M
E
N
U

Angel In Distress 2.0 (4)

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Erotic Couplings, First Time, Mature, Romance · Tags: , , , , ,
Date: August 28, 2020 (30 days ago)


"Angelika..."

Medyo nilakasan ang pagkakasabi ni Bernard, sapat para madinig ng babae.

Pero hindi lumingon ang babae sa kanya.

Labis na nagtaka si Bernard. Siguradong sigurado siya na si Angelika ang babaeng papalapit sa kanya.

"Angelika..." Mas malakas na pagkakatawag ni Bernard. Nagbabakasakaling yung unang pagtawag niya ay hindi nadinig.

Pero nagulat ang lalaki. Lumiko pakanan ang babae nang hindi man lang lumilingon sa kanya.

Medyo natulala si Bernard.

"Hindi ako pwedeng magkamali. Si Angelika talaga yun." Bulong ng isip niya.

Medyo nakakalayo na ang babae.

Hinabol ni Bernard ang babae.

Inabutan niya ito.

Hinawakan sa siko.

"Angelika..." Sa pangatlong pagkakataon ay tinawag niya ang babae.

Napapitlag ang babae dahil sa biglang may humawak sa siko niya.

Nilingon nya ang humawak sa siko niya.

"Bakit po?" Tanong ng babae.

Napatitig si Bernard lalo at malapitan niyang natititigan ang babae.

"Angelika, buhay ka..."

"Po?? " Kunot noonh tanong ng ng babae.

"Angelika, buhay na buhay ka..." Muling sambit ni Bernard.

"Huh?? Hindi po ako si Angelika." Sagot ng babae na labi labis ang pagtataka sa lalaking kaharap.

Napakunot noo si Bernard. Ang kaharap niya ngayon ay si Angelika. Hindi siya pwedeng magkamali. Hinding hindi siya owedeng magkamali.

"Paanong hindi ikaw si Angelika? Ikaw to Angelika..." Pagpipilit ni Bernard.

"Hindi po talaga ako sa Angelika. Ano pong pinagsasasabi nyo?" May takot sa boses ng babae.

"Please Angelika, anong totoong nangyari?" May pagsamo si Bernard sa babae.

Naiiyak siya dahil hindi siya makapaniwalang buhay ang pinakamamahal niya.

"Baka nagkakamali po kayo. Hindi po talaga ako sa Angelika." Sagot ng babae.

"Kung hindi ikaw si Angelika, anong pangalan mo?" Tanong ni Bernard.

"Angelina. Ako po si Angelina." Pakilala ng babae.

Binitawan ni Bernard ang siko ng babae. Napahiya siya pero hindi gaanong nagpahalata.

"Pasensiya ka na Angeli... Angelina. Kamukhang kamukha mo kasi ang namatay kong girlfriend." Paumanhin niya sa babae.

"Ah ganun po ba? Sige po, pauwi na po kasi ako." Si Angelina.

"Ihatid na kita. Mag-isa ka pa naman." Boluntaryo ni Bernard.

"Hindi na po. Okay lang po ako." Tanggi ng babae. "Malapit na po ako sa bahay namin."

Nagpatuloy na sa paglalakad si Angelina.

Naiwan namang nakatayo si Bernard, nakatitig sa babaeng naglalakad.

Nakakalayo na ang babae nang may naisip si Bernard.

"Susundan ko siya."

Palihim na sinundan niya ang babae hanggang pumasok ito sa gate ng isang di kalakihang bahay.

Pasilip silip siya sa bahay.

Nakakailang minuto na siyang nagkukubli sa may gilid nang maisipan na niyang bumalik sa hotel.

-----------------------

KATATAPOS niyang magdinner at mag-hot shower.

Hindi mapakali si Bernard sa kuwarto niya.

Imbes na yung agenda ng meeting ang inaatupag at inaasikaso niya, ang mukha ng babaeng nagngangalang Angelina ang umuukopa sa mga oras na iyon.

"Angelina, sino ka? Bakit kamukhang kamukha mo si Angelika?" Gulong gulo ang isip.

"Kapatid ka ba niya? Kambal ba?" Suspetsa ni Bernard.

"Pero walang nabanggit si Angelika na kambal or kapatid man lang. Pinaimbestigahan ko na ang pagkatao niya noon pa." Pagbabalik tanaw ni Bernard.

Humiga si Bernard. Nakatitig siya sa kisame.

Muling bumalik ang mga salitang binitawan ni Angelika noong huli niyang makaharap:

"Tandaan mo Bernard, magbabayad at magbabayad ka."

Nahulog sa malalim na pag-iisip ang lalaki.

"Angelika, ano bang nangyari?"

"Buhay ka ba?"

"Kung buhay ka, nagsisimula ka na ba?"

"May kinalaman ka ba sa mga regalo?"

At nakatulugan na niya ang pag-iisip.

---------------

KAHIT iilang oras lang ang kanyang tulog ay maaga pa din siyang nagising.

Imbes na si Carla ang tawagan, ang yaya ni Carl Benedict ang tinawagan niya.

"Yaya, kumusta ang bata?" Bungad ni Bernard.

"Magandang umaga sir. Maagang umalis po sila ni Maam Carla. Mamamasyal daw sila saglit kasi namiss daw niyang ipasyal ang bata sir gawa nung meeting sa Cebu." Paliwanag ng katulong.

"Anong oras daw babalik?" Muling tanong ni Bernard.

"Bago hapon na daw sir. Tawagan ko po si maam sir at sabihin kong tumawag ka." Si yaya.

"Hindi na yaya. Tatawag na lang ako kay Carla." Si Bernard.

"Sige po sir. Mag iingat po kayo jan." Si yaya.

"Salamat yaya." Agad na pinatay ang tawag.

Nagmamadaling naligo si Bernard at nagbihis ng casual.

Isang blue na maong na kupasin at white tshirt na tinernuhan ng white sneakers.

Isinuot ang sunglasses at lumabas ng hotel.

Tinunton ang daan patungo sa pamilyar na bahay.

Pagkarating sa bahay na iyon, pasilip silip muna siya kung andun ang babaeng nakita niya kahapon.

Nang hindi makita, agad na pindot ang doorbell.

Biglang bumukas ang pintuan.

Nakita niyang lumabas ang dalaga. Napalunok siya sa nakita.

Nakasuot ng pajama ang babae at pink na tshirt. Halatang bagong bangon sa kama pero aninag mo pa din ang angking ganda.

Parang tumigil ang mundo niya habang papalapit ang dalaga.

"Sir, bakit po?" Tanong ng dalaga.

Nakanganga pa din si Bernard na nakatingin sa dalaga.

Muling nagsalita ang babae.

"Sir..."

Dun nagising ang diwa ng lalaki.

"Ah.. Sorry, ano nga ulit yun?" Si Bernard.

"Bakit po andito ka sir? Paano mo nalaman ang bahay ko? Anong kailangan mo?" Sunod sunod na tanong ni Angelina.

"Pwede pong isa isa lang." Nakangiting napakamot ng ulo si Bernard.

"Ay sorry po sir. Pasok po pala kayo." Si Angelina.

"Hindi na Angelina. Di rin ako magtatagal. Pumunta lang ako dito para yayain ka sana ng dinner mamaya." Tutol ni Bernard.

"Po?? Nakakahiya po." Yumuko si Angelina.

"Please..." Pagmamakaawa ni Bernard at pinagdaop pa ang mga palad na tipong nagdarasal.

"Ah sige po. Saan po ba magkikita?" Nahihiyang tanong ni Angelina.

"Sunduin kita dito around 6pm." Saad ni Bernard.

"Ah sige sir." Si Angelina.

"Bernard. Call me Bernard." Ani Bernard at inabot ang kanang kamay.

Nahihiya naman inabot ni Angelina ang kanang kamay. "Nice meeting you Bernard."

Halos ayaw bitawan ni Bernard ang kamay ng dalaga. "Nice meeting you Angelina. See you later." Mas pinisil pa niya ito.

---------------------------

Agad na umuwi ng hotel si Bernard at naghanda para sa meeting.

Pagkakain ng pananghalian ay dumiretso na siya agad sa meeting.

Medyo pressured siya sa meeting dahil sa dami ng problemang nilatag na kinakaharap ngayong pandemic.

Kinailangan pa nilang maglay-off ng mga ibang empleyado dahil kung hindi, tuluyan ng magsasara ang kumpanya lalo at pababa ng pababa ang sales nito.

Natapos ang meeting bandang alas singko.

Di man masyadong maganda ang kinalabasan ng meeting, excited naman siya ngayon na maghanda para sa dinner nila ni Angelina.

Ewan pero iba ang pakiramdam ni Bernard. Ganadong ganado siya na makipagkita sa dalaga.

Aminado siyang parang pinagbiyak na bunga sina Angelika at Angelina kaya naman ang gaan gaan agad ng loob niya sa babae.

Animo'y parang matagal na niya itong kakilala.

Kanina, habang nag uusap sila sa may gate ng bahay ng babae, inobserbahan niyang mabuti si Angelina.

Lahat ng galaw ng babae, parang si Angelika. Kung paano ito magblush, kung paano ito maglakad, kung paano ito bumigkas ng mga salita, Angelikang Angelika ang dating dito tulad nung una nilang pagkikita.

Pagpatak ng alas sais ay andun na siya sa tapat ng bahay ni Angelina.

Naglalakad na papalapit si Angelina ay mas lalo na naman siyang napatunganga sa pagkakatitig.

Napakasimple ni Angelina sa suot nitong cream slacks at purple na plain blouse na napapatungan simpleng jacket na darker shade ng purple.

Napatitig siya sa kulay ng damit ng dalaga.
...

About the Author :

Joined: May 12, 2017 (3 years old)
Writings: 20
Female  ·  Offline
Description:
I am who I am.
Signature Text:
I don't believe in second chances.
18  ·  31  ·  17  ·  6,675
 · 

Comments
KingAlexandria
August 28, 2020 (30 days ago)

Paganda ng paganda Ms. Angel! Keep it up po! Nananabik ako sa susunod na chapter!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
August 28, 2020 (30 days ago)

Thank you po for supporting my first ever series.

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
KingAlexandria
September 8, 2020 (19 days ago)

Ms. Angel halos two weeks na pala last update nito! Haha ano na po sunod na mangyayari?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
September 9, 2020 (19 days ago)

Kakapublish ng next part po. pasensiya at natagalan

I don't believe in second chances.

Like (1)  ·  Report
Martunge
August 28, 2020 (30 days ago)

Sunday agad .. paganda ng paganda ung story Lalo na ung author

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
August 28, 2020 (30 days ago)

hahahaha. lakas mambola neto. pero salamat sa pagsubaybay.

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
charles2700
August 28, 2020 (30 days ago)

Nice one author Grabe ang pasabog mo....Si Carla kaya yung kinakantot ng warden since may nangyari na sa kanila sa book 1? Nagsimula nang maningi si Angelika at ano kayang paghihirap ang ipaparanas nya kay Bernard? Mahal pa kaya nya si Bernard? At asan ang anak nila?Ang dami kung tanung na dapat masagot sa sususnod mong mga chapter....hehehehhe

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
angel.in.distress
August 28, 2020 (30 days ago)

great questions. malalaman po natin ang mga kasagutan sa mga susunod na mga kabanata.

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
charles2700
August 28, 2020 (30 days ago)

ikaw ba yan sa profile pic mo author?hehehehe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
August 28, 2020 (30 days ago)

Opo ako po. hehe

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
charles2700
August 28, 2020 (30 days ago)

Kaya pala maganda ang kwento kasi maganda din ang author....heheheh...ingat at gob less

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
August 28, 2020 (30 days ago)

Ayyyyy. bakit may pambobola??

I don't believe in second chances.

Like (1)  ·  Report
C
charles2700
August 28, 2020 (30 days ago)

Hindi ah maganda ka namn talaga author.....kung ayaw mo maniwala nasa sa iyo nayun hindi ako nangbobola....=)

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
August 28, 2020 (30 days ago)

di ako naniniwala.. hehe

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
1
1954622
August 28, 2020 (30 days ago)

Nice chapter, one of the best.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
August 28, 2020 (30 days ago)

Thank you for reading.❤❤❤

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Jim181965
August 29, 2020 (30 days ago)

May nagsacrifice kay Angel sa kulungan at may tumulong sa kanya para makatakas. Nag uumpisa na ang paghihiganti ni Angel how she will do it lets find out. Tnx Angel 👍👍👍

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
angel.in.distress
August 29, 2020 (30 days ago)

Thank you po for reading.

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
popopot
August 29, 2020 (30 days ago)

This is a very interesting story! Once na mabasa mo Mga chapter nito siguradong mapapasubaybay ka😊 congratulations ms angel

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
August 29, 2020 (30 days ago)

salamat din po sa pagsupport kahit baguhan lang po ako.

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
genrose21
August 29, 2020 (30 days ago)

the day na nangyari ang pagsabog sa kulungan.  dun ako napaisip kung anuano ang magiging twist na mangyayari.. kaso tanging si author lang ang makakagawa ng plot ng story..

keep going mas nakaka excite na ang mga susunod na eksena...
keepsafe..

"Were the Captain's of our own Soul. Were the Master of our own FATE".🤗🤗

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
angel.in.distress
August 29, 2020 (30 days ago)

thank you sa pagsupport...

You can share po ung naiisip nyong pangyayari and let us see kung magtutugma sa story...

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Gailoves
August 29, 2020 (30 days ago)

Sulat mo to sa Wattpad at dreame sissy, ganda subra🤩😍😘❤️💕

TRY ME!😉

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
August 29, 2020 (30 days ago)

salamat sis. nagtry na ako sa wattpad sis. hehr

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Akosialfred41
August 29, 2020 (30 days ago)

teka ayusin ko ulit diagram ko hehehe keep it up abangers sa next

this is your tito at your service

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
August 29, 2020 (30 days ago)

anyare po sa diagram mo? hehe

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
L
Lobo2608
August 29, 2020 (30 days ago)

Labô ng picture he he✌️

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
August 29, 2020 (30 days ago)

hahaha...sorry po.

I don't believe in second chances.

Like (0)  ·  Report
Anghelsalupa
August 29, 2020 (30 days ago)

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
angel.in.distress
August 29, 2020 (30 days ago)

Spoiler??

I don't believe in second chances.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Dosuno
September 1, 2020 (26 days ago)

Second chances? Nahh 😅

Hindi na ako atabs.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments