M
E
N
U

Kusina Chronicles 12: Huli Pero Di Kulong!

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags:
Date: October 24, 2020 (1 month ago)


Napangiti ako sa kanya. Yung ngiting pilit.
Wala pa halos akong tulog. At pag dito ako sa kanila magpapalipas ng gabi ay malamang na di nanaman ako makatulog.

"Nakakahiya naman sa kasama mo. Baka kung anong sabihin nya satin." Sabi ko sa kanya.

"Sus! Wag mo isipin yun. Wala na kaming lihiman nyan ni Nadine. Saka nagsasama din ng jowa yan dati nung may jowa pa sya. Haha." Gumapang yung kamay nya pataas sa hita ko.

"Kasi walang tao ngayon sa bahay. Straight duty daw si Kuya ngayon. Baka mapasok yung bahay namin." Pagpapalusot ko.

Di naman sa tumatanggi ako sa grasya. Pero baka naman bigla na lang akong atakihin sa kalagitnaan ng sex namin dahil sa sobrang kawalan ng pahinga. Marami pa namang dadating na pagkakataon. Kaya wag dapat isakripisyo ang kalusugan.

"Ganun ba? Sayang naman." Panghihinayang nya. Nasa may umbok na ng pantalon ko yung kamay nya at humihimas-himas.

"Oo nga eh. Sayang." Pag-ayon ko sa kanya.

Habang nakaakbay ako sa kanya ay isinandal nya ang ulo nya sa balikat ko. Tuluyan ko na syang niyakap.

"Totoo ba yung sinabi mo kanina kay Nadine?" Tanong ko sa kanya.

"Alin? Yung jowa kita?"

"Oo. Totoo ba yun?"

"Syempre naman! Kung anu-ano nang nagawa natin tapos saka mo lang itatanong yan. Bakit? Ayaw mo ba? May iba ka ba?" Kumalas sya sa yakap ko at inilayo ang katawan sakin.

"Gusto syempre! Saka wala akong iba." Sagot ko.

"Hoy, Ares! Pag ako niloko mo talagang puputulin ko to at isasalang ko sa oven!" Diniinan nya yung pagkakadakot sa alaga ko.

"Di ko naman magagawa yun sayo." Lambing ko sa kanya.

"Siguraduhin mo lang!"

"Opo!" Niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi.

"Alis na ko. Gumagabi na masyado." Sabi ko sa kanya.

Biglang lumungkot ang mukha nya.

"Sure ka na ayaw mo dito matulog?"

"Di talaga pwede eh. Bukas na lang kung gusto mo." Sabi ko sa kanya.

Bigla naman umaliwalas ang mukha nya.

"Talaga? Promise?"

"Opo. Promise."

Yumakap sya ng mahigpit sakin at hinalik-halikan ako sa mukha at labi. Tapos ay isang napakahigpit ulit na yakap at pinakawalan nya na ako.

"Sige na po. Ingat ka ha. Text mo ko pag nakauwi ka na."

"Opo. I love you."

"I love you too."

Lumabas ako ng bahay nila na abot tenga ang ngiti at sobrang kinikilig.
Official na nga na syota ko na si Charlotte.

Para akong naglalakad sa ulap nung mga oras na yun. Tumalon pa ko at ipinalakpak ang mga paa dahil sa sobrang saya.

Pag-uwi ko ay nagtext ulit ako sa kanya. Nagtawagan ulit kami pero wala pa atang isang oras ay nakatulog agad ako.

Kinabukasan ay napakasarap ng gising ko.
Nakangiti ako habang nagkakape. Nakangiti habang naliligo. Nakangiti habang nagbibihis. At kahit sa loob ng jeep ay nakangiti pa rin ako.

Pano naman akong di mapapangiti eh walang patid ang palitan namin ng text.
Para akong teenager ulit na first time umibig.

Gaya ng napag-usapan namin ay hinintay ko sya sa may 7-11 malapit sa hotel.
Pagdating nya ay nagkape muna kami at tumambay ng ilang minuto. Tapos ay sabay na pumasok ng trabaho.

Pagpasok ko ng kusina ay si Chef Mike agad ang bumungad sakin.

"Ares, wala daw si EJ ngayon. May emergency daw sa kanila. Ikaw ang mag-assist samin mamaya." Sabi nito.

"Ganun ba? Sige, Chef." Sagot ko.

"Pasok ka ng stock room. May naka-hanger dun na chef coat. Yun ang suotin mo." Utos nya.

"Copy, Chef."

Pagbalik ko ng kusina ay suot ko na ang coat na pinahiram ni Chef Mike. Sakto lang ang sukat nito sakin.
Andun na rin si Charlotte. Napangiti ito nang makita ako.

"Wow! May bago pala tayong Chef?" Bati nito sakin.

"Nampucha! Bagay sayo, pare!" Si Chef Mike.

Ngumiti lang ako sa kanila at naghanda na ng station namin.

Dahil Saturday nun ay expected na namin ang dami ng mga taong kakain.
Kulang man kami ng isa ay kailangan pa rin naming siguruhin na walang magiging aberya sa operation.

Ang naging trabaho ko nung araw na yun ay mag-assist kay Chef Mike at Chef Andy. Tagaabot ng kailangan, tagahiwa, tagabalat, tagatadtad, tagapiga, tagasala, at kung anu-ano pa. Basta lahat ng kakailanganin nilang ingredients ay dapat prepared na at ihuhulog na lang sa kawali.

Kapag ganung rush kasi at expected na ang dami ng buhos ng tao ay yung dalawang Chef de Partie ang humahawak sa hot station.
Si EJ na pinalitan ko ngayong araw na to ang assistant nila.

Si Anton naman ang assigned sa grill. Si Jo sa fryer at si Philip sa sandwiches and salad.
Si Charlotte naman sa pastries and desserts.

And trabaho naman namin ni Rico ay all-around.
Runner kami. Tulong kay EJ, tulong kay Jo, kay Philip, Anton, Charlotte.
Sa ganito kasi kami nafa-familiarize sa trabaho ng bawat station. Para pag may kulang ay pwede kaming pumalit. Paghahanda na rin kapag na-promote.

Pati kay Chef Joel na taga-plato at dispatcher ay umaalalay din kami.

Si Chef Joel ang pinakamataas samin sa kusina kapag shift namin.
Sya ang nagtatawag ng orders. Sya ang nagsasabi kung kelan dapat isalang ang pagkain at kung kelan dapat ilabas.
Sya rin ang taga-check ng quality. Kapag di sya satisfied ay ibabalik nya yun sa kusinero para ayusin.

In short, sya ang nagpapatakbo ng buong kusina during operation.

Mas mataas sa kanya yung Executive Chef pero bihira lang itong pumasok sa kusina.
Ilang beses ko pa nga lang sya nakita simula nung magtrabaho ako sa hotel. Kadalasan ay sisilip lang.
Isang beses ko pa lang din sya nakitang magluto. Nung nag-demo sya ng bagong dish.
May dalawa pa kasi itong resto na hinahawakan bukod sa hotel.
Meron din kaming Executive Sous Chef na sumunod sa EC. More on management ng kitchen lang sya at di rin kumikilos sa kusina.

Ganun ang flow namin pag busy days. Lalabas si Chef Joel para magmando. May kanya-kanya kaming mga pwesto.

Pero pag petiks naman ay nasa opisina lang sya.
Pag ganung time ay nakakapwesto yung ibang kusinero sa hot at hinahayaan na sila ang magluto ng orders.
Di naman kasi masyadong mahigpit samin.
Basta siguraduhin lang ng mga seniors na maayos ang pagkain bago ilabas para walang aberya.

Okay na sana yung duty namin that day kung di lang dahil sa isang complaint na natanggap namin. Pero di naman kusina ang may kasalanan kundi yung isang server.
Dahil di nito natanong kung may allergies ba yung guest nya.
At yun nga. Nakakain ito ng bawal at nangati. Buti minor lang naman at naayos din agad.

Gaya ng pangako ko kay Charlotte ay doon ako sa kanila matutulog ngayong gabi. Kaya nagbaon ako ng extrang mga pamalit. Isang pantulog at isang pampasok kinabukasan.

Dumaan muna kami ng tindahan at bumili ng mga chichirya at beer.
May movie daw kasi sya na gustong panoorin namin. At syempre, masarap din yung may konting pagkain at inumin habang nanonood.

Pagdating namin ng apartment nila ay andun na ulit si Nadine. Nakahiga sa sofa sa sala at nagce-cellfone.

Katulad nung nagdaang gabi ay naka-pekpek shorts lang ulit ito at spaghetti blouse. Yung buhok nya ay nakatali ng parang lace ribbon na kulay pula sa bandang tuktok ng ulo nito.

Dahil di nya ine-expect na may ibang kasama si Charlotte ay pabuyangyang lang itong nakahiga sa sofa. Yung isang paa nya ay nakataas sa sandalan. Kaya kitang-kita ko kung gaano katambok yung kayamanang nakatago dun. Yun bang tipo na kahit takpan mo ng platito ay meron pa ring mapapasukan ng langaw. Kaya kailangan mangkok ang ipangtakip.

Kung ipaghahambing mo ang katawan nila ni Charlotte ay parang sa magkapatid na Ehra at Michelle Madrigal.
Si Charlotte ay petite at slim na sexy kagaya ni Michelle. Samantalang si Nadine naman ay parang si Michelle na matangkad at malaman na sexy.
Ang mukha naman ni Nadine ay common lang. Di sya yung head-turner na tipo.
O baka dahil wala lang syang make up at di nakaayos.

"Hoy, umayos ka! Andito si Ares." Tawag sa kanya ni Charlotte.

Bigla naman napatingin si Nadine at nung nakita ako ay agad ibinaba ang isang paa at umupo nang maayos.

"Bruha ka. Di man lang nagtext na isasama mo yung jowa mo." Sabi nito kay Charlotte.

"Malay ko bang nakabuyangyang ka jan. Kadiri ka. "Panty pa yang ipinangtali mo ng buhok." Sagot ng girlfriend ko. :)

"Hi, Ares!" Nakangiting bati nya sakin. Di pinansin yung huling sinabi ng kaibigan.

"Hi!" Nakangiti rin ako.

"Inom ka?" Tanong ni Charlotte.

"Alak?" Tanong din ni Nadine.

"Beer. Manonood kami ng movie eh. Peram ng tablet mo."

"Sige. Teka lang." Tumayo ito at pumasok ng kwarto.

Dumirecho naman ako ng kusina bitbit yung mga pinamili namin.
Nilalagay ko sa freezer ng ref nila yung mga beer nung maramdaman ko si Charlotte na yumakap mula sa likuran ko.

"Gusto mo maligo muna?" Tanong nya sakin.

"Pwede rin." Sagot ko.

"Sabay tayo?" Tanong nya ulit.

"Haha. Anjan si Nadine." Sabi ko.

"Eh ano na...

About the Author :

Joined: October 1, 2020 (1 month old)
Writings: 46
Male  ·  Offline
Description:
Isang kilong lamok
Kalahating ulo ng pinitpit na bawang
Isang katamtamang sibuyas na hiniwa pahaba
Kalahating kutsaritang pamintang buo
Tatlong dahon ng laurel
Kalahating tasang toyo
Kalahating tasang suka
Isang kutsarang asukal na pula (opsyonal)
Siling labuyo (opsyonal)

Pagsamahin lahat ng sangkap sa isang kaserola o kawali. Pakuluan hanggang maluto ang lamok at lumapot ang sabaw.
Pwede rin lutuin hanggang matuyo ang sabaw.
Signature Text:
Fffzzzzzzzzzzz.. ffzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!
10  ·  6  ·  9  ·  2,626
 · 

Comments
Jim181965
October 24, 2020 (1 month ago)

Sarap naman ng ganito lalot alam mong game din at walang kiyeme baka mag karoon threesome! Hehehe! Nice one author!๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
ravedeacon
October 24, 2020 (1 month ago)

nice otor kaka sabik next chapter hehehe mukhang may tatluhan magaganap

its better to burn out than to fade away

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
james2400
October 24, 2020 (1 month ago)

Sarap.... Game na

Reap what you sow

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
eroticprince27
October 24, 2020 (1 month ago)

Nice!

Eroticprince27

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Dickaddiction
October 25, 2020 (1 month ago)

Nicenice. Sabik na 'ko sa next chap

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
HaveYouSeenKay
November 19, 2020 (10 days ago)

HAHAHAHAHA! Wait natatawa ako kay Nadine. Grabe si ate mong Nadine. Curious na curious kung daks eh.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments