M
E
N
U

Collared - 07

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Romance · Tags:
Date: October 26, 2020 (29 days ago)


Author's notes: Non-sexual ang chapters 7 and 8. May parody of characters from FSS Chatrooms para sa chapter 8.

Matapos mag-almusal, napag-desisyunan ni Sheena na umuwi muna sa kanilang bahay sa may Cubao. Ang dahilan nito ay para kumuha ng gamit na pwedeng dalhin sa bahay ng nobyo upang matulog hanggang lunes ng umaga bago makipag-meeting sa bago nitong kliyenteng Amerikano na magpapagawa ng rest house sa Batangas.

"Tita, tito. Uuwi po muna ako sa bahay sa Cubao, kung pwede po sana ay maligo po kayo at susunduin ko po kayo mamayang alas diyes"

"Iha, saan naman tayo pupunta?" ang pagtatanong ng nanay ng nobyo sa babae.

"Igagala ko ho kayo at kung pwede ay isama niyo po sina Marcela at Maki. Si Mark naman po ay hindi ko maisasama dahil mag-re-review po siya para sa finals nito next week at alam kong mahirap yung major exams niya dahil diyan din po ako hirap nung college po ako"

'Aba, nagdesisyun girlfriend ko na di ako kinokonsulta' ang natatawang sabi ni Mark sa kanyang isipan.

Matapos mag-paalam ay bumeso na si Sheena sa magulang ng lalaki at hinatid naman ng lalaki ang nobya sa sasakyan nito at humalik sa labi at tuluyan ng umalis.

Habang nagmamaneho ang dalaga, nag-iisip ito kung ano ang damit na pantulog at pambahay ang dadalhin sa bahay ng nobyo.

BIIIIIIIIIIIP!!!

Dahil sa saya at pagka-sabik ng dalaga, muntikan na itong mabangga sa isang sasakyan sa intersection sa loob ng campus.

"Ano ba! Putangina tumingin ka sa kalsada!" Sigaw ng drayber ng taxi na muntikan ng mabangga ang minamanehong sasakyan ng dalaga.

"Pasensya na kuya" ang sabi ng dalaga pagka-roll down ng bintana nito.

Pagkatapos nito ay dumiretso na ulit ang dalaga sa kalye at iwinaksi muna ang pag-iisip nito sa mga bagay na nagpapasabik sa kanya.

Makalipas ang 20 minutong pag-da-drive ay nakarating na ito sa compound nila sa Cubao.

Dumiretso ito sa kwarto nito at kaagad binuksan ang aparador at naka-titig lang ito dahil iniisip ang mga damit na gusto niyang dalhin sa bahay ng nobyo upang tumira dito hanggang lunes ng umaga.

Matapos mag-impake ay nagtungo ito sa computer nito upang tignan kung may bagong email na dumating. May 2 bagong email na nakuha ang dalaga at tumugon ito sa unang email na nakuha na ito nga ay ang kliyente nitong Amerikano na may nobyang Pinay na kikitain ng lunes.

Nang buksan ng dalaga ang pangalawang email at habang binabasa nito ay nanlaki ang mga mata nito dahil isa itong napakalaking project. Malugod na tinugunan ni Sheena ang email.

Ang paksa ng email na nagpagulat sa kanya ay 3 malaking resort na ipapagawa, sa 2 sa Batangas at isa naman ay sa Bataan. Tumugon ang dalaga sa anyaya ng kliyente na makipag-meeting ng magpapagawa ng resort nito kay Sheena sa Miyerkules ng tanghali at kung maari ay sa Tagaytay makipag-kita.

Matapos ang pag-sagot sa email ay tinawagan ni Sheena ang ate nitong Arkitekto upang sabihin ang 4 na proyekto nila. Nagalak ang magkapatid sa magiging plano dahil siguradong tatabo sila ng kita mula dito.

Bukod sa pagkakaroon ng masaganang buhay pag-ibig kahit bago lamang ito, pakiramdam ni Sheena ay magbubunga ng todo ang career nito bilang isang inhinyero at ang ate naman nitong isang Arkitekto.

9:48AM nang umalis ang dalaga sa bahay nito na may dalang 2 bag ng damit pantulog at pambahay at nakarating sa bahay ng nobyo ng 10:17AM at agad na tumuloy sa loob ng bah...

About the Author :

Joined: July 5, 2020 (4 months old)
Writings: 8
Male  ·  Offline
Description:
I write depending on my mood.

4  ·  0  ·  4  ·  1,802
 · 

Add New Comment
M E N U
Recent Comments