M
E
N
U

LARAWAN 19

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags:
Date: November 10, 2020 (14 days ago)


"Maaa!! Sabihin mo naman dun sa bata wag siyang malikot! Nahihirapan akong i-drawing siya eh!" inis na inis na sambit ng batang Dandan na napapakamot sa ulo habang iginuguhit ang batang babae na nakaupo sa duyan.

"Sige lang anak… kaya mo yan… Don't mind her movement. Just focus on her features…" tugon naman ng ina sa kanyang anak.

Tutok na tutok ang paningin ni Dandan habang pinagmamasdan ang batang babae na kanyang iginuguhit. Sinasabayan ng hagod ng charcoal pencil sa kanyang sketchpad ang tila pagsayaw ng mahaba't maalong buhok ng batang nakatalikod habang tinatangay ng hangin ang mga hibla nito.

Tuwang-tuwa si Laura na makita ang anak na nakukuha ang bawat detalye ng batang kanyang iginuguhit. Maging ang mabibintog na kamay na nakakapit sa magkabilang lubid, ang mga alon sa tela ng bestidang suot, pati ang pagkaka-ekis ng mga binti ng bata na nakabitin sa ere habang nakaupo ito sa duyan.

Kuha ng anak maging ang tamang shading upang mapalutang lalo ang dimensiyon ng iginuguhit. Manghang-mangha siya dahil sa murang edad ay nakikita niyang may likas na husay ang kamay nito. Isang kakayahan na kanilang lilinangin at lalong hahasain sa paglipas ng panahon.

Nang matapos ni Dandan ang iginuhit na larawan ay buong pagmamalaki niyang ipinakita iyon agad sa kanyang ina. Tuwang-tuwa na nagawa niyang iguhit ang bata kahit na may kalikutan ito.

"Bilib ka Ma?" pagyayabang nito sa ina.

"Oo naman anak… Ang ganda!... I'm sure mas magaling ka pa kay Mama paglaki mo." tugon ni Laura sa anak.

"Ay ano yan… Ang pangit naman! Bakit walang color!" puna ng batang babae na nakasilip na pala mula sa likod ni Laura at nakatingin din sa sketchpad na hawak nito.

Inis na inis si Dandan sa sinabi ng bata at agad na kinuha mula sa kamay ng kanyang mama ang larawan at itinago iyon sa kanyang likod.

"Mas maganda pa kuha ng camera ni Tita dyan eh. Halika… picture tayo…" anas nito sa naiinis na batang lalaki.

Walang nagawa si Dandan nang hilahin siya ng bata sa may puno ng Acacia. Tila siya naging estatwa na tuwid na tuwid sa pagkakatayo nang yakapin siya ng bata mula sa kanyang gilid. Diretso lang ang nahihiyang tingin nito habang kinukunan sila ng litrato ng kasama ng bata gamit ang polaroid camera.

Nang lumabas na ang larawan sa camera ay excited iyong tinignan ng bata ngunit napasimangot ito at ipinakita din ang litrato kay Dandan.

"Cute ka sana kaso ayaw mo mag-smile sa picture!" inis nitong puna.

Tawang-tawa si Laura at ang tiyahin ng bata sa kakulitan ng paslit. Di naman makakibo at nanatiling nakasimangot si Dandan sa batang nang-aasar sa kanya. Matapos non ay nagpaalam na sa kanila ang magtiyahin na nakasabay nilang mamasyal doon at nagsabing mauuna na ang mga ito na bumaba ng burol.

"Uy, smile ka na…" wika ng ina sa nakasimangot na anak.

"Sige ka… papangit ka niyan… Cute ka pa naman daw sabi ni Ishie." dugtong pa nito at pilit na pinapangiti ang anak.

"I-Ishie?" nagtatakang tanong ng bata sa ina.

"Oo Dandan… Siya si Ishie… Siya ang babaeng mahal mo… Kaya sige na sundan mo siya anak!"

Takang-taka ang bata sa sinasabi ng ina. Kung bakit alam nito ang pangalan ng bata at kung bakit nito pinasusundan ang batang iyon sa kanya. Lalo na siyang naguluhan nang makita niya itong umiiyak.

"Dali na Daniel… habulin mo si Trisha… Kailangan ka niya anak!" at napahagulgol na ang tumatangis na ina.

Biglang nagdilim ang kalangitan at nabalot ng maitim na ulap. Lumakas ang bugso ng hangin at nagliparan sa himpapawid ang mga ibong umuuwak na tila nangangamba sa delubyong paparating.

Ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa kanyang inang umiiyak habang nangingilid na din ang luha sa kanyang mga mata.

"Bilis na anak wala nang oras…" at ipinagtulakan na siya ng ina upang umalis.

"Ayaw ko mama! Dito lang ako! Ayaw kitang iwaaan!"bulalas ng anak na sa halip umalis ay napayakap pa sa kanyang mama.

Humahagulgol na din si Dandan habang kinakalas ng ina ang kanyang mga braso at itinutulak siya upang habulin ang batang babae. Parang kinakapos ng hininga ang bata sa pag-iyak habang ipinagtutulakan ito ng ina. Waring nawawalan na ng boses upang makiusap na huwag siya nitong itaboy.

"Please anak umalis ka na… Tulungan mo siya! ILIGTAS MO SI TRISHA!"

Sa pagkakalas ng mga braso niyang mahigpit na nakapulupot sa katawan nito ay unti-unting lumabo ang imahe ng kanyang ina hanggang sa tuluyan na itong naglaho.

"MAAAA!!! MAMAAAAA!!!" palahaw ng batang nagpapalinga-linga sa paligid.

"Pare! UY DANIEL! GISING PRE!!"

Niyugyog ni Jorge ang magkabilang balikat ni Daniel upang gisingin ang kaibigan na tila binabangungot. Kunot-noo itong umuungol kanina sa pagtulog ngunit hindi maintindihan ang sinasabi nito at panay ang paling ng ulo. Nang magising ay dilat na dilat ang mga mata nito, humihingal at di agad makapagsalita.

Malinaw na malinaw pa rin sa isip ni Daniel ang kanyang napanaginipan. Parang nararamdaman pa niya sa kanyang katawan ang pwersa ng pagtulak ng ina upang puntahan niya si Ishie.

"Yung dinrawing ko… Siya si Ishie!" tila gulat na nasambit ng binata sa kaibigan.

Walang ideya si Jorge sa babaeng binabanggit ni Daniel ngunit iyon na ang pangalawang beses na ginising niya ito at nasambit ng kaibigan ang pangalang iyon. Una ay noong nakatulog ito sa sofa sa condo nang iniuwi niya itong lasing matapos nila mag-bar. Ngayon naman ay habang natutulog ito sa kama ng ospital.

Ikaapat na araw na nitong naka-admit doon dahil sa pagkakaoverdose sa ipinagbabawal na gamot. Mabuti na lamang at napadalaw siya sa unit ng kaibigan nang araw na iyon dahil kung hindi ito naagapan ay maaaring ikinasawi ni Daniel ang napakataas na dosage ng tinunaw na cocaine na naisaksak nito sa kanyang sistema.

"Pre ok ka lang?" tanong niya dito sabay abot ng bote ng tubig sa kaibigan.

Wala naman siyang alam na kamag-anak ni Daniel sa Maynila kaya't siya na ang nagmamalasakit na puntahan ito araw-araw sa ospital pagkagaling niya sa trabaho. Sa lakas nga lang ng ulan kagabi ay hindi na siya nakauwi sa takot na bahain. Mabuti na rin na andoon siya kaya't nagawa niya itong gisingin mula sa pagkakabangungot.

"Pre kailangan ko nang umalis!" tila natataranta nitong sambit.

"Ha? Bakit? Saan ka pupunta?!"

"Uuwi ako ng Batangas!"

Napakunot ang noo ni Jorge dahil mag-aala sais pa lang ng umaga. Medyo madilim pa sa labas dahil sa makapal na ulap na nagpapakulimlim ng kalangitan.

May discharge orders na ang doktor para kay Daniel ngunit hindi pa nasesettle ang bill nito sa ospital at alas otso pa magbubukas ang opisina doon.

"Di pa pwede pre! Paubusin daw muna yang swero mo bago ka payagan makalabas… Saka sarado pa Billing. Hindi pa tayo bayad!"

Nagulat na lang ang kaibigan nang si Daniel na mismo ang humugot ng karayom na nakatusok sa braso nito na nakakabit sa linya ng nakasabit na swero. Agad itong tumayo at bahagyang sumusuray na naglakad patungo sa bag nito na parang hilo pa at nanghihina.Bagaman halatang hindi pa nanunumbalik ng husto ang lakas nito ay nagmadali itong magbihis.

Kakamot-kamot na lang ng ulo si Jorge at mukhang hindi na papipigil ang kaibigan. Mukhang balak din nitong takasan ang bill sa hospital dahil alam niyang wala din itong ibabayad.

Nagpalinga-linga sila bago lumabas ng pasilyo at pasimpleng naglakad na parang mga magnanakaw na papatakas. Napakunot pa ang noo ng nasalubong nilang nurse nang mapalingon ito sa kanila. Mabuti na lamang at may hood ang jacket na suot ni Daniel kaya't tila di nito namukhaan ang pasyente.

Dahil sa nakikitang kundisyon ng kaibigan na hindi pa tuluyang nanunumbalik ang lakas ay nagprisinta na si Jorge na ipagmaneho ito at samahan pauwi ng Batangas. Ngunit mariing tumanggi si Daniel at nagpahatid na lamang pauwi sa condo nito.

************************

Araw ng Kasal. Umpisa ng panibagong yugto sa buhay ni Trisha.

Maagang nagpunta ang pamilya, kasama na rin si Janet, sa hotel sa kabilang bayan kung saan sila nakatakdang magbihis at ayusan. Pawang pagod ang mga ito sa ginanap na handaan sa kanilang bahay nang bisperas ng kasal ngunit masaya ang lahat sa pagdating ng pinakaaabangang espesyal na araw para sa kanilang kaanak.

Ang lahat ay nasasabik maliban kay Trisha.

Batid naman ng mag-asawang Bert at Fely na hindi buo ang kalooban ng kanilang anak sa pagpayag nitong magpakasal kay Marco. Dahil dito ay hindi na nila nilayong isagawa pa ang mga kaugalian sa isang tradisyunal na kasalang Batangas. Ang mahalaga sa kanila ay mabasbasan sa simbahan ang pakikipag-isang dibdib ng kanilang nag-iisang anak na babae.

Mga prominenteng tao sa negosyo at pulitika ang inaasahang dadalo sa engrandeng wedding reception nila Trisha at Marco. Kaya naman nagdaos ang mag-asawa ng isang simpleng handaan sa kanilang tahanan para sa mga kumpare ni Bert at ilang mga kapitbahay at kakilala na hindi makakadalo.

Nagpaunlak naman ang alkalde na dumaan sa salo-salo upang makisalamuha sa mga bisita. Ngunit pinili ni Trisha na magkulong lang sa silid ng mga magulang kung saan nga ito nasita ni Aling Fely sa ginawang pagsusukat ng kanyang traje de boda.

Malayo ang tingin ni Trisha sa labas ng bintana ng sasakyan habang bumabaybay sila sa daan patungo sa hotel. Ni hindi niya alam kung nakatulog nga ba siya nang nagdaang gabi.

Araw na ng kanyang kasal ngunit parang hindi pa rin lubos na matanggap ng kanyang puso at isip ang pangyayaring ito sa kanyang buhay. Dahil ang totoo'y parang nahahati ngayon ang kanyang puso sa dalawang lalaking itinitibok nito. Ang masakit ay wala naman sa dalawang lalaking iyon ang kanyang pakakasalan.

Ang una ay ang lalaking nagpakilig sa kanyang musmos na damdamin. Ang nagparamdam sa kanya ng labis na pagpapahalaga sa kabila ng mga alinlangan niya sa kanyang sarili. Ngunit kanya itong nasaktan nang hindi niya kilalanin ang pagsinta nito at piniling paniwalaan ang isang impostor.

At ang ikalawa ay ang estrangherong lalaki na sa loob ng maigsing panahon ay alam niyang minahal siya ng lubos. Ang inakala niyang siyang katuparan ng kanyang mga pangarap. Ngunit sa halip na ipaglaban nito ang kanilang pagmamahalan ay hinusgahan pa nito ang kanyang pagkatao.

Napatingala si Trisha sa langit. Nagtatanong kung ganito ba talaga ang kapalarang nakatadhana para sa kanya. Simple lang naman ang kanyang pangarap, ang makasal sa k...

About the Author :

Joined: May 4, 2019 (1 year old)
Writings: 23
Male  ·  Offline
Description:
Author of LARAWAN
Co-Author of AGUINALDO by missE
Websites:
27  ·  30  ·  22  ·  8,969
 · 

Comments
paradoxxxx
November 10, 2020 (14 days ago)

Pasensiya na po sa mga naghintay sa update. Hindi po kinaya ng naipangakong 2 chapters na lang at ending na. Kaya eto na po ang sunod-sunod na update na ipopost ko araw-araw hanggang sa pagtatapos ng Lara.

Maraming salamat po sa mga magtitiyagang magbasa haha.

Reply  ·  Like (8)  ·  Report
A
agay14
November 10, 2020 (14 days ago)

yun may update inaabangan ko to eh from batangas din ako sir😍😍

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
psuedo_mind
November 10, 2020 (14 days ago)

At heto na nga at simula na paglalahad ng pagwawakas ng kwento ng ating mga kinagiliwan at inabangang mga tauhan.

Mahusay ang pagkaka lahad ng mga kaganapan.

Napapaisip ka kung saan at ano ang kahahantungan ng bawat eksena.

Mukhang mapupuno ng sabik at ka a ang mga susunod na kabanata

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Roockky
November 10, 2020 (14 days ago)

Nakidnap pa nga…. Pa ngang klaban ni mayor… maaksyon ang sunod na chapter..

When words fails…Music speaks… .

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
A
acekantotchloe
November 10, 2020 (14 days ago)

at long last. ayos lang boss. at least meron na ulit kami aantayin araw araw.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Lucy_Heartfilia
November 10, 2020 (14 days ago)

Maraming salamat sa magandang update otor!

Kaabang abang ang bawat eksena.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
jerikho
November 10, 2020 (14 days ago)

Hanggang sa huli hindi pa rin titigil ang may masasamang balak para guluhin pang lalo ang sa una pa ay dati nang masalimuot na buhay ng ating mga pangunahing tauhan...

      Umpisa na nang karera ng oras para sa kaligtasan ng babaeng itinatangi ng dalawang lalakeng nataong mag-ama pa- ano nga kaya makikita natin sa dulo ng finish line? High fives sa inyong dalawa Pareng Para at Mareng E! 🙌🙌🙌

Retiradong Playboy...pwedeng TUMINGIN pero never ang TUMIKIM 😉

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
P
Puloboys
November 10, 2020 (14 days ago)

Thanks Sa update ka a ang a ang ang mga susunod na episode Sa pagtatapos mre power Sir and Miss E keep safe

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
R
Red_devil
November 10, 2020 (14 days ago)

Mukhang si billy ata ung kumidnap ah

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
kapitantutan06
November 11, 2020 (13 days ago)

si John yun boss. yung anak ng congressman

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
Puloboys
November 10, 2020 (14 days ago)

Mistype ko ka sabik sabik

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
braddix65
November 10, 2020 (14 days ago)

surely ... full of suspense and thrill the remaining chapters will be until the end of this story.

if trisha had been kidnapped by the son of umali, will marco be able to save her? will daniel come to the rescue? and wow !!!

thanks sa update sir para

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
S
SisigAdobo
November 10, 2020 (14 days ago)

hirap neto tingin ko mamamatay si mayor. just guessing spolier alert haha. pano kaya billing sa ospital kawawa naman si jorge boss hahaha ganyan dn nangyare sakin 🤣 pero salute galing boss kaabang abang ending!

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Archer14
November 10, 2020 (14 days ago)

Pagkatapos tayong pakiligin at paibigin sa mga huling chapter, mukhan takot at nerbyos naman ang mangingibabaw sa atin.

Natuklasan na ang mga lihim ng kahapon. Nasagot na karamihan sa mga katanungan maliban sa iisa... Magkakaroon ba ng masayang katapusan ang kwento at iiwan tayo ng luha sa mga mata sa pagtatapos... Ilang araw pa mukhang magkakaroon na ng katugunan lahat.

Maraming salamat Sir Paradox at MissE!

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
S
sharmfaker
November 10, 2020 (14 days ago)

Magagangbang na si trisha..wasak pepe na.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Ashflauer
November 10, 2020 (14 days ago)

Maniwala ka kay Mama papa dandan! Sana maligtas mo si trisha😓
Abang ako lagi sis E and sir paradox, ganda po

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
kuatog
November 10, 2020 (14 days ago)

sabi na e parang movie nakidnapnung ikakasal hehe...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
R
Robert_
November 10, 2020 (14 days ago)

Makikita ni Daniel c trisha na kidnap cia ang magliligtas dito,mapatay nman c Mayor ni cong Umali sa huli ah good ending iyan Kabayan,sabi sa Batangas tuloy ang bangi kahit basa ang bunot

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
NotSoInocent
November 10, 2020 (14 days ago)

Ewan bakit natuwa ako dun sa among nananakit ng babae hahaha ang weird. Amp!

Not A Pervert. Just Imaginative ;)

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
P
popopot
November 10, 2020 (14 days ago)

nakialam na ang tadhana para di matuloy ang kasal,,, may chance pa din ang team Daniel and Trishia ,,, thanks sir paradox and missE

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
November 10, 2020 (14 days ago)

Isang malaking pasasalamat po namin sa inyo na hindi pa rin pala kayo nawawala kahit matagal kaming di nag update.

Promise po this week asahan niyo everyday same time kita kita po tayo ulit dito😊

Reply  ·  Like (4)  ·  Report
C
charles2700
November 10, 2020 (14 days ago)

Eto na ang simula ng katapusan...salamat sa update sir Para at Miss E....Nakakainis tong si Dandan wala man lang lakas ng loob na ipaglaban ang kanyang damdamin kay Ishie....Wag naman sana magahasa si Ishie kasi sobrang patay na patay pa naman yung anak ng kalaban...

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Y
yam42a
November 10, 2020 (14 days ago)

Anak ng pating oh nkidnap p bwisit yung mga kotrabida...mukhang may masamang mangyayari kay mayor...next...keep safe and smile😊😊😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
jackstone
November 10, 2020 (13 days ago)

Ayan na naman ang twist.

Salamat sa pag-update.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
L
lebron019
November 10, 2020 (13 days ago)

ayun naupdate din! Thanks sir paradoxxx! sana happy ang ending hahaha abangers lang sa update haha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
L
leoarielcanete
November 10, 2020 (13 days ago)

sulit ang update...mas nka ka excite ang sunod...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
SluttyAddhie
November 10, 2020 (13 days ago)

Thank u otor... Really love ur story.. May aababgan na naman ako...

I am a loyal sex slave to my one and only master

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Dickiesfubu88
November 11, 2020 (13 days ago)

Napakagandang kwento na kahit matapos na ito ay babasahin ko pa rin ng paulit-ulit. Thanks bro. Maiinlove na naman ako nito hahaha! Masarap magmahal no? Yun nga lang part din nito na masaktan ka. Ganyan ang buhay eh. Sad reality but it's the truth na dapat nating tanggapin. Ganda ng twists ng series na 'to. Akala ko noon si Billy and Daniel or Dandan ay same lang hindi pala haha! Grabe pala talaga ang pinagdaanan ni Dandan tapos nang muling makita ang babaing minamahal mula pa pagkabata, ikakasal naman ito sa kanyang ama. Bro, prangkahan lang ha? May galit ka ba kay Daniel/Dandan? Hahaha! Kidding. Excited na kong makita na magiging masaya sya, sila ni Ishie. Sana...

maginoo pero medyo bastos

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
DaddyDon0002
November 11, 2020 (13 days ago)

Salamat sa update boss Para, napakagaling talaga.
Nakakasabik ang natitira pang kabanata ng estoryang eto.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
November 11, 2020 (13 days ago)

Thank you po ulit sa mga nag comment😂
Abangan niyo po ulit ang kasunod mamaya... Salamat po sa lahat

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments