M
E
N
U

Ezra On His Chip

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Sci-Fi and Fantasy · Tags: , ,
Date: October 19, 2020 (1 month ago)




"I wanna stay in love with my sorrow..."
Lithium - Evanescence

*

Ezra On His Chip

My name is Ezra. 24 years of age, a gamer, certified otaku, part-time writer and artist, at isang self-proclaimed computer whiz.
And oh, I am also an introvert.

Only child ako.
Engineer yung Dad ko while my Mom works sa isang malaking travel agency.
So I grew up na yung Yaya ko lang ang madalas kong kasama. But she had to leave us when I was in grade 5 dahil na-stroke yung asawa nya sa probinsya at kailangan nyang alagaan.

Kumuha ng bagong makakasama sa bahay yung Mom ko pero di ko sya masyadong naging ka-close na kagaya nung unang Yaya ko. Siguro dahil madalas syang magsungit. Lalo na pag wala yung parents ko sa bahay.

Since nawala yung Yaya ko, pakiramdam ko mag-isa na lang ako.
I guess that's the reason kung bakit loner ako ngayon. Mas gusto kong mag-isa dahil yun na ang nakasanayan ko. Dun na ako mas kumportable.

Nag-high school ako na ako yung tinuturing na class weirdo. Palaging mag-isa at di nakikihalubilo sa mga kaklase.
Kahit may group projects ay di ako nagco-contribute ng ideas. Gagawin ko lang yung part ko na in-assign sakin ng mga classmates ko at bahala na sila.
Kapag may programs ay walang makapilit sakin na magparticipate.

Kumuha ako ng computer engineering nung college pero nag-stop din ako after the first year.
Di na ako nag-aral ulit after that.

I just locked myself inside my room and played online games. Dun din ako kumukuha ng extra money by selling in-game items and currencies.
My parents didn't know about it kaya regular pa rin nila akong binibigyan ng allowance. Which I rarely spend kasi nga I don't go out much.

I also started drawing and writing stories.

Mas nagustuhan ko yung pagsusulat kasi through that, I get recognized.
I liked that setup where I can get recognized or praised for my works without having the need to interact with others.

So I started writing different stories under the pen name "Quill" and posted them in different sites.
Romance, sci-fi, fantasy, horror, and even erotic.
Anything na pumasok sa isip ko, isinusulat ko.

But there was this one idea. This one plot. This one story na matagal nang nasa isip ko pero I can't seem to put into writing.

I know it will be a good one. Perhaps a masterpiece when compared to my other works. I just can't find the right words to start.

I tried so many times but I always end up hitting the delete button and get left with a blank page.
Maybe I just don't have the inspiration yet.

*

It's been 3 weeks since I last posted a story sa site na naging regular na ako. Naghahanap na ng update yung mga followers ko pero wala pa akong nasisimulan.

I went out that night at bumili ng alak.
Nag-inom ako mag-isa sa kwarto. Nagbabaka-sakaling mas maging creative pag naimpluwensyahan ng alak.

I don't drink often kaya I started to feel tipsy after just a couple of shots.
I guess it's time. Sabi ko sa sarili ko. Time to be productive.

I tried my luck on writing that elusive story once again.
I started typing. Word after word. Una ay mabagal. Paisa-isa. Hanggang sa bumilis ang pagtipa ko sa keyboard.
The ideas kept on flowing. I felt so excited that time. I think this is it!
Sa wakas ay unti-unti nang nabubuo yung story ko.

I took another shot. Ayokong mawala yung drive ko. Then I proceeded on writing that story.

I continued typing and drinking that night for I don't know how long.

Basta I just woke up nang maramdaman kong may yumuyugyog sakin.

Nakatulog pala ako sa harap ng PC.

Parang binibiyak yung ulo ko nun.
I raised my head and raised my hand to let my Mom know that I'm already awake.

Then I leaned my body back along with the gaming chair I'm sitting on. Raised my arms straight, stretched my legs and yawned.

I opened my eyes and they grew wide nung makita ko kung sino yung gumising sakin.

I wasn't my Mom!

It's a girl! A lady to be exact! A pretty one!
With long, straight black hair.
Her red lips, smiling. Her brown eyes staring at me.

I quickly stood up and walked a step back.

"Sino ka?" I asked her.

Tiningnan ko sya mula paa hanggang ulo.
She's wearing a pair of red flat shoes, black stockings, a very short black dress with red laces. And a red ribbon sa buhok nya.

"Kumuha nanaman ba si Mommy ng bagong maid?" Sa isip-isip ko.

*
Author's note:
3rd year high school ako nung mag-resign yung pumalit sa Yaya ko kasi mag-aasawa na daw. Di na kami kumuha ulit kasi di ko naman na kailangan ng mag-aasikaso sakin. Saka ayoko na din ng may iba pang kasama sa bahay.
*

"Kung bagong maid nga itong nasa harap ko ngayon, bakit naman ganito ang ayos nya?" Sa isip-isip ko pa rin.

Then I suddenly remembered something about what she's wearing.

Yun yung eksaktong suot ng female character sa sinusulat kong story kagabi.

It was an erotic-fantasy story. At ang main character nun ay kaparehong-kapareho ng features ng babaeng nasa loob ng kwarto ko ngayon at kaharap ko.

At ang pangalan nung character nun ay si...

"Ako si Pluma." Nakangiting pagpapakilala ng misteryosang babae.

**

I slapped myself a couple of times to try and wake me up from this dream.
Pero andun pa rin sya. Di sya nawawala.

Bilang isang otaku ay napakarami ko nang napanood na anime na may ganitong theme.
Yung magigising na lang yung bida na nagkatotoo na pala yung babaeng pinapantasya nya lang.

Pinangarap at pinantasya ko rin na mangyari sakin yun. Pero ni minsan ay di ko in-expect na magkakatotoo.

Nakaupo ako ngayon sa gaming chair ko. Nakaharap at pinagmamasdan lang ang cute na babaeng nagpakilalang si Pluma na nakaupo naman sa kama ko.
Iniisip ko kung paano ito nangyari. Kung paano sya nagkatotoo.

Nasa kalaliman ako ng pag-iisip nang may kumatok sa kwarto ko.

"Ezra, aalis na kami ng Daddy mo. Nasa lamesa na yung pagkain mo. Ikaw na bahala sa bahay ha." Tawag ng Mommy ko.

Di ako sumagot.

Maya-maya ay narinig kong bumukas ang gate namin at lumabas ang kotse.
Then I heard it close again. Followed by the noise of a car driving away.

I waited for a few minutes tapos ay sumilip sa labas ng kwarto ko.
Nung sure na akong wala nang ibang tao sa bahay ay isinara ko ulit ang pinto ng kwarto at muling naupo.

"Pluma yung pangalan mo?" Tanong ko sa babae.

"Oo." Sagot nya.

"San ka galing?" Muli kong tanong.

Nag-isip muna sya. Tapos ay tumingin sakin at sumagot.

"Sa Venttrior."

Yun yung pinangalan ko sa fictional world sa story.
It's an anagr of the word "introvert".

"Bakit ka nandito? Pano ka napunta dito?"

"Tinawag mo ko." Sagot nya.

"Kilala mo ko?" Tanong ko ulit.

"Ikaw si Quill. Yung gumawa sakin saka sa Venttrior at sa lahat ng nandun."

I leaned back, closed my eyes and sighed.
Epekto lang siguro ng hangover to. Ipapahinga ko lang ng konti at mawawala rin to.

I stayed that way for a few minutes until I felt my stomach grumble.
So I opened my eyes and looked at the clock on my wall.
It's almost 10AM.

I looked at my bed. She's still there. Just staring at me.

"Nagugutom ka ba?" I asked her.

Nag-isip sya saglit then she nodded her head.

"Lika." Then I stood up and walked outside.

Sumunod naman sya hanggang sa dining area.

Inangat ko isa-isa yung mga cover ng pagkain sa mesa.
Hotdogs, scrambled eggs, garlic rice.

"Maghugas ka muna ng kamay." Sabi ko sa kanya.

Tumingin lang sya sakin.

"Lika dito."

Isinama ko sya sa lababo. Nauna akong naghugas ng kamay tapos ay ginaya nya.

Habang kumakain kami ay tuwang-tuwa yung expression nya. Parang first time nyang makatikim ng ganung pagkain.
Naaliw naman ako habang pinapanood sya.
I guess totoo nga na yun talaga yung first time nya.

After eating, niligpit at hinugasan ko yung mga pinagkainan namin. Tapos ay bumalik kami sa kwarto.

Naglaro ako ng game ko sa PC at nanood lang sya sakin. Tinuruan ko sya at madali naman syang natuto. Mukhang may personal pilot na ako sa nilalaro ko.

Nanood din kami ng mga anime at nagustuhan nya rin yun.

Pagdating ng bandang 6PM ay nagluto ako ng dinner namin. Fried chicken.
Nakatayo lang sya sa tabi ko habang pinapanood ako.

After nun ay kumain kami at sobrang saya nya nanaman.

Bandang 7:30PM nung na-realize ko na di pa nga pala ako naliligo.
Dahil solong anak, I have my own bathroom sa kwarto ko kaya di ko na kailangan lumabas para maligo.

I just left her watching anime sa PC ko.

Nasa banyo ako nang marinig ko yung katok sa pinto ng kwarto ko. Nakauwi na pala sina Mommy.

"Erza, kumain ka na ba?" Tanong ni Mommy.

Nag-panic ako. Baka kasi buksan ni Pluma yung pinto.
Kaya dali-dali kong binuksan yung pinto ng banyo at sumagot.

"Yes, Ma! Tapos na po!" Sigaw ko.

Huli na nang maisip ko na hubo't-hubad nga pala ako at may ibang tao nga pala sa kwarto ko.
Pagtingin ko kay Pluma ay parang wala lang naman sa kanya. Nilingon nya ako saglit then she went back to watching.

Paglabas ko ng banyo ay tinanong ko sya kung gusto nya rin maligo.
Tumango lang ulit sya.

Naghanap ako ng damit ko na pwede nyang pamalit.
Isang pinagliitang shirt at boxer shorts lang ang nakita ko na hindi maluwag sa size ng katawan nya kaya yun ang binigay ko sa kanya kasabay ng isang bath towel.

Pinakita ko sa kanya kung pano bubuksan at papatayin yung shower. Itinuro ko rin kung san yung sabon at shampoo. Tapos ay iniwan ko na sya sa loob at isinara ang pinto.

I decided na basahin ulit yung story na sinulat ko kagabi but I can't seem to find it. Di ko rin maalala kung san ko yun na-save. I checked every folder pero wala.
I even restarted my PC and rechecked everything pero di ko talaga mahanap.

After about 30 minutes ay lumabas na sya ng banyo.

She's wearing my old shirt and boxers. She looked so sexy with her hair still wet.

Kailangan ko sya mabilhan ng damit nya. At undies na rin. Kaso pano ko naman malalaman yung size nya?

Di ko maiwasang mag-isip ng perverted thoughts that time.

I searched the net kung pano malaman ang right size ng bra para sa babae. I even watched some videos.

Looks like I'm gonna need a tape measure pero wala yata kami nun sa bahay. Kung oorder naman ako online ay matatagalan pa.

I searched my room for an alternative and I found some shoelaces and a ruler.
I guess these will do.

I got her measurements and ordered her some clothes and undies online na sya mismo ang pumili.

Then I played again. And she just watched behind me.

Bandang 1AM. Nang makaramdam ako ng antok.
Paglingon ko sa kanya ay tulog na pala sya at pabalagbag na nakahiga sa kama.

Inayos ko sya at tumabi sa kanya. Humiga ako ng nakatalikod sa kanya. Maya-maya ay yumakap sya sakin mula sa likuran.
Napangiti lang ako at pumikit na.

*

The next day, I ordered pizza. Pinagsaluhan namin yun at tuwang-tuwa nanaman sya.

We watched Netflix sa sala namin. Nag-soundtrip at naglaro din ng PS.

Then nung bandang 7PM ay bumalik na kami sa kwarto ko. Baka kasi maabutan kami nila Mommy.

The following day ay dumating na yung inorder kong mga damit nya.
Pinasukat ko yun sa kanya and they're all perfect.
Bukod sa undies at mga pambahay ay inorderan ko rin sya ng pants and blouses na pwedeng pang-alis.

I ordered pasta naman that time saka cake. Gustong-gusto nya rin yung mga yun.

I don't know pero I feel so happy pag nakikita ko na masaya sya.

...

About the Author :

Joined: October 1, 2020 (1 month old)
Writings: 46
Male  ·  Offline
Description:
Isang kilong lamok
Kalahating ulo ng pinitpit na bawang
Isang katamtamang sibuyas na hiniwa pahaba
Kalahating kutsaritang pamintang buo
Tatlong dahon ng laurel
Kalahating tasang toyo
Kalahating tasang suka
Isang kutsarang asukal na pula (opsyonal)
Siling labuyo (opsyonal)

Pagsamahin lahat ng sangkap sa isang kaserola o kawali. Pakuluan hanggang maluto ang lamok at lumapot ang sabaw.
Pwede rin lutuin hanggang matuyo ang sabaw.
Signature Text:
Fffzzzzzzzzzzz.. ffzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!
8  ·  9  ·  8  ·  1,301
 · 

Comments
L
lavandera
October 19, 2020 (1 month ago)

woah! sakit....

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Ergo.proxy
October 19, 2020 (1 month ago)

Hala potek ka relate ako.
Galing ng concept.
Thanks sa shout out. 😍

Cogito Ergo Sum..."I think therefore I am.'.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
jackstone
October 19, 2020 (1 month ago)

Good story 👍

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
jameskevin470
October 19, 2020 (1 month ago)

Great piece author. Worth the read.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
louie_14
October 19, 2020 (1 month ago)

it doesnt matter if its not erotic..

the story was great.. well written.. medyo disappointed lang ako s ending not because its bad or anything. its because it felt like he was still trapped in his own illusion..

but nonetheless it was an awesome story.. i felt the emotion and as well it feel so real.. how you can relate to the character.. kudos sir

just always do the right thing in a right way,

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Chachie
October 19, 2020 (1 month ago)

Hala dengue! Ang ganda!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
kuatog
October 19, 2020 (1 month ago)

iba talaga pag mga mayayaman ang hirap i pronounce ung sakit sa utak...pero pag ung mga mahihirap at hikahos sa buhay e andaling sabihin hehe...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
blahblah182
October 20, 2020 (1 month ago)

Ang galing nito

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
KubiMaru
October 25, 2020 (1 month ago)

Angas bos.

Libog is the Key:-)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments