo at sinagot sya.

"Kahit saan Hon, naka leave naman ako eh. Ikaw ba saan?" Balik tanong ko.

"Hmm.. dito nalang muna. Gusto ko sulitin ung bakasyon ko sa pagpapahinga. Ngitinyang sagot.Tumango nalang ako sa kanya at ngumiti kahit pa parang nadisappoint ako sa sagot nya. Iniisip ko kasi na ipipilit nyang mamasyal kami o magbakasyon sa Tagaytay or Baguio pero mukang ayaw nya nga. Nagkibit-balikat nalang ako saka ipinagpatuloy ang pagkain.

After namin kumain ay agad na syang umakyat sa kwarto habang ako ay nagligpit at naghugas. Sabi nya matutulog daw muna sya. Naisip ko na siguro nga kelangan nyang mabawi ung mga oras na busy sa company na laging puyat at pagod kaya hinayaan ko nalang. Matapos kong maghugas at maglinis ay naupo ako sa sala. Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari sa sofa na iyon.

Napapangiti ako. Namimiss ko na si Jake pero hindi ko kayang magtxt sa kanya dahil andito si Ryan. Gusto kong ibuhos amg buong atensyon ko sa asawa ko habang nandito sya. Nakokonsensya ako sa nagawa ko kaya kahit dito man lang makabawi ako.Tatlong araw na din nakapatay ang cellphone ko dahil ayaw kong makita ang messages nya sa akin. Bahala na kung ano ang isipin nya. Sana lang ay wag syang magpunta dito sa bahay.

Nakatulog ako sa pag-iisip kay Jake at sa kung ano ang pwede naming gawin ng asawa ko sa natitirang araw ng bakasyon nya. Nagising ako na gabi na at hindi pa ako nakakapaghanda ng dinner.

Umakyat ako sa kwarto namin. Nakita ko si Ryan na tulog na tulog pa din at mukang pagod. Hindi pa ba ito nakakabawi sa tulog? Hinayaan ko nalang at di na ginising pa. Oorder nalang siguro ako ng pagkain namin.

Lalabas na sana ako ng tumunog ang cellphone nya na nasa itaas ng ulunan nya. Kinuha ko iyon at isang text message ang andoon. Kinuha ko at tinignan. May pincode pa din ang cellphone nya bagay na sobra talaga akong napapa isip. Ngayon lang talaga sya naglagay ng code.

Umiling ako at tinignan ang nagtxt. Isang unknown number iyon at hindi lang pala isang txt ang nandoon. 20 messages na kaya hindi ko na mabasa ng buo.Gusto ko subukang hulaan ang pincode nya pero nagdadalawang isip ako. Baka mablock kaya sa huli ay binalik ko na lang iyon sa ulunan nya.Tinitigan ko ang asawa ko. Tatlong araw na sya dito pero kahit minsan ay hindi pa nya ako nagagalaw. Hanggang halik lang sa labi ang ginagawa nya sa akin. Namiss ko din naman ang asawa ko kasex kahit papaano.

Lamabas ako ng kwarto at nag order ng pagkain namin. 30 minutes lang ay dumating na ito at muli ay umakyat ako para silipin si Ryan at gisingin. Pagdating sa kwarto ay gising na sya at may kausap sa cellphone na agad naman nitong binaba.

"Hon, nagpadeliver nalang ako. Kain na tayo."

"Sige Hon, sunod ako. Mag shower muna ako." Sabi nya habang may nirereplyang txt. Tumango ako at lumabas na. Pero may nakalimutan akong sabihin kaya naman bumalik ako at sya namang pagpasok nito sa CR. Nakita ko ang cellphone ni Ryan na hindi nya inilock kaya naman ngad ko iyong kinuha.

Balak ko lang talaga na tignan ang mga photos sa gallery nya pero naalala ko ung nagtxt kanina kaya naman agad kong binuksan ang messages.

Pinakamaraming text si unknown. Binuksan ko iyon at nagulat ako sa laman ng txt nila...

About the Author :

6  ·  6  ·  6  ·  5,650
 · 

Comments
G
Gobilamboss
January 24, 2021 (1 month ago)

Ganda ng story

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Roockky
January 24, 2021 (1 month ago)

Mabilus talaga ang balik ng karma

When words fails…Music speaks… .

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
Searider
January 24, 2021 (1 month ago)

Sundan agad otor.. napakaganda bg istorya

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Jim181965
January 25, 2021 (1 month ago)

Mahirap talagang sitahin ang asawa mo dahil alam mong may ginagawa ka rin namang kalokohan pareho niya. Kung nais mabuo uli ang magandang samahan nilang mag asawa they have to talked about what they had done. Ang problema sinong mag uumpisa, wait na lang natin ang next chapter!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
Asty_0220
January 25, 2021 (1 month ago)

Wooow mukang malabo na Ang relasyon nila hayyy

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
Asty_0220
January 25, 2021 (1 month ago)

Bitin 😁 next update

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments