M
E
N
U

LARAWAN 2

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: First Time, Reluctance, Romance, One Night Stand · Tags: , , ,
Date: July 30, 2020 (2 months ago)


"Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin, bakit ako nagkakaganito?" pabulong nyang wika habang papasok sa tinutuluyang condo unit.

Agad siyang sinalubong ni Jorge. Nang magkahiwalay sila sa pinuntahang bar kagabi, pagkalabas nito ay doon na ito dumiretso sa kanyang tinutuluyan. Meron naman itong spare key at anumang oras na pumunta siya dito kahit pa wala ang kaibigan ay welcome siya palagi.

"Oh himala! Tirik na araw ngayon ka lang nakawala sa kinana mo kagabi ah?!" kantiyaw nito kay Daniel.

"Ano na nangyari sayo? Kinalawang na yata pagiging spiderman mo ah! Di ba nga't kahit sa bintana ka pa dumaan makatakas lang sa tabi nila. Hahaha!" nakakalokong dagdag pa nito.

Ngunit nanatili pa ding walang kibo ang kausap habang naghuhubad ng sapatos. Kahit ngiti ay di nya nasagot ang kaibigan sa mga biro nito.

Isa-isa nyang kinalas ang mga butones ng suot na polo habang nakatitig lang sa kawalan. Nang mahubad ay kung saan lang nya iyon isinabit, dito napansin ni Jorge ang mga marka sa kanyang likod na animo'y kinalahig ng paa ng manok. Kitang-kita ang mga kalmot sa kanyang maputing balat, dagdag pa rito ang munting sugat sa sulok ng kanyang labi na una nang napansin kanina ni Jorge.

"PUTCHAAA ANG LUPEEET! IKAW NA BRAD WOOO!... Tang ina ang wild pala ng kasama mo, masyadong barurot siguro ginawa mo dun ano?" pag uusisa niya.

"Ano na, kwento ka naman!" turan nito ngunit wala pa ding tugon ang kaibigan, isang matipid na ngiti lang ang ginanti nito sa kanya.

Dito na nagtaka si Jorge, di pangkaraniwan ang kinikilos ni Daniel na halos limang taon na rin niyang regular na nakakasama sa gimikan at pangha-hunting ng babae.

"May problem ba pre?" seryosong tanong nito.

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Daniel bago ito nagsalita sa wakas.

"Iba to pre, di ko alam kung nakokonsensya ba 'ko. Di pa din ako makapaniwala hanggang ngayon." dugtong pa niya.

"Ano ba kakaiba dyan pre bukod sa yummy? Eh sanay na sanay ka naman na nakakapag-take out ng parang model ah? Oh baka naman pahalang ang hiwa nyan ha!" bungisngis nito sa kabila ng kanilang seryosong usapan.

"Pre… She wasn't experienced like I thought she was." malungkot na pagkakasabi nito, bakas ang pagkabalisa sa kanyang mukha.

"Oh wow." pagkamangha ni Jorge, hindi dahil sa naring na isang birhen na naman ang natikman ng kaibigan kagabi, kundi dahil sa mga kinikilos nito na sadyang nakakapanibago sa kanya.

"Hmm I see. So ano naman bago dun? Di mo naman first time yan na ikaw ang nakauna ah." ani nito na pilit binabasa ang kinikilos ni Daniel habang palabas sila ng balkonahe ng tinitirhan nitong high end condo sa Maynila. Di kumikibo ang kaibigan kaya't muli syang nagturan.

"So ano plano mo ngayon? Ba't di mo kaya tawagan, baka nandun pa yun. Gusto mo lang yatang umulit eh hahahaha!" panghuhula nito.

"When I woke up, she's gone pre… Iniwan nya ko." matamlay nitong pagkakasabi habang nakatingin sa baba sa may pool area ng kanilang building.

Mula sa 24th floor ay tanaw din nya ang kahabaan ng Roxas boulevard, pati na ang mga barkong naka-angkla sa karagatan. Kumikinang ang tubig sa pagtama ng sinag ng araw, kay gandang tanawin ngunit wala duon ang isipan ni Daniel.

"Oh kaya ka nagkakaganyan? Di ka pa magpasalamat at di mo na kinailangan pang mag-effort na tumakas." sambit ni Jorge ngunit para siyang di nadidinig ng kausap.

"Teka nga pre, kanina pa 'ko nanghuhula sa kinikilos mo eh. Importante ba talaga sa'yo virginity ng bebot na yun? I mean, big deal ba talaga sayo na ikaw ang nakauna sa kanya, o nagkakaganyan ka kasi iniwanan ka at di ikaw ang nang-iwan this time?" ani ni Jorge, nakayukod at nakatuon ang braso sa railing ng glass balcony habang nakatanaw din sa ibaba ng gusali.

"I don't know pre, magulo talaga isip ko ngayon." sagot ni Daniel, garalgal ang malalim nitong boses.

"Yan na nga ba sinasabi ko eh, mukhang nakahanap ka ng katapat mo hahahaha!" sarkastikong reaksyon ng kaibigan.

"Ganyan talaga ang pag-ibig, pag tumama di ka makakailag." patuloy na panunuya nito.

"No pre, mamaya lang wala na to. Nagtataka lang talaga ko. Siguro nga tama ka, naapakan lang pride ko. Lilipas din to pre." pagkasabi nito'y tumalikod na sa kaibigan upang pumasok sa loob na agad ding sinundan ni Jorge.

"Oh pano, alis na din ako't may lakad pa ko eh. Maiwan na kita dito para naman makapagmuni-muni ka hahaha! Wala ka bang dyang pasalubong hehehe" kantyaw pa nito.

"Lumayas ka na nga! WALAAAA! Even cellphone number nga, walaaa… Arrrggh!" dismayadong tugon ni Daniel, di malaman kung nanghihinayang ba sya o sadyang naapakan lang ang kanyang pride.

************************

Di mapakali si Daniel ng gabing iyon. Okupado pa rin ng alaala ng isang estrangherang babae ang kanyang isipan. Habang nagbubukas ng beer-in-can at naupo sa recliner chair malapit sa sliding door palabas ng balkonahe, ay muling nanariwa sa kanya ang mga pangyayari nang nakaraang gabi.

Paano nga ba nagsimula ang lahat?…

Isa sa mga nakaugalian ng binata ay ang ihanap lang ng kalapit na pay parking area ang dala nitong sasakyan, saka maglilibot sa mga bar na mapaggigimikan. Sa ganitong paraan, kung may madagit man siya ay di nya aalalahanin na siya ay maplakahan kung sakali mang maghabol ang mga babaeng kanyang naikakama.

Papasok na sila sa isang mataong bar kung saan naimbitahan si Jorge sa isang event at inaya naman sya nitong sumama. Wala sana silang balak pumunta. Galing na sila sa isa pang gimikan kanina ngunit dahil nabitin pa sa nainom ay nagpasyang puntahan na rin ang event.

Gaya ng dati nilang nakagawian ng kaibigan, sa loob ay nagkanya-kanya na sila na parang di magkakilala. Dito sila magbabakasakali na makahanap ng babaeng naghahanap ng kausap, manlilibre ng drinks, o mambobola, na kadalasan ay nauuwi sa mas masarap at malalim na usapan.

Sa ganitong mga lugar ka makakakita ng iba't ibang klaseng babae, may iba't ibang kwento ng buhay. May kesyo iniwanan ng BF o kaya naman ay ngayon lang nakalaya mula sa poder ng mahigpit na magulang kaya ngayon nagwawala. Minsan naman ay may mga married women na neglected ng mga asawa nila, na sa ganong lugar nakakaramdam na kahit minsan ay naging special sila sa piling ng iba.

Isa ito sa mga paboritong targetin ni Daniel. Sabi nga nya, mas ok na yun at least nakapagpaligaya ka ng malungkot na hot wife kahit isang gabi lang, wala ka pang aalalahanin na maghahabol sayo. Bukod don ay parang nakakataas ng ego na masabihan siya ng mga katagang… "mas masarap kang kumantot sa asawa ko!"

Parang musika para sa kanya ang mga linyang iyon, kaya lalo niyang pinagbubuti ang pagbarurot, sinisiguro niyang mangingisay ito sa sarap. Di niya alintana kahit mas may edad pa ang babae kumpara sa kanya, basta pasok sa pamantayan nya ng hot wife category.

Pero sa pagkakataong ito, natuon ang pansin niya sa isang babae na nakaupo sa bar at napagigitnaan ng dalawang lalaki. Nasa early twenties sa pagkakatantiya niya, isa sa mga iniiwasan nya dahil sa pagiging clingy at pabebe ng mga ganitong edad.

Ngunit isa sa nakatawag ng kanya pansin ay ang dalawang lalakeng nakaupo sa magkabilang gilid ng babae. Halata mo na hindi nya kasama ang mga ito, nagsesenyasan ang dalawang lalaki sa likod ng nakaupong babae na animo'y may pinaplano. Nakita nyang may inabot na bagay na nasa maliit na sisidlan ang isa sa kanila na pinaraan sa likod ng babae.

Di na bago kay Daniel ang sistemang nakikita nya ngayon lalo na sa mga ganitong gimikan. Dagdag pa rito na mukhang nag-iisa ang babaeng kanilang balak gawan ng masama.

Makikita mo din sa babae ang pagkairita sa dalawang kausap at palinga-linga ito na para bang may hinahanap. Dito na lumapit si Daniel sa kanan ng dalaga na ikinahawi ng isang lalaking nakapwesto roon.

"Sorry babe I'm late." wika nito sabay akbay at piga sa kaliwang balikat na ikinagitla ng dalaga.

Pinukol nya ng matalim na tingin ang nahawing lalaki sa kanan at binalingan ng tango na may pagtataboy naman ang isa. Di na umalma pa ang dalawang lalaki dahil sa pagkagulat, bulto din kasi ang katawan ng bagong-dating na binata.

Bakat na bakat ang dibdib at malapad na balikat sa suot nitong itim na long sleeve polo na nakatupi ang mga manggas sa may siko. Maaninag mo dito ang katawang parang di tatablan ng isang suntok. Di na nag-atubili pang umalis ang dalawang magkasama at sila'y iniwan na ng wala nang pagtatalo pa.

"Oh wow! Bago to ah... Ha. Ha. Ha. Am I supposed to thank you now? HA. HA… Ang galing ng palabas nyo'ng tatlo ha, in fairness parang tutuo hahahaha!" sarkastikong pahayag ng dalaga kay Daniel.

Napaangat na mula sa balikat ang kanynag braso at kunot-noong tinitigan lang ng binata ang dalaga matapos marinig ang sinabi nito. Di nya sukat-akalain na magmumukhang scripted ang ginawa niyang pangingialam kanina. Nailing na lang siya sa tinuran ng babae na halata mong nakainom na.

Sa halip na sagutin ang pagbibintang ng dalaga, minabuti na lang ni Daniel na dumistansya at pumwesto sa isang bakanteng upuan at saka sumenyas sa barmaid ng maiinom. Di na din nya tinapunan ng tingin ang babae, na imbis na magpasalamat ay napagbintangan pa siyang kasabwat ng mga nauna.

Nakaupo si Daniel patalikod sa babae, nililibang ang mga mata sa mga magkakaparehang masayang nagkakagulo sa pagsayaw sa dance floor. Nang maya-maya'y may lumapit na isang babae at naupo sa pagitan nila ng babaeng sinagip nya kanina. Tugmang-tugma sa panlasa ni Daniel ang nakatabi. Bukod sa maganda at sexy, napagtanto nyang married woman ito base sa singsing na nasa kaliwa nitong kamay.

"Hi! I suppose you need some company tonight." diretsang pagkakasabi ni Daniel, di nito binibitawan ng titig ng namumungay na mga mata ang babaeng bagong dating.

Ngumiti at akma sanang magsasalita pa lang ang kausap nang bigla na lang sumingit ang nauna sa kanila sa bar, na halos hawiin pa ang nakagitnang babae.

"So ano, ganun na lang? Pagkatapos ng drama mo kanina, lilipat ka naman ng madidiskartehan? Wow! Ang dali mo namang sumuko hahahaha!" sabat nito sa dalawa na kinainis ng bagong dating na babae na kinausap ni Daniel.

"Excuse me nga, kung may away kayo pwede wag niyo ko idamay! Shit!" saka nito pinukol ng masamang tingin ang binata sabay layas nito.

"Alam mo miss kanina ka pa ha, ayaw lang kitang patulan pero sinisira mo na gabi ko. Kung ano man ang problema mo, wala akong pakialam dyan." mababa ang tono ng boses kahit puno ng pagkairita sa babaeng kaharap nya.

Nanatili lang na nakatitig ang babae kay Daniel ng mata sa mata na may bakas ng panunuya ang ngiti. Gayunpaman ay di maikakaila ang taglay na ganda nito lalo na ang malamlam na mata ngunit may halong tapang. Ang kanyang mukha na parang manyika na sinamahan ng perpektong hugis ng ilong at tinernuhan ng mapula at makipot na labi.

"Ang malas naman ng girl na mabibiktima ng palabas nyo na yan, hahaha! Baka pwedeng baguhin nyo naman, gasgas na masyado yan eh. Hahahaha!" dagdag pa nito na halata mong may kadaldalan na nang dahil sa nainom.

Marami na din ang napapalingon sa kanila dahil sa lakas ng pagsasalita ng dalaga. Lahat ay sa kanya nakatingin na para ba siyang manyakis na napurnada ang pinaplano. Sobrang kahihiyan ang naramdaman ni Daniel ng mga sandaling yon.

Wala na siyang balak na patulan pa ang babae kaya't pilit hinanap ng kanyang mga mata ang kaibigan na humiwalay sa kanya kanina nang pumasok sila sa bar. Agad naman niya itong natanaw sa may di kalayuan na may kausap ding babae. Nang magtama ang kanilang mata ay sinenyasan nya itong lumapit ngunit gumanti lang ito ng mwestra na tila nagsasabing mamaya na.

"Sabi ko na eh, kasama mo yung dalawa kanina hahaha! Alam mo gwapo ka sana, kaso ang hina mo naman… kailangan mo pa talaga ng back up?" papuri na may halong panunuya ng babae.

"Ah ganun ba." tanging nasambit ni Daniel sa mga kahihiyan...

About the Author :

Joined: May 4, 2019 (1 year old)
Writings: 17
Male  ·  Offline
Description:
Author of LARAWAN
Co-Author of AGUINALDO by missE
Websites:
23  ·  31  ·  18  ·  12,259
 · 

Comments
Gailoves
July 30, 2020 (2 months ago)

Gusto ko to.. ramdam ko Yong girl.. ayaw nya sa dirty talks. Ahaha

TRY ME!😉

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
July 30, 2020 (2 months ago)

Salamat nagustuhan mo.... feel na feel ba? hahaha

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
beep108
July 30, 2020 (2 months ago)

next na otor
bagong aabangan obra eto kaya next na po

i never know i can write a story till my fingers moves as my brain nuts dictates

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
July 30, 2020 (2 months ago)

Sige Sir agahan ko sunod na update

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Ashflauer
July 30, 2020 (2 months ago)

Mmm. Looks good story, soft lang pero hot! Ty sir paradoxxx

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
July 30, 2020 (2 months ago)

painitin pa natin sa next update miss Ash... thanks

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missbianca
July 30, 2020 (2 months ago)

Author, kakalaba ko lang ng mga panty ko eh.. kailangan ko nanaman maglaba ulit...

asan na ba yung baby ko at madami na siyang labahan? haha 😁

On the serious note, ang ganda ganda ng pagkakalahad mo ng kwento.. parang nagbabasa talaga ako ng pocketbook na ang hirap bitawan.. yung bawat eksena ay nakakapanabik.. salamat sa update.. sana soon na yung susunod.

PS. Pareho kaming may kiliti sa tengga... lakas mo mambitin.. asan na yung kasunod?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
July 30, 2020 (2 months ago)

suds dami ka daw lalabhan hahaha.
hahaha sa batok ako hahaha... lapit na kasunod

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missbianca
July 31, 2020 (2 months ago)

Eh kiliti ko din un.. ssshh.. baka mabasa ng baby ko.. hahaha

Ganda ng pagkakalahad mo ng unang pagkikita nila.. parang sa mga international novels na nababasa ko.. tska dito nagpapasilip ng din ng karakter ni daniel.. kasi kahit na playboy.. iniligtas niya si trisha doon sa dalawang lalaking may masamang balak sa kanya.

Post mo na ung kasunod please?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
AyaRaven
July 30, 2020 (2 months ago)

May bago na naman akong iisipin na character 😂 😂. Umpisa pa lang ramdam ko na magiging magandang erotic story to, hindi nagmamadali sa paggawa ng sex scenes. I like it mild to wild hahaha   pero sana di nakakabitin dba otor? jk napapakislot nako e 😂 😂

Babasahin ko kagad pag napost na chapter 3. Ihahanda ko na si baby greg at dalawang pamunas (daw)

Thanks Para sa magandang update 😊😊😊

Sticks and stones may break my bones but chains and whips excite me.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
paradoxxxx
July 30, 2020 (2 months ago)

Dami na ng boys mo ah? Si Dennis, Greg at Daniel! hahaha
Yup dalawa dapat pamunas ha at magkaiba pupunasan promise hihi...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE
July 30, 2020 (2 months ago)

*slow clap* 👏👏👏 Grabe ka for a first timer sa pagsusulat. Sayang talaga sir, sabi sayo dapat noon pa eh!

Kapit lang guys ha, mas matindi pa lalo sa Part 3. Ladies, magdiaper mga sis😉

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
paradoxxxx
July 30, 2020 (2 months ago)

*Bow *bow hahaha...
Mas madali nga pala mag co-author ng Aguinaldo kesa magsulat. huhuhu
Napasubooo akooodito sa Larawaaan!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jerikho
July 30, 2020 (2 months ago)

At kasabay ng biglang pagtayo ng misteryosang babae ay siya namang paglambot ni dayunyor...it's a tie between the taxi driver and I... #Blueballs feels😅

          At muli ninyo kaming pinasaya sa kakaibang gilas nyo sa pagsusulat, Pareng Paradoxx at Sis E- ang bagong "Writing-in-Tandem" ng mundo ng **erotica. 👍

Retiradong Playboy...pwedeng TUMINGIN pero never ang TUMIKIM 😉

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
July 30, 2020 (2 months ago)

badtrip si manong no? haha... sige pareng Jerik next post tuloy na tiisin mo muna hanggat di na popost.. lol

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Archer14
July 30, 2020 (2 months ago)

Saang banda ba makikita dito pagiging newbie mo Sir Paradox? Kanina ko pa hinahanap pero hindi ko matagpuan.

Hindi tipikal story na kadalasang nababasa sa mga ganitong site pero ganun pa man humahatak ito ng atensyon sa mga nagbabasa.  Nakakaaliw at nakakakilig ang umpisa ng pagkakakilala ng dalawang bida. Maging ang sagutan nila at palitan ng linya ay kinagiliwan ko. Naalala ko ang kwento ng buhay pag ibig ng ating mga lolo at lola na hindi magkasundo sa umpisa pero kalaunan ay pinatunayang ang katotohanan ng salitang forever. Ganito rin kaya ang guhit ng kapalarannila Daniel at Trisha?

Lalmot sa likod at sugat sa sulok ng mga labi... Sa next chapter na kaya masasagot kung saan nagmula? Salamat Sir Paradox sa kwentong iyong ibinahagi. Kwentong tiyak na aabangan at kagigiliwan ng marami.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
July 30, 2020 (2 months ago)

lahat ng makikita sa Larawan pre may kaugnayan sa kwento kaya talas ng mata lang kailangan hahaha... salamat ulit

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M4har0t.4ko
July 30, 2020 (2 months ago)

From the beginning to the 2nd chapter prang nagbbsa ako ng mga pocketbook na ayaw kong bitawan. Thanks for the update Author.. Aabangan ko to!!!😉

“A pretty FACE is nothing if you have an ugly HEART.” ❤️

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
July 30, 2020 (2 months ago)

Hahaha wag mo bitawan! Next chapter Maha coming up this weekend... salamat

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
psuedo_mind
July 30, 2020 (2 months ago)

Maiinit na eksenang malinaw na nasusundan. Mga damdamin at ka-isipan na nasisilayan!

Tayo ngayo'y mga testigo sa isang paglalakbay ng dalawang tao na walang duda ng magka iba ang mga karanasan at kalagayan sa buhay ngunit may mga pagkakapareha sa diwa at hangarin.

Salamat sir paradoxxx at sa wakas ay binibiyayaan mo na kami ng iyong talento!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
July 30, 2020 (2 months ago)

Hirap naman replyan ng comment mo suds😅... salamat na lang ulit haha..

Ps: marami ka na daw labahin sabi ni missB😆😆

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
psuedo_mind
July 30, 2020 (2 months ago)

Oo nga daw 😅😅😅

Buti sanay akong mag labas 🤣🤣🤣

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
psuedo_mind
July 30, 2020 (2 months ago)

***Maglaba Maglaba hahahaha

Like (2)  ·  Report
missE
July 31, 2020 (2 months ago)

Weh, typo ba talaga yung maglabas pseuds?🤔 Parang hindi naman eh🤣🤣🤣

Oh missbi lam mo na sis, sanay daw maglabas😁

Like (1)  ·  Report
missbianca
July 31, 2020 (2 months ago)

Halika na baby.. tulungan na kita maglabas...

Like (0)  ·  Report
L
Linnaeus
July 31, 2020 (2 months ago)

Sarap basahin pero lakas mambitin sir.
Anjan na eh biglang  naudlot. 😂
Galing maglahad ng story sir. Kaka excite yung susunod. Next update please.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
paradoxxxx
July 31, 2020 (2 months ago)

Bitin ba? Cge po sa next chap sagad na natin.... yung bitin😆

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Aphrodite101
July 31, 2020 (2 months ago)

Dear Author, Im a fan na. Pasend ng autograph please!!!!

I like how the story unfolds. Part one and two walang kupas sa pagpapakilig yieee. Part two umiinit na eksena na. Unti unting nagkakaporma na ang mga sketches sa sinusulat. Unti unting nasisiwalat ang mga nangyari nung gabing yun. Tunay na kaabang abang na istorya. Mas kaabang abang ang mga susunod na mga kabanata. Ano gagawin ng mga tauhan sa kwento. Yiieeee.. (gulong gulong sa bed shanghai lumpia sa kumot sa kilig!!!)

Malupet ka sa cliff hangers otor. Kakabitin 😂

Pero aabangan ko hanggang katapusan to otor.

Your fan,
Aphrodite101

The best eraser in the world is a good night's sleep. ~ OA Battista

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx
August 1, 2020 (2 months ago)

Hahahah... bitin comments ulit😅 sige next post sana di na kayo mabitin😅

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Rockefeller
August 1, 2020 (2 months ago)

Wow, bangis

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
Kopiko
August 2, 2020 (2 months ago)

Nice

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Latest Writings
Recent Comments