M
E
N
U

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2] - Chapter 7 - Playing With Fire

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Romance · Tags: , ,
Date: December 23, 2020 (30 days ago)


Chapter 7

Naglalakad pa lang papunta sa may lobby ng building ay nadirinig na ni Angela ang malakas na ulan mula sa labas. Nang nasa lobby na siya ay naabutan niyang naroon din ang mga estudyanteng naghihintay sa pagtila ng ulan. Kasabay ng malakas na ulan ay ang panaka-nakang pag-ihip na hangin. Niyakap ni Angela ng mahigpit ang ilang librong hawak na nasa kanyang dibdib dahil sa lamig na kanyang nararamdaman. Nag-aalalang nakatingin siya sa labas habang nasa isipan niya si Dan na kasama si Christine.

Mula naman sa kanyang pagkakatayo ay nakatingin lang si Leandro kay Angela na hindi naman malayo sa kanya. Alam niyang nakakaramdam ng pagkaginaw ang dalaga. Ngunit nag-aalangan naman siyang hubarin ang kanyang jacket upang ipasuot dito. Sa nag-aalala nitong ekspresyon habang nakatingin sa walang tigil na pag-ulan ay nais ni Leandro na yakapin ang dalaga. Ngunit sa kanyang kasalukuyang sitwasyon ay wala siyang karapatan. Ganito pala ang umibig, ang ngayon ay natutunan ni Leandro. Nakakakaba sa dibdib kahit masarap sa pakiramdam. Dahil natatakot siyang masaktan at makaramdam ng kabiguan.

Hinubad ni Leandro ang jacket na suot at hinawakan iyon ng mahigpit. Dahil ang pag-ibig na nasa kanyang dibdib ay ayaw niyang iasa sa kapalaran. Kailangan niyang lakasan ang kanyang loob sa tuwina at gumawa ng sarili niyang paraan. Dahil minsan ang kaligayahan ng tao ay nasa sariling kapasyahan. Kung mananatili sa karuwagan ay tiyak na hindi niya malalaman ang kasagutan sa mga tanong na nasa kanyang isipan.

"Lean." ang pagtawag sa kanya ng nakangiting si Samantha na ngayon ay itinataktak ang payong na kasasara pa lamang.

"Sam...," ang may halong bahagyang pagkabigla at lungkot na tugon ni Leandro sa kaklase. Dahil hindi niya nagawa ang nais sana na mangyari.

Lumapit ang nakangiting dalaga sa harapan ni Leandro, "Well, someone told me na dito ka nagpunta. Then the rain starts to pour, so I'm thinking na, I have to save you from this situation."

Huminga ng malalim si Leandro, hindi niya nais na masuya sa dalagang nag-aalala din naman sa kanya.

"Can you put that on me?" ang malambing na pakiusap ni Samantha sabay turo sa hawak na jacket ni Leandro.

Napilitang ngumiti si Leandro.

Tumalikod naman si Samantha at inilagay ni Leandro ang jacket sa dalaga.

"Thank you." at saka masayang ngumiti si Samantha sa binata.

"Ah, Lean, hold this for a while." at saka ibinigay ni Samantha ang basang payong kay Leandro. Itinaas ng bahagya ang kanyang kamay upang ipakita ang librong hiniram ng binata para sa kanya.

"I'm going to return this book, just wait for me here." ang nakangiting si Samantha at saka siya lumakad na papasok sa loob ng building kung saan naroon ang library.

Muling tiningnan ni Leandro si Angela na nakatingin pa din sa malakas na pagpatak ng ulan. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag dahil kahit nasa malapit lang niya ang dalaga ay hindi naman ito tumingin sa kanila ni Samantha. Kahit hindi pa naman sila personal na magkakilala ni Angela ay ayaw niyang isipin nito na may kasintahan na siya. Dahil wala naman siyang espesyal na relasyon sa kaibigan at kaklase niyang si Samantha.

Pagkalipas ng ilang sandali ay bumalik din na si Samantha.

"Let's go na Lean, class is about to start soon." ang yakag ng dalaga sa kaharap na binata.

Napabuntunghininga na lamang si Leandro, ayaw pa sana niyang umalis sa kanyang kinaroroonan. Dahil higit na mas mahalaga sa kanya ang bawat sandaling nasa malapit lang niya si Angela, kaysa ang muling maghintay sa susunod na pagkikita nila ng dalaga.

"Okay Sam...," si Leandro na umayon na lang sa nais ni Samantha. Binuksan niya ang hawak na payong at gumawi sa direksyon na malayo kay Angela.

Ngunit bigla siyang nakaramdam ng pagkailang ng kumapit sa kanyang braso si Samantha.

"This way Lean...," at saka mabilis na lumakad sa kabilang direksyon si Samantha habang nakakapit siya kay Leandro.

Dahil sa pagmamadali ay nasagi ni Samantha sa braso ang nakatayong si Angela na naging dahilan upang mahulog sa sahig ang mga aklat nitong hawak.

Maagap namang ibinaba ni Angela ang kanyang katawan upang kunin ang mga nahulog niyang aklat.

"I'm sorry Miss." ang hinging paumanhin ni Samantha.

Nag-angat naman ng tingin si Angela at kiming ngumiti sa mga kaharap, "It's okay."

Hindi nakaiwas si Leandro na magtama ang kanilang paningin ni Angela na labis niyang ikinagalit sa sarili kaysa kay Samantha. Dahil sa isang sitwasyon na wala siyang magawa. Nais niyang tulungan si Angela ngunit mahigpit na nakakapit sa kanyang bisig si Samantha na ayaw naman niyang mapahiya. Nakaramdam din siya ng lungkot dahil ang pilit niyang iniiwasan na mangyari ay siya pang naganap sa mismong harap ni Angela.

Tumalikod na silang dalawa ni Samantha at nagsimula ng lumakad palayo pagkatapos na makatayo na din ni Angela.

"Sam, next time naman, please be more careful." ang may halong disappointment na sabi ni Leandro.

"Madaming tao sa daan Lean, what am I supposed to do?" ang depensa naman ni Samantha.

Nais sana niyang alisin ang kamay ng dalaga sa kanyang bisig ngunit ayaw naman niyang magtampo ito sa kanya. Magkababata at magkaibigan na sila ng maraming taon na dahil malapit sa isa't-isa ang kanilang pamilya. Hindi naman siya manhid upang hindi maramdaman na may gusto sa kanya si Samantha. Ngunit hindi niya kailanman hinayaan ang sarili na makalampas sila sa pagiging magkaibigan. Ayaw niyang mapasok sa isang relasyon at saka magsisisi sa huli. Dahil hindi niya dating kilala ang tunay na pag-ibig na siyang nagpapahirap ngayon sa kanya. Si Angela ang nais niyang maging unang karanasan sa lahat, at siya ding nais niyang maging huli.

Malapit ng magsimula ang unang klase ng makarating sina Leandro at Samantha sa building nila.

"Go ahead Sam, sunod na lang ako sa classroom. I need to go somewhere really quick."

"Okay Lean, I'll wait for you there." ang nakangiting si Samantha.

Nang nakalayo na si Samantha ay agad na naghanap si Leandro ng mahihiram na isa pang payong. At saka siya mabilis na bumalik sa kinaroroonan ni Angela na tiyak niyang naghihintay pa din sa pagtila ng ulan.

Habang palapit kay Angela ay malakas ang pagpintig sa loob ng dibdib ni Leandro. Walang katiyakan kung ang mabuting kapalaran ay aayon sa kanya. Isinara niya ang hawak na payong at lumapit sa harap ni Angela.

"Miss, about dun sa nangyari kanina. I'm really sorry na hindi ka man lang namin natulungan."

"It's alright naman, it's only two books at crowded naman dito."

"Here." at saka iniabot ni Leandro kay Angela ang isang folding umbrella. "I mean, the first class probably starts now at parang di pa titila yung ulan."

Nakaramdam ng pagkailang si Angela, lalo't nakatingin na sa kanilang dalawa ang ilang estudyante na naroon.

Nag-aalangang kinuha ni Angela ang payong na nasa kamay ng binata.

"T-Thank you."

"Can I walk with you?" ang nakangiting tanong ni Leandro.

Ayaw sanang sumabay ni Angela ngunit napilitan na din siya lalo't hindi naman sa kanya ang payong na dala. Nagmagandang-loob lang binata at nakakahiyang isipin kung siya pa ang lalabas na parang umiiwas.

Halos magkasunod nilang binuksan ang payong na nasa kamay nila at nagsimula ng lumakad na magkatabi. Kapwa sila may ibang nararamdaman ng sandaling iyon ngunit magkaiba ang dahilan. Ang kay Angela ay pangamba na baka makita siya ni Dan na muling kasama ang estudyanteng kanina lamang ay nasa iisa niya ng lamesa. Ang kay Leandro naman ay labis na saya dahil kasama niyang naglalakad ang dalagang pinapangarap niya.

"Do you remember me? Ako yung kasama mo kanina sa library." si Leandro na tumingin sa katabing dalaga.

Bahagyang tumingin din si Angela sa katabi, "Yes, I remember." ang maiksing tugon ng dalaga at saka muling ibinaling ang paningin sa daan.

Nang nasa Engineering Building na sila ay ibinalik na ni Angela ang folding umbrella sa binata.

"Thank you."

"I'm Leandro. But you can call me Lean." at saka inilahad ng binata ang kanang palad sa harap ng dalaga.

Hindi naman agad alam ni Angela ang gagawin at nanatili sa kanyang dibdib ang kanyang kanang kamay. Ngunit napilitan na ding gagapin ang kamay ni Leandro upang hindi naman ito mapahiya.

"Angela." at saka mabilis niyang binawi ang kamay mula sa binata na agad din namang binitawan ang kanyang kamay.

"Nice meeting you Angela." ang nakangiting sabi ni Leandro. Magaan na ang kanyang pakiramdam dahil opisyal na silang magkakilala ni Angela.

Marahang tumango lang si Angela kay Leandro at nagpaalam na din siya, "B-Bye." At saka mabilis na tumalikod si Angela upang puntahan ang kanyang unang klase.

Nakangiti namang hinabol ng tingin ni Leandro ang papalayong si Angela. At saka siya mabilis na nagtungo na din sa kanyang klase. Pumasok sa loob at humingi ng paumanhin sa kanilang professor. Naupo siya sa tabi ni Samantha na naglaan na ng upuan para sa kanya.

"Where have you been? Sabi mo ay saglit ka lang." ang naghihinalang mahinang tanong ni Samantha. Ayaw niya ng may kahati sa atensyon ni Leandro. Wala pang nagiging nobya ang binata at hindi siya papayag na may ibang aagaw kay Leandro mula sa kanya.

"Sam..." at napabuntunghininga na lamang ang binata. Kahit wala silang relasyon ay laging ganito si Samantha. "It's personal Sam, malalaman mo din."

Ipinangako sa sarili ni Leandro na gagawin ang lahat ng paraan upang lalo pa niyang makilala at makalapit ng husto si Angela. Kung masasaktan man si Samantha ay wala na siyang magagawa, dahil si Angela lang ang nag-iisang dalaga na pinakamahalaga ngayon sa kanya.

*****

Pagkatapos maghiwalay ng kanilang labi mula sa mainit na halik ay inilayo na ni Dan mula sa kanya ang basang-basa na ding katawan ni Christine. Ngumiti siya sa dalaga na napangiti na din sa kanya. Ngayong wala na ang init na kanila lamang ay bahagyang nakalukob sa kanila ay kapwa na nila ramdam ang malamig na hangin at ulan.

"Dan, we are soaking wet na, let's find a place where we can change our clothes." ang yakag ni Christine, wala ng dahilan para magtagal pa sila sa lugar na ito. Nasagot na ang tanong na nasa kanyang isipan. Mahal niya si Dan, tunay na pagmamahal na handa niyang ialay ang kanyang puso. Ngunit ang kanyang katawan ay mananatiling pag-aari niya. Siya ang magpapasya kung kanino niya ito nais na ibigay kapag tumatakas ang init sa kanyang katawan. Ang katawan niya ay maaari niyang ibigay sa iba, ngunit mananatiling kay Dan ang puso niya. Ito ang katotohanang nalaman ni Christine sa sarili. Kahit na anong mangyari, matukso man siya ay sila pa din ni Dan. Magkahati pa din sila ni Angela sa iisang lalakeng minahal nila.

Hinawakan ni Dan ang kamay ni Christine at mabilis silang naglakad habang naghahanap ng bukas na tindahan ng mga kailangan nila.

"Here Dan, thank God it's already opened." ang sabi ni Christine ng nasa harap na sila ng isang kilalang botique ng mga branded na damit at sapatos.

Kilala ni Dan ang botique na iyon, kaya nag-alangan siyang pumasok agad lalo't basang-basa sila ng ulan.

Napangiti naman si Christine sa nakitang reaksyon at alinlangan ng binata. Hinila niya si Dan papasok sa loob at agad silang naghanap ng mga kailangan nila.

Lumapit sa kanila ang isang saleslady na naka-uniforme ng maganda.

"Anything I can help you with, Mam, Sir?" ang magalang nitong tanong.

Kinuha ni Christine ang isang card mula sa kanyang clutch wallet at walang tinging ibinigay iyon sa babae. Natigilan naman saglit ang saleslady at saka ito tumawag ng isa pang mag-a-assist sa kanila.

Pagkatapos na makapagpalit ng damit ni Christine ay si Dan naman inasikaso niya. Ayaw niyang may ibang mag-aasikaso kay Dan maliban sa kanya. Dahil sa alam naman niya kung paano manamit ang binata ay mga simple at plain design lang ang pinili niya para kay Dan. Walang natirang luma sa kanilang dalawa ni Dan, mula katawan hanggang sa paanan ay bago ang kanilang suot.

May eleganteng payong na din silang gamit ni Dan na ibinigay sa kanila bilang regalo ng botique na iyon.

Si Dan ang may hawak ng payong at kanilang plastic bag ng pinagpalitan. Nakakapit naman sa kanyang bisig si Christine habang naghahanap ng maaari nilang susunod na pupuntahan.

"San tayo Christine?"

"Let's drink something hot muna Dan, I still feel cold."

Nagtuloy sila sa isang coffee shop at nag-order si Christine ng para sa kanilang dalawa. Habang umiinom sila ng kape ay laman ng isipan ni Dan ang pinag-usapan nila kanina ni Christine. Hindi niya ganap na nauunawaan ang suliranin ng dalaga. Na para bang sinadya ni Christine na ang katotohanan ay malihim sa kanya.

"Christine..."

Ibinaba ni Christine ang kopitang hawak at saka tumingin kay Dan.

"Tungkol dun sa napag-usapan natin kanina..."

"It's alright na Dan, let's stop talking about that. Everything is clear to me now." at saka ngumiti si Christine.

Huminga ng malalim si Dan, wala naman siyang magagawa kung ayaw na itong pag-usapan ng dalaga.

"Papasok ka pa ba sa school?" ang tanong na lang ni Dan.

"I'm not in the mood Dan at parang masama ang pakiramdam ko, so, pagkatapos natin dito. I'm going home na. But you need to go back, we both know naman na Angela is anxiously waiting for you. Lalo't alam niyang ako ang kasama mo." ang sabi ni Christine na may himig ng paglalaro.

"Christine..., handa naman akong maglaan ng panahon sayo. Gaya ngayon na magkasama tayo."

Muling ngumiti si Christine, "I'm fine Dan, don't worry about me. Besides, one week kang hindi pumasok sa school. You'll have a lots of catching up to do."

Iba ang pakiramdam ni Dan, parang may nagbago sa dalaga na hindi niya matukoy kung ano.

"Maagang matatapos ang klase natin bukas Christine. Gusto mo bang..., sumama sa akin?" Bagaman hindi nais na ipaalam ni Dan kay Christine na kailangan na niyang lumipat ng maaga ay wala siyang pagpipilian. Dahil parang may gumugulo sa isipan ng dalaga at gusto niya iyong malaman. Baka sakaling mag-open na ito sa kanya kung magkasama silang maghahanap ng bago niyang matitirhan bukas. Dahil mamayang hapon ay sisimulan na niya ang paghahanap ng tirahan at kadalasang hindi maganda ang resulta ng unang araw ng lakad niya.

"I'm grounded Dan, because of one week na pag-attend ko sayo sa hospital."

Natigilan naman si Dan sa naging sitwasyon ni Christine dahil sa kanya.

"Hey. I'm not mad at you Dan, okay? I'm just saying my current situation. Alam din ng parents ko ang sched ko kaya dapat nasa house na palagi ako on time. I know that it will be very difficult for both of us Dan. But let's wait na lang muna till everything cools down a bit. Because my parents threatened me na isang beses pa akong umuwi ng late ay ikukuha nila ako ng personal driver na laging naka-standby san man ako magpunta. I hate that idea, kaya wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa mga gusto nila."

"Nauunawaan ko naman." ang malungkot na sabi ni Dan, mami-miss niya din niya ng sobra ang sandali na magkasama silang dalawa ng sarilinan. Dahil kahit nais ni Angela na sila na lamang dalawa ay alam ni Dan na hindi pa sila handa ni Christine.

Hinawakan naman ni Christine ang kamay ni Dan. "I know you're going to miss it Dan, yung mga moments nating dalawa, because I'm gonna miss it too, badly. But the semester is about to end in a month, I'll focus muna sa studies ko."

Napilitang ngumiti si Dan, "Okay Christine."

Pagkatapos nilang ubusin ang laman ng kanilang kopita ay tumila na din ang ulan. Lumabas na sila at magkahawak kamay na naglakad patungo sa abangan ng sasakyan. Pumara si Dan ng isang taxi at kinuha naman ni Christine ang plastic bag na hawak ni Dan.

"I'm going Dan." ang paalam ng dalaga na humarap ng malapit sa binata.

Banayad na hinalikan ni Dan sa labi si Christine na ngumiti naman sa kanya.

Bago makapasok sa loob si Christine ay saglit siyang natigilan ng magsalita si Dan.

"Christine, alam kong wala ako sa sitwasyon mo. Kaya hindi ko alam ang eksaktong nararamdaman mo. Pero kapag dumating ang sandali na nais mo ng gawin ang sinabi mo sa akin na ayaw ng puso't isipan mo. Tanungin mo sana ang sarili mo kung tunay ka bang magiging masaya pagkatapos?"

Nakatalikod na tumango lang si Christine kay Dan at saka siya tuluyan ng pumasok sa loob ng sasakyan. Mabilis niyang pinaalis ang taxi na hindi na tumingin sa binata na alam niyang nakatingin sa kanya mula sa labas. Nang malayo na siya kay Dan ay saka niya pinalis ang luha sa kanyang mga mata. "I'm so sorry Dan, but I really can't help it now."

*****

Pagbalik ni Dan sa school ay nasa ikalawang subject na ang klase nila. Hindi na niya ito...

About the Author :

60  ·  56  ·  58  ·  4,824
 · 

Comments
L
lonereadervc
December 23, 2020 (30 days ago)

napaka-intense naman kahit wala pang ngyayari, thank u author, next na agad, sana byernes na.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

thank u din sa patuloy na pagbabasa, tingnan natin kung mas intense pa ang mangyayari byernes

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
December 23, 2020 (30 days ago)

hmmmn, seems someone is really going back to its own ways... sadly if such will be the case

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

thank you sir otkep, i hope each one of you respect my decisions kung saan ko nais na dalhin ang stories nila.

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
MisterND
December 23, 2020 (30 days ago)

Nice sir Van keep it up

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

thank you sir niks

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
leyash143
December 23, 2020 (30 days ago)

oh nice. but still cant  wait for the action scene of mika and arman. Hahahahaha 🤣😂

❀ᒪEYᗩSᕼ❀

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

papasok n si dan sa work so magkikita na ulit sila ni mika... at arcelle, lets see kung ano pang mangyayari sa restobar sa pagsapit ng gabi. thank u mam leyash

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Roockky
December 23, 2020 (30 days ago)

Tskk,  magppayare si christine kay brandon tapos,  si dan pa din ang mahal,  tsskkkkkk

When words fails…Music speaks… .

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

nangyayari naman talaga ang ganun kahit sa tunay na buhay, it's part or life minsan, we love our gf/bf, wife/husband pero mayroon pa ding pagtataksil na ngyayari, ibig bang sabihin na nawala ang love. o talaga lang malakas ang tawag ng tukso, thank you sir rock

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Dolpi0728
December 23, 2020 (30 days ago)

Ano kaya ang mararamdaman ni Dan 'pag nalaman nya ang larong gagawin ni Christine? Dahil gaya nya si Christine ay marupok din sa tukso. Masisisi ba nya ito? Baka ito na ang dahilan ng unti-unting paglayo ng damdamin ni Dan kay Christine at magkalamat ang pag-ibig na nararamdaman nya dito.

Nagsisimula na ang mga kumplikasyon na haharapin ng ating mga pangunahing tauhan. Nanghihinayang lang ako kay Christine pero wala tayong magagawa "She is what she is" pero dapat handa sya sa magiging consequence nito. Mas lalo tuloy kapanapanabik ang mga susunod chapters.

Salamat po Author

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

for sure na malulungkot si dan, pero tandaan natin na siya ang unang naging unfair sa kanilang lahat, kung hanggang saan aabot ang kanilang relationship dahil sa ibat ibang tukso ay malalaman natin pa sa mga future updates, yes, its going to be more complicated, thank u sir dolpi

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
cockadoodle
December 23, 2020 (30 days ago)

The best ka talaga idol. Thank you for the update.

I think, therefore I am. I think?

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

thank u din sir, keep on reading lang po

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
rair12val
December 23, 2020 (30 days ago)

Kaabang abang naman master
Ano kaya mararamdaman ni dan pag nalaman nya yung plano ni christine tsk.
Nakaka excite naman keep it up author

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

lets wait and see sir kung ano pang ma unfold sa bawat yugto ng kanilang buhay, thank you sir rai

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

Pa Hearts and Likes naman po sa story kung nagustuhan nyo po. Comment na din po,  to keep me motivated para po sa kasunod. Thank you.

VTM

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Donpechanga
December 23, 2020 (30 days ago)

Ayos siJessica naman, thanks sa update. Merry xmas. Yun pa din ba cp mo?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

Yun pa din po Sir, pero PM ko pa din po kayo. Thanks a much po.

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
Benz2566
December 23, 2020 (30 days ago)

Thank you sa Update Sir Van keep it up

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

thank u din, ill try n mag keep up, it depends naman sa interest ng mga readers

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jackstone
December 23, 2020 (30 days ago)

Sa hinuha ko, baka magkaroon pa ng threesome si Dan, Christine, at Brandon. Pero, papayag kaya si Dan?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

threesome is possible naman siguro, wait and see n lng kung kanino mangyayari if ever na magkatotoo, thanks sir jack

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kiteksmagic36
December 23, 2020 (30 days ago)

Promises, loyalty, unconditional love and cheating.

Salamat sa magandang update!
Team mika padin😍

properties dont matter, but performanced is really much better

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

Promises are there na siyang kapwa pinanghahawakan nina Angela at Christine, kaya dito pa lang, complicated na talaga. Unconditional Love ni Angela kay Dan while Christine is getting tempted by lust, dahil nais niyang maging fair ang situation niya kay Dan kahit love niya ito.

thanks din sir kite

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
ravedeacon
December 23, 2020 (30 days ago)

someone from past ang nagbalik ha.. si jessica.. mukhang magiging mas masalimuot na nman ang buhay ng ating bida

its better to burn out than to fade away

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

I look forward din sa magiging part ni Jessica sa malimuot at masarap na buhay pag-ibig ni Dan. thank you sir rave

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
PilyongPapa1220
December 23, 2020 (30 days ago)

Ayan na, may papalit na kay Mika at parang may panibagong tukso na naman ang lalapit kay Dan. Malayuan kaya nya ito? Mukha ring magkakaroon ulit ng bagong karibal si Dan kay Angela at si  Christine naman ay di na nakayanan pang iwasan ang tukso. Ano kaya ang mangyayari sa kinabukasan ng pag-ibig ng tatlo?  Yan ang aabangan natin!

Thank you sir Van_TM

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

Its possible na pumalit si jess, while mika is depress and kind of weak right now, grab n kaya ni arman ang opportunity , magkahulihan kaya ulit silang mag-asawa, si christine ay kaya tuluyan ng mahubaran at makuha ni brandon, darang na silang dalawa at kapwa sabik na sabik na, we shall sa mga susunod pang updates, thank you sir pilyongpapa

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
SisigAdobo
December 23, 2020 (30 days ago)

jess sya ba yung first love ni dan if i remember tama ba?? d nako makapagantay kay arman at mika hehe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

si jessica yung nurse na nag-asikaso kay dan habang one week siyang nasa ospital, ang name ng first gf ni Dan sa maynila ay never ko pang nasabi, thanks sir sisigadobo, langya, sarap na pulutan nan sir

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
cornets23
December 23, 2020 (30 days ago)

Nako yari ka kay jessica dan hahaha. Matagal tagal din syang naghintay ng pag kakataong makasama ka haha. Exit na kay mika pero kay jessica new delicacy

Jefferson

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

true, diba talagang nasabik si jessica kay dan, nawalan lang siya ng chance, pero mukhang dumating na yung moment na inaantay niya, thanks sir cornets

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
cornets23
December 24, 2020 (29 days ago)

Yung isa pang hinihintay ko si diana ba yun o danica kailangan ko basahin yung book 1 haha

Jefferson

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 24, 2020 (29 days ago)

"Ang batang pusong ni Diane" , magsing edad lang sila ni Khate .

Looking for motivation that is very difficult to find.

Like (0)  ·  Report
D
Dolpi0728
December 23, 2020 (30 days ago)

Tsaka malamang babawi si Jessica sa pang-iinggit ni Christine sa kanya bago lumabas ng ospital si Dan... hehehe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

malalaman natin sir kung makakaiwas b si dan sa panibagong tukso, lapitin talaga ...

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kuatog
December 23, 2020 (30 days ago)

hmmm teka sinong jessica? ikaw boss ha dami mo talagang bala di nauubusan...kaabang abang n nman ang mga susunod n kabanata....

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

remember the nurse na nag-asikaso at naging malapit kay dan habang nasa ospital siya, her name is jessica, thanks sir kuatog.

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kuatog
December 23, 2020 (30 days ago)

ah oo nga ung nurse na naiingit s salpukan ni dan at christine..haha mukhang may mangyayari din s kanila ... lintik lang ang walamg ganti hahaha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

jessica is nursing student, hindi p talaga siya nurse per se, it is mention naman n nag-init din siya sa ginawa nina dan at christine sa loob ng ospital, heto na kaya yung chance niya dahil mention din naman na may experience n siya kya lang ay nag break n sila ng bf niya.

Looking for motivation that is very difficult to find.

Like (0)  ·  Report
Batangpalaboy
December 23, 2020 (30 days ago)

More update sir van,,
Nkka excite plagi mg abang s next chapter,, hehe

Merry Christmas sir van,,

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

kung yung excitement sana ng mga readers ay makikita ko sa likes, hearts at comments ay mas nakakamotivate mag continue, pero mostly, mga hit and run, basa lang tapos abang n agad ng kasunod, hindi man lang makapagbigay ng reactions which is nakaka upset, thanks sir BP

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Redcrosx
December 23, 2020 (30 days ago)

Sana this time makapag pigil na si Dan at maging loyal na siya kay angela. Kapanapanabik.

Master van sana magawan mo din ng kwento si jenna, anf ate ni diana.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

mahirap sir n maging loyal si dan lalo't nasa simula p lng tayo, madami p ang tukso, like christine na nadadarang na din sa tukso, about naman kay jenna, more on erotic kasi kapag kay jenna like sa story ni diana, kaya mahihirapan talaga ako kapag pagsasabayin ko, thanks sir red

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
F
ferde_rine
December 23, 2020 (30 days ago)

Thanks sa update sir. Ah si jessica pala nurse.
Kaabang abang din un mangyayari sa friday. Kailan next update mo sir van?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (30 days ago)

yes sir, si jessica yung nursing student na naging kaibigan ni dan sa hospital, about sa update, wala n akong timeline sir, it depends sa engagement ng readers at personal kong motivation, kapag may ideas naman agad at motivated ako, within 2 days ay may update na, thank u sir

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Shotgun88
December 23, 2020 (29 days ago)

Thanks sa update sir...

Gagawin din ni Christine ang ginagawa ni Dan na nadadarang sa tukso...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 23, 2020 (29 days ago)

para patas lagng sila, iyon ang nasa isip ni christine, she loves dan pero deep inside her, she is upset na may kahati siya kay dan, so para maka-even siya, she will use brandon, it's fair lng sa tingin niya, napagbigyan pa niya ang nais ng katawan niya, thanks sir shotgun

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
E
eilchar123
December 23, 2020 (29 days ago)

for me! pag nalaman cguro ni Dan yan na yan ang laro ni Christine, na iintindihan ni dan cguro pero di mukhang mababawasan na nya ang pagka gusto nya kay Christine dyan nag kakamali si Christine sa kanyang desesyon. Mukhang masosolo na ni Angela si Dan?

ang Tanong mukhang di magkakatuluyan sina Dan at Christine or Angela? he he he he

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 24, 2020 (29 days ago)

kapag nalaman ni dan, magalit kaya siya? may karapatan ba siya gayung ganun din naman ang ginagawa niya? they love each other pero may restriction, unlike kay angela na unconditional love, if christine will pay the price, what is the price? about naman sa makakatuluyan talaga ni dan, let's wait and see na lang sa final chapter ng story ni dan, thank u sir eilchar

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mark_adolfo28
December 25, 2020 (28 days ago)

Hindi mo talaga masasabi kung sino ang para kay dan at makakatuluyan niya

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mark_adolfo28
December 25, 2020 (28 days ago)

Habang binabasa ko ito at napapaisip ako
Mapaglaro talaga ang pag ibig hindi mo alam kung sino ang totoong minamahalin natin. Minsan kailangan mo din makipaglaro sa kapalaran at habang nakikipaglaro ka doon mo lang malalaman kung ano at sino ka talaga
Nice author aabangan ko itong storya na ito

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
Kakaldac
December 30, 2020 (23 days ago)

Kailan po b babalik c dianne???

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 30, 2020 (23 days ago)

Diane is still 16, going 17, so after a year, kapag nakapag settle na sila sa US, who knows i-force nya yung parents niya na mag take siya ng vacation to visit some family and friends, pero ang totoong reason ay para makita niya ulit ang kanyang Kuya Dan, remember, Diane knows kung saan nag-aaral si Dan.

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Van_TheMaster
December 30, 2020 (23 days ago)

Chapter 8,  nira-rush ko ngayon , madami kasing scenes at nahihirapan na akong mag-isip, so may tanong ako sa inyo kapag nilatag ko na , pwedeng mamayang gabi or bukas ng umaga. Ito lang pinagkakaabalahan ko ngayong araw.

Looking for motivation that is very difficult to find.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments