M
E
N
U

Romansa De Amor

Posted in
Story: True Story, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, First Time, Romance · Tags:
Date: September 19, 2020 (1 month ago)


Sabado pa lang ng gabi di na ako mapakali sa amin. Maaga akong umuwi mula sa trabaho. Pagdating ko sa bahay gising pa ang mga bata. Nagkakatuwaan silang mag-iina sa harapan ng TV. Narinig kong kumakanta sila sa harap ng TV. Nagbi-videoke ang mag-iina ko. Sinadya kong di nila agad mapansin ang aking pagdating. Maganda ang boses ni panganay. Kinakanta nya ang isang awiting pinasikat ni Karen Carpenter, ang "Yesterday Once More". Nang matatapos na ang kanta, napalingon sa pintuan ang aking bunso. Agad itong tumayo at sumalubong sa akin. Isang mainit at malagkit na halik ang idinampi ng labi nya sa aking pisngi.

" Mommy, dito na ang Daddy," Sabi nito sabay abot sa dala-dala kong pasalubong. At nag-uunahang tumakbo palapit sa kinaroroonan ko sa may pintuan yung dalawa pa niyang mga kapatid. Tulad ng bunso, agad ding humalik yung dalawa at pagkatapos ay yung dala kong pasalubong ang pinagtuunan na ng pansin nung tatlo.

Dumiretso ako sa kusina matapos kong mag-alis ng sapatos at medyas. Kumuha ako ng malamig na tubig mula sa refrigerator. Sumunod pala si misis at inabutan ako ng baso.

" Mukhang maaga ka ngayon, Daddy…" Sabi ni misis na ibinitin yung huling kataga. Dala yung baso at ang pitsel ng malamig na tubig sa terrace namin ako dumiretso. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cell phone ko na nasa bulsa ng polo ko. Di pa ako nagbibihis. Nakamasid lang yung misis ko habang binubuksan ko yung cell phone ko para basahin ang pumasok na messages. Dalawa ang nasa inbox ko. Yung isa ay galing kay Ellaine. Yung isa ay numero lamang ang naka-rehistro. Inuna kong basahin yung walang naka-rehistrong pangalan sa inbox.

" Miss na kita Mr. perfect gentleman." Nakaramdam ako ng di ko maipaliwanag na pagkayamot ng mabasa ko yung text. Galing ang text kay Lynn, yung kumare ni Ben. Ang totoo, nag-enjoy din ako doon sa naging marathon sex namin ng siyam na taong walang kantot na kumare ni Ben. Napapailing ako pag naaalala ko yung ipinagsigawan nito sa loob ng malamig na silid na yun. "Siyam na taon na tiniis kong walang kantot!"

Pero yung nangyari sa amin ay gano'n lang. One day stand yun. Palipas libog lang. At naipangako ko sa sarili ko, di na mauulit iyon. Di na kailangang maulit ang "minsan". Mabilis kong binura yung text sa inbox ko at binasa yung text ni Ellaine.

" Hon, naka-uwi ka na ba sa inyo? Miss you, tsupp!" Ahhh, kahit yung simpleng tsuppp! lang sa inbox ko mula kay Ellaine ay sapat na para pawiin ang pagod ko. Sasagutin ko sana agad yung text nito ng nakita ko sa sulok ng aking mga mata ang paglapit ni misis. May dala-dala itong dalawang banana cue at grape juice.

"Mag meryenda ka muna maaga pa naman. Naglako ng banana cue yung si manang kanina," Sabi nito na umupo sa tabi ko. Mabilis kong naibulsa yung cell phone bago pa man siya nakalapit sa kinaroroonan ko sa terrace.

"Paki-lapag mo na lang dyan sa lamesita at magbihis na muna ako," Sabi ko sa kanya at dinampian ko siya ng mabilis na halik sa pisngi. May sasabihin pa sana siya pero nagmamadali na akong tumalilis papunta sa kwarto. Yung tatlo naming anak ay nagsawa na sa pagkanta sa harap ng TV. Nandoon na sila sa kanilang kwarto.

Dumiretso ako sa banyo at doon ko tinipa yung text ko kay Ellaine." Dito na ako sa bahay hon. Kararating ko lang." Pagsisinungaling ko." Text kita mamaya after dinner. Miss you so much. Tsuuppp! I love you."

Pagka send ko sa text agad kong ibinalik ang cell phone sa bulsa ko at lumabas ako ng banyo. Humagilap ako ng damit pambahay sa drawer at mabilis na nagpalit ng damit. Kinuha ko yung charger sa clutch bag na lagi kong dala-dala sa office. Iniwan ko sa kwarto na naka-charge ang cell phone. Ang nakalimutan ko ay ang burahin ang text ni Ellaine.

Muli akong pumunta sa terrace. Kinuha ko yung banana cue at yung grape juice na inilapag ni misis sa lamesita sa terrace. Tumungo ako sa kusina na dala-dala yung banana cue at ang grape juice. Nadatnan kong abala na si misis sa pagluluto ng hapunan namin.

"O, bakit di mo pa kinain yan," Sabi nito ng makita na hawak-hawak ko pa yung meryenda na inilapag nya sa lamesita.

" Busog ako eh," Sabi ko." Ibigay mo na lang sa mga bata," Ipinatong ko sa may lababo ang plato na may banana cue. Tinungga ko yung grape juice. Binuksan ko yung refrigerator at kumuha ako ng beer na naka lata. Laging may beer ako na pinalalamig sa refrigerator, para sa mga bisita o minsan pag nasa mood akong uminom.

" O, mag-iinom ka agad wala pang laman yang tiyan mo?" Tanong na may himig pag-aalala ni misis.

"Isa lang pampa-gana lang…" Katwiran ko naman. Bigla kong nakita kay misis yung maharot na alanganing ngiti at pahapyaw na tinapunan ng tingin ang aking harapan, sabay kagat-labi. Patalikod na ako sa kanya para pumunta sa terrace at doon inumin yung kinuha kong beer ng humarang siya sa daraanan ko. Hawak-hawak nya yung talong na balak nyang iprito para sa aming hapunan. Inilapit nya ang bibig sa aking tenga at bumulong, " Laban?"

Natawa ako sa ayos nya na hawak yung talong at itinuturo yung harapan nya. Bigla kong inabot yung matambok nyang harapan at pinisil yung katambukan nya na aninag sa manipis na suot nyang duster. Sinadya nyang ibinuka ang kanyang mga labi para paalpasin ang isang malanding, "ohhhh Daddy…" Hinalikan ko siya sa lips at natatawa akong binilisan yung mga hakbang ko palayo sa kusina. Ganoon ang lambingan naming mag-asawa na kadalasan noong bago pa lang kami, ay humahantong sa pagkukulong namin sa kwarto para pagsaluhan ang isang mainit na pagtatalik.

Ngunit sa mga sandaling ito, hindi si misis ang nakakapagpa-init ng aking damdamin. Bukas magkikita kami ng aking si Ellaine. Pero, kailangan kong umalis ng madaling araw. Ang usapan namin ay sa Lipa Cathedral kami magkikita. May morning devotion siya doon para sa mga kasapi ng Singles For Christ .

6:00 am pa lang nandoon na siya. Kailangan dumating ako sa Cathedral ng 7:00 am. Kailangan kong umalis dito sa bahay ng 2:00 am. Paano ko sasabihin kay misis na kailangan kong umalis ng ganoong oras?

Nasa ganito akong pag-iisip ng di ko namalayan ang pagtabi sa aking kina-uupuan ng aking may-bahay. Na-kalahati ko na yung laman ng hawak kong beer. Nakatanaw ako sa ibaba ng terrace namin. Hindi yung magandang tanawin ang nakikita ko. Ang nakikita ko doon sa halamanan sa ibaba ng terrace namin ay ang maamong mukha ni Ellaine. Ang nag-iisang dimple sa kanyang kaliwang pisngi. Ang maganda nyang mga mata. At higit sa lahat yung mainit nyang labi na humakab sa kahabaan ni manoy. Nakababaliw isipin na ang kanyang kariktan ay ipinagkaloob nya sa akin. ng walang pag-aalinlangan.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, Daddy…" Parang ikinagitla ko yung biglang pagsasalita ni misis. Nasa tabi ko na pala siya. Nakatayo ako sa terrace habang sinisimsim ang laman ng hawak kong beer.

"Wala naman, Kalangan ko lang kasi umalis mamayang madaling araw," Sabi ko sa kanya na hindi inaalis ang pagkakatitig sa mga halamanan sa ibaba ng terrace namin. Ayokong tumingin kay misis. Ayokong ipagkanulo ako ng aking mga mata sa aking mga pagsisinungaling.

" Saan ka pupunta, may biglaang seminar ka na naman?" Lumapit siya at idinikit ang kanyang katawan sa aking tagiliran. Langhap ko yung mahinhing bango ni misis. Nakapaligo na siya. At langhap ko yung amoy ng sabon na gamit nya. Langhap ko rin yung amoy ng pulbo na gamit nya. Alam na alam ni misis na gustong- gusto ko yung amoy ng Johson's Baby powder. At iyon ang kanyang pabango. Parang nagkakaroon siya ng pakiramdam na tumataas ang kanyang tingin sa sarili pag inaapuhap ko ng halik ang buo nyang katawan at sasabihin kong, "Hmmm amoy sanggol ka talaga Ne…ang sarap mong samyuin…"

Sa sandaling ito nasa diwa ko ang realidad ng kanyang presensya. Ngunit hindi ko ito napagtutuunan ng pansin. Kasi nga, may kahati na siya sa pagtatangi ko.

Wala pa ring kibo na inubos ko yung laman ng beer na hawak ko. Tumayo ako sa pagkakaupo. Gusto kong kumuha pa ng isa pang beer. Parang bitin yung isa. Patalilis na ako ng magsalita si misis.

"Naisip ko Daddy, malaki na si Jen…" Si Jen yung bunso namin. "Pwede na nating sundan si Jen…" Dugtong nya sa sinabi nya. Matagal ko ng sinabi sa kanya na gusto ko ng anak na lalaki. Pero natatakot na siyang manganak. Kaya mula ng isinilang si Jen ay nag pills na siya ng pwede na uli kami magtalik.

Huminto ako at humarap sa kanya. Nakita ko sa mga mata nya yung pag-aalala. Parang woman's intuition ba na nararamdaman nya yung unti-unting pagtaas ng pader sa pagitan namin? Bigla akong napa-upo sa silya na nakaharap sa kanya. Hawak ko pa yung lata ng beer na wala ng laman.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. Magkaharap kami sa lamesita sa terrace. Kipit-kipit ng kaliwa nyang kamay ang laylayan ng manipis nyang duster na suot. Nakatingin siya g diretso sa aking mga mata. Parang napapaso ako sa mga titig nya. Ganoon kaya talaga pag may nagagawang lisya?

" Naisip ko, bigyan na kita ng junior mo. Tinigilan ko na yung pag inom ko ng pills." Walang gatol na sabi ni misis. Inaapuhap ko sa kanyang mukha ang katotohanan ng kanyang sinasabi.

"Kailan pa?" Tanong ko na ang ibig kung malaman ay kung kalian nya ginawang itigil yung pag-inom ng contraceptive pills.

"Noong huli tayong nagtalik—noong sinipingan mo ako ng anniversary natin…" Sabi nya. At napagtanto ko yung sinabi nya ng sabay kaming nag-orgasmo ng sinasabi nyang gabi na nagtalik kami. "Buo." So, sinadya nya iyon para maka-buo kami ng aking "junior". Matagal at mataman ko siyang tinitigan. At may awa na lumukob sa akin habang pinagmamasdan ko si misis. Halos walong taon ang pagitan ng aming edad. At alam ko, na bilang isang babae nararamdaman nya ang unti-uti kong panlalamig. At nauunawaan ko na kailangan nyang lumaban.

Kaya ba madalas nakatingin siya sa cell phone ko? Yung cell phone ko na naka charge kanina. Hindi ko nabura yung message ni Ellaine. Hindi kaya nabasa nya?

Yung mabigyan ako ng pangarap kong anak na lalaki ay siyang pinaka mabisang sandata nya para manatili ako na kanya.

" Akala ko ba ayaw mo na…at natatakot ka ng manganak." Untag ko sa kanya. At di ko namalayan na napiga ko ng dahan-dahan yung lata ng beer na hawak-hawak ko.

"Pwede naman Caesarian di ba?" Parang pang-alo nya sa sarili. " Alam ko naman na gustong gusto mo ng anak na lalaki. Mag six years old na si bunso…at 31 years old na ako." Dama ko yung sinsiredad sa sinasabi nya. At lalo akong na-guilty. Kasi nga,heto siya na nagmamay-ari ng pangalan ko, ng katauhan ko. Pero may iba pa akong nasa puso ko. May kahati na siya sa aking pagmamahal.

"Paano kung babae uli?" Sabi ko naman. " Di gawa uli tayo…" Wala pa ring kagatol-gatol na sabi nya. Na parang ganon lang gumawa ng baby. Naramdaman ko ang sarili ko na tumayo. Hinagilap ko yung basurahan sa dulo ng terrace. Iniakma ko yung napiga kong lata ng beer. Ginawa kong bola at yung basurahan ay inasinta ko. Sumablay ang bato ko tumama sa labi lang ng basurahan.

" Dito ka lang magaling mag-shoot," Kantyaw-biro ni misis. Itinuro ang kanyang harapan. At umasta na ikininyod-kinyod ang balakang. Tinitigan ko siya at inginuso ko yung dako ng pinto ng mga anak namin.

" Makita ka ng mga bata, ano ba?" Kunwari ay sansala ko sa kanya. Nagkatawanan kami. Tumayo siya at pagigil na pinisil ang harapan ng pantalon ko. Walang reaksyon si manoy. Paano kaya kung si Ellaine ang humaplos dito? Ah—yung haplos ng malambot na palad ni Ellaine ay kayang pagbagahin hindi lang ang aking si manoy, kundi maging ang buo kong katauhan.

Linggo, dumating ako sa Cathedral lampas ng mahigit sampung minuto sa takdang usapan namin ni Ellaine. "Hon dito na ako sa harap ng Cathedral, yung pinto paharap sa highway." Text ko sa kanya. Nag-aalangan akong pumasok sa loob ng simbahan. Pumapasok sa kukote ko yung "joke". Baka magsiklab ako pagpasok ko sa loob."Hahaha!" Lihim akong nangiti sa naisip ko.

Kakaunti pa yung tao sa loob. Mangilan-ngilan ngilan pa lang ang naroroon at taimtim na nagdarasal. Isinawsaw ko yung dalawang daliri ko sa lalagyan ng holy water at ikinintal ko sa aking noo ang tanda ng krus, mabilis na umaktong paluhod at tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng simbahan. At muli kong nasilayan ang maamong mukhang iyon na naghatid sa akin ng higit na malalim na buntong-hininga. Ahhh, kay ganda talaga ng aking si Ellaine! Pakiramdam ko, kahit ihalo mo siya sa libo-libo mang mga tao, agad siyang mahahanap ng aking mga mata. Paano ay puno ang aking pandama ng kabuuan nya.

Tumabi ako sa kanya. Taimtim siyang nagdarasal. Nakaluhod sa luhuran ng upuang kahoy nakaharap sa altar ng Cathedral. Hindi siya lumilingon sa akin. Pero alam ko, alam nya na ako yun. Lumuhod din ako sa tabi niya. Palihim nya akong kinurot sa tagiliran ng nakaluhod na ako sa tabi nya.

"Na trapik ka ba?", Bulong niya sa akin na hindi inaalis ang tingin sa harap ng altar. "Miss na miss na kaya kita." May himig pagmamaktol na bulong nya uli.

"Kanina pa ako dito, akala ko di ka sisipot." Muli nya akong kinurot. Tiniis ko yung sakit ng kurot nya sa tagiliran ko. Masakit, pero masarap damhin yung kurot nya. Parang yung pag-ibig namin masakit, pero masarap.

Di ako kumibo. Kunwari taimtim din ang dasal ko. Pero ang nasa isipan ko sa sandaling iyon ay ang hatid na init sa akin ng babaing katabi ko. Sa pagkakadikit pa lang ng aming mga braso habang nakaluhod kami sa harap ng altar, parang naglalagablab na ang aking pakiramdam. Naka-saludo na si manoy.

Ilang sandali pa ang ginugol namin sa loob ng simbahan at lumabas na kami. Sinubukan ko siyang akbayan habang naglalakad kami palabas ng Cathedral.

"Alisin mo yang kamay mo hon," Sansala ni Ellaine sa akin. "Maraming kliyente yung kumpanya namin na taga-Lipa, baka may makakita sa atin…" Sabi pa nya. Tiningnan ko yung oras sa relo ko. 8:00 am pa lang. Sarado pa ang mall.

" Saan tayo?" Tanong ko sa kanya ng tumawid kami sa kabilang kalsada. Hindi ko kabisado ang Lipa.

Pumara siya ng jeep. Nang sumakay siya ay sumunod ako. Wala kaming kibuan. Dalawa lang ang bakante sa jeep, kabilaan pa sa may estribo kami na pwesto. Sumenyas siya na siya na an...

About the Author :

Joined: September 1, 2020 (1 month old)
Writings: 35
Male  ·  Offline
Description:
A perfect gentleman.
6  ·  1  ·  6  ·  4,450
 · 

Comments
K
kuatog
September 19, 2020 (1 month ago)

lagooottt....c esmi mukhang nakaka amoy at c kabit ayaw bumitaw...paktay na

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments