M
E
N
U

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2] - Chapter 9 - Honest Feelings

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Romance · Tags: ,
Date: January 3, 2021 (3 months ago)


Chapter 9

Bago pa man tumunog ang alarm sa tabi ng kama ni Dan ay nagising na si Mika. Nais pa niyang ipikit ang kanyang mga mata at manatiling nakayakap kay Dan ngunit hindi na niya ginawa. Dahil mamaya lamang ay papasok na si Dan sa eskwela at magpapahinga naman ulit siya. Pagkatapos banayad na halikan sa pisngi ang natutulog pa ding si Dan ay maingat na bumangon na si Mika. Binihasan ang nakahubad niyang katawan at saka nagtuloy na sa kwarto nila ng kanyang Ate Ella.

Naghahanda na para maligo si Ella ng bumukas ang pinto at bumungad si Mika.

"Si Dan?"

"Natutulog pa ate."

"Siya, maliligo muna ako, ikaw na ang bahalang magluto."

"Oo Ate."

Habang naliligo si Ella ay abala naman si Mika sa paghahanda ng kanilang agahan. Hindi niya tinipid ang kanilang almusal lalo't ilang araw na lamang niyang makakasalo si Dan sa umaga. Nais na namang lumuha ng kanyang mga mata, ang isipin pa lang na hindi na aabot ng Linggo ang pagsasama nilang dalawa ay napakasakit talaga sa kanya. Ngunit pinalakas niya ang kanyang loob, aalis man si Dan sa lugar na ito ay magkasama pa din sila sa trabaho. May pag-asa pa ding magbago ang isip ni Dan at ituloy ang kanilang espesyal na relasyon. Malungkot siyang ngumiti habang nagluluto, hindi pa naman siya tuluyang nawawalan ng pag-asa.

Nawala ang ngiti sa labi ni Mika at mabilis na napahawak sa kanyang labi ng maalala ang ginawa sa kanya ni Sir Arman. Hindi niya ito sinabi kina Alex at Dan dahil tiyak na hindi palalampasin ng dalawa ang nangyari. Isang malaking gulo ang nakikita niyang kahihinatnan na maaaring maging dahilan ng pagkaalis nilang tatlo sa trabaho. Si Dan ang pinakamahihirapan sa kanila dahil nag-aaral pa ito at muli na namang naghahanap ng bago nitong matitirhan.

Nalilito si Mika kung paano ang kanyang gagawin. Lalo't natitiyak niyang muli siyang babalikan ni Sir Arman. Kailangan niyang umiwas ngunit hindi niya alam kung magagawa ba niya. "Kailangan natin ang isa't-isa", ito ang isa sa sinabi ni Sir Arman na hindi niya malimutan. Kailangan siya ni Sir Arman ngunit sa paanong paraan niya ito magiging kailangan. Ito ngayon ang mga tanong na nasa isipan ni Mika na ikinababahala niya.

Mabagal na inabot ni Dan ang maingay na alarm clock na nasa tabi ng kanyang kama. Pagkatapos patayin iyon ay muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Pumihit siya sa kabila ngunit wala na si Mika na nais niyang yakapin sana. Dahan-dahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata at wala na nga doon ang dalaga. Nasa kabilang kwarto na si Mika dahil naririnig na niya ang pagluluto sa kusina. Umayos siya ng higa sa kama at inilagay ang kamay sa kanyang noo. Pagkatapos nilang magtalik ni Mika kagabi ay saglit pa silang nag-usap. Sinabi na niya kay Mika na naghahanap na siya ng bagong matitirhan. Alam niya ang nararamdaman ni Mika ngunit kailangan niyang maging matatag. Alang-alang din naman ito kay Mikagaano man kahirap at kasakit sa kanilang dalawa.

Bumangon na siya at naligo, nagbihis at inayos na ang kanyang mga gamit sa eskwela. Saka siya nagtungo na sa kwarto nina Mika na alam niyang naghihintay sa kanya.

"M-Musta ang paghahap mo ng tirahan ni Dan?" ang kaswal na tanong ni Ella kay Dan habang kumakain siya. Malungkot din naman siyang tulad ni Mika ngunit hindi niya iyon nais na ipakita. Naging mabuti naman sa kanilang magkapatid si Dan sa maiksing panahon ng pagiging magkasama nila. Ngunit ang isang labis na na ikinalulungkot ni Ella ay ang hindi man lang niya nasabi kay Dan ang suliranin niya sa kanyang nadarang na katawan. Si Dan ang gumising sa init ng kanyang laman at nais niyang si Dan ang magsabi sa kanya ng kanyang gagawin upang patayin ang apoy na nasa kanyang katawan. May nararamdaman siyang masarap na nais na lumabas sa kanyang katawan at wala naman siyang mapagtanungan na iba kung ano iyon at kung paano niya iyon palalayain? Ngunit ngayong paalis na si Dan ay wala na siyang magagawa kung hindi patuloy na tiisin ang kanyang katawang alam niyang may hinahanap na na masarap na hindi niya maibigay pa.

"Naghahanap pa din ako, pero mamayang hapon ay may pupuntahan akong lugar."

Napansin ni Dan ang mabagal na pagkain ni Mika at kakaunti nitong agahan. Dinagdagan niya ang kanin at ulam na nasa plato nito.

"Mika, wag mo sanang pababayaan ang sarili mo."

Tumingin naman si Mika kay Dan, "Sino nang gagawa ng ganito sa akin Dan kapag umalis ka na dito? Paano ako magkakaroon ng sigla eh iiwan mo na ako?" at saka tuluyan ng napaluha si Mika at mabilis na nagtungo sa banyo.

Malungkot silang nagkatinginan ni Ella dahil kapwa nila naririnig mula sa banyo ang pag-iyak ni Mika.

"W-Wag kang mag-aalala Dan, magiging maayos din si Mika."

Napilitang ngumiti si Dan, ngunit alam niyang hanggang magkasama sila ni Mika sa iisang pinapasukan ay hindi madali para kay Mika ang lumimot. Ngunit hindi din naman madali sa kanya ang humanap ng magandang trabaho na may maayos na kita. Isa pang suliranin niya ang paghahanap ng bagong malilipatan na tiyak niyang isang malaking gastusin na naman niya. Nais man niyang isara ng tuluyan ang buhay niya kina Mika at Arcelle ay hindi naman ganun kadali sa kanya. May asawa si Arcelle at nakikita naman niyang nasa mabuti na ulit ang relasyon ng mag-asawa. Ayaw niyang maging dahilan upang makasira ng pamilya ngunit hindi niya kayang pigilan si Arcelle dahil empleyado lamang nito siya. Isang mahirap na suliranin na naman ang nakikita ni Dan sa pagtatapos ng semestre na kailangan niyang harapin at bigyan ng solusyon. Kailan kaya darating ang araw na tuluyan siyang makakatakas sa nakapalibot sa kanyang mapang-akit na mga tukso?

*****

Pagpasok ni Leandro sa loob ng library ay saglit siyang tumigil. Ihinanda ang kanyang sarili sa inaasahang sana ay muli nilang pagkikita ni Angela. Nagsimula na siyang humakbang papunta sa dako kung saan naroon palagi ang dalaga. Isang katotohanang kaya niyang aminin ng walang alinlangan, na nagbago ang kanyang mundo at tunay na pag-ibig ang dahilan. Gaya ng sinabi ni Katrina sa kanya, magtiwala lang siya sa kanyang sarili at gawin ang lahat upang makamtan ang pag-ibig na pinapangarap niya.

Muling lumakas ang pagpintig sa kanyang dibdib dahil ilang dipa lang mula sa kanya ay muli na naman niyang nasilayan si Angela. Isinandal niya ang tagiliran sa isang lagayan ng aklat at buong pag-ibig na tiningnan ang nag-aaral na dalaga. Sa bawat pag-aayos nito ng nakaladlad na mahabang buhok, sa bawat galaw ng kamay ni Angela ay buhay na larawan na lalong nagpapasidhi sa pag-ibig ni Leandro. Hindi pa siya nakakaranas na humalik sa labi ng babae at dati ay hindi niya iyon binibigyan ng masyadong halaga. Ngunit habang nakatingin siya sa mapulang labi ni Angela ay parang iyon na ang pinakamataas na ngayon ay pangarap niya. Kailan kaya niya matitikman ang tamis ng una niyang halik na ang nais niyang kayakap at kaharap ay ang iniibig niyang si Angela.

Huminga siya ng malalim at lumakad na palapit sa abalang dalaga.

"Hi." ang nakangiting bati ni Leandro, inantay muna niyang mag-angat ng paningin si Angela bago siya naupo. Upang muli niyang mapagmasdan ng malapitan ang maganda at napakaamo nitong mukha.

Saglit na nag-isip si Angela habang nasa pisngi niya ang dulo ng hawak na panulat.

"Okay lang ba na dito pa din ako maupo?" ang tanong na nakangiting si Leandro ng mapansin na tahimik lang na nakatingin sa kanya si Angela na parang nag-iisip.

"Hm..., I'm alone naman eh." at saka ipinagpatuloy ni Angela ang kanyang ginagawa. Ayaw niyang masanay ang kaharap na laging nasa lamesa niya. Ngunit naging mabuti naman ito sa kanya kahapon at magkakilala na silang dalawa. Lilipat na lang siya mamaya ng lamesa kapag dumating na si Dan. Minsan pa niyang tiningnan ang relong pambisig, dapat ay narito na si Dan. Nakakainip para kay Angela ang bawat sandali na hindi niya kasama ang kasintahan. Sana ay dumating na ng mabilis ang araw na nakalipat na si Dan ng tirahan. Nais na niyang muling maramdaman ang mainit at matipunong katawan ni Dan habang magkayakap silang dalawa sa buong magdamag. Napangiti ng matamis si Angela habang nagsusulat, mainit ang kanyang pakiramdam at talagang nasasabik na siya kay Dan.

Napansin naman ni Leandro ang kakaibang ngiti ng dalaga. Ngunit ayaw niyang magtanong dahil may pakiramdam siyang hindi pa siya ang dahilan. Magaan ang pakiramdam na nagsimula na ding mag-aral si Leandro. Saglit niyang muling tiningnan si Angela at saka ang mga gamit at librong nasa harap nito. May napansin siyang nakapagbigay ng kakaibang saya sa kanya. Itinuloy na niya ang kanyang ginagawa habang nasa kanyang isipan ang nais niyang sabihin kay Angela mamaya.

*****

Pagkabukas ni Christine sa pinto ng rooftop ay magkahalong saya at lungkot ang naramdaman niya. Dahil narito ang ilang alaala na tunay siyang naging masaya. Narito din ang sandali ng sumugat sa kanyang dibdib ang katotohanan hindi na siya ang una kung hindi ang pangalawa. Lumakad siya palapit sa shade habang ang kanyang kamay ay nakadikit sa pader. Huminto siya sa lilim at ipinikit ang kanyang mga mata. Kanyang inalala ang sandaling sila lamang dalawa ni Dan ang masayang magkasama. Tumingin siya sa maulap na kalangitan at hinayaang laruin ng hangin ang alon-alon niyang buhok. Naglakad siya patungo sa may bakal na bakod at saka kumapit doon, tumingin sa maaliwalas na kapaligiran kahit wala naman doon ang kanyang isipan.

"Christine."

Napapikit ng mga mata si Christine, hindi niya sinabi kay Dan na narito siya dahil gusto niyang mapag-isa. Dahil ilang araw mula ngayon ay darating ang gabi na hindi na lamang si Dan ang pagbibigyan niyang kanyang ipinagmamalaking katawan. Ayaw niyang mapag-isa sila ni Dan dahil baka mabago pa nito ang pasyang kanyang napagdesisyunan. Ngunit ngayon ay narito na si Dan, ang lalakeng tanging minamahal niya. Kahit ang katotohanan ay sa puso ng binata ay mananatili lamang siyang pangalawa.

"You're supposed to be with Angela. Not here with me Dan." Si Christine na nakaharap pa din sa labas.

"Nakita kitang papunta dito Christine. Kaya sinun-"

"I-I want to be alone Dan..., please." ang pakiusap ni Christine na pinipigilan ang sarili niyang damdamin. Ayaw niyang may magbago sa ginawa niyang pasya. Kailangan niyang makawala sa tanikala ng pag-ibig ng binata. Nais niyang muling maging malaya, na nagagawa niya ang lahat ng kanyang gusto. Mahal niya si Dan ngunit mahal din niya ang kanyang sarili. Kapag nanatili siya sa sitwasyong nais ni Dan para sa kanilang tatlo ay hindi na siya magiging totoo sa sarili niya.

Ngunit hindi pinakinggan ni Dan ang nais ni Christine. Alam naman niyang hindi iyon ang tunay nitong saloobin. Lumapit si Dan kay Christine at niyakap niya ito mula sa likuran. Muli na naman niyang nasamyo ang mabango nitong alon-alon na buhok. At muli naman niyang naramdaman ang malambot nitong katawan na ilang ulit din namang nag-alis ng kanyang katinuan.

Hinayaan naman ni Christine ang binata, dahil tunay siyang nananabik sa mga ganitong ginagawa nito sa kanya. Kaysarap talaga sa pakiramdam kapag kasama niya si Dan

"Christine..., alam kong may inililihim ka sa akin."

Hinawakan ni Christine ang kamay ni Dan na nakayakap sa kanya, "Do you really want to know? Masasaktan ka lang Dan...," at saka nilingon ni Christine si Dan na may malungkot na ngiti sa kanyang labi.

"Nakahanda ako Christine."

Pumihit si Christine paharap kay Dan. Ngayon ay magkadikit ang kanilang katawan at kapwa sila nakayakap pa din sa isa't-isa.

"Why it can't be me Dan?" ang nagdaramdam na tanong ni Christine habang nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Itinaas ni Christine ang kanyang kamay at nagsimulang haplusin ang maamong mukha ni Dan. "You and I were both very happy before, bakit kailangang may magbago Dan?"

Saglit munang tiningnan ni Dan ang nangingislap na mga mata ni Christine. Nasa mga mata nito ang matinding lungkot na ngayon ay nagpapahirap sa dalaga.

"I'm sorry Christine, pero hindi ko kayang turuan ang puso ko." si Dan na nagsimulang palisin ang mga luhang dumaloy na sa mukha ni Christine.

Malungkot na ngumiti si Christine dahil katotohanan naman ang sinabi ni Dan, dahil kung ang puso ay maaari lamang turuan ay hindi sana siya nasasaktan ngayon, "Nasasaktan ako Dan, it pains me so much na nasa ganitong state ako."

"Someone told me na he loves me, with all of his heart. And I feel the sincerity of his words. Dan..., can you say the same to me?"

Nanatiling nakatingin lang si Dan kay Christine, dahil kapwa naman nila alam ang tunay niyang nararamdaman.

"C-Can't you say it to me Dan... P-Please..." ang buong paghapis na pakiusap ni Christine. Ito na lang ang huling depensa ng pag-ibig niya kay Dan.

"I love you Christine, mahal din talaga kita." ang malungkot na tugon ni Dan, dahil hindi niya kayang sabihin ang nais ni Christine. Dahil nasa puso niya si Angela na siyang mas matimbang kaysa sa kaharap niyang dalaga. Talagang napakahirap ng ganito, ang maging makasarili sa ngalan ng tinatawag na pag-ibig.

"I love you too Dan, even if I'm not the only one." ang sabi ni Christine habang malungkot na nakatingin sa mukha ni Dan.

"So I will hurt you Dan, dahil hindi na lang ako magiging sayo... But this I promise you, my heart, my heart will always belongs to you." at saka inilagay ni Christine ang kanyang kamay sa tapat ng puso ni Dan kasabay ng muling pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata.

Ngayon muling naramdaman ni Dan ang sakit na dulot niya sa damdamin ni Christine. Dahil sa simula pa lang ay hindi na naging patas kina Angela at Christine ang siwasyon nilang tatlo. Ngunit ano ang gagawin niya? Nais niyang matupad ang pangako niya kay Angela at sa mga magulang ng kasintahan. Ngunit nanatiling mahal niya si Christine ang sinasabi ng makasarili niyang damdamin.

"But I can still stop Dan, if you'll tell me na ako lang."

"I love Angela more Christine." ang malungkot na sabi ni Dan sa lumuluha pa ding si Christine.

Napapikit naman si Christine dahil sa masakit na katotohanang muli niyang narinig mula sa labi ni Dan.

"But I love you too, gusto kong maging malaya ka sa akin Christine. Ngunit sa tuwing nakikita kita, nasasaktan ako sa isiping hindi ka na magiging sa akin."

At saka niyakap ng mahigpit ni Dan si Christine at nagsimulang muling haplusin ang alon-alon nitong buhok.

"Kaya Christine, gawin mo ang sinabi mo, saktan mo ako upang kahit sa ganoong paraan man lang ay mabawasan ko ang paghihirap na nararamdaman mo." si Dan habang patuloy na hinahaplos ang buhok ni Christine.

Tumango naman si Christine, "I will Dan. I'll also play with fire dahil ikaw ang nagsimula."

"May karapatan pa din ba ako sayo habang naglalaro ka?"

"I will always be yours Dan, dahil mananatili ka pa ding sa akin."

"Then tanggap ko Christine, kung ano man ang gagawin mo."

"Maybe we are fated to be like this." at saka muling malungkot na ngumiti si Christine, "Na walang maging tunay na masaya sa ating tatlo."

Inilayo ni Dan si Christine mula sa kanya ng bahagya at saka hinaplos din ang basa nitong mukha, "May hangganan ito Christine, sa akin, sayo at kay Angela. Darating ang araw na matatapos din ang lahat ng ito. At kung pagbibigyan lamang ang aking hiling, ang kaligayahan ninyo ni Angela ang nais ko."

"Sadness may always be part of our life Dan."

"Naroon din ang kaligayahan Christine, kailangan lang natin itong hanapin, gaya ngayon, kung hahayaan mo ako."

Hinawakan ni Dan ang batok ni Christine, "Maaari ba Christine?"

Ngumiti naman si Christine na may luha pa din sa kanyang mga mata, "With all my heart."

Ipinikit ni Christine ang kanyang mga mata, at kasabay ng paglapat ng labi sa kanya ni Dan ay ang kanyang hiling na kahit na anong mangyari ay manatili siyang nasa buhay ni Dan. Maging iyon may ay kalungkutan o kaligayahan, nais niyang naroon siya sa tuwina at kasama ni Dan. Ngayong ay wala ng makakapigil pa sa nakatakda niyang gawin. Ibibigay niya ang kanyang katawan sa iba upang makamtan ang kalayaang hinahanap niya. Ngunit mananatiling na kay Dan ang kanyang puso at isipan.

*****

Tiningnan ni Leandro ang relos niya sa bisig, may ilang minuto pang natitira na kasama niya si Angela.

"Angela..."

Itinigil ni Angela ang kanyang ginagawa at tumingin kay Leandro.

"Do you like books?" ang nakangiting tanong ni Leandro.

Ngumiti din naman si Angela, "Yes, I have a lots of them in our house. I enjoy reading kasi especially kapag nasa house lang ako. Why do you ask?"

"Because I enjoy reading too, napansin ko kasi yung literature book na nasa sayo. That's one my favorite, for sure na mag-e-enjoy ka din jan. Especially at the end."

"Thank you, I'm happy to know that." at saka matamis na ngumiti si Angela, nakakasaya sa kanyang damdamin kapag may nakakausap siya na katulad din niya ng libangan.

Saglit namang natigilan si Leandro dahil sa ngiting ibinigay sa kanya ng dalaga. Sa isip niya ay nais sana niyang magkaroon ng larawan kung saan nakangiti ng ganito si Angela. Isang masayang ngiti na para lamang sa kanya.

"What's wrong Lean?"

Ngumiti din si Leandro ng nakabawi siya sa sitwasyon, "Nothing Angela."

Hindi na di naman nag-usisa pa si Angela at napatingin siya sa kanyang orasang pambisig. "It's time na Lean, I have to go na."

"Yeah, time's up na."

At sabay na silang nag-ayos ng kanilang mga gamit. Si Angela naman ay nakaramdam ng pag-aalala kung bakit hindi nakarating si Dan. Pagkatapos ayusin ni Angela ang kanyang mga gamit ay napansin niya ang camera ni Leandro.

"Hobby mo din pala ang photography?"

"Ahm yes, ever since I was in high school, I've love taking pictures of everything. Nature, objects, places, and sometimes..., certain person." si Leandro na nakatingin sa mga mata ni Angela.

"I can teach you if you like, it's a fine hobby Angela."

"Hm... I'll think about it muna." ang nakangiting si Angela.

At saka sila lumakad ng palabas na nauna si Angela. Ang bawat paggalaw ng malambot at mahabang buhok ni Angela ay nakakahalinang pagmasdan para kay Leandro na nasa likuran.

"Angela."

Lumingon naman si Angela at isang flash ng camera ang nasumpungan niya. Ang nakita naman ni Leandro sa kanyang camera ay ang bahagyang nakaawang na mapulang labi ni Angela at mala-anghel nitong mukha na may inosenteng ekspresyon.

"Leann..." ang parang nahiyang dalaga dahil napatingin sa kanila ang ilang estudyante na naroon.

"Sorry, I just can't help it. Sana di ka magalit sa akin."

"I-It's alright lang naman, but..."

"But.." si Leandro na muling ngumiti.

"You have to give me the picture ha."

"Okay, promise. I'll give it to you tomorrow." ang sabi ni Leandro, ngayon pa lang ay hindi na siya makapaghintay na maipa-develop ang film na kuha ni Angela.

Magkasabay na silang naglakad patungo sa kanilang building ng saglit na tumigil si Angela ng napansin niya si Dan. Nang una ay nakaramdam siya ng kaba dahil muli niyang kasama si Leandro. Ngunit napalitan iyon ng pagkasuya at pagseselos dahil kasama ni Dan si Christine at hindi nito sinabi sa kanya. Nag-aalala siya kay Dan gayung wala siyang alam na kasama pala nito si Christine. Kanina pa siya sabik na sabik sa kasintahan tapos ay malalaman niyang kay Christine napunta ang masarap na yakap at halik na inaasahan niya sa umaga.

"Something wrong Angela?"

Umiling naman si Angela, at saka siya lumakad ng palayo na hindi na muli pang tiningnan sina Dan at Christine.

"Would you like me to talk to her Dan? She seems a bit angry, I can help you naman sa explanation." si Christine na nakatingin kay Dan.

Tipid na ngumiti lang si Dan kay Christine, "Thanks Christine, ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya mamaya."

"Okay then."

At saka sila lumakad na din patungo sa kanilang unang klase. Sa isipan ni Dan ay alam niyang nagtatampo sa kanya si Angela at kasalanan naman niya. Sana nga ay maayos ang tirahan na pupuntahan niya mamaya. Para makalipat na siya bukas ng hapon at hindi na lamang siya muna papasok sa trabaho. At gaya ng pangako niya kay Angela, isasama agad niya ang kasintahan sa bago niyang tirahan. Tiyak na labis itong matutuwa dahil sa panibagong gabi na magkapiling silang dalawa.

*****

Dahil sa may program lang sa kanilang school ay nagpaalam na si Katrina sa kanyang mga kaibigan na uuwi na. Ngun...

About the Author :

Joined: April 21, 2020 (11 months old)
Writings: 77
Male  ·  Offline
Description:
“You’ve gotta dance like there’s nobody watching, love like you’ll never be hurt, sing like there’s nobody listening, and live like it’s heaven on earth.”

Websites: Signature Text:
"Finding happiness in other things that didn't matter before."
63  ·  62  ·  75  ·  6,273
 · 

Comments
leyash143
January 3, 2021 (3 months ago)

first 😁🙌

❀ᒪEYᗩSᕼ❀

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

I hope I can give you a medal Ash. Thanks for dropping by.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
aries26
January 3, 2021 (3 months ago)

sir van solid na naman update mo mas nakakapanabik ang mga susunod na tagpo,.pti ung mga bagong karakter,.anu ba hatid nila kay dan,?hindi na ako makapaghintay gud luck & more power salamat,.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

Ang hatid nila ay... baka mang-aasar lang siguro, sa mga girls naman, like Jess, Rhian at Sandra, who knows, baka magising na lang si Dan na isa o dalawa sa mga yan aty katabi na niya sa kama. Thanks Sir Aries.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
tobats
January 3, 2021 (3 months ago)

naku otor...lalo na namang ka abang abang...thanks!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

thanks sir tobats, sana nga ay patuloy na maging kapanapanabik sa inyo ang story ni dan

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Knappz
January 3, 2021 (3 months ago)

Nice

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

Thank you Sir Knappz

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Knappz
January 3, 2021 (3 months ago)

Thanks sa update 😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

You're welcome Sir.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M69wood
January 3, 2021 (3 months ago)

Masterpieces as always..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

Thank you Sir M69wood. Sana nga ay manatili ng matagal sa isipan ng mga readers ang story ni Dan.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Benz2566
January 3, 2021 (3 months ago)

Thanks sa update sir van 😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

Thanks for the support Sir Benz.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Dragonheart2018
January 3, 2021 (3 months ago)

Maraming salamat utor sa update.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

Thank you din Sir DragonHeart, like the name, may movie yata nan na napanood ako.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
babymaker
January 4, 2021 (3 months ago)

shit almost 2weeks q binasa to start chapter 1 haha..ok maganda kwento..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

Thank you Sir for giving my series a chance. I'm happy na you like it.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kuatog
January 4, 2021 (3 months ago)

wala talagang kupas sir maestro the legend...quality talaga mga obra mo...salamat po sundan agad hehe 😁😁

basta masarap go !!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

Thanks Sir Kuatog, sana nga I can keep this pace, nawawala na din ako ng motivation. Iniisip ko na lang na naghihintay sa akin sina Dan , Angela, Christine at Mika, at maging ang iba na muli silang bigyan ng buhay sa bawat chapter pa.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
richrichs
January 4, 2021 (3 months ago)

ganda ng story mo.. sana mabilis ung update.  thank you

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

thank you sir richs. about sa fast update, that's something na di ko na kayang gawin dahil it takes a lots of time para makabuo lang ako ng isa, then i need to use data pa, saka ideas and motivation, kapag may natapos naman akong chapter ay post ko agad kapag ready na

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
Kakaldac
January 4, 2021 (3 months ago)

May makakantot na nman si dan.. Sana ol..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

sino kaya? thanks sir kakaldac

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Shotgun88
January 4, 2021 (3 months ago)

Mukhang may masamang nagbabalak kay Dan ng masama

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

part of life talaga ng tao ang laging may obstacles at hardships, kung sino man siya, for sure na may ideya n kayo, kung ano ang gagawin niya, sa mga future updates na lang, thanks sir shotgun

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jackstone
January 4, 2021 (3 months ago)

Ella. Kate/Khate. Rhian. Sandra.

May Aling Mameng pa 🤔

Napakaraming tukso sa buhay ni Dan.

Kapana-panabik 🤩

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

Thanks Sir jack, we shall see na lang kung sino ang susunod na makakaranas ng langit sa piling ni Dan.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
war10ckkantotero
January 4, 2021 (3 months ago)

Happy New Year sir, ,salamat sa napakagandang update.  para akong bumabalik sa college days ko kung saan nag boboarding house ako.  . kaabang abang talaga ang susunod na kabanata. .keep it up

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

naisip ko na parang mas okay kung medyo maraming tao sa isang house, tapos may kanyakanyang lihim at partner, parang mas exciting kasi, happy new year din sir war at thank you sa support

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
ravedeacon
January 4, 2021 (3 months ago)

daming bago character na lumabas ha hehehe otor mukhang mas lalo exciting ang magiging buhay ng ating bida

its better to burn out than to fade away

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

the more the merrier, thanks sir rave, mahirap ang setup n yan pero let see n lng kung ano pang mga mangyayari

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
PilyongPapa1220
January 4, 2021 (3 months ago)

Mahirap talagang mamangka sa 2 ilog, lalo na kung ang mga ilog ay kasing gaganda ni Christine at Angela. Pero dadating ang araw na kailangang mamili ni Dan nguni't di pa rin nya pala kayang hiwalayan si Christine kaya di pa rin nya matutupad ang pangako nya kay Angela. Pero kaya ba ng puso at damdamin ni Dan na tiisin ang mga paglalaro ng apoy na gagawin ni Christine?

May mga bago na namang mga karakter ang ipinakilala sa chapter na ito. Ano kaya ang magiging papel ng mga ito sa mga Tuksong kakaharapin ng Buhay at Pag-ibig ni Dan?

Mas lalo ng gumaganda ang bawa't chapter na dadating. Talagang kaabang-abang!

Thank you po sir Van_TM

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 4, 2021 (3 months ago)

mahirap talaga sir, lalo't lampas na siya sa dalawa, promises are there, pero ang tanong ay kanino ang kanyang tutuparin at sino ang maiiwan na masasaktan, sa mga bagong characteres naman, andyan sila para lalo pang painitin ang story, malayo pa tayo sa final ending kaya walang katiyakan kung sino ba talaga ang makakatuluyan ni Dan. thanks sir  pilyongpapa

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
SisigAdobo
January 4, 2021 (3 months ago)

mukang may gangbang session magaganap... si angela kaya?? lagot na 😭 lodi walang sawa talaga sarap basahin obra mo sa kalagayan pa lang ni dan ang hirap ng sitwasyon ng tukso keep it up mahaba haba pa ang kwento mgaganap

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 5, 2021 (3 months ago)

something bad will happen for sure, it maybe shocking to some, may hint naman diba, wait and see na lang, thanks, I'm not sure kung kelan ang next update, have patience lang, nakakawalang gana na ding magpakahirap kakaisip ng magandang plot, under appreciated naman

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
charles2700
January 5, 2021 (3 months ago)

Lalong kapana panabik ang kwento sir Van dahil sa bagong mga character.
1. Mawala man si Mika sa kanya may tatlo namang kapalit Sam Rhean at Jess at mukhang ma L pa ang tatlo..hahahaha.... Naku Dan mag isip isip ka ng mabuti bago gumawa ng hakbang na lalo mong ikapahamak....
2. Mukhang magkakalamat ang samahan ng magkapatid dahil gusto ni Lean si Angela while si Kate ay si Dan.
3. Si Lean kaya yung lalaking galit na nakatingin sa kanila ni Angela or si Lance?
4. Mahuhulog ba kaya ng tuluyan si Mika kay Arman?
5. Baka magkrus ang landas ni Lance at Diane sa US dun sya pupunta.
Aabangan ko ang susunod na mga chapters..Keep it up author

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 5, 2021 (3 months ago)

I thought you dropped my story, it's good to know na nagbabasa ka pa din.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
charles2700
January 5, 2021 (3 months ago)

Na bc lang po sa work kaya ngayun lang ako nakapagbasa ulit. Inumpisahan ko kung san ako huminto from chapter 3 until sa latest chapter.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
J
joeltagaloguin
January 5, 2021 (3 months ago)

Hi sir van - sino po si jessica?san sya galing?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 5, 2021 (3 months ago)

The Nursing Student na naging kaibigan ni Dan habang nagre-recover siya sa ospital. Chapter 1 ng Book 2, Warmth After The Storm.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
rair12val
January 5, 2021 (3 months ago)

Grabe yung update mo master
Yung lalaking napag tanungan ng kapatid ni leandro ahaha

Ano kaya sasabihin nung mga borders ni dan na pag nalaman maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya, sana maka sex din nya yung mga babaeng borders nya

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 5, 2021 (3 months ago)

noon ko pa plan na i-link si dan kay khate, yun ang main reason kung bakit ko ginawan ng nakababatang kapatid si lean, then to support na din her loving brother, sa boarding house, milagro siguro, about sa update, di ko alam kung kailan ang next, nahahawa na din ako pagka bored ng mga readers ko

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Jhon_eyecatcher
January 5, 2021 (3 months ago)

Is not about how many likes you get in this story u did author....always remember your doing right so well always maybe silent readers all of them or busy a lot.....in this chapter a read it already twice nice don't be sad if only few likes or ❤️ I told you already the best writing came from the heart ok and I see and feel it in this chapter....hey!!!!!! I'm one of the fan of yours 🤣 ikaw Ang lodi ko eh rookie writers hahahaha pero Hindi naman halata sa mga bawat akda mo na isa Kang baguhan....isa Lang inaabangan ko sa story mo haha Kung paanu mo mapapasok sa si ella sa buhay ni Dan...... Good luck Van....

Bangis76

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 5, 2021 (3 months ago)

thanks kua jon, haha, nawawala na nga yung passion, underappreciated na yung mga stories ko, mabuti na lang maraming magagaling na writers sa FSS na patuloy na magbibigay kasiyahan sa lahat on daily basis, sa monthly na lang ako, since alam kong most of my readers are super bored na sa story ko, atleast once in a month lang sila makakabasa ng superboring na story

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (33)  ·  Report
Van_TheMaster
January 5, 2021 (3 months ago)

nakakalikes naman pala ako ng marami sa single comment ko , haha, parang kilala ko na kung sino-sino mga ito, iisang grupo lang naman ito palagi eh, my "fans club"

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Jhon_eyecatcher
January 5, 2021 (3 months ago)

Bilisan mo ipasok si ella sa buhay ni Dan hahahaha Dan Kasi eh binuhay ung libog ni Ella haha Yan Ang part na aantayin ko panu at sinu Ang gagawa Ng way sa kanilang dalawa na hindi malalaman ni mika jeje

Bangis76

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 5, 2021 (3 months ago)

Darang na darang na si Ella, namamasa na ng hindi niya alam ang gagawin. We shall see Kuya Jon.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Like (1)  ·  Report
D
Dolpi0728
January 5, 2021 (3 months ago)

Mukhang susubukin ng maraming problema ang pag-iibigang Dan, Angela at Christine. Una, ang paglalaro ng apoy ni Christine; Pangalawa, may bagong karibal si Dan na desididong makuha ang pag-ibig ni Angela; at Pangatlo, may mga bagong babaeng karakter na tutukso sa marupok na damdamin ni Dan at makikihati sa atensyong ibinibigay nya kay Christine at higit lalo na kay Angela na maaring makasakit sa mga damdamin ng mga ito.

Mahirap lumagay sa katayuan ni Dan. Isang teenager na sa murang edad ay nasasadlak na sa kawing-kawing na tukso at problema. Paano na kaya ang kanyang pag-aaral at Scholarship 'pag nagkataon? Maraming katanungan na masasagot lamang sa mga susunod na mga kabanata.

Tuloy nyo lang po ang pagsulat sir!

Maraming Salamat ulit Author.

Dolpi0728

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 5, 2021 (3 months ago)

Well, marami pang struggles, we shall sa next update, BAKA BUKAS MERON NA ULIT para sa "FANS CLUB" ko, haha. Good riddance sa inyo.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Dolpi0728
January 5, 2021 (3 months ago)

Naku sir, maraming fans nyo ang matutuwa kung meron na agad bukas na update!!! hehehe. Dahil curious na ang lahat kung anong mangyayari sa Boarding House na bagong tirahan ni Dan at kung ano ang magiging papel ng mga bagong characters sa buhay ni Dan at ng mga iba pang kilala na nating pangunahing characters.

Dolpi0728

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 5, 2021 (3 months ago)

This is how I make my stories, after posting/publishing, wait ako ng 1 day to see the reception, like a child waiting for the gift to comes (Hearts, Likes and Comments, sometimes , donation (rarely), so kapag kakaunti lang, well, it makes me sad, but what can I do diba, then sa second day, brainstorming na, choosing scenes, list all of it, then select kung ano lang ang pwede kong gamitin, imagine gagawan ko lahat eh di napakahabang chapter palagi, sa third day ang start ng putting it into another chapter, so kapag full of ideas ako, within 3 days ay okay na, pero sometimes , I do struggles talaga, then it becomes late, hava patience lang... My "FANS CLUB" keep motivating me to continue, kaya ayaw kong ma-disappoint sila.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Like (0)  ·  Report
R
Rannyboy
January 5, 2021 (3 months ago)

Nice chapter idol...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 5, 2021 (3 months ago)

well, thank you...

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
Kise69
January 5, 2021 (3 months ago)

Yown! Kakabasa ko lang ma favorite author busy sa work e maraming salamat sa update boss lagi ko inaabangan story mo. Iba talaga basta gawa mo🔥 keep it up! 🙏

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 5, 2021 (3 months ago)

Thank you Sir Kise69, have fun reading as always, ShoutOut sa "FANS CLUB" ko for giving me motivations to continue. Kilala nyo naman kung "sino-sino" kayo.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Addy_Lanzon
January 6, 2021 (3 months ago)

Waiting sa next update sir Van...:)

"ain't gonna give a crap to dummies"

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 6, 2021 (3 months ago)

It will come....

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
leonard
January 6, 2021 (3 months ago)

Sir Van. Just wanna say, that I finally was able to catch up in my 8 month absence. You made me cry on one chapter which doesn't normally happen to me. And I sincerely hope that the capcha today will let me post my comment. Therefore times I just give up on it, so frustrating (the capcha, not the story).

This is one of the best series in this place. Don't ever forget that.

Leonard,

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 6, 2021 (3 months ago)

Thank you, giving emotion or feeling is the main objective of the series. Dahil sa napakadami ng magagandang kwento ng pampainit dito sa FSS, I think It's not that bad na kung minsan ay may isang nagbibigay sa inyo ng kakaibang experience ng storytelling.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Van_TheMaster
January 6, 2021 (3 months ago)

Bakit kaya biglang tumaas ang views nga mga stories ko? Pakicheck nga po ADMIN ng IP Address at  baka naman po may readers akong 100 times kung magbasa, haha. Pero kung dahil po ito sa mga bagong readers na biglang naging interested sa mga stories ko, THANK YOU. Atleast nalalaman po ninyo o nasubukan kung paano po ako gumawa ng "Nakakabored" na kwento.

"Finding happiness in other things that didn't matter before."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
mathixs
January 7, 2021 (3 months ago)

Boss sana si alyssa madiligan din ni dan.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments