M
E
N
U

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2] - Chapter 6 - Hold Me In Your Arms

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Reluctance, Romance · Tags: , , , ,
Date: December 19, 2020 (1 month ago)


Chapter 6

Malapit ng mag alas nuebe ng umaga ng muling bumalik si Mika sa kwarto ni Dan. Nakatapos na siyang maglaba at magsampay ay himbing pa din ito. Nakangiti siyang naupo sa gilid ng kama habang nakatingin sa binata. Nang hindi siya nakatiis ay nahiga na din siya sa tabi ni Dan at saka niya ito banayad na hinalikan sa labi.

Dahil sa kanyang ginawa ay marahang nagmulat ng mga mata si Dan.

"Ang sarap ng tulog mo ah, malapit na kayang mag-nine." ang nakangiting si Mika.

Ngumiti din si Dan kay Mika at saka siya muling pumikit.

"Konti pa, tuwing Linggo lang naman ako nakakabawi ng mahabang tulog."

Nagsimulang haplusin ni Mika ang buhok ni Dan, "Nakapaglaba na ako Dan, nakapagsampay na din, maglilinis na lang ng kwarto at magluluto mamaya ng tanghalian natin." ang naglalambing na dalaga.

"Huwag na kayong magluto ni Ella ng tanghalian, may mga dala akong pagkain kagabi. Magsaing na lang ng kanin." ang nakapikit pa ding si Dan habang nadarama ang masarap at banayad na paghaplos sa kanyang buhok.

"Saan nakalagay?"

"Kina Alyssa, ipinalagay ko muna sa ref nila para di masira."

"Saan galing?"

Ngunit hindi na sumagot si Dan, pinilit ang sarili na muling iminulat ang kanyang mga mata. At saka hinalikan sa labi ang katabing si Mika, "Bangon na ako, marami akong na-miss na subjects habang nasa ospital. Self-study na lang siguro ako maghapon." at saka siya bumangon na mula sa kama.

"Kunin ko muna yung agahan mo Dan, kumain ka muna bago ka magsimula."

"Salamat Mika." ang nakangiting si Dan. Nagtuloy na siya sa banyo upang ayusin ang sarili.

Nang makapasok na si Dan sa banyo ay saka bumalik si Mika sa kwarto nilang magkapatid.

"Mika, wala ka bang balak na ipamigay yung iba dito? Napakadami nito. Hindi naman ako masyadong mahilig sa matamis. Sayang lang kung masisira, malambot na nga yung iba?" si Ella habang hawak ang isang tupperware at doon na nakalagay ang mga chocolates na natanggap ng kapatid.

"Bigyan ko lang si Dan ng ilan baka gusto niya. Tapos magdala ka din Ate sa factory nyo at ipamigay mo sa mga kaibigan mo." ang sagot naman ni Mika.

"Hindi mo ba talaga kilala ang nagpadala nito? Mahal ang mga ito Mika, kahit yung mga bulaklak na kasama ng mga ito ay parang mamahalin din."

"Hindi talaga Ate, napapaisip din nga ako kung sino ang nagbigay. Ayaw ko talagang tanggapin dapat pero ipinilit sa akin ng guard."

"Ingat ka Mika ha, baka iba na ito." ang nag-aalalang si Ella.

Ngumiti lang si Mika sa kapatid, "Di naman siguro Ate, dati na naman akong nakakatanggap ng mga ganyan eh."

"Basta mag-ingat ka pa din." ang may diin na sabi ni Ella.

"Oo Ate, wag kang mag-aalala." at saka kumuha si Mika ng isang chocolate mula sa tupperware.

"S-Si Dan, gising na ba siya?" ang tanong ni Ella, hindi nais ipahalata sa kanyang bunsong kapatid ang magkahalong kaba at pananabik na makita ang binata. Ang binatang labis na nagpaligaya kay Mika na dahilan ng kanyang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanyang sariling katawan.

"Gising na siya Ate, wag na daw tayong magluto mamayang tanghali. May dala daw siya kagabi, magsaing na lang."

"Di mabuti, makakapagpahinga na tayo ng maaga."

Nagsimula na si Ella at Mika na maglinis ng kanilang kwarto, pagkatapos ay isinunod na linisin naman ni Mika ang kwarto ni Dan. Habang naglilinis ay hindi maiwasan ni Mika ang sarili na hindi masayang tingnan ang binatang abala sa pag-aaral. May halaga na din naman siya sa buhay ni Dan. Isang parte na siya ng buhay ni Dan na hindi na mawawala matapos man ang mga sandaling dahilan ng kaligayahan niya.

*****

Nasa loob ng paborito nilang refreshment bar ang mga kaibigan ni Christine na sina Cherry at Rose, kasama ng dalawang dalaga sina Carlo, Dave at James. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa insidenteng nangyari kay Dan.

Dahil ang alam nila ay kung ano ang napag-usapang dahilan nina Angela at Christine. Pinalabas na lang nila na may mga lalakeng nangursununada sa kanilang dalawa habang papasok sila sa school. Pinalad na naroon si Dan at sinita ang mga iyon. Nagalit umano ang mga lalake kaya inabangan si Dan sa paglabas, sinundan sa trabaho at doon sapilitang isinama upang gawan ng masama. Nang matapos ang mga lalake ay saka nila pinakawalan si Dan na puro pasa ang katawan.

"What's up with Angela and Christine? Bakit kailangan pa nilang magbantay kay Dan sa ospital? Don't get me wrong, I'm sad about sa nangyari kay Dan. Pero siya naman ang may kasalanan dahil nakialam pa siya. Kaya nga may guard na naka station sa may gate. I have no objection about kay Angela, yun ang personality niya talaga. But Christine is already engaged, she needs to be extra careful or people will talk about it." si Cherry na hindi maitago ang inis, dahil one week na nilang hindi nakakasama sa mga gala at happenings si Christine, idagdag pang ayaw nilang magkaroon ng problema si Christine ng dahil lang kay Dan.

Napailing na lang si Rose, uminom ng juice at saka siya naman ang nagsalita, "About that engagement, I still can't believe na Christine got engaged without us being there. I know it's a surprise even to her, but still, nakakainis lang ng sobra. Kay Dan naman, maybe naaawa lang sila dun sa tao. Since Dan is an orphan, walang mag-aasikaso sa kanya sa ospital. Besides, somehow, maybe they feel guilty na rin sa nangyari kay Dan.".

"Masyado lang kasing mapapel yang si Dan, pasikat siguro kina Angela. He deserves it, atleast yun lang ang inabot niya." ang inis ding si Dave.

"I have to agree with you Pare, dapat alam ni Dan kung saan siya dapat lumugar." ang segunda naman ni Carlo.

"Dave, may interes ka pa din ba kay Angela?" ang tanong ni Cherry.

Napabuntunghininga na lang si Dave, "I still like her, I really do. Pero napakahirap niyang i-please at ang hirap mag-setup ng lakad na kasama siya, and then this one guy shows up na parang boyfriend niya kung umasta. I don't know, I'm still undecided kung mag stop na ako kay Angela."

"Well, you have a point, that guy is so handsome, better than both of you ni Carlo. Sadyang mahihirapan ka." ang natatawang si Rose. "How about you Carlo? Christine is already engaged. Give up ka na din ba?" ang patuloy ni Rose.

"It's a hopeless case, so stop na talaga ako. It hurts my pride to be honest, but at least I have some sweet moments with her." na sinabayan ni Carlo ng tipid na ngiti.

"It's your fault Carlo eh, kung hindi mo na pinakawalan si Christine, and you handle her better. Baka sayo siya napunta. Imagine, both of you are almost there tapos ganyan pa ang nangyari." Si James na nakaramdam ng inggit at pagkadismaya sa kaibigan, dahil minsan ng naikwento sa kanilang dalawa ni Dave ang mga mainit na ginawa ni Carlo kay Christine.

"Guys, stop talking about her like that or lalayasan namin kayo dito. Have some respect naman kay Christine." ang may diin na sabi ni Cherry.

"I second that too." si Rose na hindi na din nakangiti.

"Sorry, hindi lang maiwasan, nakaka-frustrate lang kasi." ang hinging paumanhin ni Carlo.

"Carlo, Dave, I think it's time na para humanap kayo ng iba. Angela and Christine are already taken by guys better than both of you. Get over it na and make a fresh start." si Cherry na kay Carlo nakatingin at may ibang naglalaro sa kanyang isipan.

"I'll try, para maka-move on na din ako. Since next month na ang Campus Night, I need someone to be with me para sa gabing iyon." at saka nagpakawala si Carlo ng pilit na ngiti.

"How about you Dave?" ang tanong ni Carlo na kay Dave nakatingin.

"I don't know Pare, Christine is engaged but not Angela. She doesn't have a ring in her finger so I still have my chances. Bahala na." ang malungkot na tugon ni Dave. Matagal na siyang may gusto kay Angela at ngayon lang siya nahirapan ng ganito. Hindi madali sa kanya ang sumuko lalo't matindi talaga ang tama niya sa dalaga.

"Ikaw Rose, anyone in mind na gusto mong maging partner?" si Cherry.

"Sa Campus Night?" ang naniniyak na si Rose.

"Of course, diba yun na ang pinag-uusapan natin."

"As of now, no one. It's been a month na ng nag-break kami ng secret ex ko. Parang ayaw ko muna. Like Dave na lang siguro, bahala na. Ikaw?"

"You'll never guess." ang nakangiting si Cherry, uminom ng juice at saka muling tinapunan ng tingin ang nasa harap na si Carlo na sa labas naman nakatingin. Sinundan naman ng tingin ni Cherry ang tinitingnan ni Carlo at nakaramdam siya ng pagkainis.

"Guys, do you know them?" sabay turo ni Carlo sa grupo ng mga kababaihan na kanyang tinitingnan sa labas.

"Bakit, may type ka ba sa kanila?" ang natatawang si James.

"I like the girl in the middle." ang pag-amin ni Carlo, dahil sadyang maganda ang dalagang natipuhan.

"Ah, that's Samantha, classmate ko siya ng first year. Pero iba ang circle of friends niya." si Rose na nakatingin na din sa labas.

Ngumiti si Carlo kay Rose, "Can you introduce me to her?" ang preskong sabi ni Carlo na muling nagkaroon ng sigla.

Napailing naman si Rose, "Sorry Carlo. I know her, pero hindi kami close."

"Tsk, too bad then." saka muling tumingin si Carlo sa grupo nina Samantha na ngayon ay palayo na. Sa isip ay naroon ang masidhing pagnanais na makilala ang dalaga.

Si Dave naman ay patuloy lang na sa bote ng soda nakatingin habang nag-iisip ng malalim. Si Cherry naman ay halata ang pagkasuya dahil sa nakikitang pagkagusto ni Carlo sa dalagang sinunsundan pa din nito ng tingin. Di na din sila nagtagal pa sa loob at pagkatapos ay nagpatuloy na kanilang sa paggagala.

*****

Pagsapit ng tanghali ay nagpunta na si Dan sa bahay nina Alyssa. Ngunit wala doon ang dalaga at si Damian ang humarap sa kanya.

"Naihabilin na sa akin ni Alyssa yung ipinalagay mo Dan bago sila umalis. Pero maaari ba kitang makausap saglit."

"Sige po."

"Tuloy ka sa loob Dan, doon tayo sa kusina." si Damian na pinatuloy na ang binata.

Kinuha ni Damian ang kailangan ng binata mula sa ref at ipinatong iyon sa lamesa. Hinila ang isang upuan at pinaupo si Dan. Naupo na din si Damian pagkatapos.

"Dan, alam kong abala ito sayo pero wala kaming pagpipilian na mag-asawa. Sana ay maunawaan mo kami. Sa susunod na Sabado ay may darating kaming mga pamangkin na mula sa probinsya. Nais ng mga magulang nila na dito sila manirahan sa amin. Wala naman kaming bakanteng kwarto dito sa loob ng bahay kaya yung kwarto mo na lang ang ipapagamit namin. Biglaan kasi ito Dan, kaya pasensya ka na talaga." ang malungkot na paliwanag ni Damian, alam niyang hindi madali ito kay Dan ngunit wala siyang magagawa. Ito ang napagkasunduan nilang gawin ng kanyang asawang si Celia. Kaya nag-usap na silang dalawa kagabi pa na isama ni Celia ang dalawang anak sa labas upang makausap niya ng sarilinan si Dan.

"Naiintindihan ko naman po kayo." at saka huminga si Dan ng malalim, may suliranin na naman siya. Mukhang hindi na aabot ng pagtatapos ng semestre ang muli niyang paglipat ng tirahan.

"Pwede po bang bigyan nyo po ako sa ng isang linggo para po makahanap ng bagong tutuluyan." ang pakiusap ni Dan.

Tumango si Damian, alam naman niya ang sitwasyon ng binata, "Okay lang , sana ay makahanap ka agad. Pasenya ka na talaga."

"Ibabalik na lang namin yung isang buwan mong sobra na bayad. Para magamit mo din."

Napilitang ngumiti si Dan, "Salamat po."

Kinuha ni Damian ang plastic bag na nasa lamesa at iniabot kay Dan. Nagpaalam na si Dan sa kanya na ihinatid naman niya hanggang sa may pinto. Nang nakalabas na si Dan sa may gate ay napapailing na bumalik si Damian sa loob. Alam niyang hindi matutuwa ang panganay sa ginawa nilang mag-asawa ngunit ito ang marapat lang na mangyari.

Dumiretso na si Dan sa kwarto ng magkapatid at inilagay ang dala sa lamesa. Kinuha naman ni Mika ang mga laman niyon at isa-isang inilabas.

"S-Saan galing ang mga ito Dan?" ang tanong ni Mika kahit may hinala ng namamahay sa kanyang dibdib.

Ngunit hindi na sumagot si Dan.

"Lutong bahay ba ang mga ito?"

"Mika..." si Dan na tipid na ngumiti sa dalaga.

Natigilan naman saglit si Mika, saka nakuha ang ibig sabihin ni Dan. Pagkatapos niyang kunin ang mga pagkain ay ininit na niya ang mga iyon at saka ihinain para sa kanilang tanghalian. Habang kumakain sila ay hindi masyadong nagsasalita si Dan na ipinagtataka nilang dalawa. Dahil kanina lang habang kausap nila si Dan ay hindi naman ito ganito. Pagkatapos nilang kumain ay una ng nagpaalam sa kanila si Dan. Nang matapos si Mika sa pagliligpit ay iniwan na niya ang kapatid sa kwarto nila at pumunta sa kwarto ng binata.

Pagpasok ni Mika sa loob ay naabutan niya si Dan na muling abala sa ginagawa nitong pag-aaral. Ipinatong niya ang isang pitsel na may lamang malamig na tubig sa lamesa at saka niya hinila ang isang upuan at naupo sa tabi ni Dan.

"Dan..."

"Hm..."

"Galit ka ba sa akin?" ang malungkot na tanong ng dalaga.

Tiningnan ni Dan si Mika, binigyan niya ng isang ngiti ang dalaga at saka nagsalin ng malamig na tubig sa baso. "Bakit naman ako magagalit sayo?" , at saka siya uminom.

"Gawa kasi ng pagtatanong ko sayo kanina. Minsan kasi nagiging matanong talaga ako. Tapos naging tahimik ka ng bigla habang kumakain na tayo. Alam mo naman Dan na ayaw kong nagagalit ka sa akin." ang sabi ni Mika sa mababang tinig habang magkahawak ang dalawa niyang kamay.

Banayad na hinaplos ni Dan ang pisngi ng dalaga, "Mika, hindi yun ang dahilan.".

Pinatatag ni Dan ang sarili para sa mga salitang bibitawan na alam niyang magiging dahilan ng matinding kalungkutan ni Mika. Dahil ang nakikita niyang sitwasyon ni Mika ay ang siya ding naging katulad ng sitwasyon ni Diane.

Sa dibdib naman ng dalaga ay naroon ang hindi mawalang kaba lalo't nakatingin sa kanya ang malungkot na mga mata ni Dan.

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata, "M-Malapit na ba?"

Malungkot na tumango si Dan, "Isang linggo na lang Mika."

Mahigpit na yumakap si Mika sa katawan ni Dan at saka siya tahimik na umiyak sa dibdib nito. "A-Ayaw ko pa Dan..., gusto ko matagal pa."

Hinaplos ni Dan ang buhok ni Mika ng paulit-ulit. "Kailangan ko ng umalis Mika sa lugar na ito."

"D-Dannn..., a-ayaw ko pa talaga...", nag-angat siya ng kanyang luhaang mukha at saka siya lumuluhang nakiusap sa binata, "H-Hanggang dito na lang ba talaga tayo Dan?"

Walang ng salitang maibigay pa sa lumuluhang dalaga si Dan upang maglubag ang kalooban nito. Alam naman ni Dan na ito ay nakatakda ng mangyari at noon pa siya nakahanda. Ngunit bakit hirap siyang makalunok at ang pait ay nasa kanyang dibdib. Nasasaktan siya sa pagdurusang nararanasan ni Mika, ito ang katotohanan na kanyang nararamdaman.

Naghihinagpis naman ang kalooban ni Mika. Ngayon pa lang ay ramdam na niya ang hapdi ng nalalapit nilang paghihiwalay. Hindi na niya makakasabay sa pagkain at pag-uwi ang binata. Hindi na niya magagawa ang pagsisilbi kay Dan na isa sa kanyang mga kasiyahan. Paano ang mga gabing darating na hindi na niya katabi si Dan?

Nag-angat ng mukha si Mika at malungkot na ngumiti kay Dan, "Yakapin mo ako Dan".

Inilipat ni Dan ang kanyang kamay mula sa paghaplos sa buhok nito at saka niya mahigpit na niyakap si Mika.

"I love you Dan." ang buong pag-ibig na sabi ni Mika habang patuloy siya sa tahimik niyang pagluha. Lalayo na si Dan, ang kanyang pinapangambahang sandali ay dumating na. Hindi na magtatagal ay maghihiwalay na silang dalawa.

"Mika, minsan iniisip ko. Sa mga sitwasyong dumating sa aking buhay. Kung ano ba ang dapat kong ginawa upang wala ng lumuha pa? Ngunit ako ay ako Mika, isang bahagi ko na ang pagiging mahina sa tukso."

Mula sa dibdib ni Dan ay muling nag-angat ng paningin si Mika, hinaplos niya ang malungkot na mukha ni Dan na nakatingin ngayon sa kanya. "Walang taong perpekto Dan, ang lahat sayo ay tanggap ko maging ang iyong kahinaan. Dahil inibig kita ng buo, at wala akong pinagsisisihan. Nasasaktan man ako ngayon, pero naging bahagi pa din ako ng buhay mo. Sa isang tulad ko Dan, sapat na sa akin yun." at saka muling ngumiti ng malungkot si Mika.

Kanina pa nakabalik si Mika sa kwarto nilang magkapatid ay nakatingin pa din siya sa kawalan. Alam niyang nagdurusa ngayon si Mika dahil kanya na itong iiwan. Masakit din naman sa kanya, ngunit ang nais niya ay tuluyan ng tapusin ang relasyon...

About the Author :

Joined: April 21, 2020 (9 months old)
Writings: 70
Male  ·  Online
Description:
I'm a writer who tells stories about love, lust and life lesson.

In my life, I have a lots of regrets and painful decisions, and I live in my cold and lonely world. So I create different worlds, where my imagination can run wild and be as vivid as I want it to be , where desires and fantasies happens.

These are my worlds, and I am The Master.

Author of:

* Ako Si Diana
* Wedding Anniversary
* Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan
* Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan [2]
Websites: Signature Text:
PLease Donate to support my writings.
59  ·  63  ·  76  ·  4,293
 · 

Comments
dyrroth
December 19, 2020 (1 month ago)

comment muna bago basa..tagal ko ng inaabangan to eh...hahahah

your nude is safe with me..kaya send na..hahaha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

Thank you, madalas kasing pagod pag-uwi ko sa bahay. Pero like you Sir, I love the story so much kaya kahit nahihirapan ako, nagpapatuloy pa din. Ang hirap pang mag type, napalya na yung backspace ng keyboard ko. Napagod na yata sa akin katatype ko.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
dyrroth
December 19, 2020 (1 month ago)

nako kailangan na aya nyan palitan, ,hahaha goodluck lods..abangan ko ulet yung sunod..simula nung nabasa ko to lagi ko sinesearxh sa google baka my makita akong kasunod nun, ,katulad ng book 2..sa google ko lang nakita..

your nude is safe with me..kaya send na..hahaha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

have patience lang sir, paunti-unti, matatapos din natin ito at magkakaroon ng final conclusion ang story ni dan, kahit di k n mag google sir, 2 sites lang naman ako nag publish ng mga stories ko

PLease Donate to support my writings.

Like (0)  ·  Report
Nitz001
December 19, 2020 (1 month ago)

Okay na tung set.up eh.. baket authooor? 🙄🙄🙄 Si christine, iiwan na si Danny boy???.
Anyways.. may aabangan na naman kami neto! Same quality episode sir! 🤙🤙

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
dyrroth
December 19, 2020 (1 month ago)

hahaha pareho pala tayo ayaw ipamigay sa iba si christine...

your nude is safe with me..kaya send na..hahaha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

@ sir dyrroth - who doesn't, dahil we still feel na love niya si Dan, pero sometimes, lust and temptation ay mas matimbang, darating din ang time na magkakaharap silang dalawa, makakapagpigil pa ba si Christine, o hahayaan niyang mag take over ang init niya sa katawan.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
dyrroth
December 19, 2020 (1 month ago)

pano kaya kung umayaw na si christine tapos sya pala ang totoong mahal ni dan..hahaha try nantin pagulihin eksena...hahah si dan ngayon ang maghahabol sa kanya

your nude is safe with me..kaya send na..hahaha

Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

@ sir dyrroth - well, masalimuot ngayun kapag ngyari, yung klaseng reverse, si dan na maghahabol kay christine

PLease Donate to support my writings.

Like (0)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

Thank you for the feedback Sir, we shall see na lang sa mga future updates. Christine is on the verge, she loves Dan, pero pangalawa lang siya at alam niyang may kahati siyang iba. Sa personality naman, since Book 1, alam naman natin kung paano siya maglaro bago at pagkatapos niyang nakilala si Dan.  Love or Lust, heart or body, lets wait and see.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Roockky
December 19, 2020 (1 month ago)

Nakakawa naman yun bida,  papalayasin na sa bahay,  mawawalan p ng chixx, nabugbog na nga eh,  tapos  madedehado pa,  sarap ipalapa sa anino ng kamatayan ang mga kontabida hahaha

When words fails…Music speaks… .

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

somehow naman, nakakalamang pa din si dan, sa ibang part nga lang, ano kayang naghihintay pa sa kanya? new house or apartment, bagong mga kakilala na naman. may surprise pa kayang naghihintay? thank you sir for the feedback

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
war10ckkantotero
December 19, 2020 (1 month ago)

salamat sa update sir. . . inaabangan ko talaga to. . keep it up. .

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

Thank you din sir sa patuloy na pagbabasa.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
PilyongPapa1220
December 19, 2020 (1 month ago)

Mukhang nababawasan ang mga tukso sa buhay ni Dan, pero ang mga karibal naman ay nadadagdagan. Oo nga sayang talaga si Christine kaya lang di rin naman n'ya kayang ipaglaban si Dan gaya ni Angela. Ang nakakaawa talaga ay si Mika baka sa sama ng loob bumigay kay Arman.

Mas lalong nang nagiging complicated na ang sitwasyon ni Christine tuluyan na kayang n'yang iwan si Dan at magparaya na lang sa kaibigang si Angela?

Nakakasabik na talaga ang mga susunod na kabanata!

Thank you si Van_TM

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

Nice insight Sir, Christine is at the moment na natutukso na siya, but it is still clear na she still loves Dan. Kay Mika naman, nasa iisang workplace pa din sila ni Dan so magkikita pa din sila. Mika still got her chance na muling makapiling si Dan pero Arman is also after Mika, so everything is a little complicated talaga. Thank you Sir.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kuatog
December 19, 2020 (1 month ago)

mukhang natutukso n c christine kay brandon...at c mika e masasaktan ng todo s pagalis ni dan..magkakaroon din ng ayaw s pagitan ni alyssa at magulabg nya..mahaba haba pang serye to..salamat sir van the legend...👍👍👍👍

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

temptation is everywhere naman, kung tuluyan ng magigising sina brandon at christine na naked in the morning ay nakadepende pa din kay christine. mika is all alone now, weak and brokenhearted, baka may chance na si Arman, one last time na pagtataksil, and yes, alyssa will not happy about it for sure once na nalaman niya ang nangyari. mahaba pa sir ito talaga, maybe 40 or 50 chapters all. Thank you Sir Kuatog.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Shotgun88
December 19, 2020 (1 month ago)

Yun may update uli sir parang nagpapaalam na si Christine at naghehello naman si Lean Sana sir van huwag mo Alisin si Christine sa story at mukhang si Khate ang bagong Karibal ni Angela kay Dan Alam mo na yung sibling in tandem hahaha

Thanks sa update ulit sir excited na susunod mong kabanata kay Dan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

Christine will always be there, she is integral to the story. I can't imagine this series without her. Yes, she can be swayed by lust and temptation, but she as she said, will always love Dan no matter what. Like Angela, Christine will always be part of the story.

Wala pang conclusion ang story ni Dan, let's not assume about that the  pairings were done, nasa chapter 6 pa lang po tayo ng sa tingin ko ay napakahaba pang story ni Dan.

Thank you sir.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
O
otkep
December 19, 2020 (1 month ago)

may mga namumuong tanong:

ganito na nga lang ba kababaw ang pag-ibig ni Christine na hindi kayang daigin ng puso ang dating nakaugalian? asan na ang kanyang binitiwang pangako?!

who will be with whom sa campus night? may pag-amin o pagbubulgar kayang magaganap?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

it's not mababaw naman, it's actually deep, pero sa buhay ng tao,minsan kahit gaano mo kamahal ang asawa mo, or GF mo, natutukso ka pa din, thats the reality of life.

my wife told me na ako lang ang mahal niya, then I realized na walang forever

sa campus night, lets wait and see. thank you sir otkep

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
Kakaldac
December 19, 2020 (1 month ago)

Next po... Medyo climatic n po kc...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

nasa chapter 6 p lng tayo sir, marami pang mangyayari, thank you.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jackstone
December 19, 2020 (1 month ago)

It’s a nice segue to make Christine fade away.

Para naman may chance si Ella, Samantha, Alyssa, at iba pang babae kay Dan.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

christine and dan relatioship may strain, but christine will always be a part of the story. she may take a backseat once in a while, pero she will be there . thank you sir jack

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
tony4u
December 19, 2020 (1 month ago)

Again Sir Van the best story mo , Good Author

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

thank you sir tony, for the support.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kiteksmagic36
December 19, 2020 (1 month ago)

Owww..my micas heart fell!

Hmmm..maybe christine needs to open up sa iba, sa taong magbibigay ng naibibigay nya sa iba? Right?

But anyway..more complicated..more stories! Thanks!

properties dont matter, but performanced is really much better

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

it's sadden me too, let's see sa kung ano pa ang naghihintay kay Mika, christine on the other hand, is natutukso na din, she loves dan, but , the flesh is weak, it's still far from over, wala pa pong conclusion ang story ni Dan. Thanks Sir Kite

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
leyash143
December 19, 2020 (1 month ago)

im more looking forward dun kay mika at dun sa asawa ng boss ni dan. kinda ntriguing kasi. 😅

❀ᒪEYᗩSᕼ❀

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

thank you mam ashley sa patuloy na pagbabasa, mika and arman? malapit na sila magkaroon ng interaction, kung hanggang saan aabot, we shall see n lng po sa mga future updates

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
E
ecchimanga
December 19, 2020 (1 month ago)

Idol ok lng po ba kahit load lng maitulong ko palagay nlng po number mu sorry pandemic kasi pag mayanan lng sana ako deserve ka bigyan ng malaki dahil maganda story mu at biĺang pasasalamat na rin pinagbigyan mu ako dati na lagyan to ng hot sex scene

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

malaking tulong din sir yung kahit pang data ko lang, pero dahil sa bawal mag post ng mobile number sa stories, pwede naman po akong i-pm ng mga nagnanais po na tumulong.

thank you sir ecchimanga

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
E
ecchimanga
December 19, 2020 (1 month ago)

Idol try mu rin ito e post sa wattpad my ibang readers then dun nag bbgay kunti sa mga authors lalo na authors na apektado sa pandemya request nlng then po sana maka gawa kau ulit tulad ng story mu ni diana dun sa wattpad pwedi kahit d age 18 gamitin at marami rin mahihilig dun na oldermen bka maraming tutulong sayu try mu lng po salamat pero sana wag ka mag bago idol gaya nung isang author na sumikat tapos d na libre mga sulat or hinto nya na ata story yung bantay sa computer shop

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

naisip ko nga din na gumawa ulit ng stories na more on erotic like ng "ako si diana", kasi may mga nagre-request din, pero baka lalo akong mahirapan kung dalawang stories ang pagsasabayin ko, let's see na lang, since may concept na sa isip ko

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Batangpalaboy
December 19, 2020 (1 month ago)

I like the story boss idol,, at yong twist sooo good,, hnde kylangan ni dan mging mka sarile, my promise sya s parent's ni angela,, si Christine hnde nya kya iwan ung kyamanan nya kpalit ng pag,ibig,, hehehe😁😁👌👌more power author,, more update,,

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

well, ang alam ni dan ay sila pa din ni christine, pero di niya alam na gaya niya, darang na din si christine sa iba, pero love ni christine si dan, willing din siyang mag compromise, hindi pa nga lang ngayom dahil may angela na mas matimbang sa puso ni dan, thank you sir for the nice insight

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Shadowxx18
December 19, 2020 (1 month ago)

Awww. Si Christine naman yung Nauna talaga at Ginusto ni Dan e Bago si Angela. Pero Iba kase Yung Love ni Angela for Dan. Pero Si Christine kase talaga Favorite kong Character dito Sir Van. Sana Bigyan mo pa ng Magandang Exposure ai Christine dito. Pero Si Mika kase Unconditional yung Love nya. Tas May Allysa pa. At may Mga madadagdag pa. Hayyssst Kawawang Dan. Kahit ako nasa Kalagayan nya. Walang Itulak kabigin sa mga Babaeng yun e. Pero sana Humaba pa to Sir Van. Sana Madame pang mangyare.
Anyways Sana wag kang Tamarin na Ipagpatuloy ang Series na to Kase madame nag aabang neto e. Tsaka Sana plss Wag ka naman Dumepende sa Comments. Madame den kaseng Silent Reader e. Kagaya ko. Keep Safe po At Godbless

3 Cheers For Sweet Revenge

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

Christine is an integral part of the story, so she will be there. She may take a backseat once in a while pero di siya mawawala. Remember, ang unang Catlleya ay para sa kanya. At dalawang Cattleya notes lang ang sinusulatan ni Dan. Ang original title ng series na ito ay "Alaala ng Isang Cattleya", naka post ito sa Blog section that time pero dahil sa kakaunti ang nagbabasa at dahil na din sa non-erotic. Kaya binago ko ang title at nilagyan ko ng mga maiinit na eksena.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

About dun sa part na tatamarin, 3 factor talaga yan, una, time, naghahanapbuhay ako, pagod na din pag-uwi ko sa bahay, ikalawa,  ideas, kahit gusto ko ng mag start ng next chapter, pero wala naman napasok sa aking isipan, so nade-delay talaga,  ikatlo, motivation, ang hirap maggawa ng stories na pansin mong walang engagement ang readers, hindi naman mahirap mag click ng Likes or Hearts, or even Comments, magtatype nga lang. Para malaman ng writer na naa-appreciate ng mga readers yung story na ilang oras niyang pinaghirapan ng walang bayad , since hindi naman ako palagi nakakareceive ng donation.

thanks sir shadow, sana po ay naging clear sa inyo ang struggles ng isang tulad ko.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
mrsai200
December 19, 2020 (1 month ago)

ang ganda po ng bagong ninyo na update

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

thank you sir, keep on reading lang po, marami pa po surprises sa mga future updates.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bebeko
December 19, 2020 (1 month ago)

Maganda ang pagkakalahad mo ng kwento, author. Keep it up.

"Freedom is absolutely necessary for the progress in science and the liberal arts." - Baruch Spinoza

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

Thank you Sir, sana nga po patuloy ako maka-keep up.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
cornets23
December 19, 2020 (1 month ago)

Dangela parin.
sana  matanggap na ng puso ni christine si brandon.
Para d na sya mahirapan at ganun din sa sitwasyon ni angela at dan na nahihirapan kung kailan ba talaga silang dalawa nalang.
Yung tatay ni angela parang may pinaplano nanaman. Abangan ko next update. Hehe akala ko ngayong update yung mga  plano ng tatay ni angela

Jefferson

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

the plan is simple, be discreet sa kanyang nais na paghiwalayin ang anak at si dan, the question is how? brandon and christine romance? lust lang siguro kay christine dahil si dan naman ang love niya talaga, we shall see

thank you sir.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
Sexulido
December 19, 2020 (1 month ago)

This series is the only reason na bumabalik pa ako sa site na to.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

thanks a much sir, I'm honored because of that, pero madaming magagandang one shot and series dito sa FSS, like yung mga gawa ni Sir Cloud9791, Mam Coleen (LouiseMaria), etc,

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Redcrosx
December 19, 2020 (1 month ago)

Team mika parin ako all the way kasi walla na si dianne. Sana magkaroon ng pag asa silang dalawa.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

Mika is still part of the story, we shall see na lng kung matutuloy ba yung nais ni Arman sa kanya, or magkakaroon na ng chance si Alex, about Diane, she is still 17 at this point, so wait and see na lang, thank you sir red

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
Puloboys
December 19, 2020 (1 month ago)

Silent reader I  like your stories like Ako si Diana inaabangan ko rin ang bawat chapter nito it's another nice story Sir keep it up

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

thank you sir for reading all of my stories, hopefully, kapag natapos na yung story ni dan, makagawa ulit ako ng gaya ng story ni diana

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
rair12val
December 19, 2020 (1 month ago)

Nalulungkot ako para kay christine shet
Anyway quality na quality talaga kwento mo master inaabangan ko talaga to at kahit matagal ang labas expected ko na maganda to, keep it up author i know maraming suliranin sa buhay pero naisasabay mo pa to salamat master

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

lahat naman ng in favor of christine will be sad talaga, but she is still who she is, she loves dan, pero natutukso pa din, kung magaganap ba ang nais ni brandon na angkinin si christine upang tuluyan ng maging kanya ay ang malalaman natin sa mga future updates

thank you, tuloy lang ang laban sa hamon ng buhay

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
N
no-id
December 19, 2020 (1 month ago)

Mahirap na masarap ang buhay ni Dan. Paano b maging Dan kahit minsan lang 😁😁.

Team MikaDan ako author dahil sa pinamamalas nya na pagmamahal k dan, kay Angela I hope mas maging possesive p xia k Dan.

Ang prob malaki, pag nagkabukingan na.

Salamat author keep it up and more power. Tc and gbu

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 19, 2020 (1 month ago)

yun ang kanyang masarap na kapalaran na may kasamang sumpa ng pagluha, kung ano ang mas makakahigit sa dalawa ay nasa pagtatapos ng kanyang story. mika is a likeable character naman talaga, like diane, unconditional love sa piling ng lalakeng mahal nila,

thank you din sir and Godbless

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M69wood
December 20, 2020 (1 month ago)

Ito na ata ang pinaka magandang storya/series dito sa FSS.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 20, 2020 (1 month ago)

Thank you, it's an honor na kahit kakaunti lang nagbabasa ng mga stories ko ay may ilan sa inyo nag consider na isa ang series na ito sa the best na nabasa ninyo.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mark_adolfo28
December 20, 2020 (1 month ago)

Ang ganda ng storya, palagi kong inaabangan yung story mo boss

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
December 20, 2020 (1 month ago)

thank you sir mark, keep on reading lang po, matatapos din natin ang story ni dan.

PLease Donate to support my writings.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Dolpi0728
December 21, 2020 (1 month ago)

Mahirap talagang lumagay sa katayuan ni Dan ramdam ko yung kanyang mga struggle ayaw nyang masaktan pa si Mika, ayaw din nyang mawala si Christine at higit sa lahat gusto nyang matupad ang pangako nya kay Angela. Isang mabigat na problema na sana lang ay di makaapekto sa pag-aaral at scholarship nya. Kasi ito lang isang bagay na di kayang pantayan ng kayamanan ng mga karibal nya at maging ng Daddy ni Angela.

Pero teka, san kaya magpapalit ng mga nabasang damit si Dan at Christine? Sa bahay ba ni Dan o sa bahay ni Christine? Hmmm.

Excited na sa susunod na chapter! Hehehe... Salamat po Author!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
M
Migz_29
December 26, 2020 (29 days ago)

Damn,  ang galing mo idol sana ganito din ako kagaling mag sulat ng kwento. 🔥🔥🔥

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments