M
E
N
U

LARAWAN 16

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags:
Date: October 28, 2020 (28 days ago)


Palinga-linga ang dilag sa paghahanap sa taong nagsauli sa kanya ng bracelet na kay tagal na niyang hinahanap. Kasama pa rin niya ang batang nagtataka din sa biglang pagkawala ng lalaking nagbigay ng pera sa kanya upang iabot ang bagay na iyon sa babae.

Napatitig si Trisha sa anino ng malaking puno. Para kasing sa likod niyon ay may taong nakatayo. Akma sana niyang iikutan ito upang tignan ngunit bigla ay may kamay na humawak sa kanyang braso.

"What happened Trisha?" nag-aalalang tanong ni Marco sa nobya.

Sumunod pala ito ng makapagpaalam sa mga kausap sa labas ng simbahan. Nagtataka sa pagdistansya ng kasintahan nang walang pasabi.

"Ah ano kase… may--" sagot nito habang nakaturo sa puno.

"Andito na pala sasakyan… lets go."

Di na natapos ng dalaga ang sasabihin dahil inakay na ito ng alkalde palapit sa parating na sasakyang minamaneho ng isa sa kanyang mga bodyguard. Hindi na niya naikwento ang naganap kanina dahil pagkasakay nila ay naging abala naman si Marco sa mga tawag sa cellphone nito.

Nang maihatid sa bahay ay nagmamadaling bumaba ang dilag. Tangan ang bracelet ay agad siyang pumasok sa kanyang silid at tinungo ang aparador kung saan nakalagay ang lata ng biskwit na kanyang-pinakaiingatan.

Naupo siya sa kama at binuksan ang takip ng lata. At matapos ang matagal na panahon ay muli niyang inisa-isang tignan ang mumunting alaala ng kanyang kamusmusan.

************************

"Ayiiieeee!!! Sige diretso lang ang lakad Ishie… malapit ka na!" tili ni Janet sa kanyang bestfriend habang gina-guide ang dalagitang nakapiring na dahan-dahan sa paghakbang.

Kumakabog ang dibdib nito sa kaba dahil sa wakas ay makikilala na niya ang lalaking lihim na nagbibigay ng kung ano-ano sa kanya nitong mga nakaraang buwan. Mga simpleng bagay na nagpapangiti sa kanya at nagpapakilig sa kanyang musmos na damdamin.

Halos lahat ng kanilang kaklase ay saksi sa nakakakilig na tagpong iyon. Naiinggit ang iba lalo na ang mga kababaihan ngunit lahat ay pawang masaya at excited para sa kanilang kaklase.

Napagkaisahan nilang i-set up si Ishie sa lugar na iyon sa hiling ng lalaking lihim na nagtatangi sa dilag. Nakatayo ang nag-aabang na binatilyo sa tabi ng malaking puno ng Acacia kung saan pinalamutian ng makukulay na papel na bulaklak ang duyan na nakasabit sa sanga niyon.

"AYAN NAAA! DALAWANG HAKBANG NA LAAANG!!"hiyawan ng mga kabataang nakapalibot at naghihintay na magka-daupang palad ang mga musmos na nagkaka-ibigan.

"STOOOPPPP!!!" sabay-sabay na hiyaw ng magkakaklase nang halos magkaharap na ang dalawa.

Nanlalamig si Ishie sa kaba. Sa wakas ay makikilala na niya ang lalaking laging nagbibigay saya sa kanyang damdamin at nagpaparamdam sa kanyang espesyal siya. Tila lumulutang siya sa ulap na isiping makikilala na niya kung sino ba talaga si 'Unseen'.

Napaigtad ang dalagita nang maramdamang dumampi ang dulo ng mga daliri ng binatilyo sa kanyang magkabilang tainga habang kinakalas nito ang panyong nakatakip sa kanyang mga mata.

Halos di humihinga ang lahat at tahimik na nakamasid sa dalawang teenager habang kinakalas ng lalaki ang piring. Lahat ay nakangiti at nag-aabang ng reaksyon ni Ishie kapag nahubad na nang tuluyan ang panyo.

Naramdaman ni Ishie ang pagluwag ng blindfold na nakatali sa kanyang ulo at ang unti-unting pagkahubad niyon. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at pinanatiling nakapikit ang mga mata kahit wala na ang kapirasong telang nakatabon sa kanyang paningin.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata habang nakatungo ang ulo. Laking gulat ng dalagita sa pagtingala nito dahil sa lalaking kanyang nasumpungan.

"Ha? I-kaw?!"

Namula ang matatambok na mga pisngi ni Ishie nang mapagtanto nito ang pagkakakilanlan ng kanyang lihim na tagahanga. Ang lalaking nagparamdam sa kanya ng pagpapahalaga sa kabila ng pagkakaroon niya ng mababang kumpiyansa sa sarili.

Sa wakas ay nalaman na niya kung sino ang pasikretong nagpaparating sa kanya ng mga simpleng bagay na sa tuwina'y nagbibigay sa kanya ng saya. Mga bagay na kanyang maingat na inipon at maya't mayang pinagmamasdan at binabasa upang muling sariwain ang kilig at kaligayahan na noon lang naranasan ng kanyang inosenteng puso.

"Haha… Oo… Ako nga."

Matamis ang ngiti ng binatilyo sa tila nagugulahang dalagita na para bang hindi pa rin makapaniwala na siya pala ang lalaking nagtatangi dito.

************************

"I LOVE YOU PAPA BILLY!! MARRY ME PAPA!!!" hiyaw ng maharot na baklang estudyante sa gitna ng dumadagundong na tilian at hiyawan sa gymnasium.

Hindi magkamayaw ang mga estudyante nang sa huling mga segundo ng laro ay mai-shoot ng binata ang bola na siyang ikinapanalo ng kanilang koponan. Panalo ang kanilang eskwelahan sa ginanap na finals ng liga ng basketball na sinalihan ng iba't ibang pampublikong high school sa kanilang bayan.

Ngayon lang nakuha ng kanilang paaralan ang kampyonato sa palarong iyon. Ibang klaseng husay sa paglalaro ang ipinamalas ng team captain ng kanilang varsity team. Nagawa nitong idikit ang kanilang score sa malaking lamang ng kalaban at sa dulo'y nagawa pang ipanalo ang laro. Kaya't di na rin nakapagtataka na ito ang hinirang na MVP sa ligang naganap.

Halos lahat yata ng kababaihang naroon sa gymnasium maging mga taga-ibang eskwelahan ay humanga sa binata at nag-aasam na makalapit at makipagkilala dito.

"Ang pogi talaga ni Billy syet!" wika ni Janet habang haltak-haltak ang manggas ni Ishie. Kasalukuyan na noong ginaganap ang awarding ng mga tropeyo at medalya para sa mga nagwaging koponan at manlalaro.

"Oo nga noh, siguro ang dami niyang girlfriend." wika naman ni Ishie sa kaibigan.

"Maraming nagkakandarapa pero hanggang ngayon wala pa rin daw nililigawan. Baka pihikan." sagot naman ni Janet.

"Oh kaya itigilan mo na yang kakailusyon mo noh at di natin yan ka-level hahaha!" pang-aasar ni Ishie kay Janet.

Sino nga ba naman siya para mapansin ng isang katulad ni Billy na campus heartthrob. Bukod sa malakas ang dating, isa ito sa mga iniidolong mag-aaral sa senior batch dahil sa angking husay nito sa larangan ng palakasan kasabay ng pagiging honor student kaya naman madami talagang kababaihan ang humahanga dito.

Isa lang naman siyang pangkaraniwang estudyante sa kanilang paaralan. Hindi naman siya pansinin at ni wala man lang ngang lalaking magkamaling kumausap sa kanya.

May angking simpleng kagandahan naman ang mestisahing dilag. Kung pagmamasdang mabuti ay napakaganda ng mapupungay na mga mata nito na itinatago lamang ng may kakapalan at di ayos na kilay. May maninipis na labing kahit di lagyan ng kolorete ay natural na mapula.

Yun nga lang may katabaan ito na kahit sa pagdadalaga ay tila bitbit pa din ang kanyang baby fats. Ito marahil ang dahilan kaya't walang nanliligaw dito.

Ngunit di naman iyon alintana ng simple at mahiyaing dalagita. Masaya na ito na ang tanging nakakasama ay ang magulo at makulit na si Janet.

Di siya nakakaramdam ng inggit sa ibang teenagers na mayroong mga nanliligaw at ang iba nga ay may mga kasintahan na. Kuntento na si Ishie sa simple niyang pangarap na dadating din ang lalaking nakalaan para sa kanya at mamahalin siya ng buo.

Tutal ay nasa second year pa lamang naman sila. Naisip niya na kapag tumuntong na sila ng 4th year, baka sakaling pumayat na siya non at may isa sigurong kagaya ni Billy na darating at magkakagusto din sa kanya.

'Arrrghh' reklamo ng kanyang isip. Hindi niya namamalayang pati pala siya ay nangangarap na din yatang mapansin ng binata. Inilayo niya ang kanyang atensiyon sa lalaki at baka maging isa pa siya sa mga nagpapantansiyang mapansin nito.

Matapos ang awarding ceremony, malikot ang mga mata ni Billy na parang may hinahanap sa kumpol ng mga estudyante. Di naman magkandaugaga sa pagbati at pagkamay ang mga sumasalubong sa kanya matapos bumaba ng stage upang tanggapin ang parangal na naigawad sa kanya.

Ngunit ang mga mata nito'y sumusuyod sa kapal ng mga taong nasa stadium. Nang sa wakas ay makita ang pakay ay pilit niyang isiningit ang katawan sa mga estudyanteng nakaupo sa bleachers upang marating ang pinakatuktok na hanay ng upuan kung saan niya natanaw ang kanyang hinahanap.

Parang natulala si Janet nang makitang papalapit ang campus crush sa kanilang direksiyon. Napalingon pa ito sa likod upang tignan kung mayroon pa bang ibang tao na nasa kanilang likuran ng kanyang bestfriend.Nakapangalumbaba naman si Ishie at nakatanaw sa gawing kaliwa ng court at pinagmamasdan ang kabilang koponan na nagbubunyi din sa pagkakakuha nila ng pangalawang pwesto sa ginanap na palaro.

Nang mapagtanto ni Janet na sila ang pupuntahan ni Billy ay marahan niyang niyuyog ang hita ng katabi. Nang di siya pansinin ng kaibigan ay natampal na nito ang tuhod ni Ishie na ikinagulat naman nito.

"Aray ano ba?!" Inis nitong binalingan si Janet na tulalang nakatingala.

"Hi"

Biglang lingon ni Ishie sa pinanggalingan ng tinig. Pati siya ay natulala nang makita ang lalaking nakatayo at matamis na nakangiti sa kanya.

Para silang nahipnotismong magkaibigan nang sandaling iyon. Takang-taka kung ano ang magtutulak sa League MVP na sadyain pa sila sa pinakatuktok ng stadium na iyon.

"Uhmm… Excuse me miss?" Napakaway pa ito ng kamay sa mga nakatulalang dalagita. Saka lamang natauhan ang magkaibigan nang muling magsalita ang binata.

"Pwedeng malaman name mo miss?" Nakatitig ito kay Ishie na di rin makapaniwala sa nakikita at sa pagtatanong pa ni Billy ng kanyang pangalan.

Nananaginip lang ba siya? Bakit nag-abala pa itong umakyat doon para lamang itanong ang kanyang pangalan? Sino ba siya? Sa dinami-rami ng estudyanteng babaeng naroon ay bakit siya pa? Ano meron? Kay daming tanong sa kanyang isip ngunit wala siyang mahanap na sagot.

"Uy!" siko ni Janet kay Ishie na tila natameme na at di makapagsalita.

"Miss… May nagpapatanong lang kase… Pwede bang malaman?" natatawang wika ni Billy.

Namula ang mukha ni Ishie at tila napahiya sa kanyang sarili nang marinig ang tunay na dahilan kung bakit ito lumapit. Ilang saglit din siyang naging ilusyunada, sa isip-isip niya.

"Hi Billy, I'm Janet." sabat ng kaibigan sabay hawi pa ng buhok nito sa likod ng tainga. "And siya naman si Ishie… I-S-H-I-E. Ishie." At ang atribidang kaibigan na nga ang sumagot sa tinatanong ng binata.

"Ah ok… Sige thanks Janet… and Ishie." ngiti nito sabay talikod na sa dalawa at nagmadaling bumaba na ulit upang balikan ang kanyang mga kasama sa team.

Sabay pang napalingon at nagkatinginan ang magkatabing dilag. Kapwa gulat na gulat sa nangyari at bakas ang kilig sa mga mukha.

"Oh tama na ilusyon… may nagpatanong lang daw ha!" saway ni Janet sa kaibigan na parang nahuhulaan na ang iniisip nito.

Sabay pang nagkatawanan ang dalawa na para bang kapwa din sila umasa na ang binata nga talaga ang may pakay kaya ito lumapit. Ngunit mas madaling paniwalaan na may iba nga lang nagpapatanong ng kanyang panagalan.Ngunit sino? At bakit?

Dito nag-umpisang makatanggap ng mga di inaasahang bagay ang dilag. Sa loob ng isang buwan pa lamang na lumipas ay kung ano-anong mga munting regalo ang lihim na ipinararating kay Ishie. Mga sariwang bulaklak, home-made cookies, chocolates, at kung ano-ano pa na may kalakip lagi na simpleng mensahe na nagpapangiti sa dilag.

Kadalasan ay iniiwan ang mga iyon sa kanyang upuan sa loob ng kanilang classroom sa tuwing sila ay magre-recess. Minsan naman ay iniiwan sa guwardiya ng kanilang paaralan na iaabot naman sa kanya sa pagpasok sa umaga.

Minsa'y isang DIY greeting card naman ang kanyang natanggap na may sketch ng bulaklak. Pagkabalik nila ni Janet galing recess ay nakita na lang niyang nakaipit iyon sa libro na iniwang niyang nakapatong sa armrest ng kanyang upuan.

"Pssstt!... Pabasa naman!" mahinang anas ni Janet sa kaibigan sapagkat nagsisimula na ang kanilang klase.

Muli lamang iyong inipit ni Ishie sa kanyang libro. Iniingatang huwag makita ng kanilang guro na nagsisimula nang magtalakay ng kanilang aralin. Palakad-lakad ito sa aisle sa pagitan ng mga upuan habang may tangan na libro.

Dahan-dahang binuklat ni Ishie ang pahina ng kanyang aklat kung saan naroon ang nakaipit na card mula sa kanyang secret admirer. Napangiti ang dalagita nang makita ang nakasulat dito.

Dear Ishie,

I like it when you smile… It's really cute.

-Unseen

Napangiti naman ng ubod ng tamis sa kawalan ang dalagita nang mabasa ang simpleng mensahe mula sa isang estranghero. Hangang-hanga siya sa ganda ng pagkaka-sketch nito sa bulaklak lalo na sa ganda nitong sumulat na pantay-pantay ang mga letra kahit walang guhit.

"TRISHA CRUZ!"

Nagulat ang dalaga sa matapang na tinig mula sa kanyang likuran. Kanina pa pala nakikita ng matandang dalagang maestra ang card na nakaipit sa libro at kanyang pasimpleng sinisilip.

Tumayo ito sa harapan ni Ishie. Nanlalaki ang butas ng ilong ng guro habang nakatingin sa kanyang nakabuklat nang libro. Kitang-kita nito na iba ang pinagkakaabalahan ng dilag imbis na ang kanilang aralin.

Agad nitong kinuha ang card na nakaipit at binasa nang malakas sa harap ng kanilang klase ang mensahe...

About the Author :

Joined: May 4, 2019 (1 year old)
Writings: 23
Male  ·  Offline
Description:
Author of LARAWAN
Co-Author of AGUINALDO by missE
Websites:
26  ·  25  ·  25  ·  4,952
 · 

Comments
A
Akasui
October 28, 2020 (28 days ago)

Di ko pa man nababasa alam ko nang maganda. More power sir.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
leyash143
October 28, 2020 (28 days ago)

nice 😁

❀ᗩSᕼᒪEY❀

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 28, 2020 (28 days ago)

Samahan niyo po kami sa tatlong araw na pagbabalik tanaw sa nakaraan nila Daniel at Trisha.

Bukas po Thursday LARA 17 and Friday LARA 18.

Salamat po😊

Reply  ·  Like (13)  ·  Report
missE
October 28, 2020 (28 days ago)

Excited na kong mabasa nila Lara17 bukas😁 Sulat na ulit para matapos na din Lara18 at nang maproofread na

Reply  ·  Like (6)  ·  Report
NotSoInocent
October 28, 2020 (28 days ago)

Luh! Sino kaya un? Kakilig si Ishie at Billy. 😍

Not A Pervert. Just Imaginative ;)

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
rednaxel947
October 28, 2020 (28 days ago)

Thanx andyan ka pa author sa pagtutuloy ng Larawan

rednaxel947

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
A
acekantotchloe
October 28, 2020 (28 days ago)

haha. mukhang utusan lang ni daniel si billy pero nainlab din kay ishie.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
braddix65
October 28, 2020 (28 days ago)

parsang ibinalik tayo nuong high school days natin nito ah !!!

will wait tomorrow ... salamat sir para.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Ashflauer
October 28, 2020 (28 days ago)

Hala! Mali yata ako ng guess😄
Si Daniel yung dumating otor?😂
Thanks galing ng collab nyo🤗

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
kuatog
October 28, 2020 (28 days ago)

haha huli ka balbon...2 timer ka pala billy..kaya pala nawala ka bigla ..alam na

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
Puloboys
October 28, 2020 (28 days ago)

Nice story wait ko another 2 chapters more power to you Sir P and Miss E mukhang may cross over kasi napapabilis ang pagtatapos ng Lara

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jerikho
October 28, 2020 (28 days ago)

Hmm..well "someone" steals the show and a certain somebody has been "robbed" of his hardwork just to express his love... tsk!tsk! that's a low blow if I may say. Can't wait for rest of the series, good job as always to both of you! High fives Pareng Para and Sis E! 🙌🙌🙌

Retiradong Playboy...pwedeng TUMINGIN pero never ang TUMIKIM 😉

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
acekantotchloe
October 28, 2020 (28 days ago)

kapal ng mukha noong billy. pinaghirapan ni daniel siya gusto makinabang. sobrang torpe siguro ni baby deniel. too bad until this part, ishie didn't know that it was really deniel who is mr unseen. kaya pala nasaktan bebe ko. yun pala ay siya ang nagbayo, nagsaing pero iba ang gusto kumain. hehe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
reicool
October 28, 2020 (28 days ago)

Ganda talaga ng story mo sir. Waiting for next update. Pero miss ko na din si dra sanchez hehe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Sungit_moh
October 28, 2020 (28 days ago)

Tabing ilog at tgis ang peg hahaha

Tapos tingle tung captcha ko hahaha

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kenpachi0000
October 28, 2020 (28 days ago)

Kaibigan cgro ni billy ung binatilyo n my gusto din ky ishie

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
lebron019
October 28, 2020 (28 days ago)

waiting sa kasunod ser ganda ng kwento!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
DaddyDon0002
October 29, 2020 (28 days ago)

Salamat otor Para at missE sa update. Galing talaga!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 29, 2020 (28 days ago)

Shout out na lang kay...

Akasui, leyash143, NotSoInocent, rednaxel947, acekantotchloe, braddix, Ashflauer, kuatog, puloboys, jerikho, reicool, Sungit_moh, kenpachi0000, lebron and Daddydon0002....

Salamat po sa pag commento at pagsubaybay sa Lara... mamaya po abangan nyo po yung kasunod.

Medyo busy po kaya ko pinagsamasama na lang reply ng pasasalamat. Sa mga hahabol pa ng likes or comments salamat po😂

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
Archer14
October 29, 2020 (28 days ago)

Mukhang mula pa pagkabata nakaguhit na sa palad ni Trisha ang masuong sa masalimuot na buhay pagibig. Ang dapat na magsisilbing tulay, tuluyan nang nabighani sa simpleng kagandahan ni Trisha. Ang haba ng hair!!!!!

Alin kaya sa mga natatanggap ni Trisha ang galing kay admirer at alin ang galing kay Billy? Bracelet, bracelet, kanino ka nagmula?

Ang daming tanong na naghahanap ng kasagutan...

Salamat Sir Paradox at missE sa mga nakakakilig moments sa chapter na to. October pa lang pero parang Pebrero na

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
P
popopot
October 29, 2020 (27 days ago)

Nice throwback sir paradox May aabangan pla kami today and tomorrow Tnx 😊

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jackstone
October 29, 2020 (27 days ago)

Sunod-sunod na. Yay 😁

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 29, 2020 (27 days ago)

Salamat po sa lahat ng nagbasa at nag comment dito Lara 16... gaya po ng naipangako, posted na din po ang Lara 17... salamat po ulit mga sir and madam.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
rednaxel947
October 29, 2020 (27 days ago)

May attitude si billy,gusto nya sya ang luckiest man.kaya nkuha nyang saksakin sa likod ung si daniel dandan

rednaxel947

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
rednaxel947
October 29, 2020 (27 days ago)

May nais pa akong i-back read yung name ng first love ni ishie na naglaho..haha kaya less likely magbasa ng ganito.mas ok whole story from start to the end,para tapos.

rednaxel947

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments