M
E
N
U

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2]- Chapter 8 - Desires

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Wife Lovers, Romance · Tags: , ,
Date: December 30, 2020 (16 days ago)


Chapter 8

Pagsapit ng hapon, sa loob ng kwarto ni Christine. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng magazine habang ang mainit na inumin ay nasa kanyang harapan.

("tok" "tok" "tok")

"M-Mam Christine..."

"Come in Isay."

Pumasok si Dalisay sa loob ng kwarto at lumapit sa nakaupong si Christine. Hawak niya sa dalawang kamay ang plastic bag kung saan naroon ang mga bagong labang damit na ngayon ay tuyo na.

"Isay..." si Christine na sa magazine pa din nakatingin.

"Y-Yes po Mam..."

"Anong napansin mo sa mga damit na pinalabhan ko?"

"W-Wala po Mam Christine."

Mahinang tumawa ng bahagya si Christine, ibinaba sa lamesita ang hawak niyang magazine, at saka siya uminom ng mainit pang tea.

"Isay, you know, gusto kita. At ang mga taong gusto ko, ayaw ko ng nagsisinungaling sa akin." ang sabi ni Christine sa may diin na boses.

"Isay...?"

"A-Ano po Mam, m-may..., may damit po ng l-lalake na kasama ng damit ninyo po." ang tugon ni Dalisay sa mababa at kinakabahang boses.

"See, it's that easy Isay." si Christine na muling humigop ng tea.

Ibinaba ni Christine ang kopita, tumingin kay Dalisay at itinuro niya ang bakanteng upuan na malapit sa kanya.

Nag-aalangan sa sariling naupo naman si Dalisay, saka niya inilagay sa lamesita ang plastic bag na kanyang hawak.

"Sa tingin mo ba ay kay Brandon ang damit na kasama ng sa akin?" ang nakangiting si Christine.

Umiling naman si Dalisay, kanina habang palihim niyang nilalabhan ang mga basang damit ay napansin na niyang may mga kasuotang panglalake na hindi kay Sir Brandon. Dahil napaka-simple at medyo kupas na ang t-shirt at pantalon na kanyang nilabhan, maging ang basang rubber shoes na kasama ng mga iyon ay medyo luma na din. Malayong-malayo ang mga iyon sa mga isinusuot ng mayamang nobyo ni Christine.

"Now you know kung bakit ko pinalabhan sayo ang mga iyan ng ikaw lang ang nakakaalam." si Christine na nilaro ang labi ng kopita gamit ang kanyang daliri.

Marahang tumango naman si Dalisay.

"Sa tingin mo ba Isay ay mayroon akong ibang lalake?" ang seryosong tanong ni Christine.

Umiling naman si Dalisay. "W-Wala po Mam Christine."

"Isay, hindi ko na uulitin na ayaw kong nagsisinungaling ka sa akin." may halong banta na sa tinig ni Christine.

"M-Mam Christine..." ang parang maiiyak na si Dalisay.

"Sasagutin mo ba ako ng tapat or..., mas gusto mong magalit ako sayo?"

Nagyuko ng paningin si Dalisay, "S-sa pakiramdam ko lang po Mam, p-pero hindi po ako sigurado."

Napangiti lang si Christine, "Naranasan mo na bang umibig Isay?"

Tumango naman si Dalisay, "M-May nobyo po akong iniwan sa probinsya."

"Umibig din akong katulad mo Isay. At ang pag-ibig ay isang bagay na mahirap unawain para sa akin. Na hanggang ngayon ay nagbibigay sa akin ng palaisipan at mga tanong. Minsan ay pinagduduhan ko din ang sarili ko Isay, paano kung naglalaro lang pala ako?"

Tahimik lang na nakikinig si Dalisay.

"Isay, ano ang tingin mo kay Brandon? Sa relasyon naming dalawa?"

"M-Mam Christine..."

Napangiti naman si Christine sa nakitang alinlangan sa tagasilbi.

"Go on, say it. Don't worry Isay, wala kang maling sagot"

Huminga muna ng malalim si Dalisay, "Maswerte na po kayo Mam Christine kay Sir Brandon, mabait po siya magandang lalake, pangarap lang po siya ng maraming babae..., at bagay na bagay po kayo sa isa't-isa Mam. Kaya po hindi ako sigurado sa pakiramdam ko. N-Na may iba po kayo Mam."

"Sa tingin ng iba ay maswerte ako Isay, dahil nasa akin na lahat. Maging sa mapapangasawa ay wala akong problema. Gaya ng sabi mo, pangarap si Brandon ng maraming babae. Pero sa tingin mo ba ay tunay akong masaya sa sitwasyon ko Isay? Sapat na ba ang magandang itsura at katayuan sa buhay para maging tunay na maligaya ang isang tao?"

"H-Hindi ko po alam Mam, h-hindi po ba kayo masaya M-Mam Christine?"

Inilapit ni Christine ang labi sa tenga ni Dalisay, at sa malamyos na tinig na punong-puno ng init ay nagsalita ng mahina, "Hindi sa bahay na ito o kay Brandon ako nakakaramdam ng tunay na kaligayahan Isay."

Nahintakutan namang nailayo ni Dalisay ang mukha mula kay Christine pagkatapos marinig ang sinabi ng kanyang dalagang amo.

"M-Mam Christine..."

Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ni Christine. Tumayo na siya at lumapit sa kanyang magarang tokador, mula sa kanyang clutch wallet ay kumuha siya ng dalawang pirasong perang papel. Muli siyang naupo at inilagay sa lamesita malapit kay Dalisay ang salapi.

"Para sayo yan Isay. Dahil gusto kita."

"N-naku, wag na po M-Mam Christine..."

"Isay, alalahanin mo ang dahilan kung bakit narito kayo ng Lola sa pamamahay na ito. Para makatulong sa pamilya ninyong nasa probinsya diba. Kaya lahat ng ibibigay ko sayo, tanggapin mo." ang may awtoridad na sabi ni Christine, nais ipaalam kay Dalisay na wala itong karapatang tumanggi sa lahat ng kanyang naisin.

Bahagyang nanginginig na kinuha ni Dalisay ang salapi mula sa lamesita.

Hinawakan ni Christine ang kopita at muli siyang uminom, "Hindi ito ang huling makakatanggap ka sa akin Isay ng mga tulad nan...."

Nakatungo naman si Dalisay habang hawak ng mahigpit ang salaping galing kay Christine.

Inilapag ni Christine ang kopita at banayad niyang iniangat ang nakatungong mukha ni Dalisay.

"Dalawa lang ang nais kong kapalit mula sayo Isay..., ang katapatan at pagsunod mo sa akin ang tanging kailangan ko. Lahat ng mapag-uusapan natin, lahat ng ipapagawa ko sayo ay mananatili lang sa pagitan nating dalawa." si Christine na nakatingin sa mga mata ng tagasilbi.

"O-Opo Mam Christine. M-Makakaasa po kayo."

Binitawan ni Christine ang mukha ni Dalisay, kita niya sa kilos at itsura nito ang matinding kaba. Lihim siyang natuwa dahil gusto niya talaga ang dalagang katulong. Nais niyang ito maging sunud-sunuran sa kanya at maging tagagawa niya ng mga bagay na dapat niyang ilihim sa lahat.

"Isay, hanggat nanatili kang matapat sa akin ay maganda ang magiging buhay ninyo dito ng Lola mo. Dahil mabuti ako sa mga taong tapat at sumusunod sa mga gusto ko. Ngunit sa sandaling sinira mo ang tiwala ko sayo, yun na din ang araw na mawawala kayo dito sa pamamahay na ito, at kapwa kayo pulubing uuwi sa probinsya ng lola mo."

Biglang lumuhod si Isay sa harapan ni Christine, nahihintakutang hinawakan ang kamay ng dalaga niyang amo. Sila lang maglola ang inaasan ng kanyang mahirap na pamilya sa probinsya. Kung mawawala sila sa pagsisilbi sa tahanan ni Christine ay tiyak na lalo silang maghihirap at napakalaking kawalan sa kanila.

"M-Mam Christine, hindi ko po kayo bibiguin. L-Lagi po akong magiging tapat po sa inyo at susunod po sa inyo." ang may takot at may luhang pagsamo ni Dalisay.

Ngumiti si Christine sa nakaluhod na si Dalisay, nagsalin ng mainit na tea sa kopita at iniabot yun sa dalaga.

"Inumin mo Isay. Hanggang magkasundo tayong dalawa ay espesyal ang magiging trato ko sayo."

Tumango naman si Dalisay at nanginginig pa din niyang hinawakan ang kopita. Simula ng tumuntong siya sa bahay na ito ay ni minsan ay hindi niya naranasan ang tumikim o uminom ng mamahaling inumin na ihinahain nila sa pamilya ni Christine at sa mga bisita. At ngayon ay narito siyang nakaluhod sa harap ng amo niyang dalaga. Isang hamak na tagasilbi lamang siya sa bahay na ito, ngunit may espesyal na pagtrato sa kanya si Christine na labis ng kasiyahan para sa kanya.

Pagkatapos humigop ng kaunti ay inilayo na ni Dalisay ang kopita mula sa kanyang labi. Kinuha ni Christine ang ilang table napkin na nasa lamesita at tinuyo ang mga luha sa mukha ni Dalisay.

"Ubusin mo ang laman Isay, ako ang nagsalin nan para sayo. Ayaw ko ng may matitira."

Muling uminom si Dalisay ng paunti-unti hanggang sa maubos niya ang laman.

"T-Thank you po Mam."

Hinaplos ni Christine ang maganda din namang mukha ng dalagang nakaluhod sa harap niya.

"Tandaan mo Isay, sa bahay na ito, ako ang nagmamay-ari sayo."

"O-Opo M-Mam Christine."

Muling ngumiti si Christine, "Sige na Isay, gawin mo na ang iba mo pang mga gawain."

"Opo Mam." at saka marahang tumayo na si Dalisay. Yumukod sa harap ni Christine at saka siya lumabas ng kwarto ng kanyang dalagang amo.

Nang nakalabas na si Dalisay ay kinuha ni Christine mula sa lamesita ang plastic bag. Tumayo na siya at binuksan ang kanyang aparador para sa mga damit. Maayos niyang inilagay ang kanyang bagong labang damit sa loob at saka naman niya inasikaso ang kay Dan. Isa-isa niyang itinupi ng maayos ang mga iyon, niyakap at saka sinamyo ang ngayon ay mabango ng amoy ng mga iyon. Habang nakatingin sa nakabukas na aparador ay nag-iisip siya kung saan niya ilalagay ang mga ito. Nagpasya siyang ilagay ang mga iyon sa isang drawer na nasa bandang ibaba ng aparador, at ang lumang rubber shoes naman ni Dan ay isang mahabang drawer na kasama ng kanyang mga sneakers at heels sandals. Hindi naman siya nag-aalala dahil wala namang ibang nagbubukas ng kanyang aparador kung hindi siya lamang.

Pagkatapos ay nahiga siya sa kanyang kama at nakaramdam ng pagkasuya ng maalalang hindi pa natawag sa kanya si Brandon. Dahil alam niyang nasa bahay na ito ngayon at nasabi na ng ina nito ang sinabi niya kanina para sa binata. Ngunit parang sinasadya pa ni Brandon na lalo siyang manabik sa pagtawag nito na siya namang totoo. Dahil kung datirati ay may pagkasuya siya kay Brandon ngayon ay nagbago na. Dahil aminado siyang si Brandon ang pinakagwapo sa lahat ng lalakeng nakilala niya. Maganda din ang pangangatawan nito kahit hindi kasing maselan ng matipunong katawan ni Dan. Gusto din niya ang tindig ng binata dahil hanggang balikat lamang siya nito. Kung hindi niya nakilala at minahal si Dan ay si Brandon ang kanyang ideal na lalake. Mayaman, mabait, maginoo at talagang tapat na umiibig sa kanya.

Magpakalunod man siya sa sarap sa piling ni Brandon ay tama lang. Dahil engaged silang dalawa at nagugustuhan na din naman niya ang binata. Idagdag pang ganun din naman ang ginagawa ni Dan. Kung dalawa sila ni Angela nagpapaligaya kay Dan ay ganun din ang gagawin niya. Pagsasabayin din niya sina Dan at Brandon upang maging mga kaulayaw niya. "It's only fair Dan, kung ako lang ang minahal mo ay hindi ako makakaabot sa ganito. You only have yourself to blame." Napangiti siya ng makahulugan, "It's different now Dan, you'll really have to beg for it, for real this time."

*****

Masayang bumaba ng kotse si Katrina ng mapansin niyang naroon ng nakaparada ang sasakyan ng kanyang Kuya Leandro. Pagpasok sa kanilang tahanan ay agad niyang hinanap ang kanyang ina. Nagtuloy siya sa kusina at nakangiting humalik sa pisngi nito.

"Magpalit ka na Khate, then come back here at tulungan mo ako dito sa bini-bake ko." si Susan na abala pa din sa kanyang ginagawa.

"In abit Mom, puntahan ko muna si Kuya." ang masayang tugon ng dalagita.

"Wala na talaga akong masabi sa inyong magkapatid. Go ahead na." ang nakangiting pagtataboy ni Susan sa kanyang bunso.

Nakangiting sinundan na lang ng tingin ni Susan si Katrina habang paakyat ito patungo sa kwarto ng kapatid nito. Talagang sobrang magkalapit ng dalawa at magkasundo sa lahat ng bagay.

Binuksan ni Katrina ang pinto sa kwarto ng kapatid at naabutan niya itong inilalagay sa bagong biling frame ang larawan ni Angela. Ngumiti sa kanya ang kapatid at itinuro ang kama nito. Naupo naman siya doon at kinuha ang isang unan at saka iyon niyakap.

Pagkatapos na mailagay ang larawan ni Angela sa isang magandang frame ay masayang tiningnan iyon ni Leandro. At saka niya ipinihit ang kanyang silya paharap sa direksyon ni Katrina at ibinigay ang picture frame sa kapatid.

"What do you think Khate?" ang nakangiting si Leandro.

"It's beautiful and elegant Kuya, bagay sa larawan ni Angela." si Khate na banayad na hinahaplos ang salamin ng hawak niyang picture frame.

Nakangiting ibinalik ni Katrina ang picture frame sa kapatid. Kinuha naman iyon ni Leandro at ipinatong sa kanyang study table.

"Okay Khate, I'm ready, you can start asking your questions now." at saka tipid na ngumiti si Leandro.

Napa-giggle naman ang dalagita, "Okay Kuya. So, did you finally meet her? I mean, personally this time."

"Yes, I already did. We are officially acquainted to each other." ang nakangiting si Leandro habang inaalala niya ang sandaling nakilala at nakadaupang palad si Angela.

"My next question, hm, your impression? Like what do really think of her now na magkakilala na kayo?"

"Well, to be honest, she's kind of cold towards me. Not exactly the bad kind of cold, yun bang parang she is not sure on how to react sa mga gestures or actions ko sa kanya. It's kind of difficult to explain? But the perfect example I can give is that..., Angela is like a child, all of the things that she did and says are similar to one. She is mature, don't get me wrong, but like a child."

"So, do you like her being like that Kuya?"

Muling ngumiti si Leandro, "Well yes, she's kind of cute that way. It makes me want to always be with her."

Si Katrina naman ang napangiti, "Now I'm really more eager to meet her Kuya. It's very intriguing kasi, the way you describes her."

"I really want you to met her Khate, pero nasa simula pa lang ako. At ayaw kong magmadali, because I don't want her to feel na parang I'm forcing her to like me."

"So Kuya, I know it's still too early but, do you think you have a chance?"

Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan ni Leandro at saka siya tumayo. Lumapit sa may bintana at tumingin sa araw na nagpapaalam na.

"I really don't know Khate. All I know is that I'm really happy everytime na nasa malapit lang niya ako. The same feeling din everytime I look at her. Like I feel blessed for knowing that such feeling exist. The feeling of being truly inlove with someone."

Inalis ni Leandro ang paningin sa araw at muli niyang hinarap ang kapatid, "But at the same time, I feel afraid. What if I'm not good enough for her? What if I don't stand a chance sa simula pa lang Khate?"

Tumayo si Katrina at lumapit sa kanyang kapatid. Niyakap niya ito at saka siya nag-angat ng kanyang paningin.

"You're going to be just fine Kuya, because you're a very loveable person. Angela will surely like you once she knows you better."

Hinaplos ni Leandro ang buhok ng kapatid at saka niya ito hinalikan sa may ulunan, "Thank you Khate."

"Just believe in yourself Kuya." ang sabi ni Khate habang nakadikit ang kanyang pisngi sa dibdib ng kapatid. Sa isipan ng dalagita ay kailangang makilala niya ng maaga si Angela upang malaman niya kung karapat-dapat ba ito sa pag-ibig na nagiging dahilan ng kasiyahan at kalungkutan ng kanyang nag-iisang kapatid.

*****

Magkatulong na naghahanda ng hapunan sina Alice at Angela habang masayang nakatingin lang sa kanila si Anton na kasalukuyang umiinom ng kape. Ang kanilang masayang pamilya ay muling nakabalik sa dati nitong sigla at araw-araw na laging masaya din si Angela.

"Angela, you're so dedicated to this. Baka naman may assignments ka pang hindi nagagawa?" ang may himig pagbibirong tanong ni Alice sa anak.

"Nothing po Mom." ang sagot ni Angela na abala sa kanyang ginagawa.

"How is Dan?" ang muling tanong ni Alice.

"He's fine naman po Mom, but he needs to find a new place to stay." ang saka sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Angela. Naalala ang pangako sa kanya ni Dan na isasama siya ng kasintahan sa bago nitong tirahan at doon siya magpapalipas ng gabi.

"And why do you look so happy because of that?" ang nakangiti ding si Alice.

Saglit na itinigil ni Angela ang kanyang ginagawa at nakangiting tumingin sa kanyang ina, "Mom, I'm going to sleep over to his new place kapag nakahanap na po siya."

Saglit na natigilan sina Alice at Anton.

"A-Angela, did Dan ask you to do that?" ang naniniyak na si Alice.

"No Mom, I asked him, he is hesitant at first pero naconvinced ko din po siya." ang masayang si Angela, hindi pansin ang parang pagtutol ng kanyang ina.

"Angela, Iha..." si Anton.

"Yes po Dad." si Angela na ngayon ay nakatingin sa kanyang ama.

"I think it's not app-"

"Anton." si Alice na hindi na pinatapos ang asawa.

Hinaplos ni Alice ang buhok ng anak, "If that's what you want to do Iha, then it's okay."

"Thanks Mom." at saka hinalikan ni Angela sa pisngi ang ina.

"Iha, why don't you call Yaya Meding upstairs to help us with this. Para madali tayong matapos." ang nakangiting si Alice.

"Okay po." at saka tinigilan ni Angela ang kanyang ginagawa. Naghugas ng kamay at saka siya umakyat sa itaas.

Tumayo naman si Anton at lumapit sa asawa. Hinawakan naman ni Alice ang kamay ng asawa niyang si Anton at sa kanyang mukha ay naroon ang hindi niya maitagong pangamba.

"I know what you want to say Hon. That it's not appropriate for Angela to do that. I know that because it does bother me too. But Dan is Angela's world, her only reason for living. Natatakot na din ako para kay Angela, what if a day come and Dan is not there for her. Ano na lang ang mangyayari sa anak natin Anton?" at saka sumubsob si Alice sa dibdib ni Anton na hinaplos-haplos ang kanyang buhok.

Wala namang masabi si Anton sa humihikbing si Alice. Dahil ang buhay at kaligayahan ng nag-iisa nilang anak ay nakasalalay kay Dan. Nasa sitwasyon sila ni Alice na kapwa wala silang magawa. Natatakot silang pabayaan na lang si Angela sa lahat ng nais nito, ngunit natatakot din naman sila sa kung ano ang mangyayari kung hindi pagbibigyan ang anak. Dahil ang sinusunod ngayon ni Angela ay ang sarili nitong puso, at ang puso ni Angela ay pag-aari naman ni Dan. Kay Dan lang umiikot ang mundo ni Angela na labis nilang ikinababahalang mag-asawa.

*****

Naaalala pa ni Jessica ang iniwang munting papel sa kanya ni Dan, kung saan nakasulat na magkikita pa silang muli. At ngayon ay dumating ang sandali na parang inilaan sa kanila ng kapalaran. Nakatingin sila sa isa't-isa at ang damdaming nasa kanya ay may malalim na kahulugan. Dahil hindi niya maitatanggi na ilang araw ng laman ng kanyang isipan ang kaharap niya ngayong si Dan.

"Okay lang ako Jessica, heto, naghahanap ng bagong matitirhan. Ikaw musta na?"

Nawala naman ang ngiti sa labi ng dalaga, "Dan ha, katatawag mo lang sa akin ng "Jess", tapos biglang "Jessica" na ulit. Just call me "Jess" na lang." Hindi niya masabi kay Dan na ang binata lamang ang tumatawag sa kaniya ng ganun. At sa bawat pagbikas ni Dan sa kanyang pangalan ay parang isang masarap na paglalambing sa kanyang puso.

"Okay, Jess."

"Diba mas madaling sabihin." at saka matamis na ngumiti si Jessica kay Dan. "Okay lang naman din ako Dan , busy lang sa studies at sa iba't-ibang school activites."

"Pareho lang tayo, one month na lang at tapos na ang sem, madami din akong pinagkakaabalahan. Madaming kailangang tapusin at gawin."

Muli silang ngumiti sa isa't-isa.

"Naghahanap ka ng matitirhan diba?" ang muling tanong ni Jessica.

"May alam ka ba? Yung mura lang sana, pero kung mataas ng kaunti pero okay naman ang lugar. Baka kunin ko na din. Madalian kasi ito, kailangan ko ng makalipat ngayong linggo."

Saglit na nag-isip si Jessica, "Yung tinitirhan ng pinsan ko, malapit lang dito pero sasakay ka pa din ng jeep. Okay yung place nila, kasama sa bayad yung kuryente, tubig at pagkain, parang dorm style. Room per room sila, max is two persons per room. Kung kaya mong bayaran ang room ng solo ka lang, pwede naman. Kung may kasama ka, okay lang din. Up to you naman kung gusto mo yung setup at yung place. Medyo above average lang talaga yung rent kasi ay malinis yung lugar at naka-aircon."

Nakaramdam ng pag-asa si Dan, lalo't ayon sa mga sinabi ni Jessica ay maganda ang lugar. Wala na siyang iintindihin pagdating sa paghahanda ng pagkain. Malaking alwan sa kanya lalo't madalas siyang naghahabol sa oras.

"Gusto ko sanang puntahan Jess, pero papasok na ako. May work pa ako ng seven."

Tiningnan ni Jessica ang kanyang relong pambisig, "It's almost seven na nga Dan, late ka na nan."

"Hayaan mo na, ah Jess, pwede mo bang ibigay mo na lang sa akin yung exact address, puntahan ko na lang bukas."

Kinuha ni Jessica ang isang notebook mula sa kanyang dalang bag, binuksan iyon at isinulat ang address pati ang pangalan ng kanyang pinsan. At pagkatapos ay iniabot niya iyon kay Dan.

"Thank you Jess."

"Pasensya na Dan, gusto talaga kitang samahan bukas pero hectic ang sched ko."

"Okay lang Jess, malaking tulong na to."

"Tara na Dan, pauwi na din ako. Kailangan mo na ding pumasok." si Jessica na may bahagyang lungkot, dahil muli na naman silang maghihiwalay ni Dan kahit ayaw pa niya.

At sabay na silang naglakad patungo sa may abangan ng sasakyan.

"Dito na lang ako Dan. Ingat ka sa pagpasok."

Ngunit hindi umalis si Dan at nanatili lamang sa tabi ng dalaga.

"Late na din naman ako kahit makasakay pa ako ngayon. Antayin na lang muna kitang makasakay." ang nakangiting si Dan, dahil napansin niyang pundido ang ilaw sa malapit na poste at walang masyadong tao sa lugar.

Napangiti naman si Jessica, lihim siyang nakaramdam ng saya dahil hindi naman lingid sa kanya ang dahilan ni Dan kung bakit nasa tabi niya ito ngayon. Ang isang bahagi ng kanyang puso ay nais umasa na si Dan sana ang mag-aalis ng mapait niyang nakaraan. Ngunit alam naman niyang may dalawang magandang dalagang nagmamay-ari na kay Dan.

"Dan..."

Tiningnan ni Dan ang katabing dalaga na nakatingin din sa kanya, "May sasabihin ka Jess?"

"Bakit hindi mo kasama yung dalawa mong girlfriend?" ang nagbibirong tanong ni Jessica kahit may munting kirot itong dulot sa kanyang dibdib.

Nawala ang ngiti sa labi ni Dan, hindi inaasahan ang tanong na iyon mula kay Jessica. Ngayon ay muling pumasok sa kanyang isipan ang kanyang mga suliranin kay Angela at Christine. Kay Christine na parang naglilihim na sa kanya at may ibang nais na gawin. Kay Angela na walang alam sa lihim niyang kasunduan sa ama nito.

Pilit na ngumiti si Dan, "Mga busy pareho, pero okay lang naman sila."

"So, totoo na girlfriend mo sila pareho. Hindi mo kasi dineny eh, yung sinabi ko na girlfriend mo silang dalawa." si Jessica na ngayon ay nakatingin pa din kay Dan.

Hindi naman kailangang magpaliwanang ni Dan kay Jessica, ngunit ang tingin ng dalaga sa kanya ay walang halong panghuhusga.

"It's very complicated Jess, ang sitwasyon naming tatlo. Ang alam ko lang Jess ay darating ang araw na may kapalit ang kaligayahan kong ito. Dahil sa buhay kong ito Jess, simula pagkabata ay wala akong tinanggap na mabuti na walang kapalit." ang sabi ni Dan na may lungkot, dahil alam niyang darating ang araw na kailangan niyang pumili ng isa. Sa takdang araw na iyon ay isa lang ang natitiyak niya. May masasaktan ng husto at maaaring hindi matatanggap ang desisyon na gagawin niya. At kailangan niyang harapin ang kapalit na kabayaran sa desisyon na kanyang gagawin. Ang dalangin na lamang niya ay kung mayroong kailangang magdusa ay siya na lang sana at hindi ang iba pa.

Nakita ni Jessica ang lungkot na nasa mukha ni Dan, na parang nahingi ito ng tulong ngunit walang nakakarinig sa lihim nitong pagtawag. "Then pumili ka Dan ng relationship na hindi complicated. Na hindi mo kailangang mamili at wala kang dapat na alalahanin pa." Isang laro ng tadhana ang muli nilang pagkikitang dalawa. At kung ito na ang huli ay nais niyang ipabatid sa binata na narito siya at nakahanda din namang ialay ang lahat sa kanya.

Napatingin saglit si Jessica sa palapit na jeep na papunta sa direksyon niya.

"Dan, I know na iniisip mong chance encounter, yung pagkikita natin ngayon. Pero hindi para sa akin, nakatakda tayong magkita ulit Dan, gaya ng sinabi mo sa note na binigay mo sa akin. And I'm really thankful , masaya akong nakita kitang muli." ang sabi ni Jessica na nakatingin sa mga mata ni Dan.

"Jess..." si Dan na ngayon ay nakatingin din mga mata ng dalaga.

Hinawakan ni Jessica ang kamay ni Dan kung saan naroon pa din ang papel na ibinigay niya.

"Magkikita pa tayo Dan, so it's not goodbye, kung nanaisin mo." saka bahagyang pinisil ni Jessica ang palad ni Dan.

Hindi naman nakapagsalita agad si Dan, dahil ang mga sinasabi ni Jessica ay may iba ng kahulugan na hindi madali sa kanya ang sagutin.

Ngumiti si Dan kay Jessica, "Masaya din ako at nakita ulit kita Jess." ang masayang sabi na lang na ni Dan, pilit niyang iniwasan ang mga sinasabi ni Jessica na alam niyang may ibang kahulugan.

Pinara ni Jessica ang jeep at tumigil naman iyon sa tapat nila.

"Dan, una na ako, ingat ka." si Jessica na ngayon ay binitawan na ang kamay ni Dan.

"Ingat ka din Jess, salamat ulit."

Ngumiti lang si Jessica kay Dan at saka siya tumalikod na.

Nang nakahakbang na siya ng isa ay muli siyang pumihit paharap kay Dan.

Banayad na hinalikan sa pisngi si Dan na bahagyang nagulat sa kanyang ginawa. Isang munting regalo niya sa binata dahil sa muli nilang pagkikita.

Hinaplos ni Jessica ang labi ni Dan, "May higit pa akong kayang ibigay sayo Dan, ikaw na lang ang mag-decide kung tatanggapin mo."

At saka siya mabilis na muling tumalikod at sumakay na sa naghihintay na jeep. Tiningnan ni Jessica si Dan at muli siyang ngumiti. Dahil nasa kamay ni Dan ang magiging dahilan ng muli nilang pagkikita. May pag-asa pang mangyari ang kahilingan niya, at nasa pagpapasya ni Dan ang kapalaran nilang dalawa.

*****

Inantay muna ni Alex na matapos ni Mika ang customer nito at saka niya ito nilapitan. Inabutan ng isang plastic bottle ng mineral water na tinanggap naman ng dalaga.

"Salamat Alex." nasa tinig pa din ni Mika ang hindi nito maitagong lungkot.

Nakatingin lang naman si Alex kay Mika habang iniisip ang kasalukuyan nitong sitwasyon. Noon pa niya nais na maghiwalay sina Dan at Mika dahil sa hindi patas na relasyon ng dalawa. Ngunit ngayong nakikita niya ang epekto nito kay Mika ay hindi na niya tiyak kung ito talaga ang nais niyang mangyari. Sumandal si Alex sa may counter at nakadako ang kanyang paningin sa pasukan ng mga tao. Kanina pa niya hinihintay si Dan. Nagkaayos na naman sila ni Dan habang nasa ospital pa ang kaibigan. At ngayon ay hindi na din madali para kay Alex ang basta na lang makialam sa dalawa lalo't wala naman siyang relasyon kay Mika.

"Alex, okay lang naman ako. Bumalik ka na sa ginagawa mo." ang mahinang sabi ni Mika, dahil sa labis na bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib ay sinabi niya kanina kay Alex ang nangyari sa kanila ni Dan.

Napabuntunghininga na lang si Alex, "Sige Mika, dun muna ako. Kakausapin ko mamaya si Dan, pero wala akong maipapangako sayo Mika."

Nangilid ang luha sa mga mata ni Mika ng marinig ang pangalan ng iniibig niya si Dan, "Salamat Alex, sabihin mo sa kanya yung mga sinabi ko sayo."

Lumayo na si Alex kay Mika at nagtungo sa isang lamesa upang linisin iyon. Iniisip niya kung ano ang mga sasabihin niya kay Dan kapag nagkita na sila mamaya. Napakahirap ng kanyang sitwasyon, kailangan niyang tulungan si Mika para sa mali nitong relasyon.

Pasado alas-syte na ng gabi ay wala pa din si Dan, kanina pa naiinip si Arcelle sa pagdating ng binata. Lumabas na siya ng kanyang opisina at nagpunta sa loob ng bar. Nilapitan ang naglilinis na si Alex na nakatalikod sa kanya.

"Alex..."

Mabilis namang pumihit si Alex at hinarap ang kanilang manager.

"Yes Mam."

"Diba dapat ay papasok na si Dan ngayon, past seven na Alex. Wala pa din siya." ang may pag-aalalang tanong ni Arcelle dahil kanina pa siya naghihintay sa pagdating ni Dan at nais niyang muling makapiling ang binata.

"P-Padating na po siguro yun Mam." ang bahagyang kinabahang si Alex, dahil wala namang sinabi si Mika na hindi makakapasok si Dan.

"Pagdating niya Alex, papuntahin mo siya agad sa opisina ko." ang may diin na utos ni Arcelle.

"Opo Mam. Sasabihin ko po."

At saka tumalikod na si Arcelle at naglakad pabalik sa kanyang opisina. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito na lang ang pagkahumaling niya kay Dan. Na parang kailangang maging parte ng kanyang buhay at katawan si Dan upang manatili siyang buo.

Naiwan si Alex na ipinapatuloy ang kanyang ginagawa. Mamaya na lang niya kakausapin si Dan dahil parang sasabunin na naman ito ng sarilinan ng kanilang manager.

Pagkababa ng sasakyan ay mabilis ang mga hakbang ni Dan papunta sa may restobar. Binati niya ang nakabantay na gwardiya na kinumusta naman ang lagay niya. Nang nasa loob na siya ng bar ay saglit na napatingin sa kanya ang ilang staff na naroon. May ibang ngumiti sa kanya at mayroon din namang lantarang nagpakita ng pagkainis sa muli niyang pagpasok sa trabaho. Tiningnan ni Dan si Mika mula sa kaha na malungkot na nakatingin sa kanya.

Nais sana niyang lapitan si Mika ngunit alam niyang wala iyong maidudulot na mabuti sa dalaga. Baka tuluyan lang mapaiyak si Mika at maapektuhan pa ang trabaho nito.

"Dan..." si Alex.

Tipid na ngumiti si Dan sa kaibigan, "Alex..."

"Mamaya na tayo mag-usap, tungkol kay Mika, kailangan mo munang magpunta sa opisina ni Mam."

Dahil sa sinabi ni Alex ay alam na ni Dan nagsabi na dito si Mika. Mamaya na niya kakausapin si Alex, dahil si Arcelle muna ang kailangan niyang puntahan. Ngayon pa lang ay alam na ni Dan ang pag-uusapan nila, o ang gagawin nila na laging pinanabikang mangyari ni Arcelle.

"Okay Alex, mamaya na lang. Puntahan ko muna si Mam." at saka banayad na tinapik ni Dan sa balikat ang kaibigan.

Pagkatapos magpalit ng uniform ay nagtungo na si Dan sa opisina ni Arcelle. Huminga muna si Dan ng malalim ng nasa tapat na siya ng pinto. Ang blinds ay nakababa na at hindi na kita ang nasa loob. Nakahanda na ang lugar para sa kanila ni Arcelle.

("tok" "tok")

"Mam..., si Dan po..."

Nakarinig siya ng papalapit na mga hakbang at saka bumukas ang pinto. Ngayon ay kaharap na niya si Arcelle na, nakatingin ito sa kanya at ang mga mata nito ay puno ng pananabik gaya ng inaasahan niya.

"Dann..." ang mainit na pagtawag ni Arcelle, ngayong napakalapit na sa kanya ni Dan ay hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili.

Hinawakan ni Arcelle ang kamay ni Dan at hinila ang binata papasok sa loob ng kanyang opisina. At saka niya isinara at ini-lock ang pinto. Kaagad siyang yumakap sa matipunong katawan ni Dan habang nakatingin sa maamo nitong mukha.

"Kailangan ko pa bang sabihin Dan..." ang may pakiusap na sabi ni Arcelle, dahil kapag ang init ay nasa kanyang katawan ay nasa ilalim siya ng mga kagustuhan ni Dan.

Niyakap din ni Dan si Arcelle at saka niya mainit na hinalikan ang naghihintay nitong labi. Sa simula pa lang ng paghihinang ng kanilang labi ay mapusok na agad si Arcelle. Hanggat narito siya sa lugar na ito ay kasama sa kanyang tungkulin at responsibilidad ang pagkalinga sa matinding pagkauhaw sa kanya ni Arcelle. Alam naman ni Dan na hindi siya makakaiwas sa ganito at magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya gusto ang bawat sandali ng bawal nilang relasyon. Lalake pa din siya na nadadarang at mahina sa tukso. Mas madali sa kanya ang sitwasyon nila Arcelle, dahil may asawa ito at init...

About the Author :

Joined: April 21, 2020 (8 months old)
Writings: 68
Male  ·  Online
Description:
I'm a writer who tells stories about love, lust and life lesson.

In my life, I have a lots of regrets and painful decisions, and I live in my cold and lonely world. So I create different worlds, where my imagination can run wild and be as vivid as I want it to be , where desires and fantasies happens.

These are my worlds, and I am The Master.

Author of:

* Ako Si Diana
* Wedding Anniversary
* Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan
* Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2]
Websites: Signature Text:
Looking for motivation that is very difficult to find.
46  ·  50  ·  54  ·  4,475
 · 

Comments
G
ge14507
December 30, 2020 (16 days ago)

FIRST!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cornets23
December 30, 2020 (16 days ago)

Second

Jefferson

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
G
ge14507
December 30, 2020 (16 days ago)

Sana mahaba ang scene ni christine next chapter boss van

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

hello mam ge, tingnan po natin, christine change eh, pero for sure po na andun siya sa next update, thanks po.

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
leyash143
December 30, 2020 (16 days ago)

tuloy niyo lang po. it was great. especially andun yung inaabangan ko si mika at arman Hahahahaha! 😁👌

❀ᒪEYᗩSᕼ❀

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

arman and mika, let's see kung hanggang saan ang "lalim" ng kanilang magiging magkakilala, thank mam leyash

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
Kise69
December 30, 2020 (16 days ago)

One of my favorite author 👍🏻 keep it up lodi 👏🏻👏🏻👏🏻

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
Kise69
December 30, 2020 (16 days ago)

One of my favorite author keep it up lodi lagi ako nag aabang sa story mo da best! 🔥💦👏🏻👏🏻👏🏻

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

thank you sir kise, abang na lng po ulit sa next update

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
mrsai200
December 30, 2020 (16 days ago)

nakasabik na po sir van yung mga susunod na kabanata

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

thank you sir, I hope po na it gets better sa mga susunod pang updates

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
aries26
December 30, 2020 (16 days ago)

sir van tuloy mo lang,.maganda talaga ang mga orbra na gawa mo,. rest if you must but dont quit,.hehehe salamat

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

thank you sir aries, i'll try na hindi matagal ang interval ng bawat update

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
ravedeacon
December 30, 2020 (16 days ago)

sir otor tuloy nyu lang po, isa to sa mga inaabangan ko story

its better to burn out than to fade away

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

thanks sir rave, rest assured na tuloy lang po tayo, hirap man ang author, need po nating bigyan ng closure ang story na ito

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
tmas14m
December 30, 2020 (16 days ago)

Parang Mika Allex ako rather than Arman, magiging tragedy na kasi un kay mika eh galing din sya sa isang sirang relationship sya magiging pinaka kawawa dito. But its up to you idol.. Un Cristine Barandon talaga kaabang abang..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

lets see kung ano pa ang pagdadaaanan ni mika at kung ano ang kapalit kay arman at arcelle ng mga pagtataksil na ginagawa nila sa isa't-isa, christine and brandon are about to go deeper sa kanilang relationship, let's see kung tuluyan na bang makakalampas ang dalawa, thanks sir tmas

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Rannyboy
December 30, 2020 (16 days ago)

Ang🙄😗 galing mo idol sa mga idea

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

thank you sir rannyboy sa patuloy po na suporta

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Y
yawasak
December 30, 2020 (16 days ago)

paiba iba kasi ang kwento magabda sana nakafocus lang kay dan sa mga tinitira nyang babae . nakakagulo kasi tipong sarap ka na sa pagbabasa sa eksena biglang papasok na naman ang ibang pangalan

Reply  ·  Like (6)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

my bad, ang point kasi ng mga scenes na yun ay para malaman ng mga readers na sabay na ngyayari yung ginagawa ni dan at arcelle , habang nasa loob lang ng bar ang asawa ni arcelle na si arman at edward, I fixed that part, and i'll try to minimize yung mga ganung setup

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
cornets23
December 30, 2020 (16 days ago)

Sir about dun sa una mong sinabi before star the story.. nasayo naman po yang kung gusto mo muna mag rest para ma refreshing ang utak mo.
At wag mo pong pilitin kapag hindi talaga kaya, advice lang po kung makakagawa ka ng story pwede mo munang hindi I post pwede mo ding muna ipunin. At kung maka 2 or 3 chapters ka pwede mong I post. Para nakakapag refresh ka po habang pinopost mo yung ibang naiisip mong susunod na story. Ganun po ginagawa ng ibang authors, at yung mga readers kung gusto talaga nila yung stories na ginagawa ko mag aabang yan kahit matagal.

Jefferson

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

thanks sir cornets, as much as possible, ayaw kong mag keep ng mga updates sa file ko sa FSS, kapag ready na ang chapter, publish ko n agad para mabasa ng lahat, then saka ko ulit binabasa para mag check ng typos at errors, maging ng ibang scenes or dialogues

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
tobats
December 30, 2020 (16 days ago)

as much as na nasasabik ako sa susunod na mga chapters...if you need to clear your mind for a while..that's fine..basta ma maintain mo lang ang magandang takbo ng storya..hindi biro ang sinusulat nyo..maraming character na involved. do take your time...para sa ikaiinit ng storya...silent reader lang ako..pero nadidismaya din sa mga otor na nang iiwan sa ere..kahit hindi naman maganda ang storya ng ibang nababasa ko..basta may ending okay lang..para maka move on..parang sex din...pag hindi mo nairaos..masama pakiramdam mo.dalawang ulit ko na ngang binasa from chapter one to 49..while waiting to this chapter...ganun ako kapag nagustuhan ko ang storya...like a porn video na paulit uli mong pinapanood minsan..lol. more power to you!

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

thanks sir tobats, this story deserves an ending, otherwise it will be a disrespect sa mga characters at sa mga nag-invest nag time na mga readers, rest assured sir, the ending will be there.

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Roockky
December 30, 2020 (16 days ago)

Api pa rin yun bida,  si dan… kahit saan anggulo tingnan,  sigurado may mangyayare na malaking gulo sa mga next chapter,  maganda sir ang kwento mo..

When words fails…Music speaks… .

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

thank you sir rock, dan will have to face the consequences of all this, ang balik ng tadhana sa kanyang kahinaan, kung kailan at kung paano, let's wait and see n lng.

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kuatog
December 30, 2020 (16 days ago)

ang kasabihang palay ang lumalapit sa lalake para bayuhin ..😁😁😂😂😂..nakapa swerte ng karakter ni dan andaming binabayung palay hehehe !!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

it's fiction so anything is possible, lahat ay pwedeng maging si dan , basta sa ating isipan lamang, di man mangyari sa atin, nararamdaman naman natin sa pagsasabuhay sa ating damdamin ng kanyang kasaysayan, thanks sir kuatog

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
F
ferde_rine
December 30, 2020 (16 days ago)

Salamat sa update Van. isa rin ito sa mga inaabangan ko ngaun.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

thanks sa continues  support sir ferde

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
F
ferde_rine
December 30, 2020 (16 days ago)

Sana dumating na ang Friday sa next chapter, at mabasa na ang whole night nina Christine at Brandon.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

haha, sana nga ay di kayo madis-appoint sa byernes ng gabi

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jackstone
December 31, 2020 (15 days ago)

Write at your own pace, van. No explanation needed. Nandito lang kami nag-aabang sa mga magaganap pa sa buhay ni Dan.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

thanks sir jack, for the understanding and support

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
dstmp2b
December 31, 2020 (15 days ago)

sana po tuloy tuloy kang author ang novel nyo, madaming taga subaybay sa buhay ni dan, alam ko po na mahirap mag isip ng mga sequel/prequel ng story nyo pero pwede din po kyong humingi ng assitance sa mga co-author nyo, muli po, isa po ako sa mga labis na nagagalak at patuloy na bumabasa ng story nyo, stay safe and god bless you, happy new year.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

thanks sir dtsmp2b, pero as much as possible, ayaw ko ng mag ask ng assistance para di na mabago ang vision ko sa story ni dan, happy new year din sir

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Migz_29
December 31, 2020 (15 days ago)

Eto suggestions ko boss, magkaka tuluyan na si  Dan at Angela tapos hihiwalayan ni Dan si Christine na luhaan, ililigtas ni alex si mika, third party relationship si alice tas yung kaibigan ni anton. Si lean ay makakalaban ng may gusto kay Sam(nakalimutan ko pangalan)

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

let's see n lng sir, i already have an ending para sa bawat isa sa kanila, lets wait and see n lng kung paano tayo makakarating doon, thanks sir migz

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Thorn22
December 31, 2020 (15 days ago)

Sala-salabat na buhay nila dahil sa libog nice one author hehehh

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

Isang pangkaraniwang estudyante ang biniro ng tadhana sa pamamagitan ng ibat-ibang tukso. At dito nagsimula ang sanga-sangang pag-ibig na susubok sa kanyang pagkatao.

"Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan"

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
Kakaldac
December 31, 2020 (15 days ago)

Tatlo po b bayag ni dan? Bakit parang d siya na sasaid? Sana ol.. Si mika sana ma gang bang ng dalawang gurang... Si arcelle ma orgy ng staff niya...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 1, 2021 (14 days ago)

matindi lang talaga sir magrecharge si dan, thanks sir kal

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kiteksmagic36
December 31, 2020 (15 days ago)

Hmm..good job!

Sir van??
Bigyan mo naman ako heads up pag si mika na sa ibang guy ah??

Dont like the idea eh..i really like the character of mika...thanks

properties dont matter, but performanced is really much better

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 31, 2020 (15 days ago)

sure thing sir kite, no worries

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
rair12val
December 31, 2020 (15 days ago)

Happy new year! Master
Please lang wag mong ibigay si mika kay arman ahaha nang gigigil ako jan kay arman, sana bigyan ni mika ng pagkakataon si alex.
Keep it up sir 🙂

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 1, 2021 (14 days ago)

Happy New Year din Sir Rair, we shall see na lang sir what will happen next, alex? may chance pa naman siguro siya since malayo pa po tayo

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Dolpi0728
January 1, 2021 (14 days ago)

Nakakalungkot. Sinimulan na ni Christine ang kanyang paglalaro, cguro ito na ang simula ng tuluyang paghihiwalay nila ni Dan. Pero makakaya nya bang magkahiwalay sila ni Dan lalo na kapag nalaman nito ang apoy na kanyang nilalaro?

May mga bagong characters ang nagbibigay kulay sa masalimuot na kwento ni Dan. Sino kaya sa kanila ang magiging malaking balakid sa buhay at pag-ibig nya?

Lalo ng umiinit ang mga chapters na dadating!

HAPPY HOLIDAYS PO!

Salamat po ulit Author.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
January 1, 2021 (14 days ago)

Thanks Sir Dolpi, mainit ang laro ni Christine, gawa ng feeling niya ay dehado siya sa relationship nilang tatlo, tingnan natin kung ano pa mangyayari sa mga susunod na updates.

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bogmali-007
January 2, 2021 (13 days ago)

Nice upadate lods...sana tuloy tuloy na hehe

By:bogmali-007

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments