M
E
N
U

Bakit kaya?

Bigo nanaman! Kahit isang babae lang sana, ako ay liligaya.

Bakit kaya?

Mapait sa akin ang tadhana? Na kahit makama ko lang ang isang babae, hindi ko magawa?

Malakas ang ulan ng naglakad si Jon sa lansangan. Madilim ang paligid at ang luha ay hindi makita sa ulan na binasa ang mga mata. Walang nadarama at parang manhid na ang dibdib. Siya ay nag iisa at naglakad ng walang pinatunguhan.

Bigo si Jon sa pag-ibig, malapit maglimang taon ang kanyang pagsasama sa kanyang kasintahan nang naghiwalay sila. Nawala ang kanyang gana sa buhay at noong mata nya na puno ng buhay at pangarap, ngayon ay makulimlim na parang walang buhay.

Patuloy siyang naglakad sa kalsada nang marinig nya ang sasakyan na lumalapit sa kanya.

SHREIIIIIK!!!

Ang tunog ng brake ng isang sasakyan na halos nakasagasa sa kanya. Tumigil siya subalit ang kanyang hiniling na kamatayan ay naudlot. Ayaw na nya mabuhay sa mundo at gusto na nyang magpahinga. Wala na siyang pangarap, wala na lahat sa kaniya. Gusto nya lang mawala.

Bigla nyang napag isipan, na siya ay magpatiwakal na lang at wag nang maging duwag. Ni minsan hinid man nya naranasan ang totoong kaligayahan sa kanyang nobya. O di kaya sa buhay at sa pangarap nyang gustong makamit. Gusto nya na hindi maranasan ang sakit, gusto nya na talagang mawala.

"Huh?"

Bigla niyang sambit ng natauhan siya. Ayaw nya na sanang ibuka pang kanyang mga mata. Subalit parang mayroong nagpilit sa kaniya.

"Teresa?"

Sambit ang ngalan ng kanyang nobya.

"Bakit!?"

Ang kaniyang luha ay tumulo naman sa kaniyang mga mata.

Mga ungol ng dalawang tao, isang matikas na lalake at maganda, maputi at makinis na babae sa kanyang harapan. Umiyak ng todo si Jon ng nakita nya ang pakipagtalik ng kanyang kasintahan sa isang lalake na kanyang kinamumuhian.

----------------------

Dalawang Araw ang Nakaraan

Nakaupo si Jon, kasama ang kanyang kasintahan sa kanyang sala. Luhaan si Teresa at si Jon naman ay nakatutok sa kanya. Walang imikan sa dalawa at tahimik lamang ang bahay. Mayroon siyang hinintay na panauhin na hindi gustong makita. Pero kailangan talagang gawin ni Jon.

"Jon, mahal kita. Pakiusap, maniwala ka sa akin!" Sinabi niya sa kanyang nobyo na umiiyak sa kanyang harapan.

"Tama na, Teresa. Ibinigay mo ang bagay sa iba na ipinagkait mo sa akin. Nirerespeto naman kita at binigay ang gusto mo." Dismayang sinabi ni Jon sa kanya.

"Ano kasi..."

Bago nakapagtapos si Teresa ay biglang may kumatok sa bahay ni Jon.

"Sino yan?" Sabi ni Jon.

"Tarantado! Pag nakapasok ako dyan hindi lang kamao ko ang tatama sa iyo!" Galit na galit na sabi ng lalake sa labas ng bahay nya.

Yumuko si Teresa at ngumiti sa maaring mangyari na oras na iyon. Siya ay tumayo at pumunta sa pintuan at binuksan ito. Mabilis si Teresa at hindi napigilan ni Jon sa na nakaupo sa kanyang upuan.

Yumakap si Teresa sa lalake na nasa pintuan at umiyak. Hinigpitan nya ang pagyakap at sa lalake, sinasabi ang mga bagay na walang katotohanan na nangyari nina Jon.

"Pare, walang hiya ka! Abusado ka na at baboy pa!!!" Lumapit ang galit na lalake kay Jon na nabigla.

"Pare, pag-usapan natin ito. Ayaw ko ng gulo, wala na ako ng pakialam sa landian ng kasintahan ko. Gusto ko lang na pag-usapan na lang, tutal ikaw naman pinili nya..."

Bago nakatapos ng pagsalita si Jon ay isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang pisngi. Natumba si Jon at tiniis nya ang sakit.

"Pare, kapal ng mukha mo. Pagkatapos mong babuyin si Teresa ay itatapon mo lang siya na parang basahan!"

Ginulpi ng lalake si Jon na umiiyak, samantalang si Teresa naman ay humalakhak ng mahina at nakangisi sa nangyari. Sinara nya ang pinto at dahan-dahang naghubad ng kanyang pang-itaas. Hinay-hinay siyang lumapit sa lalake.

Natapos ang panggugulpi ng lalake ng naramdaman nya ang kamay ng babae sa likod nya. Nang nakita niya ang ngiti ni Teresa sa kanya ay tinantanan nya si Jon na nakahandusay sa sahig.

"Iyakin kasi, lampa at walang silbi." Sabi ni Teresa sa lalake....

About the Author :

N

Joined: September 27, 2016 (4 years old)
Writings: 5
Male  ·  Offline
Description:
Newbie writer, learning the ropes and all! Hope you'll enjoy the stories that I make. :)
3  ·  2  ·  3  ·  1,628
 · 

Comments
Roockky
Thursday, 19 November 2020 (6 days ago)

Try mo idol 3 hangang 4 parts

When words fails…Music speaks… .

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
N
nonajk123
Thursday, 19 November 2020 (6 days ago)

Thanks po sa feedback. Try ko, hehehe!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments