M
E
N
U

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan - Chapter 40 - Choices That Been Made

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Romance · Tags:
Date: August 3, 2020 (1 month ago)


Chapter 40

Ilang araw na lang ang hihintayin ni Angela at aalis na sila. Alam niyang mahirap ang kanilang magiging buhay kapag lumayo na silang dalawa. Ngunit ang lahat naman ay matitiis niya manatili lamang silang magkasama.

Masayang kumakain ng agahan ang pamilya ni Angela na mismong ang dalaga ang naghanda. Bagaman iisang paraan pa lamang ang alam ni Angela ay natutuwa na siya. Sa isip ni Angela ay isang uliran at masipag na maybahay ang magiging ganap niya sa pagsasama nila ni Dan.

"How does is taste?"
ang nakangiting tanong ng naglalambing na si Angela sa kanyang mga magulang.

Ngumiti si Alice sa anak, "It really taste good Iha. Kaunting practice pa at magagawa mo na din ito ng katulad ng kay Mommy." Sa isipan ni Alice ay talagang naghahanda na si Angela sa gampanin ng isang mabuting asawa. Isang masayang pagsasama ang kanyang nakikita kina Dan at Angela.

"H-How about you Dad? Nagustuhan ninyo po?"

Nagseryoso naman ng mukha si Anton, "Well, Angela, parang may kulang pa eh."

Natigilan naman si Angela, "Really po? I follow naman po all the instructions correctly.", sa mukha ng dalaga ay naroon ang disappointment na hindi nagustuhan ng ama ang unang agahan na naihanda niya.

"I'm just teasing you Iha. You're Mom is right. It really does taste good. Kung hindi lang kita nakitang naghanda nito ay iisipin kong Mommy mo talaga ang nag-prepared nito." ang nagbibirong sabi ni Anton.

"Si Dad talaga, I feel nervous na akala ko ay hindi pa okay yung pag-prepare ko." ang nagkunwang nagtatampong dalaga. Natutuwa siyang kahit sa ilang araw na makakasama niya ang mga magulang ay kapwa saya at tuwa ang iiwan nilang alaala sa isa't-isa.

Kahit hindi nais ni Angela ay sumungaw ang butil ng luha sa kanyang mga mata. Mahirap pa lang iwan ang mga magulang na nagpalaki at nagmahal sa kanya ng buong puso.

Napansin naman ni Alice ang luha sa mga mata ng anak, "Angela..., are you okay Iha? Why are you crying Iha?"

Hindi naman nakatiis si Angela at mabilis siyang tumayo at yumakap sa kanyang ina.

"I love you Mom. Love na love ko po kayo ni Dad.", at tuluyan ng napaluha ang dalaga dahil sa ang kapalit ng kanyang kaligayahan sa piling ni Dan ay ang paglisan niya sa piling ng mga magulang.

"We love you too Iha. You're acting like a baby na naman." ang nakangiting si Alice habang hinahagod ang mahabang tuwid na buhok ng anak.

Habang nakayakap sa kanya ang anak ay sinamantala ni Alice ang pagkakataon. Alam niyang hindi ito nais ni Anton ngunit kailangang matangap ng paunti-unti ng asawa ang kasintahan ng anak. Nais niyang tuluyan na silang makabalik sa dati at kasama na nila si Dan.

"Angela, we met Dan at the party. He is one the staff who serves there."

Dahil sa narinig ay nakaramdam naman ng lalong lungkot at panghihinayang si Angela. Dapat pala sana ay sumama na lang siya sa mga magulang. Nagkita sana sila ni Dan ng maaga kaysa sa araw ng bukas na hinihintay niya.

Nagpunas ng luha sa mga mata ang dalaga, "I wish na sana po ay sumama na lang ako Mom. Nagkita sana kami. I really miss him na." ang malungkot na nasabi na lang ni Angela. Labis na nanghihinayang sa isang gabi na nakita sana ang kasintahan habang nakasuot siya ng maganda.

Hinawakan ni Alice ang kamay ng anak at ngumiti dito, "Angela, tomorrow is Monday, magkikita na naman ulit kayo. Besides, I have something to say na magpapasaya sayo Iha. Dan call me Tita Alice while we were there...., in front of your Dad."

At saka tumingin si Alice sa direksyon ng asawa.

Napangiti na din si Angela, "Really Mom? You are getting closer na talaga."

Muling ibinalik ni Alice ang paningin sa anak, "He is a bit shy about it pero napilit ko din siya. I really like him too Iha, I think you are both perfect for each other."

"Thanks Mom." ang nakangiting sagot ng dalaga habang patuloy na nagpapahid ng luha sa kanyang mga mata. Ramdam naman niya ang hindi pagkagusto ng ama sa usapan nilang mag-ina. Kaya hindi na siya nagtangkang kausapin ang ama tungkol sa kanyang kasintahan. Ang mahalaga ay tanggap na sila ng kanyang ina at sa paglipas ng panahon ay sana ay matanggap na din sila ng kanyang ama.

Nagpatuloy pa sa pag-uusap ang dalawa habang nakikinig lang si Anton. Ayaw niyang sansalain ang masayang pag-uusap ng kanyang mag-ina kahit kanina pa sumama ang kanyang timpla ng marinig ang pangalan ng kasintahan ng anak. Walang kaalam-alam ang kanyang asawa at anak sa tunay na pagkatao ng binatang nagugustuhan ng mga ito. Ngunit hindi na naman magtatagal ay mawawala na ang balakid sa masayang pagsasama nilang tatlo.

*****

Malapit nag mag alas-syete ng umaga ng bumangon si Ella mula sa kanyang pagkakahiga. Napangiti siya ng makita ang kapatid na natutulog sa kabilang kama na hindi pa din nahuhubad ang suot nitong itim na bestida. Hindi na niya namalayan ang pagdating ng kapatid na tiyak niyang madaling araw na ng nakauwi.

Pagkatapos ayusin ang sarili ay lumabas na si Ella upang saglit na magtungo sa tindahan. Natigilan siya ng kanyang makita ang isang lalakeng natutulog sa may mahabang upuan sa harap ng kwarto ni Dan. Ang kaba sa kanyang dibdib ay bahagyang nabawasan ng mapansin niya ang suot nitong puro itim din. Katerno ng damit ng kapatid niyang si Mika.

Ayaw sana niyang gambaliin ang pagtulog ni Mika ngunit hindi naman niya nais na iwan na mag-isa ang kapatid na may ibang taong hindi niya kilala ang nasa paligid.

Natigilan si Ella ng mapansin ang mga bakas ng luha sa pisngi ng kapatid. Banayad niyang niyugyog ang balikat ng kapatid, "Mika..., Mika..."

Dahil sa naramdamang banayad na pagyugyog sa kanyang balikat ay nagising na din si Mika.

"Bakit Ate?" ang mahinang tanong ni Mika. Halatang antok pa din ang dalaga.

"Pasensya ka na Mika, ayaw pa sana kitang gisingin. Pero may nakahiga sa labas. Halos magkatulad kayo ng kulay suot. Kakilala mo ba?"

Biglang nawala ang antok ni Mika at napabangon siya sa kama.

"Baka si Alex yun Ate, kasama ko sa trabaho."

"Bakit dun siya natulog sa labas? Wala ba siyang ibang uuwian?"

Natigilan naman si Mika, sana ay mali siya sa pag-aakalang si Dan ang hinihintay ni Alex. At nais ng kaibigan na kausapin si Dan tungkol sa nangyari kagabi. Hanggat maaari ay ayaw niyang mag-away ang dalawa ng dahil sa kanya. Ang kasalanan naman ay nasa kanya at wala kay Dan na simula pa lang ay alam niyang may ibang dalagang minamahal.

"Ako na lang Ate ang gigising sa kanya. Kaibigan namin siya ni Dan. Wag kang mag-aalala Ate at mabait naman si Alex."

"Mika..., alam kong umiyak ka? May dapat ba akong malaman?" ang pag-aalala ay nasa tinig ni Ela.

"Wala ito ate, kaya ko naman." ang matamlay na sagot na lang ni Mika, nais na ilihim sa kapatid ang dahilan ng kanyang muling pagluha.

"Mika..."

"Ate, please, wag ka ng magtanong. Okay lang naman ako." ang pakiusap ni Mika na nais ng pilit na kalimutan ang nangyari ng nagdaang gabi.

Wala namang nagawa na si Ella kung hindi ang hayaan na lang kapatid kung hindi nito kayang magsabi pa sa kanya, "Nagtatanong lang naman ako Mika. Pero kung ayaw mong magsalita ay igagalang ko ang pasya mo. Basta nandito ako Mika, dalawa lang tayong magkapatid, kapag kailangan mo ng kausap at kadamay ay alam mo nandito lang si Ate." sa isipan ni Ella ay tiyak na may kinalaman si Dan sa pagluha ng kapatid. Lalo't sa tingin niya ay wala pa sa kwarto nito ngayon ang binata.

"Salamat ate."

Ngumiti ng tipid si Ella sa kanyang kapatid, "Lakad na ako sa tindahan, wala na pala tayong pang-agahan. Dyan ka na muna."

"Sige Ate, lakad ka na."

At lumabas na si Ella ng kwarto nilang magkapatid at nagtungo na sa pinakamalapit na tindahan.

Tuluyan na din namang nawala ang antok ni Mika. Nagpasya na siyang gumising, nagpalit ng damit at inayos ang sarili. Habang nasa banyo at naghihilamos ay muling nalungkot si Mika. Nasa labas si Alex at nangangahulugan na hindi pa nakakauwi si Dan at magdamag nitong kapiling ang dalagang tunay nitong mahal.

Namalayan na lang ni Mika na muling tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Ang akala niya ay tanggap na niya ang sitwasyon ngunit sadyang masakit pa din pala. Lalo't nasaksihan niya ang mapait na katotohanan sa kanya mismong harapan. Na ang iniibig niyang binata ay pag-aari ng ibang dalagang mas higit sa kanya at siyang may karapatan kay Dan.

Pilit niyang pinayapa ang sarili, wala din naman siyang magagawa kung hindi ang magtiis sa kanyang kalagayan. Hindi din naman niya kayang iwan si Dan. Hanggat magkasama sila sa lugar na ito ay dapat na siyang makutento kahit masakit sa kanya. Ito ang kapalit ng kanyang labis na paghahangad sa isang lalakeng may iniibig ng iba. Ang magdusa at masaktan kahit kapiling niya ang lalakeng minamahal niya.

Lumabas na si Mika ng kwarto at pinuntahan ang natutulog pa ding si Alex. Mahina niyang tinapik sa balikat ang kaibigan at hindi din naman nagtagal ay nagising na din ito.

"Bakit dito ka natulog?"

Bumangon naman si Alex at nahihiyang nagpungas-pungas sa harapan ni Mika.

"Inantok na ako talaga Mika, kaya nagpasya na din akong dito na antayin si Dan, at may sasabihin lang ako." ang nakangiting pagbibigay dahilan na lang ni Alex kay Mika.

Sa isipan ni Mika ay sana ay hindi na mapag-usapan pa ng dalawa ng mabigat ang nangyari kagabi.

"Tungkol ba sa nangyari kagabi Alex?"
ang nag-aalalang tanong ni Mika.

Umiling naman ang binata, "May kape ba kayo Mika?", ang pang-iiba ni Alex sa usapan. Nais niyang ilihim kay Mika ang totoo niyang saloobin para kay Dan ng sandaling iyon.

"Saglit lang Alex, ipagtitimpla kita.",
ang paalam ni Mika.

Ngumiti naman si Alex sa dalaga, "Salamat Mika."

Napakaswerte na ni Dan kay Mika at bakit naghangad pa si Dan ng mas higit kay Mika. Na maaaring maging dahilan ng isang panibagong gulo sa buhay ng kaibigan. Kailan lang ng may ngyaring hindi maganda sa pagitan nina Dan at Lance, ngayon ay kay Brandon naman. Bakit parang sadyang sinusubok ni Dan kung gaano kabuti sa kanya ang kapalaran? Ang mga ito ang mga tanong na gumugulo sa isipan ni Alex.

******

Nakadalawang ulit na nilang nalasap ang sarap ng muli't-muli nilang pagniniig ng umagang iyon. At kailangan na nilang muling bumalik sa magkaibang mundong kanilang ginagalawan. Ngunit ang paghihiwalay naman nilang dalawa ay panandalian lamang. Hindi na magtatagal at makakapiling na nila ulit ang isa't-isa at palagi na silang magkasama.

Pagkatapos magbihis ni Christine ay lumapit siya kay Dan. Isa-isa niyang isinara ang butones ng suot na itim na long sleeves ni Dan. Nakatingin lang naman si Dan sa magandang mukha ni Christine na sadyang labis na nakakahalina kahit na wala ng makeup ang dalaga. Nang ganap ng maisara ni Christine ang damit ni Dan ay yumakap siya sa binata habang nakatingin sa maamo nitong mukha.

"Dan, hindi na ako makapaghintay. I want to live with you na."

Hinaplos naman ni Dan ang alon-alon na buhok ni Christine, "Ilang araw na lang naman Christine, maghahanda lang tayo nina Angela. At saka tayo magkakasamang lalayo."

"We need to hurry Dan. Na-witness mo naman ang nangyari kagabi. My parents forced me to do that engagement, and later, to be a wife to someone I don't love. The plan is after we graduate, pero sa nakikita ko, baka it will happen later this year. Nagiging aggressive na din sa akin si Brandon. He wants me so bad, and both our parents don't even bothered to try to stop him. Ayaw kong mangyari yun Dan."

Ngumiti naman si Dan, "Wag ka ng mag-aalala Christine, hindi mangyayari ang pangamba mo. Nandito ako Christine at hindi ko hahayaang mamuhay kang malungkot sa piling ng iba."

Nangilid naman ang luha sa mata ni Christine, naalala ang buhay ng kanyang ina, "I don't want to live a life like that, na nasa akin nga ang lahat ngunit hindi ko naman kapiling ang lalakeng mahal ko."

Pinalis ni Dan ang mga butil ng luha sa mata ng dalaga, "Alam ko Christine, kaya kahit alam kong mali at hindi tama ay mas gusto ko na yung ganito. Na kasama ko kayong dalawa ng wala ng kailangang masaktan pa sa ating tatlo nina Angela.

"Thank you Dan. For really loving me too."

Nilagay ni Dan ang kanyang isang daliri sa pisngi ni Christine at banayad na hinaplos-haplos iyon.

"Malaki ang pagbabayaran kong kasalanan Christine dahil sa desisyong ginawa ko. Na piliin kayong dalawa, ngunit mahal ko kayo ni Angela, at hindi ko kayang iwan ka Christine. Ngunit kailangan kong gawin ito, alang-alang sa sarili kong kaligayahan."


"Then we all pay the price for this sin Dan, dahil pinili naming makasama ka kahit alam naming hindi ito tama. Hindi mo lang ito happiness Dan, it's our happiness too ni Angela na makasama ka."


"Basta tandaan mo lang Christine, mahirap na buhay ang naghihintay sa atin. Ngunit magsusumikap ako para sa inyong dalawa. Dahil responsibilidad ko na kayo at hindi ko kayo pababayaan. Sana lang ay mapagtiisan ninyo kung ano lang ang kaya ko."


"You'll never me hear complain about anything. Kaya ko ding magtiis Dan sa piling mo. Like I said, I'll support you in any way I can."

"Salamat sa pang-unawa Christine."

Isang ngiti ang pinakawalan ng dalaga, kinabig ang batok ni Dan upang muling paghinangin ang kanilang labi at saka sila mahigpit na nagyakap na dalawa. Naroon ang isang hindi na kailangang sambitin na pangako nila sa isa't-isa. Na sa nalalapit na mga araw ay magkakasama na din sila.

Malambing namang napa-giggle ang dalaga ng pumasok sa kanyang isipan ang isang sitwasyon na haharapin nilang tatlo.

"Dan, just remember, you have to be fair sa amin ni Angela ha." ang malambing na sabi ni Christine.

Napangiti naman ng maluwang ang binata ng maaala ang isang napakasarap na suliranin na naghihintay sa kanya sa piling ng dalawang dalagang minamahal niya.

"Akong bahala Christine, magiging fair ako sa inyo ni Angela. Sa lahat ng pagkakataon, okay?"

"Dapat lang Dan, you know naman na may pagka-maldita at selfish ako. I can give in a few things but not when it comes to you."

Hinawakan ni Dan ang magkabilang pisngi ni Christine at saka muling hinalikan ang dalaga.

"Magiging fair ako Christine sa inyong dalawa."

Ngumiti na din si Christine, at minsan pa silang yumakap ng napakahigpit sa isa't-isa na para bang ayaw na nilang maghiwalay pa. Ngunit kailangan nila munang harapin ang mga suliraning naghihintay sa kanila. Kay Christine ay ang kanyang mga magulang at ang kay Dan naman ay si Mika na alam niyang labis na nasaktan ng iwan niya ng nagdaang gabi.

Magkahawak-kamay silang lumabas ng kwarto hanggang sa may labasan ng motel na iyon. Bago sumakay ng taxi ay binigyan ni Dan si Christine ng higit sa sapat na halagang kailangan ng dalaga. Nagpaalamanan na sila at nangakong magkikita bukas ng maaga. Nang makalayo na ang sinasakayan ni Christine ay saka naglakad naman si Dan papunta sa abangan pauwi sa kanila.

Sa kanyang paglalakad ay napatingin siya sa mga picture frame na naka-display sa isang tindahan. Naalala niya ang pangako niya kay Angela na doon ilalagay ang picture na ibinigay sa kanya ng kasintahan. Pumili siya ng isang magandang disensyo at saka siya nagtuloy ng umuwi pabalik sa tirahan nila ni Mika na alam niyang nagdadamdam na naghihintay sa kanya.

*****

Madaling araw pa lamang ay nakaparada na ang sasakyan ni Brandon malapit sa may bahay ni Christine. Naghihintay siya sa pagdating ng dalaga upang masabi dito na walang alam ang mga magulang ng dalaga sa ginagawa ng kanilang anak. Hindi pa din niya kayang isuko si Christine lalo na sa isang tulad ni Dan. Kailangang malaman niya kung alam ba ni Christine ang tungkol sa relasyon din ni Dan kay Angela.

Alas syete y media na ng mapansin niya ang isang taxi na tumigil sa harap ng gate nina Christine. Mabilis niyang binuhay ang makina ng sasakyan at habang palapit sa taxi ay nakita niyang bumaba ng sasakyan si Christine na suot pa din ang mapang-akit nitong gown.

Bago pa makalapit si Christine sa kanilang gate ay bumusina si Brandon at lumabas ng kanyang sasakyan. Sa nakitang ayos ni Christine ay muli na namang bumangon ang mabigat na damdadamin sa kanyang dibdib. Napakaganda at kaakit-akit talaga ni Christine lalo na suot nito ngayong gown na alam niyang ibang lalake ang naghubad sa dalaga ng nagdaang gabi.

Napatingin naman sa kanya si Christine na parang nag-aalangan.

Lumapit si Brandon sa nakatayong dalaga, "Christine, please, can we talk for a bit?" ang pakiusap ni Brandon.

Pinagmasdang mabuti ni Christine ang itsura ni Brandon, suot pa din nito ang damit kagabi at halatang puyat ang binata. Malungkot ang mukha nito na nauunawaan naman niyang siya ang dahilan. Nais niyang mahabag kay Brandon ngunit ito naman ang may kasalanan kung bakit narito sila ngayon sa ganitong sitwasyon.

"Make it quick, okay?" ang malumanay na sabi ni Christine. Ayaw ng dagdagan pa ang nakikitang paghihirap ng binatang alam niyang umiibig naman talaga sa kanya.

Huminga ng malalim ang binata, "Sa loob na lang tayo ng sasakyan Christine. I promise you that I will not harm you or threaten you. I just simply want to talk Christine.", ang muling pakiusap ni Brandon.

"Fine Brandon, but keep your promise.", ang bahagyang nag-aalangang sagot ng dalaga.

"I will Christine.", at saka lumapit si Brandon sa katabing passenger seat at pinagbuksan ng pinto ang dalaga.

Pumasok naman si Christine sa loob ng sasakyan at hinintay na makapasok din si Brandon.

"Go ahead Brandon, tell me kung ano man ang gusto mong sabihin ."

"Christine..., alam ko kung sino ang kasama mo kagabi ng umalis ka."

Saglit lang na natigilan si Christine, "It's good then, dahil hindi ko na kailangang magpaliwanag sayo. Now you know that truth about him, na ever since, hindi isang laro ang pantasya ko kapag magkasama tayong dalawa. It's real and I love him. I don't care about his status in life now Brandon. Alam ko din kung ano ang naghihintay sa akin sa loob ng bahay namin. But I'm ready, I'm not afraid anymore."

"He is sure a lucky man Christine, dahil minahal mo siya ng ganyan. Na kaya mo ng isuko ang lahat para sa kanya. I do hope na he really deserves you."

Umiling naman si Christine, "I am the lucky one Brandon, dahil minahal niya ako. Kung wala ka ng ibang sasabihin. I have to go, my parents are waiting and I have to tell them the truth about him."

Malungkot na tumingin si Brandon sa determinadong dalaga. Sa kanyang puso ay naghahangad na sana ay para sa kanya ang pag-ibig ni Christine na kaya nitong ipaglaban sa lahat. Ngunit narito siya ngayon at hinahayaang saktan ni Christine ang kanyang damdamin sa bawat tapat na salitang lumalabas sa labi ng dalaga.

"They know nothing about what you did last night Christine. Ang alam nila ay magkasama tayong dalawa sa buong magdamag. That's why I wait for you here, para alam mo kung ano ang sasabihin mo sa kanila."

Saglit na muling natigilan si Christine, hindi makapaniwalang nanatiling tahimik sa Brandon sa kanyang ginawang pag-alis kagabi.

"You are telling me that you didn't say anything to them. Then you wait for me here so that you can save me from my parents. Hindi mo naman kailangang gawin iyon Brandon, lalo mo lang pinahihirapan ang situation nating dalawa."

Napabuntung-hininga na lamang ang binata, "I love you Christine. The last thing I want is to see you get hurt."

Nakita naman ni Christine ang katapatan ng sinabi ng binata. Ngunit ang buong puso niya ay pag-aari na ni Dan at wala ng puwang pa ang isang tulad ni Brandon kahit gaano pa kalaki ang pag-ibig nito sa kanya.

"I love someone else Brandon. Please, don't make it more difficult for both of us. Just stop and walks away from all this like you said. Hayaan mo na akong maging masaya sa piling ng lalakeng mahal ko."
ang buong pusong pakiusap ni Christine, ayaw na niyang patuloy na umaasa si Brandon sa pag-ibig na hindi niya kayang ibigay.

Mahigpit namang napakapit sa manibela si Brandon at napayuko na lamang. Pilit niyang pinipigilan ang luha sa kanyang mga mata. Tama ng lumuha siya kagabi ng hindi nakikita ng dalaga.

Malungkot na ngumiti si Brandon sa dalaga, "I'm sorry Christine, but I can't. Because I love you from the moment I saw you. And I promise myself na ikaw lang babaeng nais kong makasama sa buong buhay ko... Kaya hanggat hindi kita nakikitang naikakasal sa iba ay hindi ako titigil Christine."

Ayaw man ni Christine ay nakaramdam siya ng awa kay Brandon dahil sa katapatan ng pag-ibig nito sa kanya.

"Brandon, I am not the right woman for you. Hindi ka mahirap mahalin, you are perfect and you have everything. Just look around you, I know for sure na mas may higit pa sa akin ang naghihintay na mahalin mo."


Tiningnan ni Brandon ang magandang mukha ng dalaga na hanggang ngayon ay pangarap pa din sa kanya. Nais niyang muling hawakan ang malambot na pisngi ni Christine at halikan ito sa labi ngunit hindi niya magawa. Dahil kahit may kasunduan na ang kanilang pamilya ay hindi pa din niya pagmamay-ari ang puso at katawan ni Christine.

"But it's you that I love Christine, like you said, we can't dictate our own heart. Anong gagawin ko Christine? Kung hindi ang maghintay at umasa na dumating ang araw na mabibigyan mo ng pansin ang mga ginagawa ko para sayo. Love him Christine, but I will love you still."

Si Christine naman ang huminga ng malalim, at malungkot na tumingin sa mukha ng binata.

"Then what do you want me to do Brandon?"

Inilabas ni Brandon ang munting karton mula sa kanyang bulsa at iniabot sa dalaga.

"Please keep it Christine."

Nailing na lamang ang dalaga, "I can't Brandon, I already told you, I love him."

Muling huminga ng malalim si Brandon, "Christine, they know nothing, okay? Mas gusto mo pa bang salubungin ang galit ng parents mo rather than to just pretend that we are still okay. I'm not doing this for me Christine, I'm doing this for your sake."

Saglit na nag-isip si Christine, kung walang alam ang mga magulang ay mabuti para sa kanya. Makakapaghanda pa siya ng mabuti sa lahat ng mga kailangan niya.

Kinuha niya ang munting carton mula sa binata. Binuksan iyon at muling isinuot ang singsing.

"Okay Brandon, I'll do what you says. But it's only for a show, there is no meaning behind it. You have to accept that."

Malungkot namang tumango si Brandon. Mabuti na ang ganito kaysa masaktan ng kanyang mga magulang ang dalagang minamahal niya. Ngayon labis naunawaan ni Brandon ang hapdi na dulot ng pag-ibig. Na kayang niyang mag-sakripisyo at lunukin ang kanyang pride alang-alang sa kapakanan ni Christine.

"I need to get inside Brandon. I'm really tired."

Akma ng lalabas si Christine ng muling magtanong si Brandon. Isang tanong na hindi niya inaasahang magmumula sa binata.

"Christine, do you know about it?"

"About what? Get to the point please."

"Dan is also in relationship with another girl. Hindi mo ba alam na dalawa kayong pinagsasabay niya?" ang may diin na sabi ng binata na labis ang lungkot na nasa mukha. Dahil sa pag-aakalang ang nag-iisang dalagang minamahal niya ay ginagawang laruan lang ng iba.

Nilingon ni Christine ang binata ang saka nagpakawala ng isang tapat ng ngiti, "I love him Brandon, and he loves me. Iyon lang ang mahalaga sa akin at wala ng iba. I don't care kung ano man ang iniisip ninyo tungkol sa kanya. He can make me cry, and he can make me happy. He shows and taught me how to truly love. I miss him everytime, and he means the world to me. That's why I love him so much Brandon. "

At saka tuluyan ng lumabas si Christine mula sa loob ng sasakyan at nag-doorbell sa may gate ng kanilang marangyang tahanan. Ilang saglit pa ay pumasok na din si Christine sa loob ng kanilang bahay na hindi man lang siya tiningnan.

Labis ang magkahalong lungkot at paninibugho ang nararamdaman ni Brandon ng sandaling iyon. Dahil para na ding inamin ni Christine na alam ng dalaga na dalawa sila ni Angela na karelasyon ni Dan ngunit tanggap pa din nito. Ang lahat ng paglalarong ginawa sa kanya ni Christine habang nasa isip nito si Dan ay totoo. Ang lahat ay malinaw na sa kanya kagabi pa lamang ngunit hanggang ngayon a...

About the Author :

Joined: April 21, 2020 (4 months old)
Writings: 57
Male  ·  Offline
Description:
I'm a writer who tells stories about love, lust and life lesson.

In my real life, I have a lots of regrets and painful decisions, and I live in my cold and lonely world. So I create different worlds, where my imagination can run wild and be as vivid as I want it to be , where desires and fantasies happens.

These are my worlds, and I am The Master.

Author of:

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan
Ako Si Diana
Wedding Anniversary
Websites: Signature Text:
These are my worlds, and I am the Master.
34  ·  75  ·  34  ·  4,907
 · 

Comments
G
Gabby09
August 3, 2020 (1 month ago)

Nice story, sana happy ending, magkasama clang 3,of course para palaging 3some...

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

Thanks, two chapters na lang at matatapos na din ang story ni Dan. Salamat sa patuloy na pagbabasa.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
mangpopoy
August 3, 2020 (1 month ago)

Sayang mukang mamatay pa ata si daw😅 wag sana..

Boss sana pahabaan mo pa yung kwento

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

Hm? Malapit na naman po sir, 2 chapters na lang at masasagot na po yung tanong ninyo tungkol sa kapalaran ni Dan at kung magpapatuloy pa po tayo. Thanks

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
blacksun20
August 3, 2020 (1 month ago)

Salamat sa update master sana bago umuwe sa pnas tapos na ang story ni dan heje, isang malaking tragedya talaga dahil sa kagaguhan ni lance at simula ng pagkawasak ng pagkakaibigan nila ni brandon at sya rin siguro ang magiging daan pra malaman ang tunay na pagkawala ni dan na inaakalang patay  na naaayon sa plano nila anton at lance... Kina angela at christine siguro panibagong simula at hamon na haharapin inaakala nilang patay na si dan. Sana mali ako sa mga hula ko pero isip ko parang nicholas sparks lang ito lage malungkot ang ending na nagiiwan ng puro aral sa buhay at pag asa naman sa mga naiwan . Salamat master sa magandang obra mo , stay safe and healthy ... Magiging maayos din ang lahat gaya mo isang hamon at bagong simula ang haharapin natin sa pinas paguwe natin Godbless...

Reply  ·  Like (4)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

Thank you Sir. Talagang napapabilib mo ako sa mga insights mo, bagaman may pagkakaiba sa nasa isip ko ay maganda naman talaga. Bakit di mo try na gumawa ng short story sir. Sayang ang galing mo sa pag-iisip ng mga plot.  Try mo sir one time.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (5)  ·  Report
B
Benz2566
August 3, 2020 (1 month ago)

Anu kaya ang mangyayari kay Dan ? hehehe salamat sa update sir Van stay safe & godbless po ..

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

malalaman po natin sir sa next update. thanks po sa patuloy na pagbabasa, Godbless din po sa inyo.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
genrose21
August 3, 2020 (1 month ago)

Bagyu sa buhay ni dan ay parating na....
grabe talaga nagagawa ng pera sa tao...
nagiging makasarili at sakim...anton & christine father are the same boat pra sa knilang dreams.. ang yumaman ng husto kht na merong masaktan matupad lang..

ano ang magiging future ni dan???

keep it up sir van..

"Were the Captain's of our own Soul. Were the Master of our own FATE".🤗🤗

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

totoo naman kasi po sir n mayayaman talaga laging more financial gain ang nasa isip, sa future ni Dan, sa final last two chapters sir ng story ni Dan. Thanks a much sir sa patuloy na pagbabasa.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
S
Satsumatta
August 3, 2020 (1 month ago)

wow Idol Van!!!
waiting for the near ending...sna kahit papano mjo gumaan ending for Dan..
more power!!

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thanks, 2 chapters na lang at matatapos na din ito, about sa ikagagaan ng pakiramdam ni Dan, konting tiis na lang, ang lahat naman ay may kapalit. im hopeful na maging tanggap ninyo ang ending na napili ko, salamat po sa patuloy na pagbabasa.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
Lantz
August 3, 2020 (1 month ago)

Master sana my book 2 kc maganda ang galaw ng kwento...mawawala si dan tapos babalik un ang book2 pagbalik nya mayaman na xa....hahaha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thanks, ang tanong tungkol sa book ay masasagot sa ending ng ng story na ito, 2 or maybe 3 chapters from now, sana 2 n lng.

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
B
bog_mali69
August 3, 2020 (1 month ago)

thank you otor sa update, sana happy ending pa din si dan at ang dalawang dalaga

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

salamat din sir, sa kahit na anong ending sana ang maibigay ko sa inyo, sana sa kabuuan ay napasaya sa buong panahon ng pagbabasa at pagsubaybay ninyo sa story ni Dan.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
B
bog_mali69
August 3, 2020 (1 month ago)

gudluck otor, salamat sa napakaganda mong obra, pero umaasa pa din ako ng isang masaya at happy ending sa kanilang tatlo

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

salamat din sir sa pagsubaybay simula sa unang chapter, sana ay patuloy pa din kayo hanggang sa huli

may ibang kahulugan naman ang masayang wakas, hindi dahil natapos na ay hindi na masaya, hindi dahil may nawala ay hindi na masaya

see you all there sa ending ng story ni dan

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
M
MR.SERIOUS
August 3, 2020 (1 month ago)

Van thanks for the story
May dulo pala ang langit para kay dan...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thanks din sir, sana ang langit ay madinig ang mga daing ni Dan, tulad sdin naman nating may mga hinahangad din na ating inilalapit sa Maykapal

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Redcrosx
August 3, 2020 (1 month ago)

Nalalapit na nga ata talaga ang katapusan. Pero sabi nga nila, sa bawat pintong nag sasara, may panibagong pinto na mag bubukas. Take your time sa pag tapos master van, andito lang kaming mga sumusoporta para sayo.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

salamat sir, malapit na talaga, pilit kong tatapusin bago ako makabalik sana, salamat sa patuloy na pagbabasa

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
August 3, 2020 (1 month ago)

i’ve been trying to keep mum since the last update as the suspense is nerve wracking. salamat sa update parekoy

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thanks din sir, wala naman lihim na sayo, at alam kong may ideya ka na sa mga susunod n mangyayari, salamat ulit sir

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
delubio
August 3, 2020 (1 month ago)

ayos author, suspenseful ang susunod na chapter, tuloy lang. good job

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thanks, lets keep the suspense sa next two chapters

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
delubio
August 3, 2020 (1 month ago)

kinakabahan ako author sa kapalaran ni dan, sana sir eh maka survive si dan, sayang ang napakagandang kwento kung tragic ang ending, opinyon lang author

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

ramdam kita sir, ngunit ang ending na nasa isip ko ay ending na sa tingin ko ay dapat sa story ni dan, wait n lng sir sa final chapter ,

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
diegomadara
August 3, 2020 (1 month ago)

Iyakan to the max maybe ang susunod na mangyayari, ready nalang yung panyo natin mga readers. Tapos mag basa manood naman ng just for laughs para tawa na ulit!

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

well, tingnan natin sir kung panyo o tissue ba ang ilalabas, its a promise na ang ending ng story ni Dan ay yung ayon sa kung ano ang nais ko talagang mangyari, salamat sir

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
KusinerongMarinero
August 3, 2020 (1 month ago)

Thanks boss van sa update.Di po talaga maalis ang excitement at kaba habang nagbabasa. More power po sa inyo... Hoping for the best team Angela

Life begins at sea

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thanks din sir, malapit na din sa wakas, im hoping din naman na sana ay matanggap ninyo ang ending ng story ni Dan.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
charles2700
August 3, 2020 (1 month ago)

Grabe sobrang sakit ng chapter nato author muntik na akong maluha lalo na yung nag usap sila Brandon at Christine. Bumilib ako kay Brandon despite sa ginawa ni Christine sa kanya ay nanatili pa rin itong tapat sa kanya hindi nya pinahamak ang babaeng iniibig unlike Lance he is a coward. For Anton naman sana lang ay hindi nya pagsisihana ng gagawin nya kay Dan alam kung madugo ang last 2 chapters. God bless po...

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thanks, i like brandon too, he is better than lance, he loves christine so much, about the ending, lets wait n lng, thanks sir

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
I
Icarus
August 3, 2020 (1 month ago)

Ang haba ng isang linggo sa buhay ni Dan.

Maraming salamat Sir sa napakagandang update mo.

Sa uulitin.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

salamat din sir, sa patuloy na pagbabasa

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
beep108
August 3, 2020 (1 month ago)

maraming salamat author van the master
tunay ngang nakakapanabik ang bawat yugto ng iyong obra
pagpalain ka ng Panginoon sa iyong talento sa pagawa ng obrang alam kung tatatak sa isipan ng bawat readers mo lalo na sa tukso sa buhay na dan
alam ko na ang bawat pagtatapos ay syang simula ng panibagong umpisa dahil ganyan ang buhay ng tao.
keep it up author,, thank you for showing the different faces of love that really exist in this world
loving unconditionally,sacrifice even it hurts a lot,acceptance for every failures we are facing and have the real happiness that last forever
i had experience loving a woman same as dan, i know she loves me since our grade school till she finished college(i graduated later coz my course is longer) but i never show my love for i belong to the poorest of the poor
she stuck me with her words that will always remain till my last breath as it says" bakit kapag mayaman kana at maraming pera ibig bang sabihin nun masaya kana?that was 23 yrs ago
SHES RIGHT

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thanks din sir, who knews na mayroon k palang ganyang nakalipas, lahat naman tayo sir ay may pagkakamalik na gusto nating itama, at nakakalungkot lang na may mga pagkakamaling hindi na natin kaya pang itama pa.

salamat beep,

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
T
tmas14m
August 3, 2020 (1 month ago)

Bagay si Brandon ay Cristine parang kahot anu mangyari si nya magagawang saktan si Cristine. Brandone is a real deal

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

if ever lang, i like brandon para kay christine, he loves her so much naman talaga

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Stalker_Eyes
August 3, 2020 (1 month ago)

This is it pancit. I'm so psyched para sa nalalapit na ending ^^

I really feel sad for Brandon; minahal naman niya si Christine kahit papaano. At nalalapit na ang takdang panahon upang pagbayaran ni Dan ang ginawa niyang pagtaksil sa pangako ni Anton. Atin po nating malalaman sa next update ang magiging kapalaran ng ating bida. Abangan!

A million thanks for the update Sir Author.

[P.S. Sa mga nagtatanong kung kailan yung update ng Kinang At Lilim, it will depend kung tapos na akong mag-encode. Ipopost ko yung next chapter kapag natapos ko na yun. Stay tuned!]

Sir Stalk is my name, and writing is my game.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thanks sir author for dropping bye, malapait na talaga, whatever ending sana, ay maging tanggap ng lahat,  salamat ulit sir

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Stalker_Eyes
August 3, 2020 (1 month ago)

Konting push na lang at matatapos na. Best of luck on the next updates ^^

Sir Stalk is my name, and writing is my game.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thank you sir

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
D
Dredtan
August 3, 2020 (1 month ago)

Malungkot ang mangyayari sa susunod na chapter panigurado iyan, may malagim na mangyayari kay dan, siguradong duguan ang mangyayari sa susunod kasi diba may kinausap si anton sa phone, eh alam na agad kung ano ibig sabihin nun,,
Sana sa huli hindi pag sisihan ni anton ang malaking pagkakamali niyang gagawin, at baka isa pa masira pa ang kanyang pamilya, si lance malamang gaganti yun
Si brandon grabe pag mamahal nya kay cristine sana sa huli sila ang mag katuluyan, grabe din pag mamahal ni mila kay dan parang si mika din eh..
Sa tingin ko baka mawala na sa eksena si dan o mamatay na sya, baka yan ang maging ending, kasi kung babasahin mula chapter 1-40 halos pabor kay dan, kaya sa huli may maniningil na sa kanya
Sana dumating si dianne sa buhay ni anto heheh
Ito lang namn po eh naisip ko sir hehhee kasi sobrang sinubaybayan ko talaga itong kwentong ito
Goodjob sir at morepower po sa pag susulat

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thanks, isa na namamg wonderful insight, bakit maraming readers kaya ang ayaw pang magsulat, for sure sa tagal nyo ng nagbabasa ay hinog na kayo. ^^

may mga pagkakaiba man sa nasa isip ko ay may pagkakatulad pa din

malapit na ang katapusan, 2 chapters na lang at sarado na libro ni Dan

salamat ulit sir

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
kuatog
August 3, 2020 (1 month ago)

naku po...mukhang mapuputulan ng kaligayahan ang lodi natin na c dan...bilis ng update ngaun a...salamat sir van...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

wag naman sana sir, baka naman iba ang mapuputol sa kanya, malalaman natin sa susunod na dalawa, ayaw ko n lng talagang magsalita muna

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Dredtan
August 3, 2020 (1 month ago)

Sana sir may book 2 etong series na ito, pero syempre pahinga nyo muna sarili nyo at ang isipan nyo para makapag isip kayu ng magandang obra na maibabahagi nyo samin mga taga basa nyo
Salamat sir
Antay ulit kaminsa huling dalwang chapter
Salamat at more power sir

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

masasagot kung may book ba ito sa final chapter ng story ni Dan, for sure wala ng magtatanong sa akin kung may kasunod pa ba itong libre once na napublish ko na ang final chapter

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
Paul0403
August 3, 2020 (1 month ago)

Mukang mamamatay si dan ah... Or d man sya mamatay pero wala syang mkakasama kahit isa kila angela at cristine... Saklap ending hahahaha pero tnx author sa update lapit n katapusan

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thanks, interpretation is okay and accepted, pero kailangan muna nating basahin ang last chapter, wait na lang po tayo sir

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
K
Kaplog69
August 3, 2020 (1 month ago)

Idol van pede po ba sa next habaan monna tutal 2 chaps nlang eh hahaha...nag request pa hahah...galing mo tlaga sir van waiting lng lang kmi sa next chap...salamat sa iyong magandang obra...god bless po

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thank u sir, dont worry , try ko sir, sagad ko n talaga yung kakaunting agimat na natitira pa sa akin.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
palaiyouth
August 3, 2020 (1 month ago)

Salamat Sir Van sa magandang update,ang ganda talaga ng obra mo sir!kapanapanabik bawat chapter ng kwento!the beat ka talaga idol..
#respect

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thanks , salamat sa suporta, tuloy lang tayo sa nalalapit n katapusan

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
lonereadervc
August 3, 2020 (1 month ago)

Ganda talaga ng story sir, nakakalungkot n malapit na matapos, sana happy ending sir, pang pa good vibes, haha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

thank u, let's see n lng sa ending, for now, kapit lang tayo at wait sa next update

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
L
lonereadervc
August 3, 2020 (1 month ago)

sir, baka magagawan mo pa ng paraan na pahabain ito, ito na lang isa sa nagpapasaya sa akin sa bawat araw at linggo, haha, inaabangan ko talaga to story mo, sana marami pang updates, salamat ulit sir sa napakaganda mong obra

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 3, 2020 (1 month ago)

tingnan natin sir, salamat sa tiwala

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
Van_TheMaster
August 4, 2020 (1 month ago)

Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa at nagbibigay ng comments at reactions. Sa totoo lang po ay alam kong malaki ang ipinagbago ng aking paagsusulat. Ngunit ayaw ko pong maging dahilan ito upang tumigil na ako. Ayaw ko pong biguin ang bawat isa na sinundan ang story ni Dan. Kaya kahit ako po ay hirap na noon, at mas lalong hirap na ngayon sa pagbuo ng kwentong magpapasaya sa iyon ay magpapatuloy po ako. Hanggang sa makarating tayo sa wakas na alam kong dapat ninyong mabasa bilang kapalit sa panahon na inyong ibinigay sa pagbabasa ng aking kwento.

Maraming salamat po ulit sa inyo.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
L
lonereadervc
August 4, 2020 (1 month ago)

salamat din ng marami author sa pag share mo sa amin ng iyong obra, kahit nahihirapan ka na ay pilit mo pa ding tinatapos, Godbless sayo sir.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
F
fr3tch
August 4, 2020 (1 month ago)

Tatakas si dan mag isa. Kasi mga "tukso" sila sa buhay niya.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 4, 2020 (1 month ago)

natuwa naman ako dito, iwan niya na lahat, sana magsama naman siya ng isa.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
cornets23
August 5, 2020 (1 month ago)

Sanaa sa book 2 mabasa namin yung nakaraan ni dan kung pano sya nakabangon sa mga sarili nyang paa. At kung anong status ng buhay nila nung nabubuhay pa ang magulang nya.

Jefferson

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 5, 2020 (1 month ago)

let's see, may part ng story na gusto kong gawan ng short back story

1. Anton and Alice
2. Buhay ni Dan ng bata pa siya
3. First Love ni Dan

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cornets23
August 5, 2020 (1 month ago)

Thanks author.
Ano kaya yung status ni dan nung bata pa sya. Mayaman din kaya ang mga magulang nya hihi.
Tapos sya pala taga pag mana at hinahanap ng mga kamag anakaan.

Jefferson

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 5, 2020 (1 month ago)

Tapusin muna natin yung story ni Dan, then saka ako mag isip ng concept about sa backstory nila.

Saka yung kung paano nagsimula si Jenna at Aurelio, isa din yun sa gusto kong gawan ng backstory.

These are my worlds, and I am the Master.

Like (1)  ·  Report
cornets23
August 5, 2020 (1 month ago)

Bak sir si aurelio ee yung naging asawa ni diana hahaha.

Jefferson

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 5, 2020 (1 month ago)

diba naging mag-asawa naman sila talaga, kahit hindi sila kasal. Saka namatay ng maaga ang mga magulang ni Dan dahil sa hirap, ayaw kong baguhin ang kapalaran ni Diana. Masaya ako sa kanyang naging kapalaran  ni Diana sa buhay na kasama si Gabriel.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
cornets23
August 5, 2020 (1 month ago)

Oo nga sir hehe pero kaya siguro umalis si aurelio para balikan yung dating asawa.

Jefferson

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 5, 2020 (1 month ago)

ang binalikan ni aurelio ay yun kanyang mga anak, dahil yung asawa niya ay sumama na sa ibang lalake, kung gagawan ko ng backstory si Aurelio, malamang ay dun siya tumira sa isa sa kanyang mga anak na lalake, at doon siya muling natukso sa kanyang magandang manugang na hindi pa nagkakaanak.  mabangis talaga ang kamandag ni aurelio, swerte na naman.

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
cornets23
August 5, 2020 (1 month ago)

Haha oo nga author ayos yan pero gusto ko talaga malaman kung ano kakahinatnan ni dan sa kamay ni anton. Parang naiisip ko na yung gagawin mong plot sa story author hehe sana tama ako haha.

Jefferson

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
August 5, 2020 (1 month ago)

malalaman nyo sa next update, sana lang din na tama ang nasa isip mo sir

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Van_TheMaster
August 5, 2020 (1 month ago)

Nasa podcast po ako sa Nooker this coming Friday at 9PM, sa mga nagbabasa po ng aking mga stories, if gusto nyo po marinig ang aking background at insights sa pagsusulat. Join us po sa "Room", Friday @ 9PM only in NOOKER. Thank you.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments