M
E
N
U

Angel In Distress 2.0 (Road To Finale)

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Mature, Romance · Tags: , , , ,
Date: September 9, 2020 (16 days ago)


PS: Pasensiya for the late update. I planned not to continue this series anymore ats I decided to leave this site already but I owe everything to those who supported me in this series.

-------------------------

Umuwi si Bernard sa kanyang tinutuluyang hotel.

Palaisipan pa din sa kanya si Angelina.

Kasi hindi siya maaaring magkamali. Angelina man ang pangalan nito pero sigurado siyang ang babaeng kaharap niya ay si Angelika.

Pero paano ang lahat lahat?

Kung siya man si Angelika, paano siya nakaligtas sa pagsabog?

Sino ang nagdala sa kanya dito sa Baguio?

Bakit wala siyang maalala?

Bakit nag-iisa siya?

Sino ang tumutulong sa kanya?

Marami mang katanungan ang tumatakbo sa isip niya ay kailangan niyang magpahinga.

Bago siya uuwi bukas ay dadaanan muna niya ang dalaga. Nakalimutan niyang kunin ang contact number nito.

Kinabukasan, maaga siyang nag ayos at pumunta kina Angelina.

Nagtataka man ang babae ay ibinigay niya ang Hangouts account niya.

Agad na lumuwas ng Maynila si Bernard at nangako sa babaeng babalikan niya ito.

Lagpas alas dose na ng makarating siya ng Maynila kaya kumain muna siya bago uuwi.

Pagkauwi sa condo, naabutan niyang nakatulog ang yaya sa kuwarto ng anak niya.

Napalunok siya dahil nakalilis ang palda ng yaya. Kitang kita niya ang mapuputing hita ng yaya.

Aminin man niya o hindi, tinigasan siya sa nakatambad sa harapan niya.

Biglang nagising ang yaya.

"Sir, kayo pala. Pasensiya na po at nakatulog na ako dito sa kuwarto ni Benedict. Napagod kasi ako sa pag aayos ng mga gamit ng bata dahil utos ni Maam Carla." Pupungas pungas na sagot ng yaya.

"Okay lang, walang problema." Sambit ni Bernard sabay alis ng tingin sa magagandang hita ng yaya.

Medyo napangiti naman ang yaya nang makita kung saan nakatutok ang mata ng kanyang amo.

May hatid na kilig yun sa puso niya kahit papaano.

Sa tatlong taon niyang paninilbihan doon ay hindi niya maipagkakailang guwapo ang ama ng kanyang inaalagaan.

Napawi ang ngiti niya nang muling magsalita ang kanyang amo.

"Si Benedict, asan?"

"Di pa sila umuwi simula kahapon sir." Si yaya.

"Bakit di ka man lang tumawag?" May bigat na ang boses ni Bernard.

"Pasensiya na po sir kung nakalimutan kong sabihin." Yumuko ang yaya. Pagkayuko ng yaya, ngumiti siya ng pasikreto.

Biglang may bumusina sa labas. Napatango ang yaya. "Baka sila na yan sir. Salubungin ko na muna sila."

Umalis agad ang yaya at hindi man lang siya inantay na magsalita. Pagagalitan sana niya ito kaso nagmamadaling lumabas.

Tama nga ang yaya. Dumating na ang kaniyang mag-ina.

Sinalubong niya ang mga ito. "Saan ba kayo galing Carla?" Kunot noo nitong tanong.

"Dumaan kami sa bahay kasi miss na daw ni mama ang apo niya. Doon na niya kami pinatulog kahit isang gabi lang daw tutal nasa Baguio ka naman. Nga pala, may pasalubong ba kami ng anak mo darling?" Mahabang paliwanag ni Carla habang kinuha naman ng yaya si Benedict at diretso sa kuwarto.

"Pasensiya na at nagmamadali akong umuwi. Namiss ko kasi ang bata." Paumanhin ni Bernard.

"Magpahinga na muna ako darling. Pagod kami sa biyahe. Madaming pinamili si mama na bigay sa amin ni Benedict." Si Carla.

"Ah sige. Kailangan ko na ding magpahinga pero sasaglit lang ako sa office room. May ichecheck lang akong file para sa Baguio Branch. May malaking problema dun." Sambit ni Bernard.

-------------------------------

Kinagabihan...

Kasalukuyang nasa terasa si Bernard. Malalim ang iniisip.

Kung dati ay puro iyak ang ginagawa niya sa terasang iyon, kakaiba ngayong gabi kasi nahulog siya sa malalim na pag iisip.

Madaming bumabagabag sa kanya.

Madaming gumugulo sa utak niya.

"Angelina, sino ka ba talaga? Ikaw ba talaga si Angelika? Kung hindi, bakit mo siya kamukha?" sigaw ng kanyang isip.

Hawak hawak niya ang kanyang ulo. Animo'y gusto ng sumabog ng kanyang isip.

Sa di kalayuan, tulad ng dati, isang pares na naman ng mga mata ang nakasubaybay.

"Anong pakiramdam mo Bernard ngayong binabalikan ka na ng nakaraan?" Sabi nito sa sarili.

"Hindi pa nagsisimula ang lahat Bernard pero gulong gulo ka na ah."

"Tandaan mo ito Bernard, pag nagsimula ang lahat, siguradong walang wala ka ng kawala."

Umatras na siya. Sapat na ang kanyang nakita.

Pero pag-atras niya, biglang natumba ang isang nakatayong kahoy na malaki doon sa may tabi dahil naatrasan niya.

Nabigla siya at napatingala sa may terasa.

Napatitig siya kay Bernard.
--------------------------

Nasa magulo siyang pag-iisip nang makarinig si Bernard ng parang may natumbang kahoy sa may tapat ng condo niya.

Agad siyang tumingin sa may baba.

Napakunot noo siya nang may makita siyang nakatayong tao dun.

Halos di na niya maaninag ang tao pero dahil sa konting liwanag na tumatama sa mukha nito, alam niyang nakatitig ito sa kanya.

Bigla siyang tumayo at mas dumungaw sa terasa.

Bigla namang naglakad at umalis papalayo ang taong iyon, nagmamadali ang bawat hakbang.

Mas nadagdagan na naman ang kanyang pag-iisip.

"Kung ganun, may sumusubaybay sa akin dito."

Agad siyang pumasok sa kuwarto at nahiga sa tabi ni Carla na...

About the Author :

Joined: May 12, 2017 (3 years old)
Writings: 20
Female  ·  Offline
Description:
I am who I am.
Signature Text:
I don't believe in second chances.
9  ·  14  ·  11  ·  5,582
 · 

Comments
Akosialfred41
September 9, 2020 (16 days ago)

I didnt see that coming..

this is your tito at your service

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
angel.in.distress
September 9, 2020 (16 days ago)

Bakit po? 😊😊

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
September 9, 2020 (16 days ago)

pls stay otor, and finish your masterpiece.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
angel.in.distress
September 9, 2020 (16 days ago)

opo. tapusin ko na lang po ito then gonna leave this site na po.

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
O
otkep
September 9, 2020 (16 days ago)

y o y?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
September 9, 2020 (16 days ago)

May mga priorities na pong dapat unahin.

I don't believe in second chances.

Like (0)  ·  Report
zero92one
September 9, 2020 (16 days ago)

Kelangan ko na palitan profile pic ko.. Nakakahiya ang ganda ng kwento dapat hindi putcho putcho ang profile pic ko hehehe... Keep going author

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
September 9, 2020 (16 days ago)

hehehe. okay lang po yan. thank you for reading.

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kazum1
September 9, 2020 (16 days ago)

Thank you for continuing this series. Looking forward to the progression.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
angel.in.distress
September 9, 2020 (16 days ago)

salamat din sa pagbasa.😊😊 malapit na din matapos sa wakas.

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
KingAlexandria
September 9, 2020 (16 days ago)

Kagulat gulat haha! Pero why Ms. Angel? Sana mas habaan mo pa po to... :(

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
September 9, 2020 (16 days ago)

Naka-finale na kasi eh. I am trying to lengthen it pero di ko na po kaya.

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
genrose21
September 10, 2020 (16 days ago)

hahaha.. ano un? ang bilis naman..
angel.angel.angel. ang galing ng twist. nakakagulat nakatulog lang si  
Bernard wala na agad ang kumpanya sa mga kamay nya..

Galing...

"Were the Captain's of our own Soul. Were the Master of our own FATE".🤗🤗

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
September 10, 2020 (15 days ago)

hehehe. salamat po sa pagsubaybay. malapit na po matapos.

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments