M
E
N
U

Sexcapades Ni Nars (Part 3)

Posted in
Story: True Story, Tagalog · Categories: Romance, One Night Stand · Tags: , , , ,
Date: October 19, 2020 (1 month ago)


This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination.Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Hindi ko alam kung babasahin ko pa ba ang text ni Doc, or kung matulog na lamang ako tapos basahin ko pagkagising. Hindi pa din lasi ako makapaniwala na nagdampian mga labi namin.

Pero naisip ko, hindi na ako bata. Hindi na kami mga bata. Binuksan ko ang message niya. "Pwede kita tawagan? May sasabihin lang ako."

Natameme nanaman ako. Magrereply ba ako? Hindi ako agad makapag decide. Hanggang sa nakatulog na ako kakaisip kung sasagot ako.

Nagising ako ng 4pm. Dahil na rin siguro sa pagod ko sa duty. Bigla kong naalala, di pa pala ako nagrereply kay Doc. Tiningnan ko agad ang phone ko. Nagulat ako pagbukas.

16 missed calls at 7 messages galing sa kanya. Nakakaloka! Napaisip ako, bat biglang ganito na tong lalaking 'to?

Binuksan ko ang mga messages niya. Puro sorry. Humihingi ng pasensya sa ginawa niya sakin sa sasakyan niya. Ang pinakahuling mensahe niya, "Sana, hindi magbago yung treatment mo sa akin. Sana hindi awkward sa duty."

Hindi ko alam kung matatawa ako, maiinis or maaawa. Nag decide ako na huwag munang sagutin ang mga text messages niya. Binasa ko na lamang ang mga convo sa group chat ng area namin.

5pm. Nakaramdam na ako ng gutom. Nag decide akong bumaba na para kumain. Nagulat ako pagbaba ko. May bouquet ng bulaklak (pink roses) sa dining table namin. Lumapit ako at tiningnan ang card na nakadikit.

Namutla ako. Galing pala kay Doc ito.

Sorry. -Doc ******

Yun lamang ang nakasulat sa card. Ito ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak sa lalaki. Kahit yung mga naging ex komor nanligaw sakin, hindi ako binigyan ng bulaklak.

Kinilig ako. Sino ba ang hindi?

Nagulat ako nang biglang nagsalita ang kapatid ko. Andun pala sya sa likod ko. "May nag deliver niyan dito kanina. Akala ko nga binigyan mo sarili mo ng bulaklak tap...

About the Author :

Joined: March 28, 2017 (3 years old)
Writings: 3
Female  ·  Offline
2  ·  4  ·  3  ·  2,422
 · 

Comments
Thenightowl
October 19, 2020 (1 month ago)

❤️❤️❤️

MessyMind💖

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kuatog
October 19, 2020 (1 month ago)

nu b yan ok n sana e pero umeksena pa ung pabitin...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
Sweetchildofmine
October 20, 2020 (1 month ago)

Part 3 na wala pa ring sexcapade. Pocketbook yata ito

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
G
GiovannaLewis
November 5, 2020 (27 days ago)

Sundan mo na agad please :)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments