M
E
N
U

THIRD PERSON

MAKALIPAS ANG APAT NA TAON...

Maagang nagising si Natalia dahil sa hindi naging maayos ang kanyang tulog kagabi. Bumabalik pa rin ang mga pangyayari noong araw na umalis ang kanyang Mommy Michelle para mangibang bansa.

Muntik na niyang hindi maalala na sa eksaktong araw pala na ito ang naging alis ng kanyang ina. Apat na taon... oo... apat na taon pala ang nakalipas simula ng lumisan ang kanyang ina.

Walang araw na hindi niya naaalala ang kanyang ina. Sa unang dalawang taon ay sadyang napakahirap sa kanila ng kanyang Daddy Zandro ang pamumuhay na wala ang kanyang ina.

May mga pagkakataon noon na halos hindi niya mapigilang umiyak araw-araw dahil sa pangungulila dito lalo na kapag tatawag ito o di kaya ay magbi-video call.

Pansin rin niya ang kalungkutang naidulot nito sa kanyang ama na minsan ay nakikita niyang kinakausap ang larawan ng kanyang ina.

Hindi sila sanay na wala ang ilaw ng kanilang tahanan ngunit unti unting nagbago ang lahat makalipas ang apat na taon.

Dahan dahan na niyang nakakaya ang mga bagay bagay dahil sa palagi siyang pinapayuhan ng kanyang ina na magpakatatag lalong lalo na ang kanyang ama.

Labing apat na taong gulang pa lamang noon si Natalia nang lumipad papuntang United Kingdom ang kanyang ina para tanggapin ang alok doon bilang Head Nurse sa isang malaking ospital.

Ngayon, siya ay dise otso anyos na. Malungkot man isipin ngunit hindi nakadalo ang kanyang ina sa simpleng debut na inihanda ng kanyang ama para sa kanyang wastong pagdadalaga.

Naintindihan naman niya ang kanyang ina at wala siyang galit o anumang tampo dito dahil nasa ibang bansa ito para sa kanilang pamilya, para sa kanya at sa kanyang Daddy Zandro.

Nasa Senior High na ngayon si Natalia o "Talia" na minsan ay tawag sa kanya ng mga malalapit na tao sa kanya lalong lalo na ang kanyang Mommy at Daddy.

Minsan nga ay hindi maiwasan ng kanyang Daddy na kuwentuhan siya kung gaano kabilis ang takbo ng panahon at ngayon ay dalagang dalaga na siya anya pa ng Daddy niya.

Nag –iisa lang kasing anak si Natalia ni Zandro at Michelle. Hindi na nasundan dahil sa nasa ibang lugar ang kanyang asawa at apat na taon na itong hindi nakakuwi dahil sa tawag ng kanyang trabaho doon bilang malaki rin ang katungkulan nito.

Maagang nabuo ni Michelle at Zandro si Natalia. 18 taong gulang noon si Michelle habang si Zandro naman ay 19 taong gulang.

Nasa unang taon sa kolehiyo noon si Michelle nang ipagbuntis niya si Talia samantalanng nasa ikalawang taon naman si Zandro.

Highschool sweethearts noon ang mag-asawa. Kahit na sinasabing babaero itong si Zandro ay napatunayan naman niya ang pagmamahal niya kay Michelle na "No Boyfriend Since Birth" bago ito niligiawan ni Zandro.

Mapusok, mainit, at maalab ang naging pagsasama ng dalawa na siyang bumuo sa supling na di nila inaasahan ngunit hindi naman sila nagsisisi.

Hindi nila plano noon ang makabuo sapagkat nasa kolehiyo pa lamang sila ngunit ang matinding pagmamahalan ang naging sanhi upang mabuo nila ang kaisa-isa nalang anak.

Hindi naging madali sa ina noon ni Natalia ang pagpapaalam sa mga magulang na buntis ito at lalo na ang ipaalam na si Zandro ang ama ng kanyang dinadala.

Tutol kasi ang mga magulang ni Michelle kay Zandro. Mayaman ang pamilya ng kanyang ina samantalang katamtaman lamang ang estado ng buhay ng pamilya ng kanyang ama.

Ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi ipagpatuloy ng kanyang mga magulang ang kanilang pagsasama lalo na mas napatunayan nila sa kanilang mga sarili na mahal talaga nila ang isa't isa mula nang mabuo nila si Natalia.

Tumigil muna panandalian si Michelle sa kanyang pag-aaral upang mas matutukan ang kanyang pagbubuntis samantalang ipinagpatuloy naman ni Zandro ang kanyang pag-aaral upang madali nitong matapos ang kanyang kurso at mabigyan agad ng magandang buhay ang kanyang mag-ina.

Kahit pa nagbuntis si Michelle ay hindi pa rin nawawala ang kagandahang taglay nito. Kahit na saan ito magpunta ay sadyang nililingon pa rin ito ng mga kalalakihan.

Saksi ng kagandahan nito ang mga larawan sa mga photo album na kanyang natipon mula sa kanyang pagbubuntis hanggang siya'y manganak.

Hindi rin naman nakaligtas sa mga tukso si Zandro sapagkat napakaguwapong lalake nito. Matangkad, matipuno, makisig, at makarisma ito na siyang nakapagpapahalina sa mga kababaihan.

Ngunit mas malakas ang pagmamahal nito kay Michelle lalo na at magkaka-anak sila. Alam ni Zandro na panandalian munang hindi mapupunan ang kanyang pangangailangan bilang isang lalake dahil sa estado ni Michelle.

May mga tuksong sumubok na lumapit sa kanya subalit hindi nito nadaig at natupok ang pagkatao ni Zandro.

Sa tulong ng kanya kanyang magulang nina Michelle at Zandro ay nakatapos ang dalawa sa kolehiyo.

Naunang natapos ni Zandro ang kanyang kurso na Business Administration at pagkatapos ng dalawang taon ay natapos din ni Michelle ang kanyang kursong Nursing.

Hindi naman nahirapan na maghanap ng trabaho si Michelle dahil sa angking galing at talino nito. Si Zandro naman ay pumasok muna sa BPO Industry dahil ito ang mas naunang oprtunidad na pumasok sa kanya.

Nang maging labing apat na taong gulang nga si Natalia ay napagpasiyahan na ni Michelle na mangibang bansa dahil sa laki ng oportunidad na binigay sa kanya ng hospital na kanyang pinagtatrabahuhan.

Nanatili si Zandro sa kanyang trabaho sa BPO at nagpasya ring umalis matapos ang mahigit tatlong taon.

Ang plano nila noon ay pagkatapos ng dalawang taon ay susunod si Zandro at Natalia kay Michelle ngunit biglang nagbago ang ihip ng panahon.

Nanatili na lamang sa Pilipinas si Zandro at naintindihan naman ni Michelle iyon sapagkat mas matutukan nito ang kapakanan ng kanilang anak.

Hindi makauwi si Michelle noon dahil sa bago pa lamang siya sa kanyang trabaho at mas kinakailangan pa niyang patunayan ang kanyang sarili kaya napapalya minsan ang pag-uwi niya.

Hindi lingid kay Natalia na nagkakatampuhan minsan ang kanyang mga magulang dahil sa mga pagkakataon na hindi nakakauwi ang ilaw ng kanilang tahanan.

Unti unti na ring nasanay ang mag-ama sa kanilang kalagayan na malayo si Michelle sa kanila ngunit hindi iyon naging dahilan upang masira ang kanilang pagsasama bagkus ay mas lumalim pa ito at naging matatag.

Hindi nagkulang si Zandro sa pagbibigay ng atensiyon at alaga kay Talia. Mabuti nalang at nakakatulong niya ang kanyang kapatid na si Elaine sa pag-aalaga kay Natalia maging sa mga gawaing bahay.

Lumipat ng trabaho si Zandro matapos siyang umalis sa dating BPO Company na kung saan siya nagtatrabaho at nakahanap naman siya agad ng kapalit dito at nakuha siya sa isang Advertising Company na kasalukuyan niyang pinapasukan mahigit isang taon na rin.

Napapansin ni Natalia na kung dati rati ay malungkutin ang kanyang ama ay ngayon ay bumalik na ulit ang sigla nito.

Hindi na nito napapabayaan ang sarili at nanumbalik ang pagkahilig nito sa gym. Dati pa namang maganda na ang katawan ng kanyang Daddy ngunit mas naging kapansin pansin pa ngayon ang ikinaganda at ikinamacho nito.

Madalas na din ang kanyang outing kasama ang mga kaibigan sa trabaho lalong lalo na si Jordan na kilala na ni Natalia dahil madalas tong kasama ng ama niya kapag may outing activities sila.

Kahit noon pa man na hindi pa masyadong naggi-gym si Zandro ay maganda na ang hulma ng kanyang katawan dahil sa Varsity din ito noong araw at aktibo pa rin ito sa sports.

Hindi maitatangging napakaguwapo ni Zandro kahit nasa 37 taong gulang na ito ay napagkakamalan pa rin na nasa 26 taong gulang lamang ang edad nito kahit na may asawa at anak na.

Medyo may pagka singkit ang mga mata ni Zandro. Moreno ang kulay ng balat ngunit hindi sunog dahil sa napakinis na dating nito na mas nagpapadagdag sa lalaking lalaki na anyo nito at walang tulak kabigin na pagiging maskulado.

Nakakatawag pansin din ang tangkad niyang 5'11 at ang Polynesian tattoo na nakamarka sa kaliwa niyang braso.

Kapag nagjo-jogging ito at nakasuot lamang ng loose sando at gym shorts ay hindi maikakaila ang pagka-akit ng mga babae at binabae kay Zandro.

Simple lang dati ang Daddy niya kung mailalarawan ni Natalia ngunit nakapagtataka ang biglaang pagbabago nito simula nang lumipat ito sa bago niyang pinapasukang trabaho.

Halos 3 araw rin sa isang linggo kung mag-usap sila ng Mommy niya sa tawag o di kaya naman ay sa video call ngunit napapansin na din ni Talia na iba ang kausap ng kanyang ama sa phone o di kaya ay sa video call.

Ayaw niyang paghinalaan ang kanyang ama dahil sa sapantaha niya ay mga kaibigan lang nito ang kausap o di kaya naman ay mga kliyente sa kanyang trabaho.

Napagpasyahan na ni Natalia na bumaba na matapos ang mahabang oras na ginugol niya sa pagbabalik tanaw sa makalipas na apat na taon na kanilang karanasan na wala ang kanyang ina na si Michelle.

NATALIA

Matapos kung maligpit at maisaayos ang aking kuwarto ay nagpasiya na akong bumaba dahil naaamoy ko na ang niluluto ni Tita Elaine sa baba.

Sa nakalipas na apat na taon ay si Tita Elaine na ang naging karamay at katulong ni Daddy dito sa bahay.

Nakakatatandang kapatid siya ni Daddy Zandro. Bale apat silang magkakapatid: si Tita Elaine na panganay at nag-iisang babae na nasa 43 taong gulang, si Tito Ford ang pumangalawa na nasa 40 taong gulang, si Daddy Zandro ang pangatlo na nasa 37 taong gulang at ang bunso na si Tito Marcus na nasa 33 taong gulang.

Lumabas na ako ng aking silid at dahan dahan kung tinungo ang kusina para tulungan si Tita Elaine sa paghain ng pagkain.

Masaya kung niyakap sa likod si Tita kasabay ng pagbati ko ng magandang umaga rito.

"Good morning Tita! Ang bango naman niyang niluluto mo. Sigurado akong marami nanaman akong makakain nito,"ang paglalambing ko kay Tita habang nakaakap pa rin ako sa kanyang likuran.

"Naku! At binobola mo nanaman akong bata ka. O sige na! Pumunta ka na doon sa lamesa at ihahain ko na itong mga pagkain nang makapag agahan na tayo,"ang nakangiting tugon sa akin ni Tita.

"Si Papa po ba hindi pa bumababa?"ang pagtataka kong tanong kay Tita.

"Ayy di ka na ginising ng Papa mo. Maaga siyang umalis kasi nga daw may isang client meeting siyang pupuntahan. Importante nga daw. Hindi na nga nakapag agahan sa pagmamadali eh,"ang paliwanag sa akin ni Tita.

"Ah ganon po ba. Ang aga na po kasing umalis ni Papa nitong mga nakaraang linggo. Minsan naman po ay masyado na rin siyang late umuwi. Nagkakasalisihan na nga po kami eh tsaka minsan wala ng time,"ang may himig ng kalungkutan ay bumalot sa aking boses habang nagpapaliwanag kay Tita.

"Eto naman o, nagtatampo ka nanaman ba sa Papa mo? Intindihin nalang natin siya sa ngayon kasi nga bago pa lang siya sa pinapasukan niya diba? Mag-iisang taon pa lang siya diyan. Sigurado ako na pinagbubutihan niya lang ang kanyang trabaho para maganda iyong records niya."

"Hayaan mo, mag-seset tayo ng araw na makapag-bonding kayo ng Papa mo. Gusto mo iyon?"ang pagpapasaya sa akin ni Tita.

"Yes, Tita! I would really love that to happen. Si Mommy din kasi medyo madalang rin this week kung makipag video call or di kaya naman ay tawag dahil busy rin sa work niya,"ang masayang pahayag ko ngunit napalitan agad ng lungkot ng maalala ko si Mama.

"Huwag ka na malungkot. Andito pa naman ako. Di ka ba masaya na nandito ako?"ang himig ng pang aalo sa akin ni Tita para mabawasan ang lungkot na nadarama ko.

"Of course Tita, sobrang saya ko na andiyan ka para sa akin. You're like a mother to me. Hindi ko nga alam kung anong gagawin namin ni Papa kung wala ka eh. And, sobrang thankful din ni Mommy na andito ka for us,"ang pagpapasalamat ko kay Tita sabay yakap sa kanya.

Bago pa kami magkaiyakan ni Tita ay pinagsaluhan namin ang agahan na kanyang inihanda.

Wala talagang kupas si Tita when it comes to cooking. Hindi ko naman siya kinokompara kay Mommy dahil iba't ibang distinction sila lalo na sa pagluluto.

I just hope na andito rin si Papa Zandro para sabayan kaming kumain, ngunit iyon nga, nagiging busy siya sa kanyang trabaho these past weeks.

Matapos mag-agahan ay tinulungan ko si Tita na magligpit tsaka ako naghanda para pumasok sa eskwelahan.

Timing naman na handa na ako at papaalis na papuntang university nang dumating si Katrina o mas tinatawag kong "Kat." Siya lang naman ang nag-iisa kong bestfriend for the past years.

Naging magkaibigan kami ni Kat simula pa noong junior high school years namin. Siya lang naman itong palaban at talagang walang inuurangan na kaibigan ko. Kabaligtaran ako ni Kat kung susumahin.

"Hi bes! Hi Tita! Good morning!"ang bati ng matinis na boses ni Kat sa aming dalawa ni Tita.

"O! Kat hija! You're here. Sayang, napaaga ka sana para nakasabay ka sa aming mag breakfast nitong si Talia,"ang wika ni Tita Elaine.

"Naku! Thank you Tita. Pero, okay lang po. Nag breakfast na po ako sa bahay. Sinulit ko lang na andoon sina Mom and Dad kasi parang once in a blue moon lang talaga kami kung magsabay kumain sa bahay,"ang masayang tugn ni Kat.

"Wow. Himala bes at nakasabay mo si Tito David and Tita Racquel,"nagulat din ako sa sinabi dahil puto out-of-town business trips and meetings ang pinagkakaabalahan ng mga magulang ng best friend ko kaya di niya halos sila makita.

"Yeah. Kaya nga I took the opportunity of having a breakfast with them. By the way, how's Tito Zandro?"ang pagtatanong ni Kat.

"Ayy naku hija huwag mo ng tanungin itong si Talia kasi hindi namin nakasabay kanina dahil sa nagmamadalin ang Papa niya sa trabaho. Mukhang nagiging busy na rin,"ang pagpapaliwanag ni Tita.

"Don't worry Bessie, huwag ka ng malungkot I'm here for you. Sabay na tayong pumasok sa school?"ang pagpapagaan ng loob ni Kat sa akin.

"Mabuti pa nga sabayan mo na itong si Talia. O siya, baka ma late pa kayo,"ang sabi ni Tita Elaine.

"We'll go now Tita. Ingat po kayo,"ang wika ko kay Tita Elaine sabay yakap sa kanya na ganoon rin ang ginawa ni Kat.

Sabay nga kaming pumasok ni Kat sa university. As usual, sa sasakyan niya ako nakisabay with his akmost every day driver slash body guard na si Kuya Rigor.

Habang nasa sasakyan papuntang school ay inisip kong tawagan si Papa kung sasagutin ba niya ang phone para man lang makapag good morning ako sa kanya. Ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. Nasa meeting na ata siya.

Nag send nalang ako ng message sa kanya, baka sakaling mabasa niya at tawagan niya ako. Kahit simpleng tawag lang masaya na ako doon.

"Hey, Papa! Good morning! Hindi ka na naman namin nakasabay ni Tita sa breakfast. Hope you're day is doing well. Call me kapag di ka na busy. Love you! Mwuaahh!"

Pagkatapos kung tinipa ang mensahe na iyon at sinned ay timing naman na ang sasakayan namin sa entrance ng school.

Isinilid ko na sa bag ko ang aking phone at nag ready na para sa isa nanamang araw sa unibersidad na ito.

THIRD PERSON

Talia Sweetie calling...

Kanina pa nagri ring ang cellphone sa may ibabaw ng lamesa ngunit hindi ito alintana at pansin ng dalawang katawan na sarap na sarap sa pangbabanggaan sa ibabaw ng lamesa.

...

About the Author :

Joined: June 7, 2020 (7 months old)
Writings: 3
Male  ·  Offline
Description:
Sex is more than an act of pleasure, it's the ability to be able to feel so close to a person, so connected, so comfortable that it's almost breathtaking to the point you feel you can't take it. And at this moment you're a part of them.
Websites: Signature Text:
UragonFox
10  ·  7  ·  12  ·  5,641
 · 

Comments
M
MangPaeng
December 5, 2020 (1 month ago)

Thanks much Sir UragonFox for the update. It’s getting hotter every update. More please! 👍😊

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
Sexia
December 5, 2020 (1 month ago)

I love the flow of the story.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Stibayan
December 5, 2020 (1 month ago)

Thanks author.. Waiting agad sa next.

Ttbayan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Gailoves
December 6, 2020 (1 month ago)

Ganda😍umpisa pa lng pasaburg na.. Pak na pak❤️
Sundan agad otor, pls.

TRY ME!😉

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BlueSky
December 6, 2020 (1 month ago)

next chapter story naman ni Michelle kung pano sya ginagangbang ng mga amo nya or kabet nya sa ibang bansa 😂

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
marvin41
December 22, 2020 (27 days ago)

otor pa update, Nakaka excite ang kwento 2nd chapter palang pero ang ganda na ng flow....

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
marvin41
January 10, 2021 (8 days ago)

anong nangyari ganda ng storey wala nang update.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments