M
E
N
U

Dapithapon Sa Buhay Ni Budoy 3 ( Revised)

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Mature, Reluctance, Romance · Tags:
Date: September 3, 2020 (21 days ago)


Ang gagamba'y mapang akit.
Maganda itong maglubid,
Magpaikot ikot ng sapot.
Bago mo pa mamalayan
Ang mga ito'y sa paligid mo nakaikot.
Puwede kang mag paalam kung ito ang nais.
Ang di mo lang magagawa'y ang makaalis.
Ah, ang gagamba'y mapang akit!

ANG KASALUKUYAN...

BIHIS na si Katrina nang iluwa ito ng banyo. May tuwalya pang nakaikot sa buhok nito. Naka tshirt lang ang dalaga at naka shorts na maluwag. Tulad ng nakasanayan, wala na naman itong suot na bra. Matapos ilagay ang mga maruruming damit sa plastic bag na inilapag nito sa isang sulok.

Tinungo ng dalaga ang kusina at sinimulang initin ang paksiw na bangus. Kumuha ng isang pitsel ang dalaga at nilagyan ito ng tubig mula sa malaking plastic bottle na galing sa ref. Nilagyan nya na rin ng isang tray na yelo mula sa freezer. Humagip ang dalaga ng dalawang baso. Bitbit ang mga baso't pitsel, umakyat ang dalaga sa ikalawang palapag ng bahay at inilapag ang dala dala sa small Narra table sa gitna ng living room.

Napalingon naman si Budoy na noon ay nasa balkonahe. Nakaupo ang matanda sa rocking chair at naninigarilyo habang nakatanaw sa malayo.

"Andyan ka na pala, Ineng," bati nito kay Katrina.

"Opo, Manong.." sagot naman ng dalaga. "Iniinit ko lang po yung paksiw na bangus at dadalhin ko na ho dito." dagdag na sabi nito,

Tumango tango lang si Budoy sa sinabi ng dalaga, Naaamoy niya ang preskong kabanguhan ni Katrina sa kinauupuan niya. Napasulyap na naman ito sa bahagi ng dibdib ng dalaga. Tama ang hinala niya. Wala na naman itong bra. Nababanaag ang munting bukol na nililikha ng pagbakat ng utong nito sa suot na tshirt.

Ibinaling ni Budoy ang paningin sa malayo...sa asul na karagatan...at nagsindi muli ng sigarilyo. Malalim ang unang hithit na ginawa ng matanda. Pilit nilalabanan ng isipan niya ang demonyong nangungulit sa kanyang imahinasyon.

Ilang ulit namang nag akyat baba si Katrina. Nang maihanda na ang pagkain, ulam at inumin sa lamesita ay tinawag na nito si Budoy.

"Manong, kain na po tayo" anyaya nito kay Budoy.

Tumango lang ang matanda at naglakad na ito papunta sa sofa kung san andun ang lamesita. Pagkaupo ay hinagip muna ni Budoy ang remote ng TV at iniabot ito sa dalaga.

"O, Ineng...ilagay mo na sa gusto mong programa," sabi nito kay Katrina na mabilis naman nitong tinanggap.

"Thank you, Manong." matamis na ngiti nito kay Budoy na sinuklian naman ng matipid na ngiti rin ng matanda.

Agad namang inilagay ng dalaga sa Netflix ang programa ng telebisyon. Tamang tama lang ang pagkakabukas ng TV. Sinimulan niyang panoorin ang Mr Sunshine na sabi ng kaibigan niya maganda daw na Kdrama.

Tuwang tuwang nagsimulang maglagay ng pagkain sa sariling pinggan si Katrina. Matapos lagyan ng sabaw ng paksiw at kumuha ng isang pirasong fillet ng pritong tambakol, itinaas pa nito ang isang paa sa single sofa at nagsimulang magsakol sa pagkain.

Naiiling na natatawa si Budoy sa medyo burarang pagkakapuwesto ng dalaga sa panonood. Nabulunan siya panumandali ng medyo lumilis ang maigsing shorts nito at nahantad pa lalo ang kaputian ng mabilog nitong hita.

Mabilis na napainom ng tubig si Budoy at pinilit magconcentrate sa pagkain. Ngunit nahihirapan ang matandang gawin ito. Naaagaw ang kanyang atensyon pabalik sa dalaga pag napapatili ito dahil sa kilig sa pinapanood...na nagiging dahilan ng medyo pag alog alog ng dibdib nito na lalong nagbibigay ng di mapakaling damdamin sa matanda.

Sa isip ni Budoy, hindi niya alam kung ito na ang pinakamasarap na tanghaliang naranasan niya...o pinakamasaklap na torture na nangyari sa kanya. Nararamdaman niya ang pag iinit ng kanyang katawan sa nakikita...at ang pagtindig ng sandata sa pinagkakasadlakan nito. Minabuti na nitong tapusin ang pagkain. Nag stretch ang kaliwang kamay ni Budoy upang abutin ang pitsel.

Napansin naman ito ni Katrina na pansamantalang nawala ang atensyon sa pinapanood dahil sa commercial break. Inunahan nito ng pag abot ang matanda sa pitsel.

"Ako na po, Manong," nagmamadaling sabi nito.

Kailang-ilang ang sumunod na pangyayari. Sa pagmamadali ng dalaga, nawalan ito ng balanse. Bumagsak ang pitsel sa sahig ng living room. Ngunit hindi yun ang malalang nangyari. Sa pagkawala ng balanse ng dalaga, napasubsob ito sa kandungan ni Budoy...sa mismong kandungan...kung saan ang mukha mismo ng dalaga ang dumagan sa naninigas na pag aari ng matanda.

"Aw..."

Ito ang nasambit na lang ni Budoy na agad iniangat ang mukha ng dalaga sa kandungan niya.

Napatingin naman si Katrina sa namumulang mukha ni Budoy. Alam ng dalagang kahit siya ay namumula rin ang pagmumukha.Ramdam niya kung saan siya napasubsob....Ramdam niya ang laki at katigasan nun. Napalunok ang dalaga.

"So-sorry po, Manong." medyo nauutal nitong paghingi ng paumanhin.

Pero hindi makatkat sa isipan ni Katrina kung ano ang pinagsadlakan ng sariling mukha ilang sandali lang ang nakakalipas.

Tumayo si Budoy at tumalikod sa dalaga.

"Wala yun, Ineng...disgrasya lang yun."

Pilit pinapakalma ni Budoy ang sarili.

"Bahala ka nang mag imis dyan ha?" dagdag pa ng matanda at naglakad na ito patungo sa balkonahe.

Disgrasya, sa isip isip nito, baka madisgrasya ka sa kin, Ineng. Muli'y nagsindi ng sigarilyo ang matanda. Huminga ng malalim at bumuga ng usok...Umaasang kakalma na ang m...

About the Author :

Joined: September 19, 2016 (4 years old)
Writings: 71
Male  ·  Offline
Description:
Sit beside me and let me sing a song for you. When the last song has been sung, sit still and don't leave. With my words, let me weave you a story...and perhaps, after some time, you will be with me in this journey.
Signature Text:
Sometimes you just need to take it over and over again...Until you're all numb...and then in your eyes it'll lose its meaning...
5  ·  4  ·  4  ·  5,218
 · 

Comments
missbianca
September 3, 2020 (21 days ago)

Ano kaya ang pinagsisisihan ni Katrina?

Next na po please!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
domzkie2696
September 3, 2020 (21 days ago)

Awwwie. May changes po ba sa pangyayari unlike before Sir? Oh repost lang po siya na same ending din? Hehehe got curious sa REVISED word :))

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
sweetNslow
September 3, 2020 (21 days ago)

I dont want to mislead you pre...its the same story but well edited than before and updated sa ibang mga trivial things like ALDUB being replaced by KDrama and Netflix...etc etc...

Sometimes you just need to take it over and over again...Until you're all numb...and then in your eyes it'll lose its meaning...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
September 5, 2020 (18 days ago)

Hmmm... kaintriga ka na katrina ha... ano kaya lihim meron ka?ūü§Ē

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments