M
E
N
U

Kusina Chronicles Special: Adobong Lamok

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags:
Date: October 17, 2020 (13 days ago)


Hinalikan ko si Charlotte sa noo at maingat na inalis ang kamay nyang nakayakap sakin.
Tapos ay dahan-dahang bumangon sa kama.

Di naman sya nagising.

Dinampot ko ang cover ng kama na namantsahan ng katas naming dalawa at lumabas ng kwarto.

Kahit di ako pamilyar sa apartment nila ay di naman ako nahirapang hanapin ang lugar na labahan nila.

Di ako magaling maglaba. Sinasalang ko lang sa washing machine lahat ng labahin ko pag nasa bahay at nilalagyan lang ng fabric conditioner sa huling banlaw.

Pero wala akong nakitang washing machine sa bahay nila kaya mano-mano kong kinusot ang bed cover at binanlawan.
Wala akong nakitang fabcon pero kuntento naman ako sa paglalabang ginawa ko. Mabango rin naman ito at nabura naman yung mantsa.

Isinampay ko na ito at bumalik sa loob ng bahay.

Sakto naman na may narinig akong pot pot ng naglalako ng pandesal.
Dali-dali akong lumabas at tinawag ito. Mabuti na lang at di pa nakakalayo si manong. Naka-lock kasi yung gate at di ako makalabas para habulin sya kung sakaling nakalayo na pala sya.

Pumasok ako bitbit ang mainit pang pandesal at dumirecho ng kusina nila. Nag-init ng tubig sa electric airpot at tumingin sa ref ng pwedeng almusal kasabay ng pandesal.

5:20AM nang bumalik ako sa kwarto at umupo sa tabi ng natutulog pa rin na si Charlotte.

Marahan ko syang niyugyog. Maya-maya ay umungol ito.

"Bakiiiiit?" Tila naiinis pa na tanong nyang di man lang nagdilat ng mata.

"5:30 na." Sagot ko.

"Hmmmmnnhh" Ungol lang ang sinagot nya.

"Uuwi ka sa inyo ngayon di ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmmhh" Muli nyang sagot.

"May pasok din ako ngayon. Aalis na ko maya-maya." Sabi ko.

Dumilat sya at tumingin sakin. Singkit na singkit ang mga mata.
Tapos ay yumakap sa may bewang ko at muling pumikit.

"Lika na. Naghanda ako ng breakfast." Aya ko sa kanya.

"Antok pa kooooo." Sagot nya.

"Kakargahin kita pag di ka pa bumangon." Biro ko sa kanya.

Napatingin sya ulit sakin. Namumungay ang mga mata at nakangiti ng sobrang tamis.

"Sige.. Karga mo ko." Malambing nyang sabi.

Napangiti na lang ako at wala nang nagawa kundi pagbigyan ang paglalambing nya.
Naglakad ako papuntang kusina habang buhat sya. Ang mga kamay nya ay nakayakap sa may batok ko habang hinahalik-halikan nya ang pisngi ko.

"Mmmwah! Di lang macho. Strong pa." Pang-uuto nya sakin.

Marahan ko syang inilapag sa silya at inalis ang nakatakip sa almusal namin.
Pandesal, scrambled eggs at vienna sausage. Ayoko pakelaman yung ibang stock nila ng pagkain kaya yun lang ang ihinanda ko.

"Wow! Ang sweet-sweet pa! Pinaghanda ako ng breakfast!"

Nagtimpla ako ng kape namin at nag-almusal kami.

*

6:30AM na kami nakaalis ng apartment nila.
Hinatid ko sya sa bus terminal at bumyahe pauwi na sa bahay.

Walang tigil ang palitan namin ng text habang nasa byahe kami pareho pauwi sa kanya-kanyang bahay.

Quarter to 9 ako nakarating samin kaya gustuhin ko man ay wala na akong oras para makaidlip man lang.
Naligo agad ako at bumyahe na papasok ng trabaho.

Wala talaga akong tulog bukod sa maiksing idlip sa ibabaw ni Charlotte matapos ang unang round namin. Kaya medyo lutang nanaman ako.
Mabuti na lang at petiks lang ulit kami nung araw na yun.

Bandang hapon ay sinabihan ako ni Anton na pumunta sa opisina ng HR na agad ko namang tinungo.
Kumatok ako at binuksan ang pinto.

"Good afternoon po." Bati ko sa HR namin na si Mam Cecil.

"Pasok ka, Ares. Upo ka." Anyaya nya sakin.

Si Mam Cecil ay nasa mid 20's. Maputi, may pagkamataray ang mukha dahil siguro sa make-up at pagkakaguhit ng mga kilay.
Parang Katrina Halili ang aura ng mukha nya.
Balingkinitan ang katawan at mas matangkad sya kumpara kay Charlotte.

May kinuha syang isang folder. Binuklat ito at inabot sakin.

"Naka-1 month ka na di ba?" Tanong nya sakin.

"1 and a half na po." Sagot ko.

"Ah yes. Over a month na. Dapat 2 weeks ago ko pa nabigay sayo to kaso nasa bakasyon ako kaya pasensya na. Hehe."

"This is your contract. Nakalagay dyan na natapos mo na yung training period mo and you are now in probationary stage. After 2 months, magkakaroon ng assessment sa naging trabaho mo para malaman kung makakatuloy ka pa sa work mo dito. Kaya galingan mo." Pagpapatuloy nya.

Tumatango-tango lang ako habang binabasa ang laman mg kontrata.

"Then after another 3 months, so bale 6 months in total, magkakaroon ulit ng another assessment para malaman kung ire-regular ka ng company.
If you will look at the date, nakalagay dyan yung date 2 weeks ago. The day na natapos yung 1 month training mo kaya counted na yung 2 weeks mo before signing this contract if ever you will sign." Paliwanag nya.

"Nakalagay din dyan na aangat na into minimum yung basic pay mo at makaka-receive ka na rin ng service charge according to your rank."

Medyo napangiti ako nung marinig ko yung about sa sahod.

"Any questions?"

"Wala na po Mam."

Pinirmahan ko yung contract at ibinalik sa kanya.

"Thanks. Bibigyan na lang kita ng copy nito mamaya."

"Thank you po, Mam." Lumabas na ako ng opisina nya at nakangiting bumalik ng kusina.

"Punta ka daw kay Chef Joel pagbalik mo galing HR."...

About the Author :

Joined: October 1, 2020 (29 days old)
Writings: 27
Male  ·  Online
Description:
Isang kilong lamok
Kalahating ulo ng pinitpit na bawang
Isang katamtamang sibuyas na hiniwa pahaba
Kalahating kutsaritang pamintang buo
Tatlong dahon ng laurel
Kalahating tasang toyo
Kalahating tasang suka
Isang kutsarang asukal na pula (opsyonal)
Siling labuyo (opsyonal)

Pagsamahin lahat ng sangkap sa isang kaserola o kawali. Pakuluan hanggang maluto ang lamok at lumapot ang sabaw.
Pwede rin lutuin hanggang matuyo ang sabaw.
Signature Text:
Fffzzzzzzzzzzz.. ffzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!
9  ·  7  ·  14  ·  2,592
 · 

Comments
Jim181965
October 17, 2020 (13 days ago)

Kahit walang eksenang pampainit galing pa rin ng kwento mo, hindi nakakaumay basahin ang realistic ang dating ng kwento, request lang sir baka pwedeng dugtungan mo ang kwento nyo ni Charlotte! More power to you and be safe always! God bless! πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
J
jackstone
October 17, 2020 (12 days ago)

Makakatikim kaya si mam Cecil ng luto ni Ares πŸ˜‰

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kuatog
October 17, 2020 (12 days ago)

hahaha yun pala yun..napapaisip ako bakit adobong lamok ..ma try nga lutuin yan....hahaha

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
eroticprince27
October 17, 2020 (12 days ago)

Hahaha... Nice adobong lamok.

Eroticprince27

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
Kinguchi
October 17, 2020 (12 days ago)

Atleast konektado pdin s istorya. Nice one

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
cjeromet
October 17, 2020 (12 days ago)

parang bitin ang story autor
finish na po ba?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
E
epicfail23
October 17, 2020 (12 days ago)

Ganda ng story author. Yung kahit mga non-erotic parts detalyado. Yung parang may back story kahit papano yung mga characters. Nakakaganang basahin. Good Job.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Latest Writings
Recent Comments