M
E
N
U

Panaginip Lang Pala

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Fetish, Reluctance · Tags: , , ,
Date: December 22, 2020 (28 days ago)


Tik, tok, tik, tok...

Ang tunog ng orasan habang natutulog si Jon.

Tik, tok, tik tok...

"Hoy, gising na!"

"Jon!"

Malamig ang paligid at nanginging sa lamig si Jon habang nakapikit ang kanyang mga mata. Para siyang lumulutang sa ere, walang naramdaman kung di ang kawalan.

"Jon, bibigyan pa kita ng isang pagkakataon!" Tugon ng isang tinig na tumawag sa kanya.

"Wag ka nang malungkot, hindi ka iniwan, hindi kita hahayaan mabigo muli!"

Biglang nagising si Jon humihingal, nataranta at malamig ang pawis. Biglang nagising si Teresa na katabi nya. Nabigla siya sa nag hiningal na mukha ng kasintahan.

"Love, pawis na pawis ka. Ang lamig mo!" Kinuha ang kumot ng kasintahan at pinunas ito sa noo niya.

"Teresa!?" Sabi ni Jon na nabigla sa kanyang nakita.

"Paano?" Litong lito si Jon sa nangyayari.

Randam and natandaan nya ang karumal dumal na nangyari sa kanya. Natandaan din nya kung paano siya ginulpi, binastos at hiniya ng dalawa. Naghalo ang ibat ibang emosyon at humingal siya, sinubukan nya pakalmahin ang kanyang sarili. Inakala nya patay na siya pagkatapos nyang tumalon sa sapa.

"Love, namumutla ka na! Okay ka lang ba?" Nag-alalang sabi ng kanyang kasintahan.

Biglang tinulak ni Jon ang mga kamay ni Teresa palayo sa kanya.

"P-pasensya na..." Sinabi ni Jon at umalis sa higaan nilang magkasintahan.

"Gusto ko lang mapag-isa... sa ngayon..." Yumuko si Jon at pumunta sa kanilang sala at natulog doon.

Humiga uli si Teresa sa higaan, malungkot ang mukha. Parang mayroon siyang mabigat na dinala sa kanyang dibdib. Malungkot ang mukha ng babae at tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"Mahal... patawad..."

--------------------

Makalipas ang dalawang araw, naging kalmado na si Jon. Bumalik na siya sa dating gawi ng kanyang ka live-in na si Teresa. Siguro isa lang iyong bangungot, subalit parang totoo ang pangyayari at damang dama niya ang sakit sa katawan, sa puso at sa kanyang kaluluwa.

"Tandaan mo Jon, mayroon ka pang pagkakataong itama ang lahat!"

Isang mahinang boses ang kanyang narinig na biglang nagparamdam sa kanya ng pagkabahala.

"Totoo kaya na nagtaksil si Teresa sa akin? Sino kaya yung lalakeng iyon?" Gulong-gulo ang isip ni Jon.

"Pare! Kumusta?" Isang kamay ang biglang sumandal sa balikat ni Jon.

Nabigla si Jon at napaliyad palayo sa tao.

"Pare, para kang nakakita ng multo ah!" Sabi ng tao sa kanya.

"Marvin!?" Biglang sabi ni Jon.

"Oo, ako ito!" Ngisi ng kanyang kaibigan.

"Parang tulala ka ng mga nakalipas na araw ah?" Tanong ng kaibigan sa kanya, "Mayroon bang problema?"

Yumuko si Jon sa harap ng kanyang kaibigan, "Pare, may sasabihin ako sa iyo. Wag mo sana itong isabi sa iba..."

"Oo pare, promise! Di ko talaga ipagsasabi. Anong problema mo?"

"Ganito kasi..."

Sinabi ni Jon ang kanyang panaginip sa kaibigan. Biglang nakaramdam ng panginginig at pagkatakot si Marvin sa kanyang narinig.

"Pare, baka isa yang pamahiin..."

"Ganun ba...?" Tanong ni Jon.

"Ewan ko pare, sa tingin ko para kasing mayro...

About the Author :

N

Joined: September 27, 2016 (4 years old)
Writings: 7
Male  ·  Offline
Description:
Newbie writer, learning the ropes and all! Hope you'll enjoy the stories that I make. :)
3  ·  3  ·  2  ·  2,920
 · 

Comments
Roockky
December 22, 2020 (28 days ago)

Lahh kulang

When words fails…Music speaks… .

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
jackstone
December 22, 2020 (27 days ago)

Dec 22. Studies ba kamo, at 2-4 weeks pa¿

Dapat perpekto na eksamin mo, otor 😉

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
N
nonajk123
December 23, 2020 (27 days ago)

Heheheh, thanks! Kung mayroon lang sanang Christmas break ang online classes maaga ko siguro ma post yung finale. Try ko lang pagkatapos ng latest modules ko tapos mag post ako.

Thanks po pala sa pag subaybay! :)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments