M
E
N
U

Sex Note 4

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Mind Control, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy · Tags: , ,
Date: December 2, 2020 (1 month ago)


Sex Note Guide #2:

The writer needs to think of the persons' faces while writing their real names in order for it to be a valid entry.

======

Kinabukasan ay naging abala si Gerald dahil may natanggap itong trabaho. Maghapon sya sa harap ng computer dahil rush ang pinapagawa sa kanya.

Nakaramdam sya ng pagkalam ng sikmura. Pagtingin sa oras ay mag-aalas sais na pala.
10AM pa sya huling kumain.

Nagpasya syang itigil muna ang ginagawa at naghalungkat ng makakain sa kusina. Kaso puro instant noodles lang ang meron sya.

Kaya bumaba sya ng building at nagpunta ng 7-11.
Dumirecho sya ng warmer at kumuha ng dalawang siopao. Tapos sa fridge naman ay kumuha sya ng isang Mug Root Beer.

Habang nasa pila ay napansin nya ang isang bagong crew ng convenient store. Katabi ito ni Kim na isa ding crew na matagal na doon at naging kabatian nya na rin.

Nang sya na ang nasa unahan ay binati nya si Kim.

"Hello Kim! Kamusta tayo ngayon?"

"Sir Rald! Eto, maganda pa rin! Hahaha!" Masiglang sagot ng kahera.

"Dinner mo na ba to?" Tanong nito sa kanya habang pina-punch ang pinamili nya sa cash register.

"Ahm... Late lunch saka early dinner." Sagot ni Gerald.

"Ay grabe... Di ka pa naglunch?" Tanong muli ng kahera.

"Di pa eh. Nasubsob sa trabaho. Pagtingin ko sa oras, six na pala... Uy, may bago kayo?" Pag-iiba nya ng topic.

"Ay, Sir Rald, si Jenna nga pala. Bagong trainee ko." Pakilala nito sa dalagang katabi nya.

"Hi Jenna!" Bati ni Gerald.

"Jenna, si Sir Gerald. Single din yan..." Biro ni Kim.

"Hi Sir!" Bati rin sa kanya ng bagong crew.

Nakita ni Gerald na medyo nagblush si Jenna.

"Sir, dine-in ba o take-out?" Si Jenna ang nagtanong.

Lumingon si Gerald sa likuran at tiningnan kung may bakanteng lamesa. Sakto naman na walang masyadong tao nung oras na yun.

"Dine-in na lang. Para di na ko magbitbit." Sagot ng binata.

Matapos makuha ang pinamili ay pumwesto na si Gerald sa isang bakanteng mesa. Nakaharap sya sa direksyon ng counter kaya't nasipat nyang mabuti yung bagong crew.

Maliit lang itong babae. Medyo malaki at bilugan ang mga mata na may mahahabang pilik-mata. May kamukha ito na madalas nyang makita sa facebook.
Inisip nya kung sino yun pero di nya maalala yung pangalan.

Kaya kinuha nya yung phone nya at hinanap yung isang friend nya na mahilig magshare ng mga ganung vids. Di nagtagal ay nakita nya rin yung hinahanap nya.

Tiningnan nya yung mukha ng babae sa video tapos ay yung mukha ni Jenna.
Magkamukha nga silang dalawa.
Si Jenna at si Bella Poarch.

Napangiti si Gerald tapos ay kumagat ng siopao...

Nang maubos nya ang pagkain ay masinop nya itong niligpit at pinunasan ang mesa. Tapos ay itinapon ang sariling basura sa tamang tapunan. Dahil balahura ang mga taong basta-basta na lang iniiwan yung mga basura at pinagkainan nila sa lamesa.

Naglakad sya papuntang estante ng mga chichirya at kumuha ng ilang dadalhin pabalik ng kanyang apartment.

Yakap nya ang apat na malalaking chichirya nang may kumalabit sa kanya.

Paglingon nya ay may isang lalaking di nya kilala ang nakangisi sa kanya. May hawak itong limang balot ng Choc-Nut.

Mabilis nyang sinipat ang itsura nito.
Mukhang nasa late 40s to early 50s ang edad nito. Pero ang porma ay pang 90s hip-hop.
Nakapantalong maluwag at t-shirt na malaki at may suot pa na bonet sa ulo na may Yo! na tatak at dark shades. May malaking silver chain na kwintas din ito na may malaking pendant na dollar sign.

"Isama mo na to dyan. Bayaran kita pag nakaluwag-luwag." Sabi nito sa kanya.

Napakunot ang noo ni Gerald.

"Sino ka?" Tanong niya dito.

"Ako to..." Sagot ng estranghero sabay angat ng shades.

Nakita ni Gerald ang pamilyar na mga mata ng kaibigang demonyo.
Di na sya nagsalita.
Ipinatong ng demonyo ang mga Choc-Nut sa ibabaw ng mga chichiryang yakap ng binata.

"Una na ko. Hintayin ko yan dun ha..." At naglakad na palabas ang demonyo.

Si Gerald naman ay napapailing na naglakad papuntang counter at inilapag doon ang lahat ng bitbit. Tapos ay kumuha din ng ilang inumin sa chiller.
Matapos magbayad ay bumalik na sya sa kanyang building..

Pagpasok nya ng apartment ay nakahilata na si Asmodeus sa sofa at nanonood ng TV.

"Pasalubong ko?" Sabi nito sa binata.

Hinalungkat ni Gerald ang mga pinamili. Tapos ay inihagis ang isang balot ng Choc-Nut sa kaibigan.

Di ito sinalo ni Asmodeus. Bagkus ay huminto lang ito sa ere. Tapos ay kusang bumukas ang balot nito. May isang bar ng Choc-Nut ang lumabas mula dito at kusang binalatan ang sarili. Tapos ay bumagsak sa sahig ang balat at ang laman naman ay lumutang papasok sa nakabukang bibig ng demonyo...

"Hmmmm! Ang sarap talaga nito... Gusto mo? Bili ka ng sayo! Bwahahahahah!" Halakhak ng demonyo...

Maya-maya ay...

"Uhurrmmm! Uhurrkk! Gwaarrkkkk!" Nabulunan ito sa kakahalakhak.

"Nyahahahah!" Si Gerald naman ang natawa...

Matapos itabi ang mga pinamili ay bumalik na sa trabaho ang binata.

Lampas alas diyes ay nakaramdam muli ito ng pagod at gutom kaya nagpasya munang magpahinga.

Tumayo sya para kumuha ng chichirya pero nang mapatingin sya sa may gawing sofa ay nakita nya ang kalat na ginawa ng demonyo. Andun lahat ng mga pinagbalatan nito ng Choc-Nut.

"Huy! Iligpit mo naman yang kalat mo!" Sita nya dito...

Tiningnan lang sya saglit nito. Tapos ay ibinalik ang tingin sa TV.
Inangat nito ang isang kamay at ipinitik ang daliri.
Sa isang iglap ay nawala lahat ng kalat sa sahig.

"Yan... Ganyan... Teka, san mo naman dinala yung mga basura?" Tanong ng binata.

"Dun sa lungga ni Belphegor. Nyahahahah!" Sagot ng demonyo.

Belphegor... Pamilyar kay Gerald yung pangalan na yun pero di na sya nagtanong..

Napalingon sya sa TV at nakita ang pinapanood nito. Tom and Jerry.

Kinginang demonyo to! Mahilig sa Choc-Nut at Tom and Jerry. Sa isip-isip ng binata...

=

Kinabukasan ay tinapos nya na ang tinatrabaho dahil kinailangan nyang puntahan ang paupahan nila dahil may problema daw.

Sakay ng kanyang motorsiklo ay kulang-kulang isang oras ang byahe mula apartment building na tinitirahan nya papuntang dati nilang bahay na ngayon ay paupahan na nila.

Bago umalis ang mga magulang nya papuntang Canada ay ipinagiba ng mga ito ang dating bahay at pinatayuan ng bagong gusali.
May kalakihan ang lote nila kaya't napagkasya dito ang isang gusaling may dalawang palapag na hinati naman nila sa tatlo.

Sa ibaba ng gusali ay tatlong business spaces na kasalukuyang may mini grocery, parlor at water refilling station.
Sa itaas naman ay tatlong apartments.

Ang nangungupahan sa una at pangalawang pinto ay siya ring may-ari ng mini grocery at water refilling station sa ibaba.
Ang pangatlong tenant naman ay isang bagong maybahay at isang taong gulang nitong anak. Ang mister nito ay nagtatrabaho sa barko.

Ang tumawag sa kanya na may problema ay ang may-ari ng water refilling station. Kaya't ito ang agad nyang pinuntahan.
Mga trabahador lang ang kasalukuyang nandun kaya't dumirecho sya sa itaas at kumatok sa gitnang pinto.

Pinagbuksan naman sya agad at bumungad sa kanya ang ginang na nangungupahan dito.

"Rald! Tuloy ka!" Anyaya sa kanya ni Mrs. Reyes.

Tantya nya ay nasa late 30s si Mrs. Rose Reyes. May dalawa itong anak na lalaki. Ang isa ay nasa high school na at ang pangalawa ay alam nyang sampung taong gulang dahil nakadalo pa sya sa birthday nito ilang buwan lang ang nakaraan.

Tumuloy si Gerald sa loob at pinaupo sya ng ginang sa sofa. Inilapag naman nya ang bitbit na helmet sa katapat na lamesita.

"Ano po bang problema?" Tanong ni Gerald.

Kasalukuyan namang nasa kusina si Rose at nagsasalin ng softdrinks sa baso.

"Kasi Rald, may mga pumunta dito kahapon na taga-munisipyo daw. Kailangan daw i-test yung tubig dito..." Sagot ng ginang.

"May certificate na tayo dito di ba? Napakita mo ba yun?" Ang binata...

"Oo. Ipinakita ko nga yun. Kaso may kailangan pa daw na ibang certificate bukod dun. Kasi yung certificate daw na meron tayo ay pang residential lang. Yung for business daw ay iba. Lalo na sa business namin na drinking water." Paliwanag ng ginang.

"Ganun po ba? So para sa business permit nyo po iyon? Di ba po dapat kayo na ang sasagot nun?"

"Baka naman Rald na pwedeng kahit hati tayo. Tutal mas malaki naman yung renta nung mga nasa baba. Halos doble yung singil mo samin dun." Pakiusap ng ginang habang inilalapag ang inumin sa lamesita.

May katwiran nga naman ang ginang. Mas malaki ang singil na renta nila sa tatlong business spaces sa baba samantalang halos kapareho lang naman ang laki nito sa mga apartments sa taas.

"Magkano po ba ang kailangan para dun?" Tanong ni Gerald.

"Nasa 12k daw. Kasama na lahat dun. Then after a week daw makukuha na yung certificate." Sagot ng ginang.

"Naku. Ang laki po pala. Na-verify nyo na po ba sa munisipyo yan? Baka po scam lang yan."

Sagli...

About the Author :

Joined: October 1, 2020 (3 months old)
Writings: 51
Male  ·  Offline
Description:
Isang kilong lamok
Kalahating ulo ng pinitpit na bawang
Isang katamtamang sibuyas na hiniwa pahaba
Kalahating kutsaritang pamintang buo
Tatlong dahon ng laurel
Kalahating tasang toyo
Kalahating tasang suka
Isang kutsarang asukal na pula (opsyonal)
Siling labuyo (opsyonal)

Pagsamahin lahat ng sangkap sa isang kaserola o kawali. Pakuluan hanggang maluto ang lamok at lumapot ang sabaw.
Pwede rin lutuin hanggang matuyo ang sabaw.
Signature Text:
Fffzzzzzzzzzzz.. ffzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!
12  ·  7  ·  14  ·  3,493
 · 

Comments
Roockky
December 2, 2020 (1 month ago)

Ayos ang alaga mo brod,  low maintenance,  keep on writing sir,  maganda yan,  may halong comedy,  erotic,  at fantasy,  napakagal9ng..

When words fails…Music speaks… .

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
AdobongLamok
December 2, 2020 (1 month ago)

Maraming salamat boss. I will try to update as soon as I can.

Fffzzzzzzzzzzz.. ffzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
MarkLee21
December 2, 2020 (1 month ago)

Thank you author, godbless

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
AdobongLamok
December 2, 2020 (1 month ago)

Thank you rin sir.

Fffzzzzzzzzzzz.. ffzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
December 2, 2020 (1 month ago)

nice niceee nung nakita ko notebook, sabi death note to ah. ahhahaha
nice story lods keep it up.
meanwhile......



kailan ko kaya matitikman ang adobong lamok hmm.

MessyMind💖

Like (0)  ·  Report
AdobongLamok
December 2, 2020 (1 month ago)

I know you... Thanks for dropping by. :)

Fffzzzzzzzzzzz.. ffzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
Jerry_Dela_Torre
December 2, 2020 (1 month ago)

Yes po.  Sulat lang on your own pace para quality parin.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments