M
E
N
U

LARAWAN 14

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance, One Night Stand · Tags: , ,
Date: October 14, 2020 (13 days ago)


Isang huling sulyap sa babaeng sinadyang saktan upang mas madali sa kanya ang lumisan.

Ngunit sa kanyang pagtalikod, pakiramdam ni Daniel ay kulang na ang kanyang pagkatao habang humahakbang palayo sa babaeng minamahal. Nakasisiguro na kailanman ay di na muling mararanasan pa ang sandaling kaligayahan na nadama sa piling nito.

'Patawad Trish…'

Nang umabante na ang sasakyan ni Daniel ay lalong yumugyog ang balikat ng dilag sa pag-iyak. Waring gusto niyang humabol dito at makiusap sa binata na huwag siyang iwan subalit parang di na siya makagalaw sa kanyang kinauupuan nang sandaling iyon.

Mugto ang mga mata, nagpalinga-linga siya at naghanap ng balikat na maiiyakan ngunit tanging mangilan-ngilang mabibilis na sasakyan lamang ang napaparaan.

"Bakit mo naman ako iniwan Daniel… huhuhu…"

Tila wala sa sarili ang dilag na humakbang kung saan tumungo ang sasakyan ng binata. Nakatanaw at tila umaasam na babalikan pa rin siya nito. Hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pagbabago ng lalaking kanyang minamahal.

Tulala at hilam sa luha, nagpatuloy sa paglakad ang dilag. Di halos maaninag ang dinaraanan dahil sa pagkuskos ng kanyang mga mata na binabalungan ng luha.

Wala itong kamalay-malay na nasa gitna na siya ng kalsada, nakatingin kung saan naglaho ang sasakyan ni Daniel. At isang malakas na busina kasabay ang matinis na kaskas ng gulong mula sa preno ang umalingawngaw at pumukaw sa kamalayan ng dalaga.

"AYYYYYY! DIYOOOS KOOOO!!" Tilian ang mga sakay ng pampasaherong jeep dahil lahat sila ay napadikdik papunta sa unahan ng sasakyan sa biglaang pagpreno nito.

"ALA EH! IKAW GA'Y MAY SANIB INENG?!! ABA'Y WALA AKONG IBABAYAD SA I-YO!" galit na turan ng mamang nagmamaneho ng jeep sa dalagang napabalik sa gilid ng kalsada.

Tila natauhan sa pagkatulala nang maglakad itong wala sa kanyang sarili. Humingi na lamang siya ng paumanhin sa driver at tumawid na sa kabilang direksyon ng kalsada at pumara ng masasakyang tricycle pabalik sa kanilang bahay.

Nang makarating sa kanila ay naabutan pa niya si Mang Bert na nagkakape sa hapag-kainan. Napatayo ito nang makita ang namumugtong mga mata ng nag-iisang anak na babae.

"Nak… anong nangyare sa i-yo?!"

Di na kumibo ang dalaga at hangos itong lumapit sa amang lubos na nag-aalala. Mahigpit na yakap lamang ang itinugon ng dilag sa kanyang tatay. Dama ni Bert ang pighating nararamdaman ng kanyang anak sa higpit ng yakap nito habang humihikbi.

Kahit di magsalita ang anak ay batid ng ama na muli na namang nasaktan ang kanyang anak. Kung kanina ay walang katumbas ang kasiyahang nakita niya sa mga mata nito bago umalis ay siya namang kabaligtaran ng nasasaksihan niya ngayon.

'Diyos ko nararapat ba ito sa aking anak?' Di niya naiwasang magtanong sa langit habang hinahagod niya ang likod ni Trisha. Habag na habag sa pagdadalamhati nito.

************************

May bahagyang liwanag pa nang marating ng binata ang kanyang tinutuluyan sa Maynila. Nang makapasok sa loob ay inihagis lang ang bitbit na bag sa isang tabi at pabagsak na naupo sa sofa. Parang estranghero itong iginagala ang mga mata sa apat na sulok ng kanyang tirahan.

Parang may kulang. Pakiramdam niya ay di siya taga-roon. Parang naiwan na ang kanyang buong pagkatao doon sa bayang kay tagal din niyang iniwasan. Parang sa mahabang panahon na hinanap niya ang kanyang sarili, nang matagpuan ay muli na naman siyang nagkawasak-wasak.

Tinukop ng dalawang palad ang mukha sa pangungulilang nadarama sa pag-ibig na nilisan. Sa babaeng alam niyang minahal niya ng lubos kahit sa sandaling kanilang pinagsaluhan.

Dito niya napatunayan na sa kabila ng mapait na kahapon ay may kakayahan pa pala siyang magmahal. Pagmamahal na agad ding hinadlangan ng mapagbirong tadhana.

At ano itong ginawa niya? Sa halip na suklian ang pagmamahal na ipinadama sa kanya ng babaeng ito, bakit di niya nagawang ipaglaban bagkus ay kanya pa itong sinaktan?

Parang kandilang nauupos ang binata na buhat sa kanyang pagkakaupo sa sofa ay dumausdos ito at napasalampak na lang sa sahig.

Unti-unting nagdilim ang paligid ng unit sa paglubog ng araw sa Manila Bay. Namaluktot ito sa dilim na parang giniginaw. Naghahanap ng mapagkukunan ng lakas.

************************

Parang ordinaryong araw lamang nang pumasok sa opisina ang dalaga kinabukasan. Ngunit ang pinagkaiba ay tila nawala ang ngiting laging nakapagkit sa kanyang magandang mukha. Malamlam ang mga mata nito at kahit ang mga kasamahan ay nagtataka sa biglang pagbabago ng dilag na dating magiliw at palabati.

"Good morning babe…" bati ni Marco at tinangkang halikan ang dilag sa labi na iniwasan naman nito.

Mabilis na naupo lang ito sa kanyang lamesa at inayos ang mga gamit na parang walang ibang kasama sa loob ng opisina. Muling nangamba si Marco sa inasal ng nobya sa pagsalubong nito sa kanya.

"Pasensiya na nga pala kahapon di na kita nakamusta… Ang dami kasing dumating… yung DILG Secretary… sumadya din ang NBI director." paliwanag ng alkalde sa dalaga.

"Okay lang." matipid nitong sagot. Tila robot itong walang ka emo-emosyon at ipinagpatuloy lang ang kanyang pagtatrabaho.

Di na muling nagsalita pa si Marco sa lamig ng pakikitungo sa kanya ng nobya. Iginalang na lamang niya ang pananahimik nito.

Kahapon pa siya nangangamba sa gustong sabihin sa kanya ng dilag. Parang ayaw niyang marinig dito ang bagay na kanyang kinatatakutan. Na baka umuurong na ito sa kanilang nalalapit na kasal.

Hindi siya bato upang di maramdaman kung ano ang gustong ipahiwatig sa kanya ng nobya. Kung kinakailangang magbingi-bingihan at magbulag-bulagan sa mga senyales na ipinapakita nito ay gagawin niya huwag lamang ito mawala sa buhay niya.

'Mamahalin mo din ako Trisha.' mga salitang namutawi sa kanyang isip habang pinagmamasdan ang kanyang mapapangasawa.

Lumipas ang maghapon na para silang hindi magkakila. Kumain nga ng sabay ngunit di naman maramdaman ng alkalde ang presensiya ng kaharap.

Para itong wala sa sarili at laging malayo ang iniisip. Waring nanliligaw si Marco kung paano nito pagsilbihan si Trisha ngunit para lamang itong tuod at walang pakiramdam.

Naghiwalay sila nang araw na iyon na halos wala pa ring imikan. Parang hindi maihahalintulad sa dalawang taong malapit nang mag-isang dibdib.

'Kung kinakailangang suyuin kita Trisha, gagawin ko.' Mapaklang nangiti na lang ang alkalde nang bumaba na si Trisha sa kanyang sasakyan.

Isang mahigpit na yakap ang sumalubong kay Trisha pagbungad niya pa lamang sa may pintuan ng kanilang bahay. Tuwang-tuwa ang dalaga at mayroon na siyang mapaghihingahan ng kanyang dinaramdam.

Naitanong pala ni Mang Bert kay Janet kung ano ang nangyari sa anak dahil di naman nagkwento ang dalaga matapos siyang iyakan nito kahapon. Kagyat naman itong napadalaw upang kamustahin ang matalik na kaibigan.

Agad pumasok ang dalawa sa silid ng dalaga para pag-usapan ang problema nito at kung bakit di niya naikawento iyon sa kaibigan.

"SHIIIT!!! Nagkita kayo ulit dito sa Batangas?!!" bulalas ni Janet na agad sinaway ng dilag.

"Kita mo nga naman... So nakatatlo pala ang gagong yon! At pumayag ka naman!" Nanlalaki ang mga mata ni Janet sa kaibigang nakayakap lang sa kanyang unan.

Ito na nga ang dahilan kung bakit hindi niya naikwento ang tungkol sa muling pagkikita nila ng estrangherong iyon. Alam niyang makakatikim siya ng pang-uusig mula kay Janet.

Ang hirap nga naman kasing maunawaan ng kahit sino. Kung paano at bakit na sa maigsing panahon ay ganoon na lang kadali na mahulog siya sa lalaking iyon. Sa totoo lang, maging siya ay hindi rin iyon maintindihan.

Paano niya maipapaliwanag kung bakit kahit pangalan lang ang alam niya tungkol dito ay parang ang tagal na nilang magkakilala. Na para bang simula pa lang pagkabata ay kilala na ng puso niya si Daniel.

"Mahirap mong maintidihan lahat ng nangyari at naramdaman ko nuon… kahit ako eh… parang hindi ko kilala ang sarili ko pag kasama ko siya. Ang saya-saya ko non! Pero bakit ngayon… ang sakit-sakit!"

Awang-awa si Janet sa kaibigan. Lihim niyang sinisisi ang sarili kung bakit pa kasi niya isinama si Trisha noon sa Maynila. Hindi na sana nito nakilala ang lalaking iyon na nagpapaluha ngayon sa matalik na kaibigan.

"Ok lang yan bes… Ganun ata talaga ang nagmamahal… Kailangan masaktan ka pa… kasi kung hindi ka nasasaktan, hindi ka daw totoong nagmahal, di ba?" sambit nito sabay yakap sa kaibigan.

"So ano, gwapo ba talaga?! Nag-enjoy ka ba?! Hihi" biro nito sa kaibigan sa paglalayong mapangiti naman ito.

Walang maipakita si Trisha na larawan kay Janet dahil kahapon ay pinagbubura niya lahat ng mga kuha nilang magkasama sa kanyang cellphone. Kasabay din noon ay ang pag-unfriend niya sa binata sa social media.

Umaasa siyang sa ganoong paraan ay mas madali niya itong makakalimutan. Sana nga ay ganoon kadaling burahin ang alaala nito ngunit sadyang napakahirap at tila naka-ukit na ang imahe nito sa kanyang isip.

Malaking bagay ang pagdalaw ni Janet. Kahit papaano ay naibsan ang bigat ng kinikimkim na sama ng loob ni Trisha. Ngunit sadyang naroon pa rin ang kirot na iniinda ng kanyang puso.

Bago umuwi ang kaibigan ay ipinaalala nito ang pag-aanak nila sa binyag na magaganap dalawang linggo mula ngayon.

"Ah sige bes… Nakalimutan ko na nga yan, buti pinaalala mo."

Dati nilang kaklase ang inang magpapabinyag na doon pa rin sa kanilang bayan naninirahan kasama ang napangasawa nitong dayo. Kaya naman sila-silang magkakaklase din ang kukuning ninong at ninang ng bata.

"Nang ma-invite mo na din sila sa kasal mo di ba?" pahabol pa ni Janet bago ito sumakay ng tricycle.

Tumango lamang at kumaway si Trisha sa papaalis na kaibigan. Tila lalo siyang nalungkot nang maalala na malapit na nga din pala ang kanyang kasal.

Malapit na silang magsama ng lalaking hindi naman niya mahal. Ng lalaking ginagawa ang lahat para lamang matutunan niyang mahalin. Ano pa nga ba ang hinahanap niya?

Halos lahat ay nagsasabi na napakaswerte niya kay Marco. Halos lahat yata ng kababaihan ay naiinggit sa kanya dahil siya ang piniling pakasalan ng butihing ama ng kanilang bayan.

Wala siyang narinig na anumang masamang opinyon o panghuhusga ng mga tao sa pagpapakasal niya dito maliban na lang sa lalaking mahal niya. Hindi niya maalis sa isip ang mga huling lintanya nito.

'Dahil sa kapangyarihan at pera.'

Nanlulumo si Trisha sa mga tinurang iyon ni Daniel. Hindi pa rin nagbabago ang sakit at lalo pa yatang humahapdi sa tuwing maalala niya ang sinabi ng binata.

'Arrghh!' Eto na naman siya. Ginugulo ng lalaking kanyang minahal.

Ngunit di tulad dati na sa tuwing maaalala ay umaasa siyang makaharap itong muli. Iba na ngayon. Gusto niyang burahin na ito ng tuluyan sa kanyang isip na parang isang masamang panaginip.

************************

Isang buwan na lang bago ang kanyang kasal. Mabilis na lumipas ang dalawang linggo buhat nang iwan siya ni Daniel.

Nanatili pa ring parang bato ang dilag. Walang nagbago. Hindi pa rin kakikitaan ng sigla ang kanyang mga mata. Lagi pa rin natutulala, bingi at tila walang naririnig sa ingay ng mundo.

"Uy bes… Halika group pic daw oh..." Hinatak ni Janet si Trisha upang makihalubilo sa mga dating kaklase para sa isang group selfie.

Masayang-masaya ang lahat sa ginaganap na salo-salo sa bahay ng nagpabinyag. Halos lahat ng kanilang mga ka-batch na naroon sa kanilang bayan ay nakadalo. May ilan na ding may sarili nang mga pamilya pero karamihan ay mga wala pang asawa.

Bagama't madalas din silang magkita dahil sa iisang bayan lang din naman sila nakatira ay iba pa rin kapag may ganoong okasyon na nagsasama-sama ulit sila na parang mini-reunion.

Lihim na naiinggit si Trisha sa kaibigan kapag nakikita niya ang sweetness nito kasama ang nobyo na katuwang din nilang nag-anak sa binyag. Di maiwasang sumingit sa kanyang isip si Daniel.

Paano nga kaya kung kasama niya doon ang binata. Siguro ay napakasaya niya katulad ng kanyang mga kaklase na kasama ang kani-kanilang mga kasintahan at asawa.

Nabaling ang atensyon ng lahat nang ilabas ng kanilang kaklase ang mga lumang photo album ng mga litratong kuha noong sila'y nasa high school. Lahat ay nagkagulo sa tuwa nang muli nilang masilayan ang kanilang mga itsura.

"Ay grabeee! Ang chachaka pa natin nun oh… ANG JOJOLOGS!" hiyaw ng isa na sinundan ng tawanan ng lahat.

Napuno ng ingay ang salas habang inisa-isa ng magkakaklase ang mga lumang larawan nila. Mayroong mga di na halos makikilala kumpara sa itsura nila ngayon. Isa na dito si Ishie. Ang chubby na dalagita na laging naka-pigtails ang pagkakatali ng buhok.

Kasalukuyan nilang tinitignan ang mga litratong kuha noong sila ay nasa 2nd year higschool. Mga class pictures, mga kuha sa mga programa sa eskwela, field trip, maging mga bonding moments nilang magkakaklase sa labas ng paaralan.

Biglang natahimik si Trisha nang madaanan ng nagbubuklat ng album ang isang litrato. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang lugar na iyon na nasa larawan. Kasama niya doon ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang batang puso.

Hinayaan na niya ang paglipat ng mga pahina ng album ngunit pinigilan naman iyon ni Janet dahil sa memorable picture na natanaw.

"WAIT… WAAAIT!!" pigil nito sa kamay ng may hawak ng album na agad ibinalik ang pahina.

"May nakita ako sandali… AY SYET!! Ikaw to bessss!!" tili ni Janet.

Kuha iyon sa malaking puno ng Acacia sa may tuktok ng burol. Summer break noon sa kanilang pagkakatanda. Nakaupo si Ishie sa duyan na gawa sa kahoy ang upuan at tinalian ng lubid sa magkabilang gilid na isinabit sa sanga ng puno.

Napakaganda ng pagkaka-ayos ng duyan at sadyang pinahanga siya ng lalaking katabi sa larawan.Ang lubid kasi niyon ay pinalamutian pa ng mga bulaklak na gawa sa makukulay na papel. Maging ang mga kaklase nga nilang babae ay nagpakuha din ng litrato sa duyang iyon na inihanda talaga para lamang sa kanya.

"Ganda naman ng duyan oh! Saka ang cute ni Billy!" biro ng isa sa mga babaeng kabiruan din ni Trisha.

Si Billy na bigla na lang naglaho. Iyon na ang huling araw na nakita niya ang binatilyo na ni hindi man lang nagpaalam o nagsabi kung saan pupunta. Pero patuloy ang dalagang naghintay at umasang magkikita pa silang muli.

Napasilip si Trisha sa loob ng kanyang bag. Hinahanap ang munting alaala ng unang pag-ibig na lagi niyang dala-dala. Ngunit kahit anong wasiwas niya ng mga abubot na laman noon ay hindi niya makita ang bracelet.

"Ay nandiyan din pala si Ruding Tigidig oh!"

Tawanan ang lahat nang may makapansin sa binatilyong nasa di kalayuan na napasama sa larawan nila Ishie at Billy. May kurot sa puso ng dilag nang makita niya ang lalaking yon.Gamit ang cellphone nito ay kinuhanan pa ni Janet ng picture ang larawang iyon ng kaibigan na nasa album.

Sa di kalayuan ay may dalawang lalaking di nabibilang sa kanilang magkaklase. Pawang dayo ang mga ito na bisita lamang na dumalo sa binyagan. Nagbubulungan ang mga ito patungkol sa magandang babae na kanilang nasisilayan.

"Tablado ka diyan brad… Balita ko yan ang mapapangasawa ng mayor dito." anas nito sa lalaking kumukursunada sa dilag.

"Ah ganun ba? Edi mas ok… Malay mo di ba?" sabay kindat nito sa kasama.

"Pag lumingon yan brad… akin yan hehehe" pahabol pa nito kasabay ng malalim na hitit sa sigarilyo.

Ang laki ng kumpiyansang ipinapakita nito sa sarili. Palibhasa ay may kagandahang lalake rin, mukhang mapera at may dating kaya ganun na lang kalakas ang loob.

Saglit na nadaanan ng paningin ni Trisha ang dalawang lalaki. Napansin na niya ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanya mula pa sa simbahan. Tinangka na din nitong makipag-usap at magpakilala subalit di ito makasingit sa dami ng nagkakamustahang magkakaklase.

"Diyan mo ko mapapabilib kung madadale mo yan." sabay fist bump pa ng dalawa.

Madilim na nang magpasyang magsiuwi na ang magkakaklase. Lahat ay nasiyahan sa kanilang pagsasama-sama at ang iba ay umuwing may mga tama na.

Ang ibang malalayo ang bahay ay may dalang sariling mga sasakyan. Kanina ay nagpahatid si Trisha kay Mang Bert na nangakong susunduin din siya doon.

"Sure ka bes, mauuna na kami?" tanong ni Janet na naka-angkas na sa likuran ng single na motor ng kanyang nobyo.

"Sige Bes… ingat kayo. Nagtext na ko kay tatay di pa lang nagrereply pero baka papunta na din yon."

"Oh message mo ko pag nasundo ka na ni Mang Bert ha." habilin pa nito sa kaibigan bago umalis. May pupuntahan pa kasi sila ng nobyo kaya't di na mahintay na masundo si Trisha.

Medyo na...

About the Author :

Joined: May 4, 2019 (1 year old)
Writings: 15
Male  ·  Offline
Description:
Author of LARAWAN
Co-Author of AGUINALDO by missE
Websites:
31  ·  45  ·  33  ·  3,232
 · 

Comments
K
kuatog
October 14, 2020 (13 days ago)

nakowww ...buhay kang bata ka !!!! ayos tatay na akoooo !!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Ahahaha... lalake ba o babae?😂

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jackstone
October 14, 2020 (13 days ago)

It was worth the wait.

It’s always worth the wait.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Salamat Sir jackstone sa pagsubaybay sa lara at agui😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
J
jackstone
October 15, 2020 (12 days ago)

Salamat sa pagpapatuloy ng inyong pagsusulat 🤲 🤲 🤲

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
RedDragon
October 14, 2020 (13 days ago)

PATAY,YARI!!!!
Grabe ang latest chapter mo  sir Paradoxxx

"Imagination is a weapon. Those who lack it are first to die."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Thank you sir RedDragon... marami pa pong irereveal sa mga huling chapter tutok lang.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
Puloboys
October 14, 2020 (13 days ago)

As always nice story combination of 2 brilliant writers matuloy PA Kaya ang kasal o Kung magkikita PA ba sila ni Daniel abangan ko Yan kudos keep safe Sir and Miss E my idols

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Yan ang magandang tanong... itutuloy mo pa kaya kung malaman mo na di ikaw ang ama?.. salamat sir Puloboys

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE
October 14, 2020 (13 days ago)

Tapos magigising, nananaginip lang pala😂

Reply  ·  Like (5)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Sa agui yun ah?😅
Baka nga nakatulog lang si Trisha sa Cr ah😁

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
sharmfaker
October 14, 2020 (13 days ago)

Yari ka trish..gulpi ka ngayon..landi mo kasi

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Ouch! Wag naman baka makunan😁
Thank you sharmfaker

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
knight_walker
October 14, 2020 (13 days ago)

Ang galing nyo paradox at ng co author mo na si Miss E sa pagbuild up ng story, paano kaya malalaman ni daniel na nagbunga ang pagmamahalan nila ni trisha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Hmm.. if ikaw si Daniel at malaman mo na nabuntis mo si Trisha... babalikan mo ba?😁
Salamat Knightwalker

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
braddix65
October 14, 2020 (13 days ago)

trisha should tell marco the truth! maybe will even be happy to know that the father is his very own son .. ha .. ha. "honesty still the best policy" ika nga.

maging suspense and thrill ang mga next episodes ah. worth the wait !!! galingan pa ninyo par & missE. tnx

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Yup... yan ang best thing to do. Paalam niya dapat baka yun pa maging dahilan para makalaya siya sa kasunduan di natanggihan.
Salamat sir braddix65

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
mmagbabakal
October 14, 2020 (13 days ago)

mayooor congrats......lolo kana🤣🤣
again thank you sa update sir para at miss e. sulit na sulit.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Complicated na no sir ironman😁✌🏻
Salamat po sa pag comment.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missbianca
October 14, 2020 (13 days ago)

Ang galing! Wala akong masabi! Hands down sa Larawan Series! Ang ganda ng story line at kaabang abang ang bawat chapter.

I can't wait for the next update! Ano kaya ang magiging reaction ni Mayor Marco? Malalaman kaya ni Daniel na siya ang ama ng dinadala ni Trisha? Grabe sobrang kaabang abang na ang mga susunod na mga eksena.

Next na agad yan! Thank you Author paradoxxxx and author missE!

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Matanggap kaya ni Marco kung sasabihin ni Trisha na di siya ama? Di kaya niya pa hunting itong nakabuntis sa juwa nya?
Salamat missbi

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
SisigAdobo
October 14, 2020 (13 days ago)

Tatay na si greg! ay mali. si daniel pala pati ata ko napadroga ah 🤣😂Redhorse pls

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Uy bakit napunta si Greg hahaha.
Nako boss sisig ok na redhorse wag na mag droga😅
Salamat ulit

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
R
reicool
October 14, 2020 (13 days ago)

Ang ganda sir, waiting for next update, sana sadistahin ni daniel yung doktora haha

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Nag break na yata sila... pero malay natin no baka balikan.. hot pa naman ni dok😁
Thank you boss

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Y
yam42a
October 14, 2020 (13 days ago)

Patay kang bata k...di n nga mahal naiputan p...pero s tingin ko tatanggapin ni marco ang bata...nxt chapter agad sir paradoxxx and missE😊keep safe guys and smile....

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Sana matanggap... alam naman niya napilitan lang si Trisha sa pag oo sa alok niyang kasal.
Kung kamukha ni Daniel ok lang naman kamukha nya din parang kanya na din no😆

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
MalditangGangster
October 15, 2020 (12 days ago)

Ganda ganda nman ng update mo Mr. Author 👏👏. Yan n nga ang sinasabi ko eh😁..  Mayor lahat n lng ng nngyayari ky Trisha pumapangalawa ka lage😂 pano b yan juntis n ang future bride mo😂🤣 may anak k n, may apo k pa oh db san k p😁😂. Sana lng maging honest si Trish at sna rin malaman ni Daniel.. At please lng sir Para wag mo nman tuluyang maging patapon ang buhay ni Daniel 🙂🙂.. love love ko tlga ang LARAWAN mo sir P. and I'm looking forward po sa next up niyo😘😘

Slim na malibog😂😂

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Huli man daw at magaling huli pa din😆
Thank you po

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
acekantotchloe
October 15, 2020 (12 days ago)

paradoxx dito ba sa larawan pipintahan esye ipipinta ni daniel si dianne o sa agui?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Ah nabanggit po yan sa mga unang part ng Lara... gusto niyang ipinta yung nakita niya sa clinic (diane).
Gusto lang po niya sana kaso mukhang di na mangyayari yata.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
marcus17
October 15, 2020 (12 days ago)

whew.,, pganda ng pganda tong kwento.,
di lang basta bakbakan.
ganado ang imahinasyon every aftter chapter.

kudos s writer for sharing the talent, isa ka po sa magagaling na writers dito. aaangas.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Salamat sir marcus at nagustuhan niyo po ang lara kahit parang naliligaw ng site to haha... sana po samahan nyo kami hanggang sa huli

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jerikho
October 15, 2020 (12 days ago)

Ang masalimuot na sitwasyon ay nagkaroon pa ng  kumplikasyon ngayong nagbunga ang unang pagtatagpo nina Daniel at Trisha...
Ngayong parehas silang nasa proseso ng paglimot pero ng dahil sa isang buhay na nabuo ang tuluyang paglalayo ay mukhang malabo...

        At ang nakatakdang kasal ni Meyor Marco ay unti-unti na rin yatang mauuwi sa pagkalimot lalo na ang puso ng itinatanging dalaga ay naiwan sa taong nakauna sa kanya...pero parang hindi pa sila tapos biruin ng tadhana at yun ang ating aabangan sa mga susunod na mga huling kabanata...Salamat sa inyo Pareng Paradoxxx at Sis E! Aprub!😉

Retiradong Playboy...pwedeng TUMINGIN pero never ang TUMIKIM 😉

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Yun na nga... kung kelan naghiwalay saka nalaman na may dapat palang panagutan.
Dito malalaman sa susunod kung paano tatanggapin ni Marco kung ipagtapat man ni Trisha sa kanya.
Salamat ulit Pare Jeriko

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
SkidRow90
October 15, 2020 (12 days ago)

Lods damang dama ko gaano kawasak si Daniel. Naalala ko tuloy adik days ko.
Ang husay ng depiction mo boss! Hands down sa talaga ko sa inyo ni msE.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 15, 2020 (12 days ago)

Dami pala ko kasamang naging kabanata din ng buhay to😅
Pero nagdaan na yun ano bro wag nang lingunin. Salamat sa pag visit sa comment.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
popopot
October 15, 2020 (12 days ago)

Wake up Daniel! magiging dad ka na, wag kang susuko sa hamon ng buhay! hindi drugs ang sagot sa problema.... nariyan si Trish ang ganda at naghihintay sa'yo hahaha

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 16, 2020 (11 days ago)

Naghanap ng mundong matatakasan. Yun lang alam niya eh.
Salamat popopot sa pagbabasa. Malapit na po ang katapusan kaya sana samahan nyo sila hanggang sa huli

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
S
Sungit_moh
October 15, 2020 (12 days ago)

Na miss ko tuloy si chaster sa episode na to

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
October 16, 2020 (11 days ago)

Wag naman sana gayahin si Chester no... abangan nyo po ulit sa susunod na kabanata... salamat ulit

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Archer14
October 16, 2020 (11 days ago)

Ang hirap gumawa ng desisyon sa sitwasyon na kinasasangkutan ng mga bida. Pilitin man maging makatwiran sa pasyang bibitawan, hindi maiwasang may taong masasaktan. Sakit na magbibigay agam-agam sa puso't isipan.

"Tama ba ang daan na pinili kong tahakin?" Tanong na paulit ulit na magbabalik. Pilit na hahanap ng kasagutan hanggang nararamdaman ang kakulangan sa pagkatao. Habang nararamdaman ang kirot sa puso.

Maari kayang sinusubok lang talaga ang kanilang pag ibig at hindi binibiro lang ng kapalaran? Tila sinasabi na ipaglaban ang nararamdan. Hindi dapat sukuan at talikuran.

Mayor, naging ama ka ng bayan. Baka pwede naman ibalato mo na pagiging ama ng bata kay Daniel hehe...

Salamat sa mga butuhing writers ng kwentong ito. Single man ang nagbabasa, nararamdaman ang sarap at sakit na dulot ng pag ibig dahil sa inyong obra. Salamat!!!

Team wagi o camp sawi? Saan ba talaga Daniel at Trisha?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 16, 2020 (11 days ago)

Mahirap talaga gunawa ng pagpapasya pag puso ang nag iisip. Marami kasing tanong na puso lang ang nakakaintindi at marami din kasagutan na puso lang din ang nakakaunawa.
(Naks😆)
Salamat at kahit parang di na bagay dito larawa ay patuloy pa din kayong nandito para sumubaybay.

Abangan nyo po ang kasunod... malapit na😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
C
charles2700
October 16, 2020 (11 days ago)

Muntik na akong madali akala ko si trisha ay bumigay sa stranghero...nice sir Para at Miss E...hehehe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
October 17, 2020 (10 days ago)

Thank you sir Charles... nagoyo ka ba haha.
Abangan nyo po mamaya ko na post part 15

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments