M
E
N
U

Kinang At Lilim - Chapter 40: A Memory To Remember

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Celebrities, Romance · Tags: , , , , , , , , ,
Date: September 18, 2020 (1 month ago)


NOTE: Please read this chapter from top to bottom. Don't spoil yourself and don't rush things if you want to know the details. Thank you.

*****

Chapter 40


Ang karugtong...

"Tom, ikaw na ang bahala kay Lance. I'll take care of this." sabi ni Angela kay Tom. Umiiyak na si Lance at nagyakap siya nang mahigpit sa kaibigan.

"Okay, Angela. Aantayin ka na lang namin sa labas." sabi ni Tom at lumabas na ang dalawa. Umupo ang dalawang binata sa isang bench na nasa tapat lamang ng venue ng kanilang event. Pagkaupo ni Tom ay agad naman niyang kinamusta ang kaibigan.

Marahang tinapik ni Tom ang likod ni Lance at pinakalma ito. Humihikbi pa rin ito at halos ayaw nitong tumigil sa pag-iyak.

"Shhhh... It's alright, Lance. It's alright. There there." si Tom. "Kinausap na ni Angela si Miss Cat. Magiging okay rin kayo. Promise."

"Pare... Baka mag-aaway kami ulit ni Angela dahil sa kanya..." wika ni Lance.

"Hindi naman siguro, pare. Alam naman siguro niyang hindi mo gusto si Miss Catriona, ano? Ugh, I really can't stand her. Alam na nga niyang may girlfriend na yung tao, nilalandi pa rin niya!" wika ni Tom na may halong pagkainis.

"You know pare, ang taas ng respeto ko kay Miss Cat kasi siya lang naman ang ikaapat na Miss Universe ng bansa natin." patuloy ni Tom. "Pero nawala ang lahat nang malaman ko ang totoo sa kanya."

"Ang alin?" puna ni Lance.

"Na ganun pala siya kalandi. Pasensiya na sa word ko na yun, but I just really can't stand her, sa totoo lang."

Naghari ang katahimikan sa dalawang binata. Malapit nang mag-tanghali at baka nagla-lunch na ang sa loob. Kailangan nang maghanda ni Lance sa ikalawang bahagi ng event na ito. Ngunit kailangan nilang antayin si Angela dahil kausap nito si Catriona sa loob.

*****

"Miss Catriona?! Ano bang pakay mo sa boyfriend ko?" tanong ni Angela nang malaman niya ang babaeng lumandi sa nobyong si Lance. "Alam mo namang may syota na yung tao, tapos nilalandi mo pa rin?"

"Oh, so we've finally met." bigkas ni Catriona habang nakangisi. "You know what, Lance is so good in bed. I guess hindi mo naranasan na nag-sex kayo, hindi ba? Oh, you poor little thing. Kaya nilalayuan ka ng nobyo mo kasi you don't give him the experience of his life."

Pumalag naman si Angela sa pagmamaliit ni Catriona sa kanya. "What did you say?!"

"Tanggapin mo na lang kasi na kailanman ay hindi mapapasaiyo si Lance. Because starting today, ako na ang kasintahan niya!"

Nainsulto si Angela at malakas niyang sinampal ang beauty queen. "How dare you say that thing to me!" bigkas ng dalaga. Napahawak naman si Catriona sa parte na kung saan siya nasampal.

"Ako ang totoong mahal ni Lance, at hindi ikaw! You just forced him to have sex with you. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo, miss Cat? Mataas pa naman ang respeto ng mga tao sa'yo bilang isang public figure. Pero ano na lang ang mangyayari sa'yo kapag nalaman ng mga tao na isa ka palang higad na lumalandi sa mga lalaking may jowa na?"

Napatahimik si Catriona. Gusto pa sana niyang bumanat ngunit nagsalita ulit ang dalaga.

"You're indeed a shameless, spiteful, and a desperate woman; as Lance told me about you." patuloy ni Angela. "At kahit ano pang gagawin mo, hinding-hindi mo siya makukuha sa akin. Kasi ako at ako lang ang mahal niya."

"You dare oppose a beauty queen like me?!" bigkas ni Catriona. "Mahal ko siya! At hindi ako papayag na basta-basta niya akong iwan sa ere! At tanong ko lang: kung mahal mo talaga si Lance; eh bakit hindi kayo magkakasama palagi?"

Mabilis at kalmado namang isinagot ni Angela ang tanong ni Catriona. "Oh, miss Cat... Hindi mo lang kasi alam. Kahit hindi man kami magkakasama ay mahal pa rin namin ang isa't isa. At nangako na siya sa akin na ako ang pakakasalan niya in the near future. Sana, naisipan mo nang maigi. Ayan tuloy, napahamak ka."

Hindi matanggap ni Catriona ang totoo, at sumugod siya kay Angela upang sampalin siya sa mukha.

"How dare you!"

Ngunit sa isang iglap, napigilan naman ito ni Angela. Pagkatapos ay nagsalita ulit ito.

"Don't even think about opposing me, miss Cat." sabi ni Angela habang tinitingnan niya nang matalim ang beauty queen. "You don't want me to get mad, right? Kasi kapag nagawa mo ito, baka hindi mo magugustuhan ang alter ego ko. And before I go, may sasabihin lang ako sa'yo."

Matalim pa rin ang tingin ni Angela, at gayundin si Catriona. Mariing hinawakan ng dalaga ang mukha ng beauty queen at inilapit ito sa ulo niya.

"Stay. The hell. Away. From my. Boyfriend. Got it?" bigkas ni Angela. "Ito na ang last warning mo. Huwag mo nang landiin ulit si Lance. Kasi kapag nilandi mo ulit siya, ako na mismo ang magtatapos sa kakatihan ng puke mo. Tandaan mo yan; isaksak mo yan sa utak mo!"

Itinulak ni Angela palayo si Catriona at napasandal ang beauty queen sa dingding ng CR bago ito umalis.

Nang naiwang mag-isa ang beauty queen sa loob ng CR ay napasigaw ito nang malakas. Paulit-ulit niyang sinipa ang dingding at nagkaroon ng crack dito. Hindi pa rin niya tanggap ang katotohanan na hindi siya mahal ni Lance. Lumalabas rin ang katotohanan: sex lang talaga ang habol ng beauty queen sa binata.

Nang naka-recover na siya mula sa pagkabaliw ay humarap siya sa salamin at kinausap ang sarili.

"No. Hindi ito maaari. Hindi puwedeng mangyari sa akin ito! Lance is MINE and you know it! I'll get my revenge someday, Angela. Kasi darating din ang araw na mapapasakin ulit ang boyfriend mo. Hell hath no fury against a woman scorned!"

Ngumiti siya nang masama sa harap ng salamin. Nagsalita ulit siya pagkatapos.

"I'll do everything I can to let Lance be my husband. Because I'm his ONLY queen and you know it!"

*****

Nakalabas na si Angela sa CR na kung saan niya kinumprontahan si Catriona. Kaagad nagtanong si Tom kung anong nangyari.

"Kamusta? Nagsampalan ba kayong dalawa?" tanong ni Tom.

"Hindi naman. Nag-usap lang naman kami nang masinsinan. At nagbilin na ako sa kanya na layuan na niya si Lance." sagot ng dalaga.

"Ah... Mabuti naman kung ganoon. Tara na, pasok na tayo sa loob. Baka nagse-serve na sila ng lunch natin."

"Good idea. Kailangan pang maghanda ni Lance para mamaya. Tsaka bago ang lunch natin, magpe-perform pa tayo." Pagkatapos ay sabay nang pumasok sina Tom, Angela at Lance sa convention center. Sa kabutihang palad ay nagsasalita pa ang huling guest speaker. At may panahon pa sila para makapaghanda.

Bago sila naghiwalay nang pansamantala ay kinausap muna ni Lance ang kasintahan.

"Love, puwede ba tayo mag-usap after lunch? Hindi ko na kasi kayang dibdibin pa ang mga nararamdaman ko ngayon..." bigkas ni Lance.

Marahang hinaplos ni Angela ang likod ng kasintahan. "Sure, mamaya na tayo mag-usap. Magpe-perform na kasi kami."

"Sige. I love you Angela..."

"I love you too Lance... Muaaaa." wika ng dalaga sabay flying kiss sa nobyo.

Nakabalik na sila sa kani-kanilang table. Pagkaupo nina Tom at Angela sa kanilang upuan ay nagtanong si Jillian patungkol sa nangyari.

"Ate Angela. Anong nangyari kanina? Nag-alala na kami sa inyo..."

"May nangyari kasi sa boyfriend ko. Pero don't worry, naayos ko na yung gusot." sagot ni Angela.

"Okay po Ate." si Jillian. Maya-maya pa'y ipinatawag na ng emcee ang mga cotillion dancers sa harapan. Kanya-kanya na sila ng posisyon sa malaking entablado. Isang dosena ng pares ang bilang ng mga mananayaw, at kasya naman silang lahat doon.

Bago nagsimulang tumugtog ang awitin ay kinamusta nina Angela at Tom ang isa't isa.

"Tom. Natatandaan mo pa ba yung sinabi ni Lance sa atin?" puna ng dalaga.

"Oo naman. Nakatatak na yan sa utak ko. Enjoy lang natin yung moment. And it's all for show."

Samantala, sa likod naman ay dagling nag-uusap ang magkasintahang Jillian at Rhys. Nakalapat ang isang kamay ni Jillian sa dibdib ni Rhys habang yung isang kamay naman ng binata ay nakalapat malapit sa bewang ng dalaga.

"Babe. Are you ready for this?" tanong ni Jillian sabay ngiti nang matamis.

"Yeah. Let's enjoy this moment while we're dancing together." nakangiting sagot ni Rhys sabay halik sa noo ng nobya.

Ilang saglit pa'y nagsimula na ang tugtog ng musika. Inumpisahan na rin ng mga magkakapareha ang pag-execute ng kanilang mga steps. Sabay-sabay lahat ng mga dancers sa pagsasayaw at maaliwalas naman ang kanilang choreography.

Take my hand, take a breath
Pull me close and take one step
Keep your eyes locked to mine
And let the music be your guide

Won't you promise me?
(Now won't you promise me?)
That you'll never forget
(We'll keep dancing)
To keep dancing wherever we go next

It's like catching lightning
The chances of finding someone like you
It's one in a million, the chances to feeling
The way we do

And with every step together
We just keep on getting better
So can I have this dance?
(Can I have this dance?)
Can I have this dance?

Ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa mga cotillion dancers. Talagang ineenjoy nila ang bawat segundo ng kanilang pagsasayaw. Lalo na sina Jillian at Rhys na kanina pa nag-uusap habang sila'y nagpe-perform.

"Did you have fun dancing with me?" sabi ni Jillian.

Tumango naman si Rhys.

Ngayon naman ay oras na para magpalitan ng partners. Bumuo ng dalawang circle ang mga dancers sa entablado. Nasa inner circle ang mga kalalakihan habang ang mga babae naman ay nasa outer circle. Katulad kanina ay maaliwalas pa rin ang choreography nila habang dahan-dahang nagpapalit ng posisyon ang mga babae, at nagpalakpakan naman ang ibang manonood.

...

About the Author :

Joined: April 28, 2020 (6 months old)
Writings: 75
Male  ·  Offline
Description:
A story writer on the rise, specializing on celebrity fan fiction.

If you want to post my stories on other websites/platforms, please obtain permission from the author first.

Author of:
- Celebrity Unleashed: A Gamer's Life
- Kinang At Lilim
- Haplos Ng Langit

Sir Stalk is my name, and writing is my game.
Websites: Signature Text:
Sir Stalk is my name, and writing is my game.
3  ·  5  ·  2  ·  1,086
 · 

Comments
Stalker_Eyes
September 18, 2020 (1 month ago)

Sa mga nagtatanong, ang title ng kantang ginamit sa chapter na ito is "Can I Have This Dance" from the soundtrack of HSM3. (Childhood memories ^^ ).

Sir Stalk is my name, and writing is my game.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
darkaquila
September 18, 2020 (1 month ago)

sundan mo agad lods, keep up the good work.

"Your life, shall be shattered in an instance!"

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Stalker_Eyes
September 18, 2020 (1 month ago)

Salamat sa patuloy na suporta :)

Sir Stalk is my name, and writing is my game.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kuatog
September 18, 2020 (1 month ago)

laki ng galit mo kay cat a..basted kaba s kanyan boss ?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Stalker_Eyes
September 18, 2020 (1 month ago)

Hindi naman; yung mga characters lang ang may galit sa kanya. Kaya nga it's called a fiction for a reason.

Sir Stalk is my name, and writing is my game.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Latest Writings
Recent Comments