M
E
N
U

Sa Huling Paglubog Ng Araw

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags:
Date: November 23, 2020 (1 month ago)


"Rosie, bilisan mo! Naiiwan na nila tayo!" Tawag ni Vincent sa kababata.

"Ang bibilis nyo naman! Ayoko na!" Maktol ng munting paslit. Huminto ito sa pagtakbo. Tumalikod at naglakad pabalik.

"Rosie! Ano ba?!" Walang nagawa ang binatilyo kundi balikan ang kababata. Humarang ito sa harapan ng nagmamaktol na paslit at payukong ibinaba ang katawan.

"Lika na..." Anyaya nito.

Nagliwanag ang mukha ng paslit at agad sumampa sa likuran ni Vincent.

Tumayo ang binatilyo at mabilis na tumakbo para makahabol sa ibang mga kalaro na papunta ng munting burol. Ang paboritong palaruan ng mga magkababata.

Tuwang-tuwa naman si Rosie habang nakasakay sa likuran ng paboritong kalaro...

Isa lang ito sa maraming eksena sa alaala ng magkababatang sina Rose Ann at Vincent.
Limang taon lamang si Rose Ann dito habang si Vincent naman ay labing isa.

Anne ang totoong palayaw ni Rose Ann pero mas gusto syang tawaging Rosie ng kababata. Dahil daw mapupula ang mga pisngi nito...

===

After 7 years...

Sabay na naka-graduate ang magkababata. Si Anne sa elementary samantalang si Vincent ay sa high school.

Kapos sa pera ang pamilya ni Vincent. Pangatlo siya sa anim na magkakapatid at panganay sa mga lalaki. Kinailangan nitong huminto ng dalawang taon sa pag-aaral at tumulong sa ama sa bukid kaya naman nahuli ito sa pag-graduate. Nagpatuloy lamang ito nang gumanda ang ani at medyo nakabawi na sa kakapusan sa buhay.

Isang simpleng salu-salo lang ang meron sa bahay nila Vincent noong araw na yun. Pansit, isang buong lechon manok at juice. Pero masaya sya dahil makakapag-kolehiyo na rin sya sa susunod na pasukan.

Bago magsimula ang kainan ng pamilya ay naghiwalay muna si Vincent ng pansit at isang hita ng manok. Inilagay sa tupperware at itinabi...

*

Sa bahay naman nila Anne ay may malaking handaan.
Isa sa kilalang may kaya sa lugar ang pamilya nila dahil ang kanyang ama ay engineer sa Saudi at pagmamay-ari din nila ang pinakamalaking tindahan sa nayon.

Nag-iisang anak lamang ito at nataon na andun ang kanyang ama kung kaya't pinagkagastusan talaga nilang mag-asawa ang pagtatapos ng anak sa elementarya.

Bukod dun ay second honor din ang anak nila kaya't talagang proud ang dalawang magulang.

Nagpa-catering pa sila kaya kumpleto mula sa tolda, mga lamesa, silya at may mga lobo din.

Isang buong lechon baboy, pansit, spaghetti, lumpiang shanghai, fried chicken, beef caldereta, relyenong bangus, embutido, chopsuey, fruit salad, leche flan, sapin-sapin, puto, cake, juice at softdrinks ang pumupuno sa mahabang lamesa sa malawak na bakuran ng pamilya ni Anne.

Bukod sa pamilya at kamag-anak ay imbitado din ang mga kalaeo nito at mga kapit-bahay nila.

Nasa kalagitnaan na ng pagsasalo nang dumating si Vincent. Bitbit ang asul na plastic bag na naglalaman ng tupperware kung saan nilagay ang itinabing pansit at hita ng lechon manok.

Nakita agad sya ng ama ni Anne kaya't nilapitan sya nito at inakbayan.

"Vincent! Pasok ka! Kumuha ka ng plato dun tapos kumain ka na..." Anyaya ng ama ni Anne. Iginiya sya nito papuntang lamesa.

"Salamat po, Mang Fred. Si Rosie po?" Si Vincent.

"Andun sa loob. Kanina ka pa hinihintay. Teka, tatawagin ko. Kumain ka na dyan.. Wag ka mahihiya." Sabi ni Mang Fred sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay.

Halos malula si Vincent sa dami ng pagkaing nakahain sa mesa. Dinaig pa nito ang fiestahan.
Nakaramdam sya ng hiya sa bitbit nyang kaunting pansit at isang pirasong hita ng lechon manok.

Maya-maya ay may narinig syang tumawag sa kanya.

"Vincent! Congrats sayo!" Masayang bati ni Anne sa kanya.

Nakasuot ito ng magandang bestida at suot pa ang medalya at mga ribbons na iginawad sa kanya sa pagtatapos ng elementarya.

"Uy, thanks! Congrats din sayo! Wow ang dami mong awards!" Nakangiting bati din dito ng binata.

"Hehe... Thanks din! Bakit di ka pa kumukuha ng pagkain? Kumain ka na. Kumuha ka ng kahit ano jan."

"Ah. Busog pa ko. Naghanda din kasi si Nanay sa bahay. Dumaan lang ako para i-congratulate ka."

"Ay... Sige na... Kahit konti lang." Pagpipilit ng dalaga. Napatingin ito sa bitbit na plastic bag ng binata.
"Ano yang dala mo?" Tanong nito.

"Ah, ito? Ah... Pinapaabot nga pala to ni Nanay kay Aling Precy. Dumaan lang muna ako dito para batiin ka. Hehe." Pagdadahilan ng binata. Tapos ay mahigpit na ibinuhol ang hawakan ng plastic bag.
"Sige na, Anne. Mauuna na ko. Ihahatid ko pa to."

"Ganun ba? Ayaw mo talaga kumain?" Lumungkot ang ekspresyon ng dalagita.

"Babalik ako dito pagkahatid ko nito. Pramis!" Sabi ng binata.

Umaliwalas naman bigla ang mukha ni Anne.

"Talaga? Pramis yan ha. Hihintayin kita. Pag di ka bumalik, di na kita kakausapin kahit kelan."

"Oo. Babalik ako agad. Sige, alis muna ako." Naglakad na paalis ang binata.

"Sige. Ingat... Balik ka ha." Pahabol ng dalagita.

"Oo. Bye muna..." Kaway ng binata sa kababata.

Kumaway din ang dalagita...

===

After 6 years...

Taliwas sa inaasahan ay di na nagawang pag-aralin si Vincent ng kanyang mga magulang sa kolehiyo. Gustuhin nya man na pag-aralin ang sarili ay di nya magawa dahil mas kinailangan sya sa bukid.

Si Anne naman ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo. Mas lalo itong gumanda at nagsisimula nang umaligid dito ang mga binata sa lugar nila.

Di naman nagbago ang relasyon nila ni Vincent. Napakalapit pa rin nila sa isa't-isa. Siya ang madalas na naghahatid at nagsusundo dito dahil nasa bayan ang pinapasukan nitong unibersidad.

Malaki kasi ang tiwala sa kanya ng mga magulang ng dalaga. Ipinapagamit pa nito sa binata ang sasakyan nila kapag kailangang ihatid o sunduin si Anne.

Halos dalawang taon na rin mula nang magsimulang magtrabaho si Vincent sa kanila bilang katiwala ng tindahan.

Kahit angat sa buhay ay di naging matapobre o mapangmaliit sa kapwa ang mga magulang ni Anne. Galing din kasi sila sa hirap at kilala na nila si Vincent simula pa pagkabata nito.
Sa totoo lang ay botong-boto pa nga sila dito para sa anak dahil napakabait, napakagalang at napakasipag nito.
Matalino rin ito at maabilidad.

Di na nila kailangan pa ng mayamang mamanugangin dahil sa anak naman nila mapupunta ang lahat ng kanilang naipundar.
Ang kailangan nila ay yung siguradong magmamahal at mag-aalaga sa anak nila at mas magpapaunlad pa sa kabuhayang ipinundar nila...

=

Kasalukuyang nakasandal si Vincent sa SUV nila Anne na nakaparada sa labas ng unibersidad na pinapasukan ng dalaga.
Ngayon kasi ang araw ng uwi nito at sya ang pinakiusapang sumundo.

Umuupa lang kasi ito sa isang dorm malapit sa unibersidad at umuuwi lang sa bahay nila tuwing weekends o kapag wala silang pasok.

Huminto na sa pangingibang bansa ang ama nya dahil sapat na ang ipon nito. Minsan ay si Mang Fred ang sumusundo dito lalo na kung gusto nilang mamasyal na magpamilya. Pero madalas ay abala ito sa negosyo kaya't si Vincent ang naaatasang sumundo sa dalaga.

Malayo pa lang ay natanaw nya na si Rosie. Kinawayan nya ito at kumaway din ito habang naglalakad palapit sa kanya.

Agad nya itong sinalubong at kinuha ang bitbit na mga gamit.

"Kanina ka pa ba?" Tanong sa kanya ng dalaga.

"Hindi naman... Sa dorm nyo na ba tayo didirecho o may dadaanan ka pa?" Tanong din sa kanya ng binata.

"Ah... Di ako makakasabay sayo ngayon. Kasi may lakad kami ng classmates ko. May maghahatid naman sakin pauwi mamaya. Pakisabi na lang kina Tatay." Sagot ng dalaga.

"Ha? Hindi ka pa nagpaalam sa kanila? Baka magalit sakin yun pag di kita kasama pauwi."

"Hindi yun. Tatawagan ko sila maya-maya." Sagot ni Anne.

"Saan ba yung lakad nyo? Sasamahan ko na lang kayo. Ako na maghahatid sa inyo."

"Hindi na. May sasakyan naman kami. Saka baka matagalan kami dun."

"Okay lang. Maghihintay ako." Pagpipilit ng binata.

"Baka kailanganin nila Tatay yung sasakyan."

"Nandun naman yung van saka delivery pick-up. Sasamahan na lang kita at baka mapagalitan nga ako." Pagpipilit pa rin ni Vincent.

"Ay, si Vincent naman ang kulit. Tatawagan ko nga sila. Akong bahala sayo. Sige na, balik na ko sa loob. Hinihintay nila ko." Tumalikod na ito at naglakad pabalik sa loob ng campus.

Wala namang nagawa ang binata kundi ihatid na lang ito ng tanaw hanggang tuluyan na itong makapasok sa loob at mawala sa kanyang paningin.

Bagsak ang mga balikat na tumalikod sya at naglakad pabalik ng sasakyan bitbit ang mga gamit ng dalaga.

Malungkot siyang umuwi mag-isa. Pagdating sa tindahan ay sinabi nito ang nangyari.

Di naman nagalit sa kanya si Mang Fred dahil tumupad ang dalaga sa sinabi nito at tumawag sa magulang. Pero nakita nito ang pag-aalala sa mukha ng binata.

"May school project daw sila na kailangan tapusin. Ganun talaga sa college. Salamat Vincent ha. May maghahatid naman daw sa kanya dito pagkatapos. Kaya wag mo na alalahanin yun." Paliwanag ni Mang Fred sa binata.

"Sige po. Balik na po ako sa trabaho ko." Paalam ng binata.

=

Alas diyes ng gabi ang sara ng tindahan nila Mang Fred. Alas diyes y media na sila natapos magligpit pero wala pa rin si Anne.

"May gagawin ka pa ba, Vincent?" Tanong ni Mang Fred.

"Wala naman po." Sagot ng binata.

"Lika muna sa bahay. Alam ko nag-aalala ka kay Anne. Dun natin sya hintayin." Anyaya nito.

"Sige po, Mang Fred."

=

Sa garden ng bahay nila Mang Fred...

Naglapag ng isang Black Label si Mang Fred sa lamesa. Kasunod ang dalawang baso.

"Para di tayo mainip." Sabi nito sa binata.
"Teka kukuha lang ako ng yelo at mapupulutan." Sabay lakad ulit papasok ng bahay.

Paglabas nito ay may bitbit na itong isang bucket ng yelo at pulutan. Naupo ito at binuksan ang selyado pang bote. Tapos ay sinalinan ang parehong baso.

"Sabi nga pala ni Judy, tumawag na daw ulit si Anne. Pauwi na daw sya." Sabi nito sabay lagok ng alak.
Si Aling Judith o Judy ang ina ni Rose.

Umaliwalas naman bigla ang mukha ni Vincent sa narinig.

"Ganun po ba? Sino daw po ang maghahatid sa kanya?" Tanong nito. Ininom rin nito ang alak sa kanyang baso.

"Kaklase nya daw. Kaya wag ka na masyadong mag-alala."

=

Lampas kalahati na ang laman ng bote nang may isang sasakyang pumarada sa labas ng bakuran nila. Sabay na napatayo at napasilip sina Mang Fred at Vincent.

"Sya na po yata yan." Si Vincent.

"Sige iho. Salubungin mo nga at medyo nahihilo na ko." Si Mang Fred.

Tinungo ni Vincent ang gate at binuksan. May isang kotse nga na nakaparada sa labas. Nakasindi ang ilaw at umaandar ang makina.
Tinted ang mga salamin nito kaya di nya maaninag ang loob.

Maya-maya ay bumukas ang pintuan nito sa passenger side at lumabas si Anne. Pero di nya agad sinara ang pinto. Yumuko pa ito at tila kinausap ang driver.

Nakita ni Vincent na may bitbit itong travel bag kaya agad syang nilapitan ng binata at kinuha ang bitbit.

Medyo nagulat pa si Anne nang makita ang binata.
"O, bakit andito ka?" Tanong nya.

"Nagyaya kasi si Mang Fred eh." Sagot ni Vincent.

Napasilip din sya sa loob ng kotse. Nakita nyang lalaki ang driver nito at walang ibang pasahero sa loob.

"Si Vincent nga pala. Kababata ko saka tao din ni Tatay sa tindahan." Pakilala ni Anne.
"Vincent, si Dave. Kaklase ko."

Sumaludo si Dave kay Vincent.
"Nice to meet you, pare!"

Tumango naman si Vincent.
"Nice to meet you din, pre!"

"Sige na. Gagabihin ka na masyado. Thanks ulit sa paghatid. Ingat ka ha!" Nakangiting sabi ni Anne kay Dave.

"Sige, una na ko."

Pagkasara ni Anne ng pinto ng kotse ay umalis na ito.
Kinawayan ito ni Anne at inihatid ng tanaw hanggang sa tuluyan na itong makalayo.

Pagkapasok ng dalawa sa gate ay dumirecho si Anne sa ama nya at nagmano.

"Pasensya na po 'Tay, ginabi na ako... Umiinom pala kayo."

"Nayaya ko lang itong si Vincent. Nag-aalala kasi sayo. Kamusta naman ang project nyo, anak?" Tanong ni Mang Fred.

Si Vincent ay bumalik na sa upuan nya matapos ipasok ang bag ni Anne.

"Okay na po 'Tay. Natapos po namin. Si Nanay po ba gising pa."

"Oo. Nasa kwarto na. Puntahan mo na at hinihintay ka rin nun."

"Sige po 'Tay. Hinay-hinay lang kayo ha... Vincent, pasok na ko. Thanks nga pala ha."

Ngumiti lang si Vincent at inihatid ng tanaw ang dalaga hanggang makapasok ng bahay.

"O, pano ba yan? Nakabalik na si Anne. Siguro naman mapapanatag ka na?" Tanong ni Mang Fred sa binata.

"Ah... Opo, Mang Fred." Nakangiting sagot ng binata.

"Tig-isa pa tayo. Tapos pahinga na. Maaga pa tayo bukas." Sabi ni Mang Fred sabay salin muli ng yelo at alak sa dalawang baso...

=

Kahit medyo naparami ng inom ay maayos pa rin namang nakauwi si Vincent sa bahay nila.

Nagtaka sya dahil pasado alas dose na pero maliwanag pa ang loob ng bahay nila.
Pagpihit nya ng pinto ay di rin ito naka-lock.
Itinulak nya ito pabukas at nakitang nasa sala ang buong pamilya nya. May isang malaking kahon sa gitna na abala nilang binubusisi.

Nang marinig ng mga ito ang pagbukas ng pinto ay sabay-sabay silang napatingin sa gawi nito.

"O, Vincent. San ka ba galing at kanina ka pa namin hinihintay?" Ang ina ni Vincent na si Aling Minda.

"Nagyaya po kasi si Mang Fred, 'Nay. Medyo napasarap lang po ng kwentuhan." Sagot ni Vincent.

Isang babae naman ang lumapit sa kanya bitbit ang isang T-shirt. Inilapat sa katawan nya para tingnan kung sakto.

Naningkit ang mata ni Vincent. Kinikilala kung sino ang magandang babaeng ito.
Medyo makapal ang colorete nito sa mukha. Maiksi ang suot na palda at mataas ang takong ng suot na sapatos.

"Naku, parang maliit yata sa kanya to 'Nay. Lumaki na pala itong katawan ni Vincent." Sabi ng babae.

Tinitigang mabuti ni Vincent ang mukha nito. Pilit na kinikilala. Pero di nya ito mamukhaan.
Tapos ay tumingin sya sa nanay nya na natatawa.

"Di mo sya nakikilala?" Tanong ni Aling Minda.

Umiling si Vincent.

Ang babae naman ang natawa ng malakas sabay hampas sa braso nya.

"Ano ka ba, Vincent... Grabe ka ha." Sabi ng babae.

Nagtatawanan na rin ang mga kapatid ni Vincent.

"Gaano ba karami ang nainom nyo at di mo na mamukhaan si Mimi?" Ang tatay ni Vincent na si Mang Henry.

"Si Mimi? Si Camille?" Pagtitiyak ni Vincent.

"Oo! Si Camille to! Yung kalaro nyo dati. Yung partner mo ng kasal-kasalan. Hahaha!" Sagot ng dalaga.

"Camille! Wow! Anlaki na ng pinagbago mo ah!" Puri ng binata dito.

"Mas gumanda na ba? Hahaha!"

"Oo. Saka pati porma mo imported na imported na. Hahaha. Kamusta ka na? Tagal mo rin nawala ah..."

"Eto, mayaman na. Este, mayabang. Hahaha! Huy, may mga pasalubong ako sayo jan. Yung mga t-shirt mukhang di kakasya sayo. Kay Alex na lang. Ibibili na lang kita ulit. Yung sapatos isukat mo. Pag di din kasya, sa kapatid mo nalang. Bili na lang tayo ng sakto sayo."

"Ha? Naku, nag-abala ka pa. Nakakahiya naman sayo." Napakamot sa ulo ang binata.

"Sus! Wala na akong ibang pamilya dito kundi kayo. Kaya wag ka na mahiya." Sagot ni Camille.

===

14 years ago...

"Sino naman ikakasal natin?" Tanong ng walong taong gulang na si Liza.

"Kami naman ni Vincent! Di pa kami nakakasal!" Si Mimi na walong taong gulang din.
Ikinawit nya ang kamay sa braso ng noo'y sampung taong gulang na si Vincent.

Di naman umimik si Vincent.

"Ako flower girl ulit!" Ang apat na taong si Rosie.

"Ako naman magpapari." Si Peter na walong taon din.

"Sige, mag-ipon na ng mga bulaklak yung mga babae. Kami naman mga lalake ang gagawa ng simbahan." Si Robert na isa rin nilang kababata. Kaedad din ito ni Vincent.

Matapos ang preparasyon ay "ikinasal" na nga sina Vincent at Mimi.

At mula noon ay sila na ang madalas na magkapares sa mga laro nilang magkakababata.
Si Anne naman na pinakabata ay laging saling-pusa.

Maagang naulila sa magulang si Mimi. Limang taon sya nang mamatay sa sakit ang kanyang ina at isang taon matapos nun ay umalis ang tatay nya papuntang Maynila para magtrabaho.
Iniwan sya nito sa kanyang lola sa nanay at di na muling nagparamdam...

==

5 years after...

Humahangos si Mimi papunta sa lupang sinasaka nila Vincent.
Balisa ito at palinga-linga.
Nang makita ang pakay ay patakbo itong lumusong sa putikan.

Agad syang yumakap kay Vincent at humagulgol.

Napayakap naman sa kanya ang kinse anyos nang binata.

"Bakit? Anong nangyari sayo?" Tanong ng binata.

Umiyak lang ng umiyak si Mimi sa kanya. Pilit isinisiksik ang mukha sa dibdib nito.

Nasaksihan naman ni Mang Henry at ng iba pang magsasaka ang nangyari kaya nagmamadali din ang mga itong lumapit sa dalawa.

"Aba, si Mimi ito ah! Anong nangyari, neng?" Tanong ni Mang Henry.

Doon pa lang nagawang magsalita ni Mimi...

"S-si... Tiyo... P-po..." Pautal-utal nitong sagot sabay hagulgol ulit.

"Bakit? Napano si Kanor?" Tanong ng isa pang magsasaka na si Ka Igme.

"M-mun.. Mun-tik n-nya na po akong... G-gaha... Gahasa... In..." Muling utal na sagot ng dalaga sabay hagulgol.

Pagkarinig na pagkarinig ni Vincent sa sumbong ng kababata ay kumalas ito sa pagkakayakap sa dalaga at ubod bilis na tinakbo ang direksyin ng bahay nila Mimi.

"Vincent! San ka pupunta?" Sigaw ni Mang Henry.

"Vinceeent!" Sigaw din ni Mimi.

Pero di man lang lumingon ang binata.

"Pigilan nyo syaaa... Pigilan nyo.." Iyak na pakiusap ng dalagita sa mga magsasaka.

Humahangos namang humabol si Mang Henry pati ang ilang magsasaka.

=

Pagdating sa bahay ni Mang Kanor ay buong lakas na sinipa ni Vincent ang pinto.

Nagulat ang tiyuhin ni Mimi na kasalukuyang nakahiga sa papag.

"Ano yan?!" Galit na sigaw nito sabay bangon.

Dinalawang hakbang lang siya ni Vincent sabay bigay ng isang solidong suntok sa nguso.
Sabog ang dugo sa nito sa nguso.

Hinablot sya ni Vincent at kinaladkad palabas.

Kahit bata pa ay malaki ang bulas ng katawan ni Vincent at malakas din ito dahil batak sa trabaho sa bukid.
Kaya naman walang kahirap-hirap nyang naibalibag sa kalsada ang katawan ni Mang Kanor.
Tinadyakan nya ito sa mukha pero nasalag ng may edad nang lalaki.

Umibabaw si Vincent sa kanya at inundayan sya ng suntok.
Walang nagawa ang tiyuhin ni Mimi kundi salagin ang mga ito.

Maya-maya ay may yumakap kay Vincent mula sa likod at hinatak sya nito palayo kay Mang Kanor.
Nagpipiglas ang binata hanggang sa makawala sa umaawat sa kanya. Tapos ay muling sumugod sa kababangon pa lang na Kanor.

Isang tadyak sa tagiliran ang muling nagpasubsob dito sa kalsada.
Muling yinakap si Vincent ng kanyang tatay.

"VINCENT, TAMA NA! TUMIGIL KA NA!" Malakas na sigaw ni Mang Henry.

Doon pa lang tila nahimasmasan ang binata.

May ilang magsasaka na rin ang nagdatingan. Agad nilang hinawakan si Mang Kanor para di makatakas.

Dumating na din si Mimi at agad yumakap sa binata.

"Tama naaa!" Iyak nito...

Kumalma rin ang binata at yumakap kay Mimi. Hinimas nito ang ulo at likod ng humahagulgol na dalaga.

Di nagtagal ay dumating ang mga tanod na tinawag ni Ka Igme at dinampot si Mang Kanor para ibigay sa mga pulis...

=

Matapos ang pangyayaring iyon ay nagpasya sina Mang Henry na kupkupin na si Mimi.

Ang tiyahin kasi nito na asawa ni Mang Kanor ay namamasukang kasambahay sa Maynila.

Noong namatay kasi ang lola ng dalaga dalawang taon na ang nakakaraan ay wala nang ibang pwedeng kumupkop sa kanya kundi ang tiyahin.
Noong una ay maayos naman ang trato sa kanya ni Mang Kanor. Pero noong magsimulang magbago ang katawan ni Mimi dulot ng pagdadalaga ay doon na lumabas ang pagnanasa ng tiyuhin.

Tatlong taong nanirahan sa kanila si Mimi. Tinuring na nila itong tunay na kasapi ng pamilya. Noong bago maglabing-pitong taong gulang ito ay nagpasya syang lumuwas ng Maynila at makipagsapalaran.
Noong una ay ayaw syang payagan ng mag-asawa na itinuring nya nang tunay na mga magulang. Pero wala rin silang nagawa dahil desidido na ang dalaga na tumayo sa sariling mga paa.

Nakapasok sya sa isang promotion kung saan nagtrabaho muna sya bilang waitress. Makalipas ang higit isang taon ay pinalad na makalipad papuntang Japan.

Nakapag-asawa siya doon ng mayamang Hapon pero di nagtagal ay yumao ito dahil sa isang aksidente.
At dahil legal siyang asawa at wala namang anak sa ibang babae ang Hapones ay sa kanya napunta ang lahat ng yaman nito...

===

Present day...

Walang pasok sa trabaho si Vincent kaya niyaya sila ni Camille na mamasyal sa bayan.
Gamit nila ang van ni Mang Fred na hinayaan nitong arkilahin nila dahil malaki naman ang tiwala nito kay Vincent.

Doon ay ipinamili ni Camille ng mga gamit ang mga itinuring na nyang pamilya.

Kasalukuyan silang kumakain sa restaurant nang mabanggit ng dalaga ang balak nito.

"Tay, may alam ka po bang binebentang lupa dun satin? Balak ko din kasing bumili." Tanong ni Mimi sa ama-amahan.

"Yung kay Lucring ipinabebenta nya na. Kasi kinukuha na sya ng anak nya sa Canada. Wala na daw mag-aasikaso." Sagot ng matanda.

"Talaga 'Tay? Sige bukas daanan ho natin. Kayo ho ang mag-ahente para makakumisyon kayo." Alok ng dalaga.

"Naku, maganda yan iha. Sige, mamaya mismo pagkauwi natin ay dadaan ako sa kanila at itatanong ko kung magkano ibinebenta. Malaki-laki rin yung lupa na yon." Masayang sabi ni Mang Henry.

"Sige ho, Tay. Eh kayo naman, Nay. Baka may gusto ho kayong inegosyo. Magsabi lang ho kayo." Ang itinuring na ina naman ang tinanong nito.

"Naku Mimi. Napakarami mo nang ibinigay at pinamili samin. Tama na yun, anak!" Nahihiyang sabi ng ginang.

"Nay naman. Wala ho iyon. Gaya ng sinabi ko ho, kayo lang ang pamilya itinuturing kong pamilya dito sa Pilipinas. Kaya wag na ho kayong mahiya. Ako pa rin ho ito, si Mimi." Pagpipilit ng dalaga.

"Tama si Nanay, Mimi. Sobra-sobra na yung mga naibigay mo samin. Maraming salamat sayo. Ayaw ka naman naming abusuhin."...

About the Author :

Joined: October 1, 2020 (3 months old)
Writings: 49
Male  ·  Offline
Description:
Isang kilong lamok
Kalahating ulo ng pinitpit na bawang
Isang katamtamang sibuyas na hiniwa pahaba
Kalahating kutsaritang pamintang buo
Tatlong dahon ng laurel
Kalahating tasang toyo
Kalahating tasang suka
Isang kutsarang asukal na pula (opsyonal)
Siling labuyo (opsyonal)

Pagsamahin lahat ng sangkap sa isang kaserola o kawali. Pakuluan hanggang maluto ang lamok at lumapot ang sabaw.
Pwede rin lutuin hanggang matuyo ang sabaw.
Signature Text:
Fffzzzzzzzzzzz.. ffzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!
14  ·  21  ·  20  ·  2,226
 · 

Comments
Roockky
November 23, 2020 (1 month ago)

Wooowwww,  di naman deserving si rosie sa mata,  kung ako yan,  pababayaan ko ng bulag yan hanggang sa mamatay

When words fails…Music speaks… .

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
D
dstmp2b
November 23, 2020 (1 month ago)

Hahahahha, same here sir.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Jim181965
November 23, 2020 (1 month ago)

Nice story! Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig lahat isasakrpisyo para lang sa minamahal kahit walang kapalit.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
azker06
November 23, 2020 (1 month ago)

maganda ang pag kakasulat. Humahaplos sa puso. Sana may kasunod. Gbu

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
microrick
November 23, 2020 (1 month ago)

Ang lupit idol, salamat sa magandang story mo

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
J.-_.-_
November 23, 2020 (1 month ago)

Ang Ganda Sana may kasunod pa..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
bebok
November 23, 2020 (1 month ago)

wow super ganda ng story idol....sana may kasunod pang ganito rin kaganda hehehehe...🙏🙏🙏🙏😁😁😁😁😁

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
November 23, 2020 (1 month ago)

Yan ang nagagawa ng sobrang pagmamahal...
Uncoditional love 💗💗💗

Like (0)  ·  Report
User Not Found
November 23, 2020 (1 month ago)

Yan ang nagagawa ng sobrang pagmamahal..
Unconditional Love 💗💗💗

Like (0)  ·  Report
P
Peers
November 23, 2020 (1 month ago)

Bitin ...hindi tapos ang kwento..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
P
powerstrugggle
November 23, 2020 (1 month ago)

Wala bang kasunod? Ganda ng story eh haha.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
blitzace234
November 23, 2020 (1 month ago)

Ganda ng story sna may meron part 2

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
talisayon
November 24, 2020 (1 month ago)

Good day! Pls pakigawa ng part 2!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
AdobongLamok
November 24, 2020 (1 month ago)

Thank you so much for your comments. Sobrang nakakatuwa na may nakaka-appreciate kahit papano ng mga ginagawa ko kahit pa walang erotic content. Maraming maraming salamat po...

And thanks also for the interest in a sequel for this story...
When I wrote this 3 days ago, one shot lang po talaga ang plano ko. Kaya kahit sobrang haba compared sa usual posts ko ay pinilit ko pa rin pag-isahin.
But who knows? Baka gawan ko nga ng sequel in the near future. I won't promise but I'm seriously considering it. Maybe kapag nagkaron ulit ng oras.

But my next post would probably have erotic content. They've been gathering dust in my drafts for weeks now. And yun po muna ang aasikasuhin ko when I get the time.

Again, maraming salamat po sa suporta. I really appreciate them all. Keep safe, everyone!

Fffzzzzzzzzzzz.. ffzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Boybaon
November 24, 2020 (1 month ago)

The sequel should be like this. The guy found another donor in Japan. Got his eyes back. Went home and found out Anne works in a bar. Then they meet again, Anne fell in love, they fucked and then the guy left her sorry ass. Came back to Japan to her family and live happily ever after. End.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Ergo.proxy
November 24, 2020 (1 month ago)

Another beautiful story.
Thanks for sharing.

Cogito Ergo Sum..."I think therefore I am.'.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
BlueSky
November 24, 2020 (1 month ago)

ganda ng story sana mag ka sequel pa kahit wag na isama yung character ni Anne.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Boybaon
November 24, 2020 (1 month ago)

May pera naman si Camille,  hindi imposibleng makahanap ng ibang donor. Maganda yung kwento, medyo fucked up lang ang ending. Hindi na nga naiyot,  nawalan pa ng mata. Haha kung ako yan, Sayonara, bitches! Off to Japan.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jackstone
November 24, 2020 (1 month ago)

As usual, maganda ang kwento mo, AL.

May maliit lang na pagkakamali dun sa parte na naglayas si Rosie / Anne. Kasi si Camille yung nabanggit na hinahanap ni Vincent.

Maliban dun, ayos naman ang pagkakasulat.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
E
eilchar123
November 25, 2020 (1 month ago)

sana may special nito, gusto ko malaman ni rosie na ang mga mata nya galing kay vincent at sana matutunan na mahalin ni vincent si camille I prefer sila talaga ang bagay.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Chacha777
November 25, 2020 (1 month ago)

Ang ganda ng story sna may karugtong pa

Love is like eating

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments