M
E
N
U

Kuya Jenko! - 1

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: First Time, Romance · Tags: , , , ,
Date: September 18, 2020 (1 month ago)


Hello, readers ng FSS. As promised, ito na yung spin-off. This is set 1 year after the events of Chapter 7 ng Girlfriend ng Barkada. Sa Baguio ang tagpuan nitong kabantang ito. This is primarily an introduction sa story. Sana mag enjoy kayo!

-----------

6am ang meet up time sa bahay nila Dara pero nandun na ako ng 5 para hindi nakakahiya sa mga kaibigan niya. Magisa lang si Dara ngayon sa bahay nila; mali, actually dalawa lang kami. 5am na pero hindi pa daw siya natutulog dahil nga tinatrabaho niya yung sa internship niya. Nakaupo siya sa silya ng kanyang working area tapos bukas lahat ng ilaw para daw hindi siya makaramdam ng kahit anong antok.

"Da, hindi ka ba giniginaw sa suot mo?" bigla kong natanong. Mula kasi sa XXL na shirt at panty na karaniwan niyang suot noong college pa kami, ngayon ay nakasuot nalang siya ng basketball Jersey na slightly loose tsaka short short jeans. Medyo 'conservative' na siya ngayon.

"Hindi, bakit?"

"Edi wow", sagot ko nalang. Alam kong sinelyohan na naming yung mga araw ng immaturity namin, pero hindi ko parin talaga maiwasang matigna-tignan yung katawan ni Dara. Ang puti niya parin kasi. Parang walang pinagbago yung mula ulo hanggang leeg hanggang hita at paa, wala kang makikitang flaw. Napakagandang tanawin ang nakikita ko ngayon. Hindi ko na kailangan ng kape para hindi ginawin.

Focus na focus siya sa ginagawa niya habang ako naman ay lalong napapafocus sa pagtitig sa kanyang katawan. Maya maya ay nag unat siya ng likod at mga kamay. Hindi naman na bago sa akin yung scenariong ganito pero lalo akong namangha sa aking nakita. Inunat niya ang kanyang braso, at pagtaas niya ng kanyang kamay ay nakita ko ang kanyang kili-kili, at bonus pa na nakita ko ang sideboob niya mula sa suotan ng kanyang loose na basketball jersey.

Sunod ay tumayo siya at nagstretch ng lower body. Itinaas niya yung kanyang kaliwang paa sa may table sabay inabot gamit ng kanyang kamay. Ginawa niya yun sa magkabilang paa. Nakakatulala talaga ang mga binti ni Dara, parang labanos sa puti.

Nahuli niya akong nakatingin sakanya habang nagiistretch siya. "Huy!" sabi niya. "Tinitingin tingin mo jan?"

"Ha?", bigla akong nataranta sa sinabi niya.

"Sus. 'Ha?' ka jan! nakatingin ka kaya sa akin. Natulala ka sa legs ko no?" pabiro niyang sabi.

"Oi Asa ka. Kung naeengganyo ako sa legs mo edi sana pinicturan na kita agad para may memorabilia na ako." Sagot ko naman.

"Pff" sagot niya. Sabay bigla siyang nagpose, nagpamewang. "Mag Runway Model nalang kaya ako?" tanong niya.

"Aba! Naging Queen of Hearts ka nga noon eh, bakit hindi diba?" paalala ko sa kanya "Pero kung mayaman lang ako, binili ko na hita mo. Hahaha!" Pabiro kong sabi sakanya.

"Bastos!" sagot niya sakin

"Bakit? Hindi na ako kumbinsido sa produkto ng Monterey eh. Gusto ko naman iba pang crispy pata."

"Bastos ka!" tumakbo siya sa akin sabay pinalo palo niya ako sa braso. "Hindi ka macho kaya wala kang karapatang magbitaw ng ganyang salita, bastos ka!"

Nakakatuwa na para parin kaming magkabahay na kolehiyano, walang mali-malisya kahit nakaupo na siya sa hita ko. After niyang magsawa sa kakapalo ay umupo siya sa sofa sa tabi ko.

"Alam mo, gago ka parin." sabi niya. "Pero, masaya ka paring kasama, I bet mag eenjoy yung mga bata sa outing nila."

"Mga bata?!" nagulat na tanong ko.

"Relax ka lang Jenks 'Mga bata' lang tawag ko sa kanila pero nasa tamang edad na yung mga yun, mas bata lang sa atin ng 2 yeas, ganern."

"Ibig mo sabihin mga 19 years old palang sila?"

"Aba! Ang galing mo namang magmath!" sagot niya.

Bigla akong napaisip sa sitwasyon. "Walang hiya ka, ginawa mo akong yaya."

"Pasensya na. Eh, ikaw lang ang naalala kong pwede talagang sumama sa kanila eh. Memorize mo na ang La Union at Baguio. Kilala kita, mapagkakatiwalaan, may pera pa. Diba? Swak na swak eh." Sabi niya. "Tsaka mababait naman yung mga yun, mabilis mo lang silang makakasundo. Okay?"

"Eh anong oras bang darating yung mga yun?" sabi ko.

"Mga 6:30 siguro"

"Mga 6:30?! Walangya, 5:00 palang andito nako ah. Hindi ba nila alam yung pakiramdam ng nagaantay?!"

"Relax, ka lang Jenks!" Sabi niya. "Kung sakali mang nahuli ka edi, hindi mo rin naenjoy itong full view ng legs ko."

Pinalo ko ng mahina yung noo niya sa biro niyang yun. "Ulul!" at sabay nagtawanan nalang kami.

"5:45 na. Idlip muna ako, gisingin mo ako in 15 minutes" sabi niya.

"Sige" kako naman. Ang akala ko'y iidlip siya sa kwarto niya. Laking gulat ko nung bigla siyang sumandal sa balikat ko. Biniro ko siya sa pamamagitan ng pagurong sa balikat at kaya nama'y nahulog siya mula sa pagkakasandal.

"Gago ka! Bastos!" sabi niya sakin.

Tumawa lang ako at sinabi kong, biro lang yun at pinasandal ko siya ulit sa aking balikat. Pero this time, para siguro wala ng biruan, humimlay siya sa aking hita. Naawa ako bigla sa kanya at halatang deprived siya sa tulog kaya naman a...

About the Author :

Joined: September 8, 2020 (1 month old)
Writings: 14
Male  ·  Offline
Description:
Just a soviet boy. Living in a commie world.

Signature Text:
ON and FORWARD COMRADES! NOT ONE STEP BACKWARDS!
9  ·  2  ·  7  ·  4,313
 · 

Comments
J
juan.pederico
September 18, 2020 (1 month ago)

ayos boss. sundan ko ulit ito. di ko na binasa ung GF ng barkada kasi nabasa ko na un dati. salamat ulit ang nagka oras ka ituloy to. keep it coming bro.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
superfranky
September 18, 2020 (1 month ago)

Ka bitin naman sir.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments