M
E
N
U

LARAWAN 18

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags:
Date: October 30, 2020 (25 days ago)


"Billy… Ano to?!"

Parang may nagdaang anghel. Tahimik na nakamasid ang buong klase sa lalaking ngayon lang nila nakita. Lahat ay nagtataka maliban kay Billy na tila tinakasan na ng dugo sa kanyang mga ugat.Napalayo ito sa dilag na nakaupo sa may duyan at di makatingin ng diretso sa mga mata ng tinraydor na kaibigan.

Napadako ang mga mata ni Dandan sa bahagi ng puno na inukitan niya kaninang umaga ng pangalan nila ni Ishie. Nagulat siya na di na iyon mabasa dahil sa lupang itinapal doon upang tabunan ang nakasulat.

"Bro… bakit?!" wikang muli ni Dandan.

"I'm sorry… Sino ka naman?" mabilis na sagot ni Billy na sinabayan pa ng nakakalokong tawa.

Lalong nagngalit ang panga ni Dandan sa isinagot ni Billy. Tikom ang mga kamao, di niya napigil ang sariling mapahakbang pasugod sa taong itinuring nyang kaibigan.

"Hoy! Sino ka ba kase? Di ka naman invited dito ah!" pigil ng isa sa mga naroon na parang kabatch ni Billly.

Tinabig lang ni Dandan ang kamay na pumigil sa kanyang balikat. Matalas ang titig na nagpatuloy sa paglapit sa umaatras na kaibigan.

"Bakit hindi si Billy ang tanungin mo nyan?! Kung sino ako!" hiyaw nito nang di inaalis ang nanlilisik na mga mata sa naroon na tanging nakakakilala sa kanya.

"Sandali lang! Sino ka ba talaga?!" Di na nakatiis si Ishie na napatayo at namagitan na sa namumuong tensyon sa dalawang lalaki.

Para namang napawi saglit ang galit ni Dandan nang humarang ang dilag sa pagitan nila ng traydor na kaibigan. Bahagyang nakatuon ang mga kamay ng dilag sa kanyang dibdib upang pigilan ang paglapit niya kay Billy.

Hindi napigilan ni Dandan na hawakan ang mga kamay ni Ishie. Nagulat ang dilag sa kanyang ginawa at biglang binawi ang mga kamay na tangan ng estrangherong lalaki.

"Ishie… ako si Unseen." at nagtangka itong lumapit sa napaatras na dalagita.

Nakaramdam ng takot si Ishie sa estrangherong binata lalo na nang akuin nito na siya si Unseen, ang lihim na nagpapadala ng mga liham sa kanya. Bagama't parang mukhang pamilyar sa kanya ang lalaki ay nabastusan siya sa basta na lang nitong paghawak sa kanyang kamay.

"Lasing ka… Please umalis ka na!" pakiusap niya sa lalaki dahil lalo pa siyang natakot nang maamoy niya ang alak sa hininga nito.

"Hindi ako lasing!... Ako talaga si--" sabay hawak ulit sa kamay ng dilag.

Hindi na naituloy ni Dandan ang sasabihin dahil isang malakas na sampal ang kanyang tinanggap mula sa nabiglang dalagita. Kasunod niyon ay isang tadyak naman sa tagiliran buhat sa kasama ni Billy na tumangkang umawat kanina sa kanya.

Bagsak sa damuhan si Dandan ngunit mabilis din itong nakatayo. Tila di ininda ng katawan ang lakas ng tadyak na inabot. Sinubukan niyang harapin ang lalaking nanipa sa kanya ngunit isang sapak naman sa kanyang ulo ang muling nagpabagsak sa kaawa-awang binatilyo.

Tumalsik ang suot niyang salamin buhat sa suntok na iyon na galing kay Billy. Tatayo pa sana ang binata ngunit sunod-sunod na suntok agad ang inabot ni Dandan sa dalawang lalaki.

Sinubukan niyang gumanti ng mga suntok sa dalawa ngunit may mga tumulong pang iba nang makitang lumalaban ang estrangherong nanggulo sa kanilang kasiyahan.

Nagtilian ang mga kababaihan sa nakikitang kaguluhan. Ang iba namang kabataang lalaki ay umawat na sa panggugulpi sa lalaking naging dahilan ng gulo.

"TAMA NAAA!" hiyaw ni Ishie sa mga kasamang lalaki na sumusuntok sa nakahandusay na binata.

Huminto naman ang mga ito at iniwan si Dandan na lugmok ang katawan sa damuhan. Dalawa sa mga umawat ang bumitbit sa magkabilang kili-kili ng nakahundusay na binata. Putok ang kaliwang kilay at labi nito na parehas dinadaluyan ng dugo.

Awang-awa ang dalawa sa estrangherong nagulpi ng kanilang mga kasama. Nang mailayo ay saka nila binitawan ang duguang binata. Nagawa naman ni Dandan na makatayo kahit namimilipit at hawak-hawak ang masakit na tagiliran.

"Umuwi ka na la-ang at baka lalo kang samain sa mga yon." payo ng isang nagmagandang loob at iniabot sa kanya ang kanyang salamin.

Isang matalim na tingin lang ang ipinukol ni Dandan sa kanyang traydor na kaibigan. Tingin na waring nagbabanta na di pa siya tapos sa mga ito.

"Sige na layas na! Titingin pa eh!" kantyaw ng tropa ni Billy.

Kahit iika-ika ay nagmadaling bumaba ng burol si Dandan. Kimkim ang matinding sama ng loob sa dibdib. Dala-dala sa isip ang paghihiganti sa pantatraydor at sa tinamong kahihiyan.

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan pauwi. Umiingit ang mga gulong sa mga kurbada at kantong dinaraanan dahil sa hindi pagmemenor. Nagmamadali na tila may nais habulin at balikan.

Nang makarating sa kanilang tahanan ay di na ipinasok sa gate ang umaandar pang sasakyan. Di na din nakuha pang isarado ang pinto at pabalagbag lang na ipinarada ang oto sa harap ng kanilang bahay. Waring may pakay lang na kuhanin sa loob at balak na umalis din agad.

Nagulat si Sabel sa pabalibag na pagbukas ni Dandan ng front door. Ni hindi ito umimik nang kanyang tanungin kung ano ang nangyari sa duguan nitong mukha at halos liparin nito ang hagdanan papanhik sa itaas. Natakot siya sa itsura ng binatang tila wala sa kanyang sarili.

Nanlilimahid ang kasuotan nito at may bahid ng natuyong dugo sa kanyang mukha na puro pasa. Tarantang napatakbo ang mayordoma upang ipaalam iyon babaeng amo na abala sa paghahalaman sa likod bahay.

"Maam! Maam! Si Dandan po!" Hangos na napasugod si Manang Sabel kay Laura na ipinagtaka ng huli.

"Oh bakit?!" salubong naman ni Laura.

"Si Dandan Maam… puro pasa sa mukha!"

Hindi na nakuha pang mag-usisa ni Laura sa kasambahay at agad itong napatakbo papasok sa loob ng mansyon at pumanhik deretso sa kwarto ng kanyang anak.

"DAN! DAAAAN! Nasaan ka anak?!"

Umaalingawngaw sa buong kabahayan ang nag-aalalang hiyaw ng ina nang makitang wala ang anak sa loob ng silid nito. At nakarinig siya ng mga kalabog sa loob ng silid nilang mag-asawa at agad niyang tinungo iyon.

Tamang-tama naman na palabas na ang anak sa kanilang silid at tanaw ng ina ang isang bagay na nakasuksok sa tagliran ng bewang nito. Nahintakutan si Laura dahil hindi siya pwedeng magkamali kung ano ang bagay na iyon na kinuha ni Dandan sa kanilang silid.

"ANAK KO! ANONG NANGYARI SAYO!!" bulalas ng ina kay Dandan nang magpang-abot sila sa may tuktok ng hagdanan.

"MA! BABALIKAN KO SILAAA… GAGANTI AKO!!!" wika nitong namumula at nanlilisik ang mga mata sa galit.

Niyakap ni Laura ang anak at pilit kinapa ang baril ng kanyang asawa sa bewang nito. Tinangka niyang kuhanin ang baril na nakasuksok at nakatago sa ilalim ng t-shirt ng binata.

"Anak wag kang gagawa ng bagay na ikasisira mo please!!!" umiiyak na pagmamakaawa ni Laura kay Dandan.

Nagawa niyang hugutin ang baril sa bewang nito ngunit agad ding nahawakan ng anak ang baril na balak nitong ipangganti sa mga nakaaway. Nag-aapura nang makababa, pilit binawi ni Dandan sa kamay ng ina ang revolver.

"MA!... WAG KA NANG MAKIALAAAM!" hiyaw nito sa nagsusumamong ina na mahigpit pa ring nakakapit sa baril upang pigilan ang anak.

Tuloy ang pag-aagawan ng mag-ina sa armas. Gamit ang buong lakas ay pinuwersa na ni Dandan mula sa kamay ng ina ang hawak nitong baril. Ngunit sa lakas ng pagkakahiklat niya sa kamay nito ay hindi niya sinasadyang maitulak si Laura.

Nanlaki ang mga mata ni Dandan nang mawalan ng balanse ang kanyang ina. Tila bumagal ang mga pangyayari at nakita niya ang unti-unti paghilig ng katawan nito patalikod sa hagdan sa pagdulas ng paa nito sa pinakataas na hakbang.

Nakalahad ang kamay nito sa kanya at tinangka pang kumapit sa kanyang damit ngunit napabitiw din ito. Sinubukan pa ni Dandan na abutin ang kamay ng kanyang mama ngunit hindi na niya ito nagawang sagipin sa pagkahulog.

Napahiyaw na lang ang kasambahay na nakakita kung paano nagpagulong-gulong sa mataas na hagdanan ang katawan ng kanyang among babae hanggang sa mapahandusay ito sa pinakaibaba.

Tulala namang nakamasid lang ang anak na siyang dahilan ng pagkahulog ng ina. Napahawak na lang ang binatilyo sa kahoy na handrail sa labis na pagkabigla sa pangyayari.

Nang mahimasmasan sa pagkatulala ay patakbo itong bumaba ng hagdanan upang puntahan ang inang di na halos gumagalaw ang nakahandusay na katawan.Paluhod niyang kinalong ang ulo ng ina at tinitigan ang mga mata nitong dinadaluyan ng luha.

"Ma… Ma… Sorry po… SORRY POOO!!" hinaing ng tumatangis na anak habang hinahaplos ang buhok ng inang naghahabol na ng hininga.

Sa huling sandali ay nakuha pa nitong haplusin ang mukha ng mahal na anak. At dahan-dahang nalaglag ang kamay na iyon kasabay ng pagpikit ng mga mata nito.

"MAAAA!!! MAMAAAAA!!!"

Labas ang mga ugat sa leeg ni Dandan sa lakas ng paghiyaw nito. Lubos-lubos ang pagsisisi ng anak sa kanyang nagawa. Ngunit kahit anong tawag niya dito ay di na siya maririnig ng inang isinugal ang buhay huwag lang mapahamak ang nag-iisa at pinakamamahal na anak.

"LAURAAAAA!!!"

Gayon na lang ang pagkabigla at panlulumo ni Marco sa inabutan sa kanyang pag-uwi. Pagpasok pa lang nito ng pintuan ay napako na ito sa kinatatayuan nang matanaw ang walang buhay na katawan ng kabiyak na tinatangisan ng anak at mga kasambahay.

Nabitawan na lang nito ang hawak na kumpol ng mga rosas na ibibigay sana para sa kaarawan ng kanyang mahal na asawa. Napasalampak na lang si Marco at di napigil na maglupasay at magpalahaw habang minamasdan si Laura na wala nang buhay.

Ang babaeng kanyang minahal simula nang siya'y magbinata. Ang nag-iisang babae na bumihag sa kanyang puso.Sa labis na pagdadalamhati ay nawalan ng malay ang lalaki. Hindi kinaya ng kalooban ang sinapit ng kanyang kabiyak sa biglaang pagpanaw nito.

Isinugod pa sa pinakamalapit na ospital si Laura ngunit sadyang huli na ang lahat.

Naihatid sa huling hantungan si Laura na di pinayagan ni Marco na masilip man lang ni Dandan ang kanyang ina. Wala siyang ibang sinisi sa biglaang pagkawala nito kundi ang kanyang anak. Halos mapatay niya ito sa gulpi nang minsang magtangka ang binatilyo na sumilip sa burol ng ina.

Tuluyan na ding pinalayas at itinakwil ni Marco ang nag-iisang anak. Parang hindi niya kaya na makita pa ito sa loob ng kanyang pamamahay dahil ito ang nagpapaalala sa kanya kung bakit siya labis na nangungulila ngayon sa kanyang mahal na asawa.

Mabuti na lamang at sa pag-uwi ng bunsong kapatid ni Laura na si Lucy ay may kumupkop kay Dandan. Ito na ang tumayong pangalawang ina ng binatilyo at nagpasyang isama na lang ito pabalik ng Amerika.

Nang mabalitaan ni Billy ang nangyari sa mag-ina ay natakot ito at binagabag ng matinding pagkakunsensiya. Alam niyang kundi dahil sa pantatraydor niya sa kaibigan ay di sana sasapitin ng mag-ina ang masamang kapalaran.

Hindi niya mapatawad ang sarili sa nagawa sa taong itunuring siyang kaibigan kaya't pinili ni Billy na umalis na lang sa kanilang bayan. Wala ring lakas ng loob na magpaalam sa babaeng kanyang inagaw sa pamamagitan ng panloloko at pagpapanggap.

Hindi niya kayang aminin na siya ang dahilan kung bakit may isang perpektong pamilya na nawasak. Na may isang kaibigan na nawalan ng ina at itinakwil ng ama ng dahil sa kanyang kagagawan.

************************

Malalim na napabuntong-hininga na lang si Daniel nang manariwa sa kanya ang mga alaala nang muling masulyapan ang matandang puno ng acacia sa tuktok ng burol.

Di niya lubos maisip kung ano ang mayroon sa lugar na iyon. Doon kung saan nag-ugat ang lahat, nang magbago at masira ang kanyang buhay sa murang edad ng dahil sa pag-ibig. Doon din sa lugar na iyon kung saan niya natagpuan ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso.

At napagtanto pa na ang dalawang babaeng kanyang minahal… sila Ishie at Trisha… ay iisa lang pala.

Nang makasampa sa kanyang motor ay muling tinapunan ni Dandan ng huling sulyap ang lugar na iyon na kay raming alaalang pilit ulit niyang kakalimutan.

Ngunit sa pagkakataong ito'y wala na siyang laban. Alam niyang hindi na niya mapagtatagumpayan na mabura pang muli ang naranasang panibagong sakit sa kanyang puso at isipan.

************************

Isang linggo na lang at gaganapin na ang pag-iisang dibdib nila Marco at Trisha. Pinag-leave na ng alkalde ang kanyang nobya sa trabaho nito habang siya ay nanatiling pumapasok at inaasikaso ang mga proyekto sa kanilang bayan.

"Trisha… Darating nga pala bukas yung interior designer at contractor na kinuha ko… Ikaw na bahala sa kanila ha?"

Tumango na lamang ang nobya sa sinabi ni Marco. Noong nakaraang araw pa nito nasabi ang balak na pagpapa-renovate ng kanyang bahay. Nais ni Marco na siya ang mangasiwa dito at siya din ang masunod sa mga gagawing pagbabago sa magiging tahanan nila bilang mag-asawa.

Ayaw sana ni Trisha na pakialamanan pa ang dating disenyo ng mansyon ngunit si Marco ang nagpumilit na dapat ay baguhin na ito para na din sa panibagong buhay niya kapiling ang bagong makakasama.

"Pasensya na at di ko na maasikaso yon. Kailangan ko kasing madaliing matapos ang ibang projects sa munisipyo bago tayo ikasal. Para makapag-out of the country naman tayo after kahit saglit lang at makapagrelax tayo di ba?"

Kinabukasan ay maagang tumungo si Trisha sa bahay ng alkalde upang harapin ang mga taong kausap nitong magrerenovate ng kabahayan.Dinatnan niya doon ang mga tauhan na nagliligpit ng mga lumang gamit.

Nagulat siya sa dami ng mga obrang nakasabit sa dingding na sunod-sunod ibinababa upang dalhin sa bodega. Lalo na nang makita niyang maging ang malaking portrait ng mag-asawa ay tila kasama ding aalisin.

"Manang Sabel… Bakit naman po pati mga alaala ni Maam Laura eh kailangan alisin?" malungkot na wika ng dalaga sa mayordoma. Sa totoo lang ay wala naman kaso sa kanya kahit manatili ang mga iyon.

"Utos yan Ma'am ni Sir Marco." matipid na sagot nito na maluha-luha ang mata habang isa-isang inilalabas ng mga trabahador ang mga likhang obra ng kanyang namayapang amo.

"INGATAN NIYO NAMAN YAN MGA UTOY!" singhal ni Sabel sa mga naghahakot na kalalakihan. Wala kasing ingat ang mga ito sa pagbubuhat at nabubungo na ang frame ng paintings sa pagkakahawak ng mga ito.

Agad kinausap ni Trisha ang contractor na kinomisyon ni Marco upang ligpitan at irenovate ang buong kabahayan. Nakiusap siya na huwag nang tanggalin ang mga portrait na iyon ngunit kailangan daw itabi ayon sa mayor. Kailangan ding magbawas ng mga gamit para sa babaguhing disenyo.

Tinulungan na lamang ni Trisha ang ibang kasambahay sa pagbabalot ng tela sa mga obrang ipinatatabi na sa loob ng bodega. Sa ganito man lang paraan ay makatulong siyang maalagaan pa rin ang mga alaala ng namayapang asawa ni Marco.

Kung hindi kasi dahil sa kanya ay hindi naman siguro gagalawin ng alkalde ang mga iyon at hahayaan lang na manatiling nakasabit ang mga obra. Dahil simula yata nang matuntong siya sa bahay na iyon ay andoon na talaga nakalagay ang mga likha ng dati nitong asawa.

Maingat na maingat sila sa pagbabalot di lamang sa mga paintings ni Laura, pati na din sa ibang mga gamit na di na daw nababagay pa sa gagawing pagbabago sa disenyo ng loob ng mansyon.

Tahimik silang nag-aayos ng mga gamit nang biglang bumigay at bumagsak ang isang estante na pinapatungan ng mga kahon. Bumuhos sa sahig ang laman ng ilang kahong nabuksan. Waring mga gamit ng isang lalaki ang laman ng mga kahong iyon.

"AY NAKUPOOO!!" hiyaw si Manang Sabel nang makitang nagkalat ang mga gamit ng dating alaga.

Tumulong na din si Trisha sa pagkalap ng mga gamit na sumabog sa sahig. Isa-isa nilang ibinabalik ang mga iyon sa loob ng mga kahon nang bigla siyang matigilan sa kanyang nakita.

Isang maliit na garapon na may lamang mga beads na tila pamilyar sa kanya. Agad niya iyong kinuha, binuksan ang takip at ibinuhos niya sa kanyang kamay ang laman nito.

Hindi siya pwedeng magkamali. Dahil parehas ito ng beads na nasa kanyang pulseras. Biglang kumabog ang kanyang dibdib at agad niyang tinungo ang kanyang shoulder bag at hinagilap ang bracelet na naroon.

Masusi niyang pinagkumpara ang klase ng mga beads na nasa kanyang palad at ang beads sa bracelet na kinuha sa kanyang bag. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang mapansing kahit ang mga kulay ng letra na nakaukit sa mga butil ay kaparehong-kapareho ng nasa kanyang pulseras.

"Ay Diyos ko!!! Bakit nasa iyo yan Ma'am Trisha?!"

Gulat na gulat si Sabel na nakatingin sa pulseras na hawak ng mapapangasawa ng kanyang amo. Tandang-tanda pa niya kung paano at sino ang gumawa ng bracelet na hawak ng dalaga.

Hindi na siya nakapagpaalam kay Trisha ng kuhanin niya ang pulseras mula sa kamay nito. Binasa ng nanlalabong mga mata ang nakasulat na mensahe sa beads ng bracelet.

"Saan mo nakuha ito?" litong tanong ng matanda sa dilag na naguguluhan din.

"Sa akin po Manang. Bakit po?" Agad namang binawi ni Trisha ang pulseras na tangan ng mayordoma.

"Ikaw si Ishie?" tila nahihindik na tanong nito na tinanguan lamang ng dalaga.

Napasapo ang palad ni Sabel sa bibig nito. Tila hindi makapaniwala sa kanyang nalaman.

"Nakilala mo na ba kung sino talaga nagbigay sayo niyan?"

Napamaang na lang si Trisha sa sinabi ng matanda. Nagtaka kung bakit ganoon ito magtanong na para bang may nalalaman ito tungkol sa pulseras. Kung bakit alam nito na may nagbigay lamang ng bracelet na iyon sa kanya.

"Bakit po Manang Sabel?... Syempre po kilala ko ang nagbigay nito sakin."

"Si Billy ba ang alam mo?" muling tanong ng matanda.

Nagulat ang dalaga kung bakit alam ni Sabel ang tungkol kay Billy. Nagtataka kung ano ang kinalaman ng matanda sa lalaking iyon.

"Manang Sabel teka naguguluhan po ako… bakit niyo kilala si Billy?"

Imbis na sumagot ay tinungo ng mayordoma ang isang kahon. May kinuha ito sa loob na isang lumang album. Agad nitong binuklat ang pahina at ipinakita iyon sa dalaga.

"Siya si Dandan… alaga ko… ang nag-iisang anak nila Marco at Laura." maluha-luhang pahayag si Sabel.

Namula ang pisngi ni Trisha nang mamukhaan ang binatilyong nasa larawan. Muling nanariwa sa kanyang isip ang araw na nakita niya ito sa tuktok ng burol.

Tanda pa niya kung paanong pinagtulungan itong gulpihin nila Billy dahil sa pagtatangka nitong manggulo sa kanilang kasiyahan. Inaako kasi nito na siya si Unseen, ang lihim na nagpapadala ng mga sulat at regalo noon sa kanya. Ito pala ang nag-iisang anak ng kanyang mapapangasawa na nasa Amerika.

Lalong nanghina ang dilag sa sumunod na sinabi ni Sabel.

"Siya si Dandan… siya ang tunay na nagbigay sayo ng pulseras na yan."

Napaupo si Trisha sa katabing upuan na naroon. Hindi na tumutol ang kanyang isip sa narinig lalo na't namamasdan niya ang mga beads sa loob ng garapon. Ngayo...

About the Author :

Joined: May 4, 2019 (1 year old)
Writings: 23
Male  ·  Offline
Description:
Author of LARAWAN
Co-Author of AGUINALDO by missE
Websites:
30  ·  85  ·  27  ·  3,902
 · 

Comments
rednaxel947
October 30, 2020 (25 days ago)

Wow ang aga ng update.ty author

rednaxel947

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Yes sir last po sa pangako ko na 3 chap na magkakasunod. Salamat po ulit

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
rednaxel947
October 30, 2020 (25 days ago)

Ang ganda ng twist at pagkakonek mg story. Lilitaw pa ba si Billy?

rednaxel947

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Malalaman po natin Si rednaxel sa nalalapit na ending ng story nila Daniel at trisha sa susunod na linggo.
Salamat po ulit

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
azker06
October 30, 2020 (25 days ago)

Sobrang ganda ng update sir! mag mula sa simula hanggang sa dulo, hindi nawala sa isip ko ang mga eksena. Simple pero markado!

Slmat sa update

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Thanks Sir azker06...yan po ang isang goal namin maalala niyo ang Lara kahit matagal na

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
Puloboys
October 30, 2020 (25 days ago)

naka first din kung hinde ok lang napakaganda ng throwback story I enjoy reading kudos to both of you

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

3rd boss haha... salamat ulit lagi ka naka suport samin ni missE

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
P
Puloboys
October 30, 2020 (25 days ago)

Your welcome Sir

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
NotSoInocent
October 30, 2020 (25 days ago)

Kawawa naman si Dandan otor. Wag naman sanang matuloy ang kasal ni ishie at ng alkalde. 😭😭

Not A Pervert. Just Imaginative ;)

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Naawa di ako ms NotSoInnocent nung sinusulat ko😢
Abangan nyo po sana hanggang sa last 2 chap ng Lara... salamat po ulit

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
acekantotchloe
October 30, 2020 (25 days ago)

yes di matutuloy ang kasal. di pwede magkamali pamahiin ng mga matatanda. hahaha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Ahaha oo nga eh... epektib pa din ba yung pamahiin na yun?😂
Thank you Sir ace

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Roockky
October 30, 2020 (25 days ago)

Next please… magaling ka po talaga otor

When words fails…Music speaks… .

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Thank you sir Roocky.. sa susunod po ulit😊

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
Annavie27pasig
October 30, 2020 (25 days ago)

Im so moved... Thank u author

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
A
Annavie27pasig
October 30, 2020 (25 days ago)

Im so moved.. Thank u author

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Thanks Maam Anna nagustuhan niyo Lara... samahan nyo po sana sila Dandan at Ishie hanggang sa huli😊

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
RedDragon
October 30, 2020 (25 days ago)

Anlakas ng kutob ko na bittersweet ang ending ito or tragic but moving story grabe naman kasi yung revelation

"Imagination is a weapon. Those who lack it are first to die."

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Salamat Sir RedDragon... saklap nang nangyari nga sa kanila. Kaya sila may gap ni papa nya e.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
palahabal87
October 30, 2020 (25 days ago)

sana meron agad kasunod author ang galing mo! one of the best dito sa fss ang storya mo author.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Salamat sir palahabal... next week po baka ang last 2 chap ng Lara

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
J.-_.-_
October 30, 2020 (25 days ago)

Silent reader boss ako unang bumasa ngayon Lang nag comment ganda super..

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Salamat Sir J... samahan nyo pa sana ko sa last 2 chap.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Dredtan
October 30, 2020 (25 days ago)

Grabe ganda talaga nito, sanay hindi pa huli ang lahat kila dandan at ishie (daniel at trisha) ang galing talaga ng pag kakasulat nito
Salamat author

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Thanks Sir Dredtan... malapit na malaman kung sila talaga ni Dan and Trish hanggang sa huli😊

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
diegomadara
October 30, 2020 (25 days ago)

I tuloy ang kasal! ..... pero teka lang nag dress rehearsal na sa wedding gown, di ba bad omen yun hindi na matuloy ang kasal...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Sino tututol sa kasalang ito? Tumayo na at magsalita o panghabang buhay nang manahimik😂

Malalaman Boss Diego kung epektib pa nga ang kasabihang yan... salamat po

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
jackstone
October 30, 2020 (25 days ago)

Pwedeng-pwede gawing teleserye.

Ang galing ng pgkakagawa, lalo na yung mga twist.

May kaugnayan kaya si Billy sa mga Umali? May pagkatraydor din kasi.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Thank you Sir Jackstone... hmm kaya nga eh di kaya si John un?😂😂😂

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
psuedo_mind
October 30, 2020 (25 days ago)

Atin nang nasilayan ang ugat ng lahat.

Ang pinag mulan ng hidwaan ng mag ama. Isang masaya ng pamilya na na sira dahil sa kasakiman ng isang "Ahas".

Ang pag sibol ng pag ibig. Mula sa inosenteng hangar in hanggang sa masalimoot na mga desisyon an syang unti uniting lumala on sa ka ilang pagkatao.

Onti na lamang at atin nang masisilayan ang kabuoan ng isang di maitatangging obra mula sa isang dakilang malikhain.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Salamat pare suds...mula pagkabata nag cross na landas nila ishie at Dandan... hanggang huli kaya?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jason_the_jackal
October 30, 2020 (25 days ago)

Good read. Five stars po.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
jason_the_jackal
October 30, 2020 (25 days ago)

Good read. Five Stars po

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Thanks Sir Jason sa 5star... tutok po sana hanggang sa huli.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
Ariel6v
October 30, 2020 (25 days ago)

Wow, grabe! Ang ganda ng story, ito lng ang inaabangan ko dto bro, ang galing mong sumulat! Sana sundan mo na agad ung kasunod, idol

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Thank you sir Ariel6v sa pagsubaybay sa lara... next week na po ang kasunod medyo magiging busy this weekend eh.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Ashflauer
October 30, 2020 (25 days ago)

Mula sa start yata hanggang dulo naiiyak ako, ang galing nyo po talaga sisE and sir paradox d best talaga kau

Reply  ·  Like (4)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Iiyak lang po Maam Ash😂... salamat po sa support sa amin ni missE. Abang nyo po baka next week ang endin nitong Lara

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
Pogiyot29
October 30, 2020 (25 days ago)

Sarap basahin nag story mo idol ..abangan ko bukas nxt chap...

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Waaaah Sir Pogi ngaun ko lang po inaraw araw ang 3 chap na throwback inipon ko kasi... mostly weekly lang ako nakakapag post.
Baka po next week ang 2 chap ending na po.
Salamat sir

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Archer14
October 30, 2020 (25 days ago)

Ngayon pa lamang halos mawindang na si Trisha sa mga natuklasan nya, paano pa kaya kung malaman nya na si Dandan at Daniel ay iisa???

Sa halos hindi mabilang na pagkakataon pinaglalapit ng tadhana ang kanilang mga puso. Mula pa pagkabata pinagtatagpo na sila ng panahon. Kung may humahadlang man pilit gumagawa ng paraan ang kapalaran upang mag-sanggang muli ang kanilang mga landas... tila sinasabing ipaglaban mo, 'wag mong talikuran. Mapait man ang ala-ala ng kahapon, hindi naman nawawala ang matamis na hatid ng bukas.

Torpe si Dandan pero hindi duwag at mapagsamantala na gaya ni Billy. Kung meron mang nagtatago at hindi kayang humarap sa babaeng minamahal, walang duda na si Billy yun. Ginamit nya si Unseen para mapalapit kay Trisha.

Salamat Sir Paradox at MissE! Muli nyonkaming ginulantang sa mga kwentong hatid nyo.

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Aww salamat pre... yun na nga tadhana ang naglalapit... tadhana din kaya magdedesisyon?

Salamat pre nakakatuwa ano kahit wala na ko maibigay na nababagay sa FSS... marami pa din kayo na sumusubaybay.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
Kid_Juray
October 30, 2020 (25 days ago)

Napakaganda po talaga ng story niyo na ito sir... Sundan na po sana agad.. Silent reader lang po, pero na pa comment dahil nag comment yung idol ko na si jason_the_jackal...sana mag sulat po ulit kayo idol jason... Dami niyo ng magagaling na author 😉

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Thanks sir Kid_Juray... sana nga magsibalikan din yung ibang mga batikan talaga sa pagsusulat.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jerikho
October 30, 2020 (25 days ago)

So the whole past of two individuals is finally revealed- malinaw na ang lahat pero mukhang malabo pa rin ang hinaharap nila sa puntong ito...lalo na si Daniel ay nasa bingit ng panganib. Minsan sadyang mahirap ang daan tungo sa isang masaya, tahimik at payapang pamumuhay sa piling ng iyong minamahal, mahirap na mga pagsubok muna ang iyong kakaharapin bago makamtan ng tuluyan ang ninanais ng iyong puso...

              Walang iwanan at bibitaw hanggang sa huli- may road to forever nga ba ngahihintay sa dalawang bida o sadyang pinagtagpo lang sila pero hindi itinadhana. O baka naman may mangyayari pang hindi inaasahan...Maraming salamat Pareng Para at Mareng E! 👍👍👍

Retiradong Playboy...pwedeng TUMINGIN pero never ang TUMIKIM 😉

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Sana nga may light at the end of the tunel kay Daniel at Trisha.
Hindi lang pala sa bar nagsimula ang lahat db? Dun lang pala sila muling pinagtagpo

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 30, 2020 (25 days ago)

Bitin otor! Lara19 na please😜

Reply  ·  Like (4)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Parang mali ang bilang mo ah🤔
16, 17, 18,..... 36 ang kasunod na alam ko😆
Kelan yan🤣

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE
October 30, 2020 (25 days ago)

Halloween. Di ko nga lang sure kung anong taon😅

16, 17, 18... 36... 19, 20... 37... 1??🤣✌

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

1? Meaning may bagong series ka ulet😍🤣🤣

Like (2)  ·  Report
missE
October 30, 2020 (25 days ago)

"Swiss Knife" by Paradoxxxx😍🤣🤣

Yoko na, o sya sulat na ko😅👋

Like (2)  ·  Report
U
unseenmeh
October 30, 2020 (25 days ago)

kinikilabytan ako sa mga updates mo sir...nag gogoosebumps ako...😭 sobrang ganda...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Uy ikaw pala ang real Unseen! 😂😂
Salamat boss samahan nyo po ang ating mga bida hanggang sa huli.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
S
sharmfaker
October 30, 2020 (25 days ago)

Wala na bang gangbang kay trisha.so sad

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

😱😱😂😂 salamat boss sharmfaker

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kstart
October 30, 2020 (25 days ago)

Bilis ng update po,agui naman po next😁😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 30, 2020 (25 days ago)

Uu nga Agui naman no😂

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE
October 30, 2020 (25 days ago)

Tignan natin sir kstart kung kayanin makapagupdate ng agui bukas ng gabi ha😅

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE
October 30, 2020 (25 days ago)

Sir Pulo, Sis Ash, Hepe Arch, Jerikho, thank you!🤗🤗🤗

Malungkot kami na masaya na matatapos na ang Lara pero sobrang natutuwa kami na naenjoy ng ibang readers kahit kakaiba ang tema sa usual nating nababasa dito sa FSS.

Muli, maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa series na to. Hanggang sa finale ah😉

Reply  ·  Like (6)  ·  Report
P
Puloboys
October 30, 2020 (25 days ago)

Your welcome Miss E

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kiel17
October 30, 2020 (25 days ago)

Ang lupet ng obra mu master... Nkaka xcite ang susunod n update.. Kaabang abang talaga to!! Maraming salamat sa napakagandang kwento😊

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 31, 2020 (25 days ago)

Thank you sir kiel... baka po next week na ko makapag update ha salamat sa pagbabasa

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
popopot
October 30, 2020 (25 days ago)

Ibang level ang obra mo otor😍😍 nakakabilib talaga😍😍 Daniel and Trisha.... kung tayo marahil ang nasa sitwasyon nila....OMG... ang hirap I handle nasa kamay nyo sir paradox ang kanilang kapalaran ❤️❤️

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 31, 2020 (25 days ago)

Thanks Sir Pot... tadhana na siguro magdidikta ng kapalaran nila... narito lang kami ni missE para magsulat ng nakatakda sa dalawa😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
C
charles2700
October 30, 2020 (25 days ago)

Ngayon ay malinaw na sakin ang lahat ang dahilan kung bakit nawasak ang pamilya ni Dandan...Sobrang sakit maglaro ang tadhana sa dalawang nagmamahalin..Mukhang d matutuloy ang kasal ah kasi sabi nga ng matatanda bawal isukat ang wedding gown bago ang kasal...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 31, 2020 (25 days ago)

Malalaman natin sir Charles sa next last 2 episode ng Lara... kung matutuloy nga ang kasal
Thank you ulit

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Cranium
October 30, 2020 (25 days ago)

Galing! Really really nice story... Hope we can get the next part soon.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 31, 2020 (25 days ago)

Next week po sir pilitin namin makapag update.. salamat po sir Cranium

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
Balasubas2.7
October 30, 2020 (25 days ago)

Oh ayan, missE, galaw galaw para sa 3 chapter update ni Aguinaldo... Lagot ka sa lolo ko inaabangan namin yun tsaka tong larawan...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 31, 2020 (25 days ago)

Oo subsob na pre sa agui part 36 lola niyo🤣🤣... abang tayo ng update

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Triple_777
October 30, 2020 (25 days ago)

tagos sa puso, kudos sa author nice one .... napakaganda🥰🥰🥰

Never cheat on someone that is good to you. Karma is a bitch.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 31, 2020 (25 days ago)

Thank you sir triple777 nagustuhan nyo lara

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
DarkQueen76
October 30, 2020 (25 days ago)

Very nice story po....

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
DarkQueen76
October 30, 2020 (25 days ago)

Very nice....nice nice story ...Sana happy ending c Trisha at Daniel po

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 31, 2020 (25 days ago)

Thank you ulit sir DarkQueen... next week po ulit

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
Papatots
October 30, 2020 (25 days ago)

Boss..Gandang Ng Update sana may chapter 2 book 2pa..Abangan namin yung susunod

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 31, 2020 (25 days ago)

Waaah 😂😂😂 salamat at pasok sa panlasa mo sir ang story nila.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
lebron019
October 31, 2020 (25 days ago)

Sobrang ganda parang movie ser pardoxxx!grabe ang lupet ng storya sana next week 3 chapters ule hahaha thank you sa malupet na story na to haha

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 31, 2020 (25 days ago)

Baka last 2 chap na lang sir lebron last week matatapos na po ang lara.
Thank you po ulit

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Red_devil
October 31, 2020 (24 days ago)

PUTANG INA PAG HINDI SI DANIEL AT TRISHA MAGKATULUYAN MAG PAPAKAMATAY AKO!!!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
M
Mastermax
November 2, 2020 (23 days ago)

Guys, tanong ko Lang paano mag post Ng story dito? Thank in advance

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
acekantotchloe
November 2, 2020 (22 days ago)

boss kelan part 19? nakaka inip mag antay. gusto ko na uli tumulo luha ko. hehe

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
P
peyup16
November 2, 2020 (22 days ago)

Ang ganda talaga ng Larawan. Unang likha mo pa lang otor pero talagang matatawag na na obra. Kudos!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Robert_
November 4, 2020 (20 days ago)

Ganda ng stories mo Sir,tulad din ng ky ifol Balderic at Van master,sana huwag kang tumigil sa pagsulat ng mga stories tulad ng Larawan at Aguinaldo,thanks

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments