M
E
N
U

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan - Chapter 37 - That Night - Part 1

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags:
Date: July 17, 2020 (22 days ago)


Chapter 37

Bago sumapit ang gabing pinakahihintay ni Brandon ay nakagayak na siya ng maaga. Muli niyang sinipat ang sarili sa harap ng salamin at pinagmasdan ang makisig niyang repleksyon. Sa kanyang mukha ay mababanaag ang kabang namamahay sa kanyang dibdib. Dahil sa isang pagpapasya na alam niyang magiging simula para mapasakanya ang dalagang minamahal. Ngunit ang kapalit ng pagpapasyang iyon ay ang maaaring patuloy na paglayo naman ng damdamin nito sa kanya. Huminga siya ng malalim, kinuha ang isang maliit na kahon at ibinulsa, at saka siya lumabas ng kanyang kwarto.

Nagpaalam si Brandon sa mga magulang at sinabing magkita na lamang sila sa pagdarausan ng kasiyahan. Sa gabing ito ay kailangang naroon si Lance, ang kanyang matalik na kaibigan. Alam naman niyang maaaring hindi niya ito mapilit na sumama dahil sa kasalukuyan nitong sitwasyon. Ngunit sa gabing ito na maituturing niyang natatanging sandali ng kanyang kasiyahan at kalungkutan ay nais niyang may isang tao na nakakaunawa sa tunay niyang nararamdaman.

Bago pa sumapit ang alas-sais ng hapon ay nasa harap na ng bahay ni Lance ang kaibigan niyang si Brandon.

Nakahiga sa kanyang kama si Lance at malalim siyang nag-iisip. Laman ng kanyang isipan ang relasyon ni Dan sa iniibig niyang si Angela. Hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na ang isang tulad lamang ni Dan ang nagmamay-ari sa puso at katawan ng dalaga. Ang tanging lalakeng may karapatang halikan at angkinin si Angela. Nakuyom ni Lance ang kanyang mga palad. Kailangan niyang gumawa ng paraan upang mapaghiwalay ang dalawa ng hindi nalalaman ni Angela.

Natigil sa pag-iisip si Lance ng makarinig siya ng mga katok sa may pinto.

("tok" "tok" "tok")

Ayaw sana niya itong tugunin ngunit ng marinig ang pagtawag ni Brandon ay inalis niya sa isipan ang magkasintahan. "Lance, it's me..." Narito si Brandon at may ideya siya kung ano ang dahilan.

Bumangon si Lance mula sa kanyang kama at pinagbuksan ng pinto ang kaibigan. Napilitang ngumiti ni Lance ng makita ang nakagayak na si Brandon, iba ang bihis nito ngayon. Talagang pinaghandaan ng kaibigan ang espesyal na gabing ito. Pinatuloy niya si Brandon sa loob ng kanyang kwarto at muling isinara ang pinto. Binuksan naman ni Brandon ang pinto sa kabilang parte ng kwarto ni Lance at nagtungo sa may terrace. Mula sa isang magandang istante ay kumuha ng isang bote ng alak si Lance at dalawang baso, saka siya sumunod kay Brandon sa may labas ng kanyang kwarto.

Inilapag ni Lance ang dalawang baso sa lamesa, nagsalin ng alak sa mga ito at saka umupo sa isa sa bakanteng upuan. Nakatingin siya sa kaibigang nakatanaw sa labas.

"Brandon, you know my situation, hindi ako makakapunta kahit gusto ko." si Lance saka nagsimulang uminom ng kaunti.

Mula sa pagtanaw sa labas ay lumapit si Brandon sa lamesa at naupo sa bakanteng upuan. Kinuha ang isang baso at saka sinabayan sa pag-inom kaibigan.

"Espesyal sa akin ang gabing ito Lance, so I want you to be there regardless of your circumstances."

Napangiti naman si Lance sa sinabi ng kaibigan, ngunit nalungkot din, dahil kailangan niyang umiwas sa pamilya ni Angela na alam niyang hindi matutuwa kapag nakita siya.

"Kapag nagpunta ako, at naroon ang family ni Angela, it would upset them. Especially Angela, if she decided to come." ang napailing na lang na si Lance.

"Hindi mo na kailangang itago ang sarili mo sa kanila, you already admit na nagkamali ka. You already apologized and pay the price, ano pang kulang Lance? Get out there, show them na you're still a man worthy of Angela sa kabila ng lahat. Hindi yung lulunurin mo ang sarili mo sa alak na parang talunan. You're wrong, but you only did that because you loves her so much. You still have a chance Lance, but you must do it this time the right way." ang madiing paliwanag ni Brandon sa kaibigan, dapat ng makalaya si Lance sa kalungkutang kinakukulungan nito ngayon.

Natahimik lang si Lance at pinag-iisip ang mga sinabi ni Brandon, muling nagpatuloy si Brandon, sa talagang dahilan ng kanyang pagpunta sa bahay ng kaibigan.

"Remember what I told you, that I want you to meet Christine. This is that moment Lance, and I want you to be there. She is not happy about what's gonna happen tonight and you know that. But I really loves her, so I stop caring anymore. She will be mine, soon, and tonight is the start." ang determinadong sabi ni Brandon bagaman halata ang lungkot nasa kanyang mukha. Dahil ang dalagang minamahal niya ay alam naman niyang may minamahal na iba.

Sa isip ni Lance ay halos magkatulad ang sitwasyon nila ni Brandon. Sapilitan nilang nais na makuha ang mga dalagang minamahal nila. Ang pagkakamali lang niya ay sa dahas ang naisip niyang paraan.

"Brandon, alam mo ang ginawa kong kasalanan kay Angela na labis kong pinagsisisihan ngayon. And what you're about to do is something similar to that. Forcing her sa situation na alam mong hindi niya gusto. Sigurado ka ba Brandon? Na sa ganito mo nais na magsimula ang realationship nyong dalawa?"

Napayuko naman si Brandon dahil sa pagkapahiya sa sarili. Katotohanan naman ang sinabi ng kaibigan, dahil talagang labis ang kanyang pananabik kay Christine kaya siya gumawa ng ganitong hakbang. Kinuha niya ang munting kahon mula sa bulsa at ipinatong iyon sa lamesa.

"It is the only way Lance, alam kong nagiging duwag ako. Dahil hindi ko kayang harapin ng patas kung sino man ang lalakeng nasa puso ni Christine ngayon. But I still believe Lance, na she will know my real worth and how much I cares and loves her kapag may official relationship na kaming dalawa at nasa ilalim na ng isang kasunduan."

"I hope you're right about this Brandon. Ayaw kong makitang maulit sayo ang nangyari sa akin." si Lance na ipinagpatuloy ang pag-inom.

Malalim na napabuntunghininga na lang si Brandon, nag-angat ng paningin at tumingin sa kaibigan.

"So, are you coming to witness it? The moment where everything changes between me and her."

Saglit na nag-isip si Lance, gusto din naman niyang magpunta talaga upang makilala ang magiging fiance ni Brandon. Ngunit nag-aalangan naman siyang baka naroon si Angela at ang mga magulang ng dalaga.

"Since you insist, at talagang sobrang curious ako kay Christine , I'll go, okay?" ang sabi ni Lance, nag-aalangan talaga sa gagawing pagpunta sa pagdiriwang ngunit nais niyang paunlakan ang paanyaya ng kaibigan, na makilala niya ang dalagang iniibig nito.

"Thank you Lance. I really need you to be there ngayong gabi. It means a lot kapag alam kong nandoon ka."

Isang ngiti ang muling ibinigay ni Lance sa kaibigan, "Let's empty our glass first", ang naiiling na lang sabi niya kay Brandon.

Pagkatapos na mag-ayos ni Lance ng sarili ay lumabas na sila ni Brandon sa kwarto. Naroon ng nakagayak ang mga magulang at bunsong kapatid ni Lance na si Camille. Lumapit si Lance sa mga magulang habang nasa likod naman niya si Brandon.

"Dad, Mom, I know that I have to stay put, but I really want to come. Tonight is something to enjoy, so please, hayaan nyo akong pumunta."

Nilapitan naman si Lance ng kanyang ina at inayos ng bahagya ang kwelyo ng suot nitong damit.

"Of course Lance, you can come with us." ang nakangiting sabi ng kanyang ina.

Ngayon ay sa kanyang ama naman nakatingin si Lance, kinakabahan sa maaaring pagtutol nito.

"Do you really want come Lance?" ang nag-aalangang tanong ng kanyang ama.

"Yes Dad, only if you'll allow it."

"You're presence there will make some people uncomfortable. Are you still sure na gusto mong pumunta?" ang muling tanong ng kanyang ama.

Alam naman ni Lance ang nais iparating sa kanya ng kanyang ama. Ngunit buo na ang kanyang pasya, kailangan niyang magpunta upang mapagbigyan ang kaibigan.

"Yes Dad, I really want to go... I have to be there tonight."

Nakakaunawang tumango sa kanya ang ama at saka tumingin sa kaibigan niyang si Brandon.

"Just remember Lance, it is not the right time to meet with them. But Anton and Alice are both reasonable people, we are longtime friends at hindi sila ang uri na magsisimula ng kahihiyan sa mga ganitong okasyon. Just maintain your distance to them, but if they come at you to said some hurtful words, bear with it, you know it's your fault Lance." ang paalala ng kanyang ama. Dahil tiyak na hindi naman makakaiwas si Lance sa paningin ng mag-asawang sina Anton at Alice.

"I know Dad, kahit na anong sabihin nila ay tatanggapin ko na lang. It's entirely my fault and I have no excuse." ang malungkot na sagot na lang ni Lance, kinakabahan din naman siya sa muli niyang pakikipagkita sa pamilya ni Angela.

"But rest assured son, I'll try to patch things up with Anton. Have patience, you and Angela are both still young. I have a feeling na Anton still likes you para kay Angela. You still have a chance Lance, you already learned your lessoned. Kailangan mo lang maghintay ng tamang pagkakataon." ang nakangiting sabi ng kanyang ama na labis namang ikinatuwa ni Lance.

Lumapit si Lance sa ama at niyakap ito, muling nawala ang pader sa pagitan nila.

"Thanks Dad, you're the best talaga." ang masayang sabi ni Lance.

Nakangiting nakatingin lang naman si Brandon at ang ina ni Lance sa mag-ama. Natutuwa silang muling nagkaayos ang dalawa. Nang makarating na sila sa lugar na pagdarausan ay magkakatabing pumarada ang kanilang mga sasakyan. Nauna ng lumakad ang mga magulang ni Lance kasabay ng bunso niyang kapatid.

"Let's get inside, it's not my first time here so I know the place. Maganda ang lugar na ito Lance, there is beautiful garden here where I want to bring Christine later tonight." ang masiglang sabi ni Brandon.

"Well, may time pa naman tayo, so, show me the place."

At masayang nagtungo na ang dalawa sa loob at pinuntahan ang garden na sinasabi ni Brandon. Ang kay Brandon ay magkahalong kaba at pananabik sa lahat ng mangyayari sa gabing ito. Ang kay Lance naman kahit na siya ay nakangiti ay naroon ang hindi maipakitang lungkot sa kaibigan. Sa puso niya ay naroon ang masidhing pagnanais na makasama din si Angela sa mga ganitong pagdiriwang.

Sa isang maliwanag na garden na puno ng mga magagandang halaman at bulaklak silang dalawa nagpunta. Ang mga magkakahiwalay na ilaw sa mga nakatayong munting poste ay ang nagbibigay liwanag sa garden na iyon kahit latag na ang dilim.

"It's a very romantic place Brandon, tiyak kong magugustuhan ni Christine ang lugar na ito." ang nakangiting si Lance.

"I know, that's why before the party ends tonight. I will bring her here."

Sa damdamin ni Brandon ay naroon ang alinlangan dahil sa alam niyang pagtutol ni Christine sa mangyayari ngayong gabi. Ngunit sa kabila ng alinlangang iyon ay naroon ang isang munting kaligayahan dahil sa magiging simula ng bagong relasyon nilang dalawa.

*****

Sa isang malaki at napakarangyang tahanan ay malinaw na nakikita ang liwanag na nagmumula dito mula sa labas. Maraming sasakyan ang nakaparada sa harapan nito dahil sa pagtitipong magaganap ngayong gabi. Isang pagtitipon na para lamang sa mga matataas na tao sa lipunan, sa mga taong tinitingala at pinagsisilbihan ng iba.

Malapit ng mag alas-syete na ng gabi ng dumating ang mag-asawang sina Anton at Alice sa pagdiriwang. Maagap na lumabas si Mang Lando upang pagbuksan ng pinto ang mag-asawa. Nang nakalabas na si Anton ay masuyo niyang hinawakan ang kamay ni Alice at inalalayan itong makalabas ng sasakyan. Pagkatapos isara ang pinto ay magalang na yumukod na si Mang Lando sa mag-asawa at bumalik na sa loob ng sasakyan. Magkahawak kamay namang nagtuloy na sa loob sina Anton at Alice.

Pagdating ng mag-asawa sa loob ay binati sila ng mga tagasilbi at may isang sumama sa kanila upang igawi sila sa kanilang lamesa. Habang naglalakad ay napansin nina Anton at Alice ang mga magulang ni Lance. Tumayo ang mga magulang ni Lance at nagsimulang lumapit sa kanilang mag-asawa kaya tumigil sila sa kanilang paglalakad. Inutusan ni Anton ang tagasilbi na mauna na sa kanilang lamesa at susunod na lang silang mag-asawa.

Nang magkakaharap na sila ay kaswal lamang silang nagkamustahan. At saka nagpasya si Anton na kausapin ng sarilinan ang ama ni Lance.

"Hon, mauna ka na sa table natin. I'll be there shortly." ang mahinang sabi ni Anton, at saka banayad na humalik sa pisngi ni Alice.

Ngumiti naman si Alice sa asawa.

"Go ahead Anton and take your time. Don't worry about me."

Gumanti ng ngiti si Anton sa asawa at saka muling hinarap ang ama ni Lance.

"Shall we?" si Anton sabay lahad ng kamay sa isang direksyong walang masyadong tao.

Nang nakalayo na ang kani-kanilang mga asawa ay saka nagsimula ang ina ni Lance. Bakas sa mukha nito ang pagkailang sa harap ni Alice. Dati ay masaya silang nakakapag-usap at itinuturing ang bawat isa na malapit na kaibigan. Kaibigang kadamay sa bawat suliranin sa pamilya at kasama bawat kasiyahang naroon silang dalawa. Ngunit ang lahat ay nagbago dahil sa isang maling desisyon na ginawa ng kanyang anak.

"A-Alice, how is Angela?" ang tapat na pag-aalala ay nasa tinig ng ina ni Lance, hindi na din naman iba sa kanya si Angela na malaon na niyang itinuring na anak dahil sa pag-ibig ni Lance sa dalaga.

"She's fine, but she needs rest and time to recover. Alam mo naman ang sinapit ni Angela sa kamay ni Lance." ang madiin na sabi ni Alice, wala namang kasalanan ang mga magulang ni Lance ngunit bilang ina ay hindi madali sa kanya ang muling makipagpalagayan ng loob sa mga magulang ng binata. Kahit pa ang ina ni Lance ay itinuturing niyang matalik na kaibigan. Dahil muling bumabalik sa kanyang isipan ang ayos at panginginig ng anak ng makita niya ito, na hanggang ngayon ay nagbibigay ng galit sa kanyang dibdib kapag naaalala niya.

Dahil hindi naman nalingid sa ina ni Lance ang naroon pa ding galit ni Alice ay napilitan siyang lalong magpakumbaba. Ang anak niya may kasalanan at alam niyang hindi madali para sa pamilya ni Alice ang makalimutan ang ngyari.

"I'm terribly sorry about what happened Alice."

"It's not yor fault, at alam ko yun. Ngunit ina ka din na tulad na ko, and I know that you understand. It's not easy for us to just forgive and forget. Especially para kay Angela, who is still suffering some trauma dahil sa ngyari."

"I know that Alice, and I can only imagine how hard it is para sayo, lalo na kayAngela. Alam kong wala akong masasabing makakapagpagaan sa ginawang kasalanan ni Lance. It's just that, he loves Angela so much, hanggang ngayon Alice ay hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kanya para gawin iyon." ang malungkot na patuloy ng ina ni Lance.

"Walang kahit na anong dahilan ang maaaring mag-justify sa ginawa ni Lance kay Angela. Regardless of the reason, that's not love, that's only cruelty. What he did to Angela is very painful to us. Because we entrusted our only daughter to your son, not knowing he is capable of such hideous act." ang galit ngunit mahinang sabi ni Alice, walang pakialam sa pagpapakumbaba ng kausap. Nag-iisa niyang anak si Angela na kanyang minamahal at iniingatan, kaya sadyang hindi madali para sa kanya ang magpatawad.

Natigilan naman ang ina ni Lance, hindi naman niya masisisi si Alice kung bakit ganito ito ngayon. Napakalaki ng tiwala ng mag-asawa sa kanilang anak na si Lance, kaya tiyak na napakasakit para kina Anton at Alice ang nangyari. Umaasa na lamang siyang sa tulong ng panahon ay maghilom agad ang sugat na nasa puso ng mag-asawa at ng kanilang nag-iisang anak. Nalulungkot din naman sila ngyari, lalo't araw-araw niyang nakikita ang paghihirap ng kalooban ni Lance na palaging alak ang kasama pagkatapos manggaling sa eskwela.

"I'm really sorry Alice... B-But.. But Lance is also suffering right now. Hindi na siya katulad ng dati ng Alice, naaawa na din ako kay Lance." ang malungkot na sabi ng ina ni Lance, ngayon ay luha ay sulok ng kanyang mga mata. Kapwa nahihirapan naman talaga ang kanilang pamilya dahil sa nangyari.

Matiim na tinitigan ni Alice ang kaharap.

"He is suffering? That's good to hear. Just tell your son to forget about my daughter, hindi siya ang tamang lalake para kay Angela." sinabi ito ni Alice upang malaman ng ina na Lance na hindi na niya tanggap si Lance para kay Angela. Kung ano man ang pinagdadaanan ni Lance ngayon ay hindi na mahalaga. Alam niyang lalong masasaktan ang kaharap ngunit kailangan niyang maging matapat alang-alang sa kanyang anak. Dahil si Dan ang kaligayahan at kailangan ni Angela, kung ano ang makakapagpasaya sa anak ay naroon din ang kanyang pagpapasya.

Malungkot na lamang napangiti ang ina ni Lance at saka tuluyan na itong napaluha. Ngayon ay nalaman niyang mahihirapan ng lalo ang anak na mapalapit sa dalagang iniibig nito talaga. Kinuha niya ang panyo mula sa kanyang dalang lagayan at nagpahid ng luha sa kanyang mga mukha.

Nakaramdam naman ng habag si Alice sa kaharap, ngunit ang kanyang pasya ay buo na. Hindi niya hahayaan si Angela na malagay sa kalungkutan at pagdurusa. Hinawakan ni Alice ang kamay ng ina ni Lance at saka malungkot na ngumiti dito.

"I'm sorry, it's not my intention to makes you feel bad or to ruin this evening for you. Nagsasabi lang ako sayo ng totoo kong nararamdaman."

Tumango naman ang ina ni Lance at saka muling pilit na ngumiti. Nakaramdam ng kaunting gaan sa dibdib dahil sa paghawak ni Alice sa kanyang kamay.

"It's alright Alice, I understand. But I'm still hoping na dumating ang araw na makabalik tayo sa dati. I like you Alice, you know that, iilan lang ang totoo kong kaibigan at isa ka doon." at saka ito muling ngumiti ng buong katapatan kay Alice, kasama sa ngiting iyon ang kanilang tapat na pagiging magkaibigan sa loob ng napakaraming taon.

Dahil sa nakikita ay nakaramdam din naman ng lungkot si Alice, matagal na niyang kaibigan ang ina ni Lance. At ang kasalanan ng anak ay hindi kasalanan ng magulang.

"I'm not sure kung darating pa ang araw na iyon. But I want you to know, hindi ako nagdaramdam sayo, and I still consider you a friend. Ngunit sinaktan ni Lance ang pamilya ko. That is the truth that will never change."

"Since you still consider me a friend. Please Alice. Can't you find it in your heart na patawarin mo na si Lance."

Hindi naman makakuha ng tamang sasabihin si Alice, darating ang araw na mapapatawad din naman niya si Lance. Ngunit hindi na niya matatanggap pa ang binata para sa kanyang anak na si Angela.

"I have to go, kanina pa may naghihintay sa table namin." ang paalam na ni Alice sa kaharap, hindi niya nais na sagutin ang pakiusap nito. Hindi pa ngayon ang tamang panahon.

Saglit lang silang nagkatinginan, banayad na pinisil ni Alice ang kamay ng ina ni Lance. At saka siya lumakad na papunta sa table nilang mag-asawa. Hindi niya alam kung muling darating ang panahon na muli niyang makakapalagayan ng loob ang kaibigan. Iisa lang ang natitiyak niya, si Angela ang magpapasya kung saan ito magiging masaya. At magkasama silang mag-ina na haharapin ang lahat, maging ang mundo ay kalaban man nila.

*****

Nasa isang tahimik at medyo madilim na lugar naman si Anton at ang ama ni Lance. Iisa ang laman ng kanilang isipan, kung paano aayusin ang problemang ginawa ni Lance. Nang huli silang mag-usap ay kapwa may galit sa kanilang dibdib at kapwa nila inilabas ang mga iyon sa binata. Ngunit kahit na hindi pa din maganda ang pakiramdam ni Anton sa nangyari ay kailangan niyang makipag-usap ng maayos sa ama ni Lance para sa kinabukasan...

About the Author :

Joined: April 21, 2020 (3 months old)
Writings: 54
Male  ·  Online
Description:
I'm a writer who tells stories about love, lust and life lesson.

In my real life, I have a lots of regrets and painful decisions, and I live in my cold and lonely world. So I create different worlds, where my imagination can run wild and be as vivid as I want it to be , where desires and fantasies happens.

These are my worlds, and I am The Master.

Author of:

Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan
Ako Si Diana
Wedding Anniversary
Websites: Signature Text:
These are my worlds, and I am the Master.
45  ·  105  ·  45  ·  5,129
 · 

Comments
K
Kunimitsu00
July 17, 2020 (22 days ago)

Thanks sa update...comment muna bago basa hahaha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 17, 2020 (22 days ago)

Thanks, sa tingin ko ay aabot tayo ng 40 to 41 chapters. Maaaring lumagpas pa siguro pero hindi na napakalayo.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
K
Kunimitsu00
July 17, 2020 (22 days ago)

Malapit n pla ang ending salamat idol sa magandang story waiting ulit kami sa next chapter 😁

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

yes sir, malapit na tayo sa ending ng series na ito, salamat sa paghihintay

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
Jhong54321
July 19, 2020 (21 days ago)

sir, umabot pa ng ilang chapters, ok lang.. hindi nakakabagot, kapana-panabik pa nga ang bawat kabanata. kaabang-abang.. keep it up, bro..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 19, 2020 (21 days ago)

Thanks,  sa kahit na anong wakas ang aking ibigay sa story ni Dan. Sana sa kabuuan ay nabigyan ko kayo ng kasiyahan.

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
L
lonereadervc
July 17, 2020 (22 days ago)

Thanks sa update, tagal ding naghintay.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

salamat din, baka mas maaga na yung susunod

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
bog_mali69
July 17, 2020 (22 days ago)

yun may update na si otor, sana sunod-sunod na, salamat

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

patuloy lang tayo sir

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
beep108
July 17, 2020 (22 days ago)

thank you sa update otor...God bless you

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

thanks din at Godbless sayo

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
diegomadara
July 17, 2020 (22 days ago)

Salamat master van,,, keep the faith!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
diegomadara
July 17, 2020 (22 days ago)

Salamat master van..... keep the faith!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

salamat din sir, yeah i'm keeping it

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
G
ge14507
July 17, 2020 (22 days ago)

Nice work author. Inaabangan ko talaga to!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

thanks, keep wait lang sa susunod na update, mas mabilis na siguro, malapit na naman tayo sa ending

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
charles2700
July 17, 2020 (22 days ago)

Salamat sa update sir.....Just remember na handa kaming mag antay sa update mo you need time din makaprag isip ng tama para maganda ang pagkalatag ng storya...Be strong always and don't loss hope andyan pa anak mo na need talaga ng kalinga at love mo specially this difficult times... God bless you...I'm exited na sa part 2.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

thanks, talagang nahiirapan me sa pagsusulat ngayon pero kailangang matapos ang story ni Dan  bago sana ako makauwi, Godbless

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
SisigAdobo
July 17, 2020 (22 days ago)

lodi nabitin ako😭 putragis kasi tatay ni angela bakit salapi iniisip di talaga patas ang buhay ng tao langit at lupa pag iba talaga kinalakihan nagmamataas na realtalk haaay

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

ganun naman talaga sir, lalo na kapag mayayaman, kadalasan yung mga yung financial ang priority, sana matauhan din si anton

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Benz2566
July 17, 2020 (22 days ago)

Thank you sa Update sir van ...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

thank you din sir sa patuloy na paghihintay

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
3
3boyskids
July 17, 2020 (22 days ago)

Hahaha comment first before read...anyway thanks for the update sir idol....malapit nb unos ng ating bida sir idol?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

thanks sa paghihintay, isa na lng , last na yun, pagkatapos nun, malalaman na natin kung ano ang kapalaran nilang tatlo

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kuatog
July 17, 2020 (22 days ago)

At last grabe bilid ng update...salamat sir author ..kahit medyo natagalan...😁😁😁

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

salamat din sir, sana mapabilis ko yung kasunod, lapit na naman tayo sa wakas

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jovencio
July 17, 2020 (22 days ago)

Boss kakaiba ka talaga!ida ka ng alamat dito..salamat sa update...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

salamat sir, malayo pa ako sa pagiging alamat , pero salamat ^^

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jovencio
July 17, 2020 (22 days ago)

Buhay na alamat...kakaiba ka master!despite of the problems na nararanasan mo ay nakakaya mo pang gumawa bg ganitong mga obra..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

salamat ulit sir, kailangang matapos natin dahil ang bawat simula ay may katapusan, at kailangan kong tuparin ang nabitawan kong pangako sa inyo, nabibigyan ko ng wakas ang story ni Dan

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
blacksun20
July 17, 2020 (22 days ago)

Salamat sa update master basta stay strong master at dasal lang magiging maayos din ang lahat. Godbless.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

salamat din sir, ganun naman talaga, stay strong, have faith and keep moving on

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
July 17, 2020 (22 days ago)

in love na yata ako kay Alice, aagawin kita kay Anton. hahaha. gujab sa update!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

ramdam ni alice si dan dahil sa halos pareho nilang pinagmulan, alm mo nmn sir kung gaano kahaba yung chapter na ito kaya  napilitan akong pailtan ng  title at hatiin sa ilang bahagi, pero hindi ko tiyak kung maagaw mo si alice kay anton, love din naman talaga ni alice ang asawa niya

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
July 18, 2020 (22 days ago)

ang batang marian dela riva or hilda koronel ang naiisip kong akma sa karakter ni Alice. hehe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

pwede, akma talaga, pwede din si Cristina Gonzales o Gretchen Barreto.

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
B
bog_mali69
July 18, 2020 (22 days ago)

ganda talaga otor, ano kaya mangyayari ngayong gabi,

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

nagsimula na ang mga pangyayari ngayong gabi, magpapatuloy na lang sa susunod pa hanggang sa marating natin ang wakas

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Jhon_eyecatcher
July 18, 2020 (22 days ago)

Great job to continue to write even so many struggling came in your life be strong young man everything will be fine in God will don't force yourself okay you need to focus also to your own life...... always take care

Bangis76!!!!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

thanks kua jhon, kailangan kasi ipagpatuloy, dahil ang story ni dan ay deserving sa isang wakas, take nmn ako ng rest , pero kahit nahihirapan , need na mag type at mag isip, ayaw kong abutin ng tagal ang pagbibigay ng wakas sa story ni dan

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Mants
July 18, 2020 (22 days ago)

Ayun may update na thanks sir van.

Ang bait naman tlaga ni tita alice sino nga ba ang makakaunawa sa kalagayan ni dan kundi rin si tita alice. Hopefully maipag laban niya si dan kay anton at tigilan na ni anton ai dan.

Sino nga ba ang masasaktan sa event na ito? Ang taong umasang mapasaknya ang babaeng minamahal ngunit hindi ang puso nito?, sa lalaking nagmamay ari sa puso ng dalaga ngunit hadlang ang kapalaran?, o sa babaeng iba ang minamahal ngunit ipinagkasundo lamang nila ito? Sa buhay ng tao dalawa lagi ang choices either yes or no, stay or leave and so on... Nasa kamay ng tao if ano man ang kapalaran na gustong tahakin sa buhay.

Take care always sir van, stay healthy and Godbless!

Team Angela hanggang sa wakas

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

thanks sa paghihintay sir mants

si alice ay halos katulad ni dan ng pinagmulan, kaya ramdam niya ang sitwasyon ng binata, at sa tingin ko naman ay kaya niyang ipaglaban si dan alang-alang kay angela

may masasaktan sa gabing ito na malalalaman natin sa susunod na chapter, ang kung ano man ang mangyayari sa gabing ito ang siyang magiging daan sa huling pagsubok nilang tatlo

take care din sir and Godbless sayo

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Mants
July 18, 2020 (22 days ago)

Sabagay ganun talga ang ina mas soft ang puso kumapra sa haligi ng tahanan. Ano man ang kapalaran na nahhihintay sa ating mga bida ay nasa mga kamay mo na sir... And siyempre swerte rin tayo pag ang mga in laws kasundo natin sa totoong buhay ^^

Kahit mejo natagalan mrami parin views at mga reactions isang patunay lang na maganda ang storya ni Dan. Again maraming salamat po sainyo sir and more power.

Team Angela

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

thank you sir mants, sana ang ang ending ng story ni dan ay maging katangap-tanggap sa lahat, may ilan sa inyong tama ang nasa isip na ayon sa wakas na gusto ko

magkaganun pa man, sana ang kabuuan ng story ni dan ay naging daan ng kasiyahan ninyong lahat sa bawat araw ng inyong pagbabasa lalo na sa panahon ngayon kung saan ang mga tao ay mas madalas na nasa bahay

salamat

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
AIPATCHI
July 18, 2020 (22 days ago)

Polygamy na lang plss gusto ko si christine at angela para kay dan.kailangan may magout kila christine at angela para masaya lol

AIPATCHI

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

medyo nalilito ako dito sa totoo lang, ano ba talaga , dalawa ang dapat kay dan o isa lang ^^

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Mants
July 18, 2020 (22 days ago)

Kahit gaano pa karami mga  babaeng nakasama natin sa buhay again isa lang ang ihaharap natin sa altar. Meron masasaktan at liligaya. As time goes by maghihilom din ang mga sugat na likha ng pait ng kapalaran. Insights lang naman po ito.

Pero nasainyo na sir van kung ano ang naiisip mong pwedeng maging wakas sa buhay ni Dan.

Team Angela

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

tingnan natin sir, ang sagot naman sa tanong na yan ay nasa wakas ng story ni Dan, hindi ko alam ang magiging reaksyon ng lahat sa wakas na pinili ko, pero ang ending na nsa isip ko ay katulad ng ending na nasa isip na maaaring naglalaro sa isipan ninyo

These are my worlds, and I am the Master.

Like (1)  ·  Report
S
Samsam0705
July 18, 2020 (22 days ago)

Wow

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

wow talaga !

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
bastardo_31
July 18, 2020 (22 days ago)

Maraming salamat Tita Alice!!! Eto na...this chapter is the proverbial "the calm before the storm". Buckle up co-readers, we are in for an irreversible chain of events from this point on. Maraming salamat Sir Van_TheMaster! You're one of the best storytellers here.

Team #DanGela hanggang sa huli.😁

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

thank u sa wonderful insight, talagang pagkatapos ng gabing ito ay walang ng balikan pa, may pagbabagong magaganap sa gabing ito sa nararamdaman ng ilan sa kanila, at ang pagwawakas ng unos ay malapit na

para maisama mo ako sa isa sa mahuhusay talaga dito ay karangalan na sa akin, salamat sir

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Stalker_Eyes
July 18, 2020 (22 days ago)

The update that I've been waiting for so long. Yes! ^^

For sure, magkakaroon na ng intense scenes sa mga susunod na mga chapters. Thanks sa update Sir Van. Good read as always.

P.S. Dan x Angela FTW!

Our LIFE is like a river - it cannot be reversed.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

salamat sir author, talagang nahihirapan lang talaga me makabuo ngayon pero nagsusumikap pa din para mabigyan ko ng wakas ang story ni dan, medyo intense na yung huling unos kasi climax na yun eh

thanks ulit sir sa patuloy na pagbabasa

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Stalker_Eyes
July 18, 2020 (22 days ago)

Kakayain lang yan. I believe in you, sir. ^^

By the way, nakapag-isip rin ako ng dalawang magandang theme songs para kina Dan, Angela at Christine. Para sa kanila ni Dan at Angela, I'd suggest "Always" ng Atlantic Starr. Bagay talaga para sa kanila.

At para naman kina Dan at Christine, their theme song is "I Still Believe in Loving You" ni Sarah G. Hopefully maisama mo yung mga songs nila sa future updates. I really love these songs

Our LIFE is like a river - it cannot be reversed.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

Thanks Sir, pero ang dalawang theme songs na nasa isip ko ay "Lover's Moon at Your Eyes", my own personal choice.

Pero yung songs na pinili mo ay bagay at akma din naman talaga based sa personality nila, hindi ko lang sure kung may chance pa akong magpasok ng kanta since you know, malapit na tayo sa ending.

These are my worlds, and I am the Master.

Like (1)  ·  Report
Stalker_Eyes
July 18, 2020 (22 days ago)

Suggestions ko lang naman yun. But it's still up to you kung maipapasok mo pa yung mga kantang yun. You're the master of your works naman. ^^

Our LIFE is like a river - it cannot be reversed.

Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

kung may chance sir, baka sa pinaka last part na siguro, kung babagay dun sa last  scene na nasa isip ko

These are my worlds, and I am the Master.

Like (1)  ·  Report
KusinerongMarinero
July 18, 2020 (22 days ago)

Thanks for the update sir. More power! Team Angela

Life begins at sea

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

salamat din sir sa patuloy na pagbabasa

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
I
Icarus
July 18, 2020 (22 days ago)

Ang haba ng linggo na ito para sa iyo Dan. Maraming salamat uli sa update Sir. Sulit na sulit

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

Thanks din sir, hahaba pa ang gabing ito para kay Dan, aabuti pa siya ng Linggo , at saka darating ang Lunes na pinakahihintay ni Angela.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
I
Icarus
July 18, 2020 (22 days ago)

Oo Sir, masyadong mahaba ang linggong ito para kay Dan. Dami ng pangyayari, pero kaabang abang talaga. Maraming salamat uli.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

mahaba pa sir gabi, kung kanino mapupunta ngayong gabi si Christine ay malalaman natin sa susunod na kabanata

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
P
palaiyouth
July 18, 2020 (22 days ago)

Salamat sa update Sir,ang ganda ng takbo ng kwento mas lalo pang gumanda!salamat ulit idol kahit may pinagdaanan ka ginawa mo parin na kapanapanabik ang kwento.

#bestlovestory
#respect

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

salamat din, wait lang sa next chapter kung paano magpapatuloy ang mahabang gabing ito.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kiteksmagic36
July 18, 2020 (22 days ago)

Salamat sa magandang update author..

Its gonna be painful for the next chapter..christine.mika.alex.

properties dont matter, but performanced is really much better

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

thanks din sa patuloy na pagbabasa, sa kanila na iikot ang story sa next chapter

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Redcrosx
July 18, 2020 (22 days ago)

Good to see you back master van. Ang pinaka inaabangan na kwento.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

salamat sir, kapag naka-recover, titingnan ko yung angulo ng kwento na gusto mo

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Redcrosx
July 18, 2020 (21 days ago)

Take yoir time, Master van. Alam kong yung kwento na yun ay magiging ka pana-panabik saming mga nag aabang sa kwento mo.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (21 days ago)

sana nga ay maisulat ko ng maganda

These are my worlds, and I am the Master.

Like (0)  ·  Report
D
dartz
July 18, 2020 (22 days ago)

hmm.. malapit na nga ata ito matapos.. still wishing for happy ending.. hahaha.. btw great job po sir Van.. magandang build-up po ito para sa susunod na mangyayari.. 😁

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

Thanks,  malapit n itong matapos talaga, sa next chapter ang pagpapatuloy ng mababang gabing ito.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
AAntonio.V
July 18, 2020 (22 days ago)

thank you author sa new update kahit na may pinag daanan ka ngayon ay hindi mo pa rin itinigil ang paggawa mo nang kwento. salamat at alam ko na malalampasan mo rin ang pagsubok mo ngayon tulad nang mga bida sa mga kwento nang iyong pantasya

A Night Vision Fantasy

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

Thanks, ganun nmn po talaga ang life.  pagkatapos ng unos,  we move on.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
koko1234
July 18, 2020 (22 days ago)

Sulit amg pag aantay ganda talaga kagit gaano katagal basta matapos lang

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

salamat sir, kahit gaano kahirap, pilit nating bibigyan ng katapusan ang story ni Dan.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Rendezvous0828
July 18, 2020 (22 days ago)

Salamat sa napakalupet na update idol van the best ka tlga..... Basta be strong, have faith and may God bless you always 🙏 😇 🙏

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

thank you sir sa patuloy na pagbabasa at suporta, Godbless din sayo. ^^

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
LuckyCJ
July 18, 2020 (22 days ago)

Hayyyy ang buhay nga naman. Salamat sa update idol

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

salamat din ^^

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
Lhezter15
July 18, 2020 (22 days ago)

Ang galing kahit walang sex ang sarap basahin nakakaantig at naiimagine ko kung ano ang mga posibleng mangyari...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

thanks, ang focus na series ay ang "tukso" na nakapalibot kay Dan, may ilang love scenes naman ngunit yun ay para maipakita lamang ang init  na namamagitan kay dan at sa mga babaeng nagmamahal sa kanya

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Tipaklong
July 18, 2020 (22 days ago)

Salamat Idol Van Master ikaw lang binabalik balikan ko dito. Da best ka talaga.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (22 days ago)

Salamat din sir ^^

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
tambakol69
July 18, 2020 (22 days ago)

The long wait is over ..thank you sir till nxt time po another great chapter

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 18, 2020 (21 days ago)

thank you din sir

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
N
nekky619
July 18, 2020 (21 days ago)

Dont push yourself too hard author. Dont forget that you are doing this because its what you love doing. Take your time if you must.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 19, 2020 (21 days ago)

i know and thanks, salamat sa pag-aalala, dont worry, kaya ko pa naman.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
lester57
July 18, 2020 (21 days ago)

Galing talaga ng may akda..lagi q inaabangan ang update.. salamat sa update..nakakaexcite ang ending

Airupthere

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 19, 2020 (21 days ago)

thank you, yes, malapit na tayo sa ending.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Ranniboy
July 19, 2020 (21 days ago)

Thanks for the update sir pagnda Ng pagnda Ang story..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 19, 2020 (21 days ago)

Thanks din.

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
lonereadervc
July 19, 2020 (21 days ago)

lodi, sobra ganda talaga ng story mo, sana lapit n yung next update, excited n ako

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
L
lonereadervc
July 19, 2020 (21 days ago)

sana next update lodi mahaba na, sobrang nakakabitin kasi sobra ganda talaga ng story

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 19, 2020 (21 days ago)

tingnan natin, thanks sa patuloy na pagbabasa

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
delubio
July 19, 2020 (21 days ago)

no sex, pero dami likes, WOW!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
bog_mali69
July 19, 2020 (21 days ago)

otor, sana may kasunod na agad, the best writer k talaga ng love story dito sa FSS

#beststoryteller

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 19, 2020 (21 days ago)

ginagawa ko na ngayon yung chapter 38, sana makabuo ako ng magandang kasunod, keep waiting lang muna

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Rafael3106
July 19, 2020 (20 days ago)

Tagal kung hinintay ang update...  at sa paghihintay na yon ay napakagandang resulta. Maraming salamat author. Malalampasan mo din po ang pagsubok mo sa buhay ngayon.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Van_TheMaster
July 20, 2020 (20 days ago)

thank you sir

These are my worlds, and I am the Master.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
tmas14m
July 20, 2020 (20 days ago)

It seems d2 na lalabas ang pinaka huling conflict, this will surely make angela and dan’s forever moment.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
R
renpoul09
July 25, 2020 (15 days ago)

Napakaganda talaga ng kwento nato salamat sir van sa magagandang chapter ni dan excited nako sa mangyayari sa chapter 38.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Latest Writings
Recent Comments