M
E
N
U

Batang P. O. 3: Live Show (31)

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, Fetish, Taboo, Wife Lovers, Mature, Romance · Tags: ,
Date: November 12, 2020 (11 days ago)


Naging parang sex machine ni Claire at Lyka si Rom, sa loob ng isang lingo ay hindi sasablay na matutulog siya sa bahay ni Lyka at dahil walang live show ay madalas na natutulog siya kasama si Claire pag nanduon lang ito. Pero madalas na umaalis ang babae.

Lingid sa kaalaman ni Rom ay alam nito ang relasyon nila ni Lyka, nasasaktan siya pero alam naman niya na wala siyang laban sa kayang ibigay ni Madam Lyka sa binata. Malamang dahil din dito kaya wala silang live show sa loob ng higit dalawang buwan.

Napilitan tuloy siyang rumaket para masustentuhan ang ina na may sakit. Ilang beses siyang umuuwi ng boarding house at sinasabi ng landlord nila na sinundo si Rom ni Madam Lyka. Sa totoo lang akala niya ay tulong sa kanya ang babae dahil sinagot nito ang lahat ng gastos nang ma-ospital ang ama. Hindi pala dahil nabaon siya sa utang at naging daan para masira ang buhay.

Ngayun ang munting kaligayahan niya kay Rom ay inagaw pa. Pinili nalang niya na tanggapin at umaasang ilang panahon nalang ay makakawala na siya sa obligasyon kay Lyka.

Pilit bina-balance ni Rom ang relasyon sa dalawa, yun nga lang hirap lalo na at parang nararamdaman niya na si Claire ay may itinatago samantalang si Lyka ay nagiging possessive sa kanya. Pero ramdam nadin niya ang pagmamahal nito kahit na hindi sinasabi.

Mahigit isang lingo na niyang minemessage at tinatawagan si Claire pero walang reply at di sumasagot. Tinanong din niya sa landlord nila kung umuuwi ito pag wala siya pero hindi daw. Iniisp niya baka umuwi ito sa probinsya ngunit bakit hindi nagpa-alam at hindi nag communicate.

Pauwi na siya ng boarding house nang maramdaman na may sumusunod sa kanya. Apat na lalaki ang namataan sa likuran kaya inihanda ang sarili. Pagdating sa eskinita ay hindi siya nagkamali, agad sumunod ang isa na na-ilagan naman niya. Mabilis ang pangyayari, sundod sunod ang suntok at sagot niya.

Hindi naman nagtagumpay ang mga sumugod sa kanya, nagtakbuhan ng sa tingin ng mga ito ay hindi nila kakayanin si Rom. Nang malayo na ang mga ito ay napasandal siya sa pader, noon lang niya naramdam ang sakit ng mga tama sa kanya.

Iniisip niya na napagtripan lang siya ng mga ito, pero imposible din dahil apat na tingin niya ay sinundo talaga siya. Kinabukasan naman pag dating sa bahay ay nagulat ng makita ang magulong kwarto, nakataob pati kama at ang damit ay nakakalat. Nang tanungin niya ang Landlord ay wala itong masabi dahil wala naman silang nakita.

Agad sinilip ang kwarto ni Claire at parehas na parehas ang sitwasyon. Minessage na niya ang babae pero wala pa ring reply.

Hindi din niya alam kung bakit dalawang araw na na walang message at di rin tumatawag si Lyka. Hindi naman kasi niya ugaling siya ang tumatawag or mag message.

Ika sampung araw nang wala si Claire ng makareceived siya ng tawag sa unknown number.

'Hello! Sino to?'

'Rom tulungan mo ko, ginigipit nila ako.'

'Claire, asaan ka?'

'Hindi ko alam pero isang lumang bodega. Madami sila Rom tulungan mo ko.'

'Send mo location mo, pupuntahan kita. Tatawag ako sa pulis.'

'Wag ka mag susumbong sa pulis. Papatayin nila ako.'

'Pano, ano gagawin ko.'

'Rom please maawa ka saki…'

Naputol na ang tawag nito at nakareceive nalang ng location sa telepono. Gusto niyang manghingi ng tulong kay Madam Lyka pero naisip na baka may kinalaman ito. Sa pagkaka-alam niya ay dito siya may atraso at kaya siya nag live show ay para makabayad.

Pero bakit naman siya nito ginigipit, di kaya ito ang may kasalanan kaya wala silang booking. Ano ang dahilan nito. Saka niya...

About the Author :

Joined: June 15, 2020 (5 months old)
Writings: 159
Bisexual  ·  Offline
Description:
Writing is a hobby, stories are expression of a persons creative ideas, readers are the inspirations... In here... dreams do come true...
Signature Text:
Eroticprince27
10  ·  7  ·  12  ·  2,269
 · 

Comments
ravedeacon
November 12, 2020 (11 days ago)

saklap,, par5ang repeat lang nang nangyari kay nathan..sad boss

its better to burn out than to fade away

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jackstone
November 12, 2020 (11 days ago)

Curiouser and curiouser 🤔

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
mabutingnilalang
November 12, 2020 (11 days ago)

D mahilig sa happy ending si author

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
binyang
November 12, 2020 (11 days ago)

sad ending na naman ba?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
eroticprince27
November 14, 2020 (9 days ago)

Medyo pero tingnan mo din kasi maraming nagkagusto sa ending.

Eroticprince27

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
lavandera
November 13, 2020 (10 days ago)

Pakana ni Claire?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
itchibitch69
November 13, 2020 (10 days ago)

Suspenseful twists! Galing! Kaabang-abang!

Expected na hindi makakatuluyan ni lyka or claire si rom dahil si unang series ng Batang P.O. si aling meryl ang wagi. Pero may paraan pa sa susunod na book nito na magbago ang sitwasyon ayun sa imahinasyon ng mahusay nating author.

EP27, stay safe iho! Luv ka ni Tita Lyka! Mwaaah!

Call me Tita Lyka

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments